We're Worse than Exes

We're Worse than Exes

last updateLast Updated : 2026-11-13
By:  Cerene WritesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"The hardest part of loving someone is knowing you need to give up..." Iyan ang natutunan ni Breanna mula sa first love at first heartbreak niya ring si Ashley. Sa rami ng romance novel na naisulat niya ay akala niya matatag na ang kaniyang puso, tila alam niya ang kaibahan ng fiction at realidad, ngunit nagkamali siya. Nabiktima pa rin siya ng ilusyon at umasang magiging totoo iyon. Gayunpaman ay mas pinili ni Breanna ang tamang gawin at iyon ay ang pigilin ang pintig ng puso para kay Ashley na may minamahal nang iba. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang mga salita at damdamin na sa isang nobela lamang naisulat ay madidinig na rin sa isang pelikula, na siyang muling magbubukas ng mga sugat na pilit pinaghilom ng dalawang tao. But did the untold feelings really matter if the heart is still afraid to fight? This is the untold story of the two hearts who have been in the same feelings but was never on a same page. They were worse than exes.

View More

Chapter 1

Prologue

PROLOGUE

BREANNA DE VERA:

"Published author na ako!" sigaw ko habang itinataas ang first copy ng librong isinulat ko.

Malawak ang ngiti ko habang dinadama ang hampas ng malakas na hangin dito sa rooftop na kinaroroonan ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. From an online writer mula 16 years old pa lang ay pinangarap ko na noon pa na makapag-publish ng libro. Apat na taon na akong nagsusulat, pero sa tuwing nagsusumite naman ako sa mga publishing companies ay palagi naman akong nare-reject. Sa totoo lang ay ilan beses ko nang ginustong sumuko, pero hindi ko ginawa dahil ayokong isuko ang passion ko. Kaya naman kahit mahirap ay sinabay ko pa rin ang pagsusulat ko sa pag-aaral. And finally, after 4 years, hawak ko na ang pinapangarap ko. A novel written by Bree Vera, titled Unbreak Us is finally here! Pakiramdam ko ay walang mapaglagyan ang kagalakan sa puso ko.

Halos matigilan ako nang marinig ko ang pag-click ng camera mula sa likod ko. Dinig ko iyon kahit na medyo maingay ang paghampas ng hangin. Sa may likuran ko ay nakita ko ang mabuti kong kaibigan na si Ashley, ngiting-ngiti siya at tila aliw na aliw habang kinukuhanan ako ng lertrato gamit ang camera niya. Kunwaring sinimangutan ko siya habang hinahawi ang ilang mga hibla ng buhok kong nililipad ng hangin papunta sa mukha ko. Lalo namang lumawak ang ngiti niya nang dahil doon.

"Wow ha, hindi mo manlang ako pinag-pose?"

"Minsan mas maganda ang stolen shot, mas kita ang totoo," nakangiti niyang sabi habang tinitingnan ang kuha niya sa camera.

I extended my arm at him. "Patingin nga! Maganda ba ako diyan?"

Nagkibit-balikat siya. Humakbang siya palapit at inabot sa akin ang camera na kaagad ko naman kinuha.

"Ewan ko, kailan ka ba pumangit?"

Umirap lang ako sa kaniya na tila nainis lang sa sinabi nya, pero ang totoo ay sa simpleng compliment na iyon ay parang gusto nang tumalon ng puso ko. Upang itago ang epekto niyon ay pinagkaabalahan kong tingnan ang mga kuha niyang letrato. Maganda ang mga pagkakakuha niya, may malawak akong ngiti habang nakataas ang dalawang kamay na hawak ang aking libro. Kita sa background ko ang kahel nang langit dahil sa papalubog nang araw. Kita rin ang iilang malalapit at malalayong mga building. Sa rami nyang kuhang letrato ay iyon ang paborito ko, dahil kitang-kita ang genuine kong ngiti.

Muli akong napatingin sa kaniya nang tumabi siya sa akin habang nakapamulsa. Nakangiti siya habang nakatanaw sa tanawin. Nililipad nang bahagya ang maigsi niyang buhok, habang bahagyang nakapikit ang mga mata upang hindi mapuwing. Sa ganitong view ay kitang-kita ko ang magandang kurba ng matangos niyang ilong at ang perpekto niyang jawline, ang makapal niyang kilay at mahahabang pilikmata, na para bang nang nagpaulan si Lord ng kaguwapuhan ay sinalo niya lahat.

