Naisip din ito ni Luna.At higit pa roon, pakiramdam niya'y tila ito ang naging kabayaran ni Eduardo sa hindi niya pagpahintulot na makalipat sa tapat ng bahay ng kaniyang tiyuhin ang kamag-anak ni Regina.Sapagkat sa laki ng pagtingin niya kay Regina, paano niya makakayang hayaang mahirapan ito alang-alang lamang sa pagtulong sa kanya?"Kung sadyang inililihim lang niya ang tunay niyang galing, hindi ba’t isa itong tahasang banta sa atin?" muling usal ni Jeriko.Bagaman si Mateo Lim ay kilalang malamig at matigas magsalita, alam nilang may tiwala at malasakit ito sa kanila bilang kanyang mga disipulo, kaya’t lalong hindi matanggap ni Jeriko na posibleng may ibang kukubkob sa lugar na matagal na nilang pinaghirapan.Sapagkat kahit istrikto si Mateo Lim sa kanila, sa katunayan, isa siyang taong may malamig na anyo ngunit may pusong malambot.Ngunit higit sa lahat, siya rin ay isang taong matuwid at matatag sa kaniyang mga prinsipyo.Kung tunay ngang sapat ang kakayahan at talino ni Reg
Ibinaba ni Luna ang kanyang telepono, saka dahan-dahang bumaba ng hagdan. Sa kanyang pagkakasalubong sa matandang ginang, mahinahon niyang sinabi,"May nakaayos na raw pong hapunan si Eduardo, kaya hindi na raw siya makakauwi ngayong gabi."Napabuntong-hininga ang matanda, ngunit hindi na nagsalita pa.At nang dumaan ang gabi, totoo ngang hindi umuwi si Eduardo.Paggising ni Luna kinabukasan, nadatnan niyang medyo masama ang loob ng matandang ginang.Nang malaman nitong hindi umuwi si Eduardo kagabi, agad itong nagreklamo,"Aba'y si Eduardo talaga! gaano man kaabala sa trabaho, wala man lang panahon para umuwi? Anong klaseng anak 'yan?" matigas nitong usal.Ramdam sa tinig nito ang pagkadismaya, bagaman pilit nitong itinatago sa anyo ng pagtatalak.Ngumiti lamang si Luna at hindi na nagsalita pa.Sa kabila ng paliwanag ni Eduardo tungkol sa pagiging abala, batid niyang may panahon itong makauwi kung gugustuhin.Sapagkat sa huli, kahit sino pa, kailangan ding magpahinga.Naalala ni Lun
Bagamat matagal nang itinayo ang lugar ng mga villa, maayos pa rin ang kapaligiran nito, at dahil nasa kabisera, ang presyo ng mga bahay roon ay isa sa pinakamataas sa buong bansa. Ang ganitong uri ng villa ay hindi mabibili nang hindi bababa sa dalawa o tatlong daang milyon.Ang ganitong halaga ng salapi ay hindi niya kayang ilabas sa ngayon.Kadarating lamang ni Eduardo, at habang lumuluwag ng kurbata sa leeg, tila natuwa sa narinig niyang sinabi ni Luna. Bahagyang tumaas ang kaniyang kilay at malamig na tugon, "Ibig mong bayaran ako?" aniya."Oo, bakit hindi!" ani Luna."Hindi na kailangan." Malamig ngunit mariing sagot ng lalaki habang inilapag ang kanyang kurbata."Kaya ko pa naman ang ganitong kaliit na halaga." dagdag pa nito.Pagkasabi nito, inalis niya ang suot na relo, marahang inilapag, at tahimik na pumasok sa banyo.Napatitig si Luna sa papalayong likuran nito, sandaling natigilan, at hindi na rin nagpumilit pa.Sa kabuuan ng kanilang pagsasama, iniiwasan niyang humingi n
Nang makarating sila sa tahanan, gising pa rin ang matandang ginang.Nang makita niyang si Luna ay tunay ngang inihatid ni Eduardo, tahimik siyang tumango, saka bumalik sa sariling silid na may kapanatagan sa puso.Pag-akyat niya sa itaas, agad namang tinawagan si Luna ang kanyang tiyuhin na si Federico upang ipabatid ang naging takbo ng usapan.Matapos ang tawag, muling tumunog ang cellphone ni Luna, si Jeriko naman ang nasa kabilang linya.Makalipas ang kalahating oras, nang matapos ni Luna ang pakikipag-usap at bumalik sa silid, nadatnan niyang tapos na sa paliligo si Eduardo at kasalukuyang nakasandal sa ulunan ng kama, tahimik na nagbabasa ng aklat.Ibinalik ni Luna ang kaniyang tingin, saka tumungo sa banyo upang maligo at asikasuhin ang kaniyang balat.Pagtapos ng lahat, hatinggabi na. Saglit siyang tumingin kay Eduardo, tahimik pa rin itong nagbabasa, tila ba walang nagbago sa pagitan nila.Noon, nang palaging malamig ang pakikitungo sa kaniya ni Eduardo, tila nasanay na rin s
Ito ang unang pagkakataong nasilayan ni Lucina ang ganitong tagpo.Sa alaala ng pagkalinga ni Eduardo kay Regina, tumingin siya kay Luna na may dagdag na yabang at pagmamataas sa mga mata.Gayunman, dahil naroroon si Eduardo, hindi naging padalos-dalos si Lucina sa kilos ni salita.Lumapit si Regina, ngunit ang pinuntahan niya ay si Jeriko, at hindi si Luna.Ngumiti si Regina at malumanay na nagsabi, "Mr. Galang, kay gandang pagkakataon at nagtagpo tayong muli." aniya.Ngunit si Jeriko ay ngumiting malamig at may halong pag-iwas, "Oo nga, tunay na nakapagtataka ang ganitong pagkakataon."Ngiti pa rin ang nasa labi ni Regina habang mahinahong nagsabi, "Matagal ko nang balak imbitahan si Mr. Galang sa isang salu-salo, ngunit abala ako nitong mga nakaraang araw at hindi nakahanap ng pagkakataon."Ngunit ang tugon ni Jeriko ay may halong pag-iwas at magalang na paglayo, "Huwag na po kayong magpakumbaba, Binibining Saison. Batid kong kayo’y isang taong lubhang abala sa maraming bagay." mul
Hindi matiyak kung gaano katagal ang lumipas bago nakarating si Aria sa paaralan.Tahimik na bumaba ng sasakyan si Luna upang ihatid siya, habang si Eduardo ay nanatiling nakaupo sa loob, walang anumang kilos.Si Aria ay napatingin sa kanyang ama: "Dad...""May aasikasuhin pa ako." maikling tugon ni Eduardo sa anak."Hays! Okay." sagot lamang ni Aria.Batid ni Luna na noon, tuwing ihahatid nina Eduardo at Regina si Aria sa paaralan, sabay silang bumababa ng sasakyan at isinasamahan ang bata hanggang sa guro.Ngayon, siya na ang nasa gampaning iyon.Hindi niya alam kung totoong may mahalagang lakad ba si Eduardo o sadyang ayaw lang nitong makitang magkasama sila sa harap ng iba.Sa isip na ito, hindi na niya pinilit pa. Tinapunan niya ng tingin si Eduardo na nasa loob pa rin ng sasakyan at mahinahong sinabi,"Mauna ka na. Magta-taxi na lang ako papuntang kompanya mamaya." ani Luna.Pagkarinig ni Eduardo, agad siyang nagsalita, "Madadaanan naman," anito.Ayaw na talagang sumabay ni Luna