Share

Chapter 257

Author: Azrael
last update Last Updated: 2025-02-25 15:22:08

Naroon ang isang malamig na katahimikan nang magtama ang tingin nina Alec at Don Hugo. “Ako ang ama niya. Ibig sabihin, ako ang magpapasya sa apelyido niya. Gusto mong makita siya? Ayan, nakita mo na. Pero kailangan na niyang pumasok sa kindergarten.”

Pagkasabi niyon, tumingin siya kay Anri. “Anri, tara na. Malelate ka na sa klase mo.”

Naningkit ang mga mata ni Anri, halatang nag-aatubili. Kanina lang ay siniraan niya ang mama niya—bakit siya sasama rito ngayon?

Napakuyom ang kamao ni Alec. “Hindi ba nag-apologize na ako? Ano pa bang gusto mo?”

Hindi siya sinagot ni Anri at nanatiling nakabusangot. Alam niyang totoo ang sinabi nito—humingi nga ito ng tawad. Pero hindi iyon sapat para maalis ang inis niya.

Ayaw pa rin niyang sumama rito, pero wala siyang magagawa.

Buong biyahe papuntang paaralan, hindi siya nakipag-usap kay Alec.

Pagdating nila sa kindergarten, akma na sanang ihahatid siya ni Alec sa loob nang bigla siyang kumaripas ng takbo papasok ng gusali.

Pero sa isang iglap, humi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 674

    Napabuntong-hininga si Greg. “Siyamnapu’t siyam na porsyento, tama ka.”Napakunot ang noo ng anim na taong gulang na bata. “Ano’ng ibig sabihin nun? Uncle Greg, si matandang yon ba talaga ang tatay ng mommy ko?”Nag-alinlangan si Greg, ngunit kalaunan ay tumango. “Oo.”At bago pa man tuluyang lumabas ang salita sa kanyang bibig, nakita na niya ang pagbalong ng luha sa mga mata ni Anri.Kanina lamang, parang isang munting mandirigma ang bata—may planong ipagtanggol ang kanyang ina at sabitan ng bakal na kawit ang ilong ng matandang yon. Ngunit ngayon, tila gumuho siya at napahagulhol.“Anong nangyari, munting prinsesa?” kabadong tanong ni Greg, halos punitin ng awa ang kanyang dibdib.Humikbi si Anri nang buong pait. “Bakit, Uncle Greg? Bakit ganito? Hindi ba’t dapat mahalin ng isang ama ang kanyang anak na babae—gaya ng pagmamahal sa akin ng daddy ko? Eh bakit hindi mahal ng tatay ng mommy ko ang mommy ko? Bakit mas mahal pa niya ang kaaway ni Mommy? Bakit? Kawawa naman si Mommy… ang

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 673

    “Kalokohan ang pinagsasasabi mo!” sigaw ni Cassandra sabay tayo mula sa upuan, itinuturo si Irina ng daliri, galit na galit ang mukha.Si Nicholas nama’y mas grabe pa—itinutok ang kamay nang halos tamaan na ang mukha ni Irina. “Walang-hiya! Wala ka talagang hiya!”Swish!Walang nakapansin kung kailan lumitaw, ngunit bigla na lamang kumislap ang isang maliit na punyal sa kamay ni Alec—di lalagpas sa apat o limang sentimetro ang haba, ngunit matalim na matalim. Kumislap ito ng malamig na liwanag, ngunit wala man lang bahid ng dugo.Isang iglap lang, nalaglag sa sahig ang daliring itinuro ni Nicholas kay Irina.Napakabilis ng galaw ni Alec—sadyang napakabilis na hindi man lang agad namalayan ni Nicholas ang sakit. Nang maisip niya kung ano ang nangyari, wala na ang kanyang kanang hintuturo.Mabilis na tinakpan ni Alec ang mga tainga ni Anri, sabay yakap at kalong dito upang hindi masaksihan ang madugong pangyayari. Tumindig siya nang kalmado at marahang inilabas ang bata mula sa silid.S

