Share

Chapter 42: P.1

Author: Marifer
last update Last Updated: 2025-06-19 18:37:22

Tumango si Luna bilang pagsang-ayon.

Pagkatapos, hiniling muli ni Aria na siya na rin ang maghatid sa kanya sa paaralan kinabukasan.

Pumayag naman si Luna nang walang pag-aatubili.

Mula nang mangyari ang insidente sa hot spring villa, sampung araw na ang lumipas na hindi sila nagkikita nang maayos ni Aria.

Kaya naman nang gabing iyon, nagpasya siyang manatili sa villa. Ngunit hindi na siya bumalik pa sa silid na dati niyang kuwarto.

Naisipan ni Luna na doon na lamang matulog sa kwarto ng kanyang anak.

Noong huling beses na magkasama silang natulog, may sakit pa ang bata kaya siya mismo ang nagyaya noon.

Ngunit ngayon, wala namang sakit si Aria at sa pagkakataong ito, ay hindi man lang siya inanyayahang tumabi sa higaan nito. Pero sa kabila niyon, pinili pa rin ni Luna na manatili.

Nang mapansin ni Aria na si Luna ay naliligo sa kanyang kwarto at tila doon na rin matutulog, isang tanong ang hindi niya maiwasang isipin.

Bakit hindi bumalik si Mommy sa kwarto nila ni Daddy?

Tahimik lang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 42: P.2

    Taranta pa rin si Ricardo, at agad na lumapit kay Luna upang kunin ang batang babae mula sa mga bisig niya.Nang makalapit siya, doon lamang napansin ni Ricardo na basang-basa na ang bata.Saglit siyang natigilan at tumingin kay Luna: "Ito ay..."Hindi inakala ni Luna na pamangkin pala nito ang batang babae.Agad na ipinaliwanag ni Luna ang nangyari, "Nahulog kasi siya sa pool, kaya agad ko siyang binuhat nang makita ko.""Naku! Mabuti at ikaw ang nakakita. Salamat." hingal na sagot ni Ricardo."Walang anuman," sagot ni Luna."Mas mabuti pang bihisan mo na siya agad para hindi siya sipunin." dagdag niya pa rito.Tumango si Ricardo, saglit na tiningnan si Luna na tila may nais sabihin, ngunit niyakap siya ng kanyang pamangkin at patuloy sa pag-iyak, halatang natakot ito. Kaya't hindi na siya nagsalita pa, bagkus ay marahang pinatahan ang bata, muling tumango kay Luna bilang pasasalamat, at saka tumalikod papasok ng elevator habang karga ito.Nang masigurong ayos na ang bata at wala na

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 42: P.1

    Tumango si Luna bilang pagsang-ayon.Pagkatapos, hiniling muli ni Aria na siya na rin ang maghatid sa kanya sa paaralan kinabukasan.Pumayag naman si Luna nang walang pag-aatubili.Mula nang mangyari ang insidente sa hot spring villa, sampung araw na ang lumipas na hindi sila nagkikita nang maayos ni Aria.Kaya naman nang gabing iyon, nagpasya siyang manatili sa villa. Ngunit hindi na siya bumalik pa sa silid na dati niyang kuwarto.Naisipan ni Luna na doon na lamang matulog sa kwarto ng kanyang anak.Noong huling beses na magkasama silang natulog, may sakit pa ang bata kaya siya mismo ang nagyaya noon.Ngunit ngayon, wala namang sakit si Aria at sa pagkakataong ito, ay hindi man lang siya inanyayahang tumabi sa higaan nito. Pero sa kabila niyon, pinili pa rin ni Luna na manatili.Nang mapansin ni Aria na si Luna ay naliligo sa kanyang kwarto at tila doon na rin matutulog, isang tanong ang hindi niya maiwasang isipin.Bakit hindi bumalik si Mommy sa kwarto nila ni Daddy?Tahimik lang

