Share

Chapter 28: P.2

Author: Marifer
last update Last Updated: 2025-05-27 20:02:52

Nang paalis na si Aria, naghanda ang matandang ginang ng maraming paborito niyang pagkain bilang pasalubong.

Ngunit mahinahong itinulak ni Luna pabalik ang mga dala ng matanda at maayos na sinabi, "Itabi n’yo na lang po para sa mga anak ni Uncle. Mas magugustuhan nila ’yan." ani Luna.

Pagkaalis ni Aria, agad na nakipag-ugnayan si Luna sa tagapamahala ng bahay ng mga Monteverde at hiniling na sunduin na lang ang bata. Hindi na rin siya sumama para ihatid ito nang personal.

Napatingin ang matandang ginang at bahagyang nagtaka, pero hindi na rin niya masyadong pinag-isipan pa.

Malamang ay nag-enjoy nang husto si Aria kasama sina Lin Wu, dahil mula sabado hanggang Linggo ay hindi man lang siya nakipag-ugnayan kay Luna.

Pagsapit ng Lunes, pumasok si Luna sa Annex tulad ng nakasanayan.

Malapit nang matapos ang oras ng trabaho nang tumawag si Eleanor at nagsabing gusto niyang ilibre si Luna ng hapunan.

Habang papatapos na ang kanilang pagkain, nagpaalam si Luna at nagtungo sa banyo.

Pagkalab
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Martinez Mengay
Ang tagal nang storya Ang Daming paligoy ligoy hnd ko alam kung ano Ang tinatakbo nang storya sana Naman medyo haluan nang kilig Yung bidang babae at lalake
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 29: P.2

    Pagkalayo ng kaunting grupo nina Ernesto, lumingon si Eleanor kay Luna, may bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha at mga mata. "Luna..." anito.Umiling lamang si Luna at mahinahong sinabi, "Ayos lang ako." aniya.Mula pa noong iniwan ni Ernesto ang kanyang ina, tuluyan na itong nabura sa puso ni Luna bilang isang ama.Ang pagkakagulo sa kanilang relasyon ang siyang nagpapabigat sa kanyang kalooban lalo na't nadadamay pa ang kanyang tiyo sa mga suliraning dapat sana'y hindi na umaabot sa kanila.At higit pa sa lahat, ang malinaw na pagkiling ni Eduardo kay Regina ang siyang lalong nagpapasama ng kanyang loob.Habang iniisip na si Eduardo ay nagmamalasakit lamang kay Regina na handang saktan si Jeriko at pati na rin ang kanyang tiyuhin alang-alang dito, at ni minsan ay hindi inisip ang damdamin niya parang tinutusok ng matalim na kutsilyo ang puso ni Luna nang mga sandaling iyon."Luna..." Buong pag-aalalang niyakap siya ni Eleanor.Pilit na ngumiti si Luna, at hindi na nagsalita pa. Par

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 29: P.1

    "Ernesto, anong nangyayari?" boses ng isang babae.Sa sandaling iyon, pumasok sina Lucina at Isidora.Agad na napansin ni Lucina si Luna. Isang mapagkunwaring ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang palapit."Uy, hindi ba si Luna ito? Ang tagal na simula noong huli tayong nagkita. Lalo kang gumanda ngayon." masiglang wika ni Lucinda. Ang boses niya'y malambing ngunit may bahid ng panlalait na hindi kayang itago sa likod ng huwad na kabaitan."Mom..." Hindi maitago ni Isidora ang pagkainis nang marinig ang papuri ng kanyang ina para kay Luna.Alam niya sa sarili niya, at matagal na niyang alam na maganda talaga si Luna. Mula pagkabata, hindi maikakaila ang natural nitong ganda, ang presensyang kahit tahimik ay nangingibabaw.At iyon mismo ang dahilan ng hindi niya pagsaya tuwing naririnig ang mga ganoong salita.Hindi niya inaasahan, matapos ang ilang taong hindi pagkikita, talaga namang mas lalo pang gumanda si Luna.Habang pinagmamasdan si Luna, ang maputi at makinis nitong balat,

