Kabanata 37: ContinuationSandaling nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin. It was the kind of silence that stung, sharp and heavy, cutting deeper than any words could.Nanigas sa kinatatayuan niya si Rev. Bakas sa mukha niya ang matinding pagkalito at pagkagulat.“What… what did you say?” he asked, his voice barely a whisper.Hindi ko na inulit ang nasabi ko na. Hindi na kailangan. The look on his face told me he heard it, loud and clear.Kumurap siya nang isang beses, dalawang beses, na para bang sinusubukan niyang iproseso ang salitang lumabas sa bibig ko.Ilang sandali pa ay bahagyang umawang ang bibig niya.“No… that can’t be true. A-Atasha, tell me you’re lying.”Pumikit ako at hinayaang manginig ang paghinga ko. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Heto na naman akong nahihirapan sa paghinga.Mapait akong ngumiti habang nakapikit pa rin. “I wish I was.”Napadilat ako nang bahagya siyang pumihit paabante sa akin. His eyes were glassy, desperate, and filled with panic.“H-how? When
Kabanata 36: ThingPakiramdam ko ay ako ang nasapian, hindi ng may mabuting kalooban na kaluluwa, kundi ng ligaw na kaluluwa. Basta na lang kasi ako umabante palapit sa kaniya at walang pakundangang sinundot ang abs niya.Natigilan siya at gulat na napatingin sa mga mata ko, ganoon din ako sa kaniya. Sa gulat ko sa ginawa ko, basta na lang ako nanigas sa kinatatayuan habang nakasundot pa rin ang isang daliri ko sa abs niya.Pvtangina! Pvtangina! Pvtangina!Napalunok ako, kasabay ng biglang pag-init ng pisngi ko.“Why did you…” he began, but couldn’t even finish his question.Bumilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.Mula sa namimilog ko pa ring mga mata, dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin niya hanggang sa tumigil ito sa nakasundot ko pa ring mala-Adonis niyang abs. I gulped again when I realized how long his eyes stayed there, especially on my finger.Doon na ako natauhan. Pero imbes na tanggalin agad ang daliri ko roon, umisa pa ako at muling sinundot ang ab
Kabanata 35: ShirlessRev pulled a chair for me. I ignored it and sat on the one beside instead, pretending not to notice the faint smirk on his lips as he took the seat across from me."Ang sosyal at mukhang masasarap ang nakahain..." puna ko agad pagkaupo. "Sure kang ikaw ang nagluto?"“Yup!” masigla niyang sagot.Agad niyang nilagyan ng pagkain ang plato ko. Pasimple kong inagaw sa kaniya ang pinangsandok niya at ako na ang naglagay ng pagkain sa plato ko."So, anong mga nalaman mo?" diretsahan ko nang tanong.Hindi ako nakatingin sa kaniya, sa plato ko lang ang kunwaring focus ko, pero ang tainga ko ay handang-handa sa magiging sagot niya.“Can we eat first?” mahinahon niyang sambit. "We can talk about everything later. Puwedeng sa veranda din or sa pool sa labas."Tumigil ako sa ginagawa at mataman ko siyang tiningnan. “We can talk about it while we’re still eating.”Sandali niyang naitikom ang bibig bago dahan-dahang tumango.“Um… where do you want me to start?” he asked softly.
Kabanata 34: NalamanNagising ako na nakahiga na sa kama ng kuwarto. Nalingunan ko sa gilid ko mismo si Rev, kausap na ang may katandaang doctor.Neither of them noticed that I was awake until I moved slightly, glancing at the IV line connected to my hand. That was when they both turned to me."Anong nararamdaman mo? Are you hungry? May masakit ba sa’yo? A-ano?" sunod-sunod na tanong ni Rev.Kinunutan ko lang siya ng noo. Ang OA lang kasi niya.“I’m okay, thank God. Ilang oras ba akong nakatulog?" My voice came out hoarse.“Almost five hours,” Rev said quietly. “I’m sorry. I didn’t know that could happen. The doctor said it wasn’t really the shrimp. It was—”“Stress,” biglang singit ng doctor. “Miss Diaz, your body went into a stress-induced reaction. Your heart rate spiked, your breathing became shallow, and your blood pressure dropped, which caused you to lose consciousness.”Napakurap-kurap ako. Grabe, wala man lang preno. Kagigising ko lang, oh?"Take it easy, Doc. Kagigising lang
Trigger Warning: This chapter contains scenes depicting trauma, anxiety-induced allergic reaction, and references to past sexual assault. Reader discretion is advised. *** Kabanata 33: Shrimp"So... how’s the taste? Is it good enough for your standards?" he asked, lips curling with that teasing grin I’d grown to hate."Not bad," I said flatly, keeping my eyes on my plate.Nasa hapag kami, magkaharap. We were surrounded by an array of dishes that looked straight out of a luxury restaurant. The warm light above us reflected off the glossy plates, and the faint aroma of spices filled the air.Ang itinanong niya sa akin ay tungkol sa pagkaing hindi masyadong pamilyar ang itsura, pero ang lasa, oo.Aaminin ko, masarap talaga siya. The only problem was that the taste was oddly familiar in a way that made my tongue tingle."Ano pala ito? Seafood?" hindi ko na napigilang hindi mapatanong.Tumango si Rev. "Yeah. It’s seafood cooked with shrimp paste and sesame oil. A family recipe."Agad kon
Kabanata 32: Random"May kinalaman ka sa nangyari, 'no? Ikaw ang nag-report sa mga pulis, tama?!"Rev just sighed at my accusation. Nasa sala kami ngayon. Ang dalawang maid na nadatnan namin dito ay mabilis na pumasok sa kusina nang makita akong nag-eestiriko."Ano? No comment ulit?!" giit ko nang tanong kay Rev nang hindi na naman siya sumagot.Kanina ko pa siya tinatanong sa kotse pero talagang ayaw niya akong sagutin. Malakas pa naman ang kutob kong may kinalaman nga siya sa nangyari.Una sa lahat, anong ginagawa niya doon kung wala, ’di ba?Pangalawa, paano niya nalaman na drug dealer nga 'yong Niko na 'yon?At pangatlo, bakit ayaw niya akong sagutin?"Sumagot ka!" marahas kong sigaw sabay tulak sa bandang dibdib niya.Agad niyang hinuli ang kamay kong ginamit sa pagtulak, pero mabilis ko rin iyong binawi. Lalo ko siyang pinanlisikan ng mata."I didn’t, okay?" he finally spoke. "I only asked my men to investigate that guy. You didn’t tell me he wasn’t the friend you were talking a