Share

Chapter 103: P.1

Author: Marifer
last update Last Updated: 2025-09-20 23:07:27

Ngunit pagdating kay Luna, kahit may ngiti siya sa mukha habang nakikisalamuha sa mga bata at laro, iba ang hatid niyang pakiramdam sa mga nakamasid. May halong kalmadong awtoridad at malalim na pag-iingat, na hindi basta-basta ramdam ng iba.

Parang may agwat sa pagitan niya at ng kanyang asawa at anak, kahit na magkasama sila sa parehong espasyo. Ngunit naaalala niya ang huling papupulonf ng mga magulang kung saan kitang-kita ang magandang samahan ng kanyang anak at ng babaeng iyon. Kaya naman, hindi maiiwasang makaramdam siya ng kaunting pagkailang, na tila ba pilit siyang sumusubok na pumasok sa isang relasyon na dati nang maayos at natural na umiiral sa pagitan ng ama at anak.

Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng pagkailang kapag ang sariling anak ay lumalapit sa “pumapasok” sa kanilang pamilya? Naiisip ito, ramdam na ramdam niya ang sakit na tiyak na nararamdaman ni Luna. Ngunit habang tinitingnan siya, hindi niya alam kung paano sya mapapalakas o mapapawi ang lungkot sa puso
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 103: P.1

    Ngunit pagdating kay Luna, kahit may ngiti siya sa mukha habang nakikisalamuha sa mga bata at laro, iba ang hatid niyang pakiramdam sa mga nakamasid. May halong kalmadong awtoridad at malalim na pag-iingat, na hindi basta-basta ramdam ng iba.Parang may agwat sa pagitan niya at ng kanyang asawa at anak, kahit na magkasama sila sa parehong espasyo. Ngunit naaalala niya ang huling papupulonf ng mga magulang kung saan kitang-kita ang magandang samahan ng kanyang anak at ng babaeng iyon. Kaya naman, hindi maiiwasang makaramdam siya ng kaunting pagkailang, na tila ba pilit siyang sumusubok na pumasok sa isang relasyon na dati nang maayos at natural na umiiral sa pagitan ng ama at anak.Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng pagkailang kapag ang sariling anak ay lumalapit sa “pumapasok” sa kanilang pamilya? Naiisip ito, ramdam na ramdam niya ang sakit na tiyak na nararamdaman ni Luna. Ngunit habang tinitingnan siya, hindi niya alam kung paano sya mapapalakas o mapapawi ang lungkot sa puso

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 102: P.2

    Muli siyang tinanong ni Eduardo, mahinhin ngunit may bahagyang pagkamausisa, “Ikaw ba ang pupunta, o ako?”Tumingin si Luna kay Aria, hinayaan ang maliit na kamay na humawak sa kanyang daliri, at mahinang sabi, “Aria, ikaw ang magdesisyon.” aniya.“Dad,” wika ni Aria, may ngiti sa mukha, “hindi marunong mag basketball si Mom, pero mahusay ka, Dad.” anito.Alam ni Luna na kaya rin niyang mag-basket, ngunit pinili niyang manahimik. Dahil desidido na si Aria, mahinang sabi niya, “Ikaw na ang pumunta.”“Okay,” tugon ni Eduardo, kasabay ng bahagyang ngiti.Habang tumitindi ang sikat ng araw, ramdam na ramdam ang init sa paligid. Tinanggal ni Eduardo ang kaniyang mahabang itim na amerikana at iniabot kay Luna: “Pahawakan mo nga ito sandali.” aniya.Tahimik siyang tumingin kay Luna.Hinawakan niya ito at maingat na inilapag sa damuhan sa tabi niya, at muling tumingin kay Eduardo.Itinaas lamang ng huli ang kaniyang kilay, tahimik na nagmamasid, na para bang iniinspeksyon ang bawat kilos ni L