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 41: P.2

    Simula nang magka pilay ang paa ni Luna, araw-araw na siyang tinatawagan ni Aria. At nang malaman nitong magaling na ang sugat ng kanyang ina, tinanong siya nito kahapon kung kailan siya uuwi.Dahil sa sobrang abala rin ni Luna sa trabaho nitong mga nakaraang araw kaya hindi siya pumayag na umuwi kagabi para samahan si Aria.Ngayon, nang marinig niya ang tanong ng anak, mahinahon niyang sinabi, "Kakatapos lang ni Mommy sa trabaho. Uuwi rin ang mommy." aniya.Pagkababa ng tawag, dumating na rin ang elevator sa pinakailalim na palapag.Nag-usisa si Direktor Romano, medyo nagulat, "May anak na pala si Miss Santiago?"Tumango naman si Luna, "Oo. Bakit?"Napakamot si Romano at parang napilitang napangiti, "Hindi ko talaga aakalain..." anito.Ang inakala kasi nila, magkasintahan si Luna at Jeriko. Hindi maitatanggi dahil maayos rin ang samahan ng dalawa, madalas silang magkasama, at si Jeriko ay talaga namang maasikaso pagdating kay Luna. Nagulat din si Mr, Zeus. Sa itsura pa naman ni Luna

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 41: P.1

    Iba talaga ang trato ni Eduardo kay Regina sa napakaraming paraan na ayaw na halos isa-isahin pa ni Luna.Tahimik niyang kinuha ang baso ng tubig at uminom ng kaunti. Sa mga sandaling iyon, napansin niyang may isang tao na nakatayo sa labas ng salaming pintuan.Bahagya siyang tumingala, at doo'y nakita niya si Eduardo. Nakita rin siya ni Eduardo, pero halatang hindi sa kanya nakatuon ang atensyon nito.Nilingon ni Luna si Regina na nasa kanyang likod, magaan ang ngiti nito habang nakatingin sa may pintuan. Malinaw na si Eduardo ang binabati niya.Pagkatapos, sinabi ni Regina kay Mr. Zeus "Mmm, mauna na ako."Doon lang napansin nina Mr. Zeus at Direktor Romano na dumating na pala si Eduardo.Malapit nang magtanghali, kaya malinaw na bumaba si Eduardo para sunduin si Regina para sa pananghalian.Akmang tatayo na sana sila Romano para sa pagbati nito, ngunit agad na nagsalita si Eduardo: "Huwag na kayong mag-abala pa, ipagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo." aniya.Maayos namang tumang

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 40: P.2

    "Ayun lang naman, ilang beses ko pa lang siya nakakasama," sagot ni Direktor Romano."Alam n'yo naman, mahal na mahal ni Boss Eduardo si Miss Regina, kaya ilang beses na rin niya itong isinama sa kumpanya." dagdag pa nito.Kung iisipin, kahit matagal nang kasal si Luna kay Eduardo at may kaalaman siya sa mga kumpanyang itinayo nito, ni minsan ay hindi pa siya nakatuntong sa alinman sa mga ito.Dahil ayaw siyang payagan ni Eduardo. Pero sa mga bagay na ipinagbabawal niya kay Luna, hindi naman niya kailanman ipinagkait iyon kay Regina.Habang hindi nakatingin si Romano, ibinaba ni Jeriko ang boses at marahang sinabi kay Luna."Pagkatapos ng kaguluhan noong charity dinner at ng technology exhibition noong nakaraang linggo, mukhang nakapag-ipon na ng maraming koneksyon ang pamilyang Saison dito sa kabisera. Balita nga, ilang proyekto na raw ang nakuha nila nitong mga nakaraang araw." Kapag natapos ang mga proyekto, siguradong makakapanatili na sa kabisera ang pamilyang Saison.Ang tagump

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 40: P.1

    Nang marinig ni Luna ang sinabi ni Aria, ay bigla siyang natauhan.Kagabi, nang siya’y mabuwal, ni hindi man lang siya inalalayan nito. Nasaktan siya, ngunit para bang wala lang itong kinalaman sa kanya.Ginawa niya iyon hindi lang dahil wala talaga siyang pakialam kay Luna, kundi marahil ay takot din siyang magkaroon ng maling akala si Regina.Sa puso niya, si Regina ang may pinakamahalagang lugar, ang damdamin at iniisip nito ang inuuna niyang isaalang-alang, hindi ba?Kung hindi talaga si Regina ang pinakamahalaga sa kanya, bakit ganoon ang naging reaksyon niya kahapon nang makita niya si Luna na nadapa at nasaktan? Ni hindi man lang siya lumapit para tumulong o magtanong kung ayos lang ito.Sa sandaling iyon, ramdam ni Luna ang bigat sa dibdib. Malinaw sa kanya hindi lang dahil wala na siyang halaga sa puso ni Eduardo, kundi dahil mas iniingatan nito ang damdamin ni Regina, kaysa sa kanya.Habang iniisip ito, unti-unting nanlamig ang kanyang mukha. Nakahanda na sana siyang tumangg

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status