Share

Chapter 63: P.1

Author: Marifer
last update Last Updated: 2025-06-30 09:18:46

Ngumiti si Eduardo, kalmado at punong-puno ng kumpiyansa:

"Ayos lang. Hindi ba't gusto ito ni lola mo? Ituloy mo." kalmadong tugon ni Eduardo.

Sa narinig, parang lumambot ang puso ni Regina ang simpleng ngiti ni Eduardo ay sapat na upang damhin niyang mahalaga siya.

May matamis na saya sa kanyang dibdib habang muli niyang itinaas ang sign:

"Animnapung milyon."

Ngunit halos hindi pa natatapos ang kanyang salita, agad na sumunod si Enrico hindi nagpapigil, hindi nagpapatalo:

"Pitumpung milyon."

Muling humugong ang bulwagan. Ang tensyon ay lalo pang tumindi. Hindi na ito simpleng bidding, isa na itong labanan ng prestihiyo at damdamin.

Pagkatapos ng kanyang bid, malakas na sinabi ni Enrico, "Mr. Eduardo, mahilig ang mga nakatatanda sa pamilya namin sa ganitong bagay. Pagbigyan mo na, pahiram naman ng kaunting respeto."

Tahimik na lumingon si Eduardo, at may magaan ngunit matatag na ngiti sa labi nang sumagot: "Pasensiya na, Mr. Muad. May matatanda rin akong gusto ito."

Maayos ang tono, m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 65

    "Putangina!"Biglang uminit ang ulo ni Eleanor, at para bang gusto na niyang lapitan si Regina at punitin ito sa galit!"Anak lang naman siya ng kabit, tapos siya rin ay isang kabit! ano bang ipinagmamalaki niya? Pa-heartthrob pa? Sa totoo lang, isa lang siyang basura, kadiri!" singhal ni Eleanor halos hindi na mapigilan ang galit.Binu­husan ni Luna si Eleanor ng isa pang baso ng tubig at mahinahong nagtanong, "Anong heartthrob?""Si Regina!" iritang sagot ni Eleanor."Gaya nga ng sinabi nung kaibigan ni Enrico na si Drake, Montaño, ewan ko ba kung bakit lahat ng mga anak-mayamang may utak sa lipunang ginagalawan ay parang nahuhumaling sa kanya. Ngayon, ang tawag pa sa kanya, charmer daw, yung tipo raw na kinahuhumalingan ng lahat!" anito.Patuloy pa rin sa pagbulong si Eleanor, puno ng inis: "Pero sige na nga, maiintindihan ko pa kung yung mga gago lang ang nagsasabing gano’n… pero pati si Eduardo at Enrico..."Sandaling natahimik si Eleanor nang mapagtanto niyang baka nasaktan si L

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 64: P.2

    Tumagilid si Eduardo at humarap kay Luna at doon nagtama ang kanilang mga mata.Saglit na natigilan si Luna, pero siya ang unang umiwas ng tingin.Agad namang ibinalik ni Eduardo ang pansin sa taong lumapit upang bumati at nagpatuloy sa pakikipag-usap, waring walang nangyari.Nang makita ni Regina na nanatiling malamig ang pakikitungo ni Eduardo kay Luna, dahan-dahan siyang napangiti, isang ngiting may halong kumpiyansa at pagtatagumpay.Pagkalipas ng higit sampung minutong pakikipag-usap sa mga tao, naramdaman ni Eleanor ang panunuyo ng kanyang lalamunan."Uhaw na ako," mahinang sabi niya kay Luna. "Hanap muna tayo ng maiinom."Habang papunta sina Luna at Eleanor sa lugar ng inumin, upang uminom at magpahinga bago umalis, kapwa nila napansin na kakaunti na lamang ang tao roon.Nakatakda sanang magsalita si Eleanor nang biglang may narinig silang usapan mula sa kanilang tagiliran sa hindi kalayuan, ngunit sapat para marinig ng malinaw.Ang tono ng usapan ay magaan ngunit may halong ts