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 102: P.1

    Lumapit si Eduardo, bahagyang nakayuko para makita ang screen ng hawak ni Luna. “Tapos ka na bang mag-video?” tanong niya, may bahid ng kaswal na ngiti sa tinig.Tumango si Luna, maingat na pinindot ang screen. “Oo, tapos na,” sagot niya, saka mabilis na ipinadala ang file sa kanya. Matapos ang larong musical chairs, sinimulan naman ang palaro na tinaguriang Di-Matutumbang Gulong ng Apoy.Sa larong ito, apat na pamilya ang binubuo sa bawat pangkat. Bawat isa’y papasok sa loob ng isang malapad at paikot na sapot na wari’y malaking bilog na gulong. Kasabay ng pag-ikot ng bilog ay marahan nilang igugulong ang kanilang mga katawan pasulong, hanggang marating ang hanggahan ng paligsahan. Ang pamilyang unang makarating sa dulo ang kikilalaning nagwagi.Tumitig si Eduardo kay Luna sa ikalawang pagkakataon.“Ikaw ba ang sasali sa larong ito?” tanong niya.Tumango si Aria at mariing nagsabi,“Si Mommy ang sasama sa akin ngayon.” anito.Hindi tumutol si Luna at marahang ngumiti,“Sige.”Nang m

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 101: P.2

    Sandaling natigilan si Aria, tila hindi mawari ang narinig. Ngumiti si Luna, bagaman may bigat ang tinig:“Maghihiwalay na rin kami.” aniya.Hindi na nasilayan ng ina ni Isabella ang gulat, sapagkat matagal na niyang nahinuha ang totoo. May anak nga si Luna, ngunit madalas niya itong nakikitang mag-isa sa bahay sa tapat nila…Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ang ina ni Isabella ay bahagyang natigilan, wari’y naalala ang nakaraan kung saan hindi si Luna ang humarap sa paaralan, kundi ang isang babaeng maganda’t kaakit-akit, nakabibighani ngunit may ibang anyo ng presensya.Si Eduardo ang unang nagpakita ng galang. Banayad ang kanyang tinig habang nagsabi:“Magandang araw.” Kahit medyo nabigla, napilitang ngumiti ang ina ni Isabella at tumugon:“Magandang araw rin.”Sandaling natahimik ang paligid bago muling nagsalita si Eduardo, nakapako ang tingin sa pagitan nina Luna at ng babae:“Magkakilala ba kayo?”Bahagyang nag-angat ng kilay si Eduardo wari’y sinusukat ang bigat ng kasagutang

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 101: P.1

    Ngunit matapos ang ilang pagkakataong nakasalamuha niya si Luna, napagtanto ni Ricardo na tila hindi siya ganoong uri ng tao.Hindi ganoon kabigat at kalalim ang kaniyang mga balak, ni hindi ganoon kakumplikado ang kaniyang isipan.Pagsapit ng hapunan, matapos ang kasayahan, unti-unti nang dumaong ang yate sa pampang.Makalipas ang maghapong laro at tawanan, tila nagiging magkababata na sina Christian, Kate at Samantha, magaan na ang kanilang ugnayan, puno ng tiwala at kasayahan.Pagdating ng oras ng pamamaalam, wala na ang anumang pagkailang sa magkapatid. Humarap sila kay Ricardo na may magiliw na ngiti at malayang tinawag:“Uncle Ricardo, sa susunod uli ha, magkita tayo!”Ang simpleng bati ay puno ng init at pagtanggap, wari’y unti-unti nang binubuksan ng magkapatid ang kanilang puso para tanggapin siya bilang bahagi ng kanilang mundo.Pagbalik nila sa mansyon ng mga Rong, walang bakas ng panghihinayang sa mukha ni Luna nang siya’y umakyat patungo sa kaniyang silid.Samantala, naiw

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 100: P.2

    Lumapit sina Christian at Kate kay Samantha at magiliw na nagtanong kung nais ba nitong subukan ang makukulay na water slide.Pagkakita ni Samantha sa makislap at makukulay na slide na nagniningning sa hindi kalayuan, agad siyang tumango nang sabik, bakas sa mga mata ang pananabik at kagalakan.Ang water slide na nasa loob ng yate ay may istilong mainit na bukal, kaya’t hindi malamig kahit taglamig.Bagama’t puwedeng maglaro roon ang matatanda at bata, malinaw na higit itong nilikha para sa kasayahan ng kabataan at mga musmos.Mabilis ding nagsawa sina Luna at Ricardo matapos ang ilang ulit na pagdulas sa water slide, kaya’t pinili nilang umahon at magpahinga.Samantala, si Samantha kasama sina Christian at Kate ay waring walang kapaguran, tawa at hiyawan ang umalingawngaw habang paulit-ulit silang dumudulas, wari’y ayaw nilang matapos ang saya.Nang sa wakas ay mapagod, naupo si Luna sa gilid ng mainit na bukal, hinayaang lamunin ng init ng tubig ang lamig at pagod sa kanyang katawan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status