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 28: P.2

    Nang paalis na si Aria, naghanda ang matandang ginang ng maraming paborito niyang pagkain bilang pasalubong.Ngunit mahinahong itinulak ni Luna pabalik ang mga dala ng matanda at maayos na sinabi, "Itabi n’yo na lang po para sa mga anak ni Uncle. Mas magugustuhan nila ’yan." ani Luna.Pagkaalis ni Aria, agad na nakipag-ugnayan si Luna sa tagapamahala ng bahay ng mga Monteverde at hiniling na sunduin na lang ang bata. Hindi na rin siya sumama para ihatid ito nang personal.Napatingin ang matandang ginang at bahagyang nagtaka, pero hindi na rin niya masyadong pinag-isipan pa.Malamang ay nag-enjoy nang husto si Aria kasama sina Lin Wu, dahil mula sabado hanggang Linggo ay hindi man lang siya nakipag-ugnayan kay Luna.Pagsapit ng Lunes, pumasok si Luna sa Annex tulad ng nakasanayan.Malapit nang matapos ang oras ng trabaho nang tumawag si Eleanor at nagsabing gusto niyang ilibre si Luna ng hapunan.Habang papatapos na ang kanilang pagkain, nagpaalam si Luna at nagtungo sa banyo.Pagkalab

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 28: P.1

    Pagpatak ng alas-sais ng gabi at malapit nang mag-uwian, biglang tumunog ang cellphone ni Luna. Nang makita ang pangalan ni Aria sa screen, agad niya itong sinagot."Mom, kailan ka uuwi? Gutom na gutom na ako," reklamo ng bata sa kabilang linya, halatang namimiss ang presensya ng ina.Napatingin si Luna sa orasan bago nakasagot, "Hindi mo ba pinakiusapan si Manang na magluto para sa'yo?" mahinahon niyang tanong rito."Pero gusto ko 'yung sweet and sour spareribs na ikaw ang nagluto," muling reklamo ni Aria, may halong hiling sa boses. Hindi pa rin niya nakakain ang mga ulam na ipinahanda niya noong nakaraan, kaya mas lalo itong nananabik ngayon.Saglit na natahimik si Luna. Sa totoo lang, wala talaga siyang balak na umuwi.Pinisil ni Luna ang pagitan ng kanyang mga kilay, dahil sa pagod na pagod sa buong araw na trabaho. Hindi pa man siya nakahanap ng tamang isasagot, muling nagsalita si Aria sa kabilang linya, may bahid ng paglalambing ang boses: "Si Daddy nasa business trip, ang bo

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 27: P.2

    Pagpasok pa lamang nila sa isang publikong silid, naroon na sina Regina at Aria, tila parang matagal ng naghihintay.Napansin agad ni Regina ang ngiti sa labi ni Apollo at hindi napigilang magtanong, "Bakit parang ang saya mo? May nakakatawa bang nangyari kanina?"Bahagyang tumawa si Apollo, sabay upo, "Wala naman. May nakasalubong lang akong taong... nakakatuwang pagmasdan." aniya.Nang matapos ang hapunan. Si Eduardo at Aria ay umuwi na rin. Pagkababa palang ng sasakyan, agad na tumakbo si Aria, hindi maitago ang tuwa sa mukha habang sumisigaw, na para bang may nais ipahatid na magandang balita."Mom, mom..." masayang boses na puno ng pananabik.Nang marinig ng mayordoma ang ingay ng bata sa labas mula sa kusina, hawak pa niya ang basahan sa kamay. "Hindi pa umuwi si madam." malumanay na usal nito."Ha?" napakunot noo si Aria, bakas ang pagkadismaya sa boses. "Bakit si mommy laging sobrang busy nitong mga nakaraang araw." aniya, habang nagrereklamo at paakyat ng hagdan.Nakita ng ma

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 27: P.1

    Si Luna nga ay umalis, pero malaki ang posibilidad na pansamantala lang ito. Tinatayang babalik rin siya sa kumpanya sa mga susunod na araw.Samantala si Troy ay maingat na nagtanong, "Eh 'yung kape po...""Kunin mo nalang 'yan, at painumin mo nalang ako ng maligamgam na tubig." tugon ni Eduardo.Maayos namang tumango ang sekretaryang si Troy, "Opo."Sa kabilang banda.Tanghali na nang lumabas si Jeriko para sa isang sosyal na pagtitipon.Samantala, mag-isa namang kumakain si Luna sa kantina ng kumpanya.Nang makita siya ng mga kasamahan sa parehong departamento, magalang ang kanilang pakikitungo, ngunit halatang may distansya.Ngunit hindi iyon pinansin ni Luna. Pagkatapos ng kanyang pananghalian, nagpatuloy siya sa pagtatrabaho sa kanyang gawain.Bandang alas-singko na ng hapon, lumapit siya kay Manuel Quezon at mahinahon niyang sinabi, "Halos tapos na ako, maaari mo ba itong silipin?" aniya."Ano?" laking gulat ni Manuel.Hindi agad naka-react si Manuel. Tiningnan niya ang ipinasa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status