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 64: P.1

    Sabi muli ni Eleanor, habang nakakunot ang noo: "Sa puntong ‘to, ang pwede na lang nating dasalin ay sana ‘wag nang tumaya si Regina doon sa emerald jewelry."Tango lang ang naisagot ni Luna. Tama nga ang kaibigan niya, iyon na lang ang natitirang pag-asa niya.Pero... Posible pa kaya?Ang panimulang presyo ng emerald jewelry ay sampung milyon.May agad na nag-bid ng labinlimangmilyon.Sumunod si Luna kalmado pero diretso:"Labing-walong milyon."May tumapat agad:"Dalawampung milyon."At kasunod nito:"Dalawampu't limang milyon."Mabilis ang sagutan. At sa bawat taas ng presyo, lalo lamang lumiliit ang pag-asang makuha ito ni Luna.Nang hindi agad tumaya si Regina, nakahinga ng maluwag sina Luna at Eleanor. Akala nila, ligtas na.Pero pag-aangat pa lang ng kamay ni Luna para sa susunod na bid, biglang tinaas muli ni Regina ang placard."Limampung milyon."Nagulat ang buong tao. Tahimik si Regina kalmado lang na ibinaba ang kamay, na para bang walang halaga ang halagang binanggit niya

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 63: P.2

    Samantala si Luna, tahimik lang sa kanyang kina-uupuan. Pero ang dibdib niya, unti-unting lumulubog.Sa totoo lang, hanggang tatlongpung milyon lang talaga ang kaya ni Luna ngayong gabi, at iyon na ang pinakakakayanin niya.Alam niyang hindi siya tulad nina Eduardo at Regina na tila walang limitasyon ang pera. Mahina rin ang takbo ng negosyo ng pamilya Santos sa kasalukuyan.Walang sapat na ekstrang pera para magwaldas, lalo na sa mga bidding na ganito.Pero ngayon…Si Enrico ay muling nagtaas ng placard, at buong kumpiyansang sinabi: "Dalawampu’t walong milyon."Lalong sumikip ang dibdib ni Luna. Nasa bingit na siya ng kanyang limitasyon. Isang hakbang na lang at maaabot na ang tatlongpung milyon na kaya lang niyang itaya.Si Luna ay muling huminga nang malalim, at sa kabila ng bigat sa dibdib, matatag niyang itinaas ang placard."Tatlongpung milyon." Ang tinig niya’y malinaw, banayad, at may kakaibang hinahon malamig pero magaan sa pandinig, na para bang walang alinlangang lumalaban

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 63: P.1

    Ngumiti si Eduardo, kalmado at punong-puno ng kumpiyansa:"Ayos lang. Hindi ba't gusto ito ni lola mo? Ituloy mo." kalmadong tugon ni Eduardo.Sa narinig, parang lumambot ang puso ni Regina ang simpleng ngiti ni Eduardo ay sapat na upang damhin niyang mahalaga siya.May matamis na saya sa kanyang dibdib habang muli niyang itinaas ang sign:"Animnapung milyon."Ngunit halos hindi pa natatapos ang kanyang salita, agad na sumunod si Enrico hindi nagpapigil, hindi nagpapatalo:"Pitumpung milyon."Muling humugong ang bulwagan. Ang tensyon ay lalo pang tumindi. Hindi na ito simpleng bidding, isa na itong labanan ng prestihiyo at damdamin.Pagkatapos ng kanyang bid, malakas na sinabi ni Enrico, "Mr. Eduardo, mahilig ang mga nakatatanda sa pamilya namin sa ganitong bagay. Pagbigyan mo na, pahiram naman ng kaunting respeto."Tahimik na lumingon si Eduardo, at may magaan ngunit matatag na ngiti sa labi nang sumagot: "Pasensiya na, Mr. Muad. May matatanda rin akong gusto ito."Maayos ang tono, m

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 62: P.2

    Malinaw ang layunin ni Luna, kung hindi niya gusto ang isang item, hindi siya magtaataas ng kamay.Sa ngayon, hindi pa rin nagtaas ng kamay sina Regina at Eduardo. Tahimik lamang silang nanonood.Makalipas ang ilang round ng subasta, napansin nina Luna at Eleanor na nagsimulang magtaas ng kamay si Regina.Ang tinatayaan niya: isang diamond bracelet, makislap, elegante, at halatang mamahalin.Ang bracelet ay gawa ng isang kilalang banyagang alahasero. Sa disenyo nito, moderno, elegante, at may malambot na detalye, malinaw na para sa mga kabataang babae ito iniukit.Walang duda, ang bracelet na ito ay para kay Regina. Si Eduardo ang tumaya para sa kanya.Ang panimulang presyo ay kalahating milyon.Itinaas ni Regina ang kanyang kamay at agad na pinalundag ang presyo sa tatlong milyon.Makalipas ang ilang sandali, may isa pang tumaya, mas mataas pa, at itinaas ang presyo sa apat na milyon.Napansin ni Luna na nag-usap sandali sina Regina at Eduardo, bahagyang yumuko si Regina palapit sa k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status