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 672

    Namumukod-tangi ang bakas ng daliri sa pisngi ni Zoey.“Ikaw…” mariin niyang singhal.Ngunit si Anri ay tumawa lamang, umiiling.“Zoey, dapat magpasalamat ka sa akin. Mas maganda ka ngayon. Kanina, mukha kang kalansay—payat na payat, tapos may puting benda sa ulo. Nakakakilabot! Pero matapos ang sampal ko, hindi ka na ganoon ka-kakila. Aba, hindi ba’t dapat magpasalamat ka?”“Ikaw… Anri, papatayin kita—!” sigaw ni Zoey, pasugod na sana.Ngunit bago siya nakalapit, agad kinuha ni Irina si Anri sa kanyang mga bisig. Hindi nagtagal, inagaw naman agad ni Alec ang bata mula sa kanya.Huminto sa ere ang kamay ni Zoey. Alam niyang hindi siya kayang galawin ni Alec dahil sa kanyang lolo, ngunit hindi rin siya nangahas gumanti kay Anri.Biglang pumunit sa silid ang malamig na tinig ni Don Pablo, “Alec! Higit kanino man, alam mong mahirap ang iyong kabataan. Ang batang ito ay anak mo. Kung nais mong lumaki siyang maayos, dapat mo siyang patnubayan habang bata pa! Sa piling ng isang inang kasing

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 671

    Habang isinasalaysay ni Don Pablo ang nakaraan kay Alec, nakinig nang buong atensyon sina Zoey at ang kanyang pamilya. Bawat pagbubunyag ay nagdulot ng pagbabago sa kanilang mga anyo.Sa simula, bago pa man mailantad ang mga lihim, nababalot ng kaba at pagkabalisa ang angkan ng mga Jin. Si Zoey, higit sa lahat, ay hindi makalimot kung gaano kadali para kay Alec na sakupin ang isla. Napakalaki ng kanyang kapangyarihan at impluwensya—higit pa sa kaya ng kanyang lolo at ni Carter ng angkang Jones, kahit pa pinagsanib ang kanilang lakas.Kung nanaisin ni Alec na suwayin si Don Pablo, kaya nitong burahin silang tatlo sa isang iglap.Ngunit habang unti-unting isinasalaysay ang kasaysayan ng mga Villafuerte, Mercadejas, at Beaufort, unti-unting lumuwag ang bigat sa kanilang mga mukha.Nabatid nila na hawak ni Don Pablo ang tunay na alas. At sa sandaling iyon, naging malinaw sa kanila—tiyak na tiyak—na hindi lamang tutuparin ni Alec ang kahilingan ng Don Pablo, kundi marahil ay magpapakita pa

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 670

    Malamig na napangisi si Wendy. “’Yan ang nararapat sa iyo.”Sandaling sumilay ang anino ng dalamhati sa mukha ni Alexander.Ito rin ang sinapit ni Amalia nang isilang niya ang kanyang anak sa isla. Labis siyang nanabik na makapiling si Alexander, sapagkat tunay niyang minahal ang lalaki. Ngunit kailanman ay hindi siya pahihintulutan ni Wendy.Upang mabantayan siya nang malapitan, pinayagan siyang bumalik sa syudad, subalit ipinagbawal na manirahan siya sa tahanan ng mga Beaufort. Kung walang basbas ni Wendy, kailanman ay hindi kikilalanin ng mga Beaufort si Amalia. Maging ang matatandang kasapi ng angkan ay hindi kailanman tatanggap sa kanya—o sa kanyang anak.Kahit ang apelyidong Beaufort ay napanatili lamang dahil sa pagsusumikap ni Don Pablo, na mahigpit na iginigiit na ang bata ay dapat magdala ng pangalang Alec. Ang iskandalo ng isang lalaking may dalawang asawa ay napigil lamang sa pamamagitan ng mariing pakikialam ni Don Pablo.Nang sila’y makabalik sa syudad, malaki ang naging

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 669

    Sa katotohanan, batid ni Alexander na ang paglisan niya mula sa isla ay di maiiwasan. Mailap man sa damdamin, nailipat na ang mga pabrika, pasilidad, at maging ang huling gusali patungo sa syudad. Gayunman, hindi niya hangad na lubusang wasakin ang isla.Hindi rin niya nais na tuluyang putulin ang ugnayan kay Richard. Sino ang makapagsasabi? Marahil ay may nakalaang pagkakataon ng muling pakikipag-ugnayan sa hinaharap. Hindi siya mangmang upang ipagsapalaran ang lahat ng daraanan.Nang ipatawag niya si Don Pablo, hindi lamang ito upang manulak ng pasya, kundi upang pakalmahin din ang sitwasyon. Sa sandaling iyon, matamang tumingin si Don Pablo kay Richard. Batid niya na kung magpapasya itong pumayag, maliligtas ang dalawang anak ni Amalia.“Mainam,” agad na tugon ni Richard, walang pag-aalinlangan. Doon lamang nakahinga nang maluwag ang matanda.Mula sa silid ng asawa ni Richard, nagtuloy siya sa kinaroroonan ni Amalia. Sa mabigat na tinig ay winika niya, “Anak, napagkasunduan na. Mul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status