"Alam mo, sobrang proud ako sa 'yo, kasi kahit ang dami mo nang rejections na natanggap ay hindi ka pa rin sumuko. At dahil dyan ay naniniwala akong isang araw ay hindi lang si Bree Vera ang makikilala ng mga tao, kundi ikaw mismo bilang si Breanna De Vera, ang mahusay na manunulat."

Hindi ko na napigilan ang matamis kong ngiti. Ang sarap sa puso ng mga sinabi niya. He knew that it was my dream all along, and knowing that he believes in me makes my heart so full.

"Hindi ko naman 'to magagawa kung hindi dahil sa iyo, e. You are one of the first people who believes in me, kaya hawak ko ngayon 'tong librong ito ay dahil naniwala ka sa akin at tinulungan ako. Kaya thank you, Ash."

That's true. After being rejected multiple times by the same company, the editor who proofread my manuscript recognized me, si Sir Josh, alam niyang nakailang submits na ako. He told me that my stories was good but something's missing. He advised me to get an editor or proofreader to proofread my works before submitting it. Siya ang nagpakilala kay Ashley sa akin. Si Ashley ay matagal nang exclusive writer ng kanilang kompanya at marami nang alam at experience sa pagsusulat, ang sabi pa nito ay marami daw akong matututunan sa kanya. Magmula noon ay naging madalas ang pag-uusap namin ni Ashley, at tama nga ang editor namin na marami akong matututunan sa kaniya. He's always checking up my works, minsan ay nanghihingi ako ng advice na lagi niya naman naibibigay. Hanggang sa natapos ko ang manuscript ko at nag-offer siya sa akin na i-proofread niya muna at i-edit bago ko i-submit. At matapos ng kaniyang revisions ay natanggap na rin ito.

"Hindi naman kita matutulungan kung hindi mo ito sinimulan, at dahil hindi mo sinukuan. Kaya proud na proud ako sa 'yo."

Umingos ako. "And with that, you deserves a photo for my post." Tumalikod ako sa kaniya at itinaas ang camera para sa selfie na kaagad niya namang tinugunan. Nang tiningnan ko ang kinalabasan ay lalo akong napangiti. His one hand on his pocket while the other one is on my shoulder while leaning down on me to make sure that he's on the frame. Humahawa ang kulay ng kahel na kalingatan sa mukha namin at halos magpakinang sa mga mata namin. Our genuine smile is very much visible on our faces. Hindi ko na maitatanggi ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang nakatingin sa photo namin. Mga ganitong alaala kasama siya ang mga bagay na hindi ko makakalimutan.

"I-send mo sa akin ito, ha," nakangiti kong sinabi.

"Okay, mamili ka kung anu-ano dyan ang kukunin mo."

Tahimik akong nag-scroll sa gallery ng camera niya. Natigilan ako nang may madaanan akong letrato doon. It's a photo of him with a mestiza girl. Maganda siya, maputi at chinita. Nakahiga sila sa kama at nakaunan ang babae sa balikat ni Ashley, hanggang dibdib lang ang kita ngunit halata sa background nila na nasa isa silang kuwarto, at malalambing ang mga ngiti.

Dahan-dahang nawala ang mga ngiti ko at ang kaninang galak sa puso ko ay napalitan ng kirot. Binalingan ko siya ng tingin. Seryoso lang siyang nakatanaw sa malayo, bahagyang nanliliit ang mga mata dahil sa sinag ng papalubog nang araw.

Ito ang dahilan kung bakit itinatago ko ang nararamdaman ko para sa kaniya, dahil simula pa lang ay alam ko nang hindi maaring mahulog ang loob ko sa kaniya. He's already in a 3 months relationship when I met him, I was aware of that because Sir Josh told me right when he introduced him. Noong una ay nawirduhan pa ako dahil bakit naman kailangan pa niyang sabihin iyon? Yes pogi siya, pero as if naman na mafa-fall ako sa taong ngayon ko pa lang nakilala, e, ang focus ko lang naman talaga ay ang libro ko. But weeks passed by, mas nakilala ko si Ashley. He's kind, smart, respectful and gentle. I was easily gets comfortable with him. I started to see him as friend, and eventually I started to care for him a lot, and it seems ilegal to feel. Pero ano ba ang magagawa ko, kung itong puso ko ay kusa nang bumitaw at tuluyan nang nahulog sa kaniya... Kahit alam kong mali.

Hindi ako 'yong tipo ng babaeng takot ipakita o iparamdam ang nararamdaman ko dahil lang ako ang babae. Para sa akin ay pagdating sa pag-ibig ay pantay-pantay lang naman tayo. I can be a suitor, I can shout how much I love you and propose to you like other boys do. But I never did, because I know that he's in love, but not with me.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
3 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status