Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)

Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)

last updateHuling Na-update : 2025-10-08
By:  KYOCHIEE In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
21Mga Kabanata
24views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Nawalan ng trabaho si Atasha Charlotte Diaz matapos magsara ang BPO company na pinagtatrabahuan niya. Habang ang mga dati niyang officemates ay nakahanap agad ng bagong trabaho, siya naman ay naiwan na walang income, baon sa utang, at hinahabol ng bills at loan collectors. Out of desperation, sinubukan niyang lumapit sa mga kaibigan—ang iba para singilin, ang iba para manghiram. Pero lahat sila, wala ring maibigay. Hanggang sa dumating ang isang offer na hindi niya akalaing tatanggapin niya: ang maging mistress ng nag-iisang Rev Kurozawa Alcantara. Siya ang taong pinaka-kinamumuhian ni Atasha. They met once before. Isang gabi lang. Isang pagkakamali na kumitil sa kanyang pagkabirhen, at pagkatapos noon ay iniwan siya ni Rev na parang wala lang nangyari. Simula noon, isinumpa na niya ang pangalan ng lalaki. Pero ngayong lugmok siya, siya rin ang taong muling kahaharapin niya. Sa huli, Atasha was forced to be Rev's mistress… kahit para kay Atasha, mas katanggap-tanggap pa sana kung maging legal na asawa na lang ang inalok sa kanya ng lalaki. “I only want a mistress… ’cause I already have a fiancée.” —Rev

view more

Kabanata 1

Simula

(A/N: This story contains mature content including sexual themes, manipulation, power play, and other sensitive topics. Reader discretion is advised. Please proceed only if you're comfortable with these themes.

Main Characters:

Rev Kurozawa Alcantara

(Pronounced as: Re-yv Ku-ro-za-wa Al-can-ta-ra)

Atasha Charlotte Diaz

(Pronounced as: A-ta-sha Char-lot Di-yaz)

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, events, and places are products of the author’s imagination.

Any resemblance to real people, living or dead, or real events is purely coincidental.)

******

Simula:

"Pasensya na talaga, Tash. Gipit lang din talaga ako, e. Si Sunny, try mo. Baka may natira pa sa suweldo niya last month."

Mapait akong napangiti habang nakikinig.

"Hindi, okay lang. Naiintindihan naman kita. Natawagan ko na si Sunny kanina. Out of reach siya. May iba ka bang number niya?"

"Baka busy siya ngayon? Isa lang naman gamit niyang number. Baka mamaya, masagot na niya tawag mo."

“Oh… sige,” I agreed after a long pause.

I said goodbye and ended the call.

I shut my eyes tight and threw myself on the bed, feeling completely drained.

Ano na'ng gagawin ko ngayon?

Halos lahat na ng nagkakautang sa akin, natawagan ko na, pero pare-parehas lang ang sagot nila sa'kin. Kung hindi gipit ay may importanteng paggagamitan sila ng pera.

Now that Suzy was my last hope, she failed me too. And as for Sunny, her twin, I’m not counting on her either. Ever since naman talaga, utang-kalimutan ang arte ng bobita na 'yon.

Ang sarap maglaho at takasan na lang ang mga utang ko.

Oo, lubog ako sa utang, loan, credit cards, at kung anu-ano pang installment para sa mga kaartehan ko sa katawan na hanggang ngayon, hindi ko pa tapos bayaran.

I was a supervisor at one of the most prominent BPO companies here in Iligan. The pay was good, steady, and enough to make me feel like I was in control of my life.

But last week, everything crumbled.

The company shut down due to bankruptcy.

Isa ako sa mga empleyado nilang tuluyang nawalan ng trabaho. Some of my colleagues were lucky because they got referrals to other BPO companies. Ako lang 'tong napag-iwan kasama ang kalahating milyon kong utang.

Hindi ko rin masisisi ang mga heads ng kumpanya. Hindi naman ako kagalingan na supervisor. Napunta lang naman ako sa posisyong iyon kasi binoyfriend ko ang anak ng CEO. Ang kaso, nag-break kami. Nakakasawa kasi ang pagiging seloso niya.

At parang nanadya ang tadhana kasi kung kailan kami nag-break, doon pa na-bankrupt ang kumpanya nila. Kaya ito ako ngayon, doble at triple ang balik ng karma sa akin.

May naipon naman ako dati pero pinangbayad ko sa isang luxury bag na installment kong binabayaran. Kanina lang 'yon. Tatawad na sana ako kaso talagang kinatok na ako rito sa condo ko.

Now, I’m sitting here with zero balance in my account. Wala na akong pera.

I rubbed my face with my hands in pure frustration.

Nasubukan ko nang tawagan kanina si Zeus, ang ex kong anak ng CEO. I even tried to win him back, hoping he could save me. Kaso, babae ang sumagot sa tawag, at walang kaabog-abog na nagpakilala bilang girlfriend niya. Minura pa ako ng bruha nang sabihin ko ang pangalan ko.

Siyempre, hindi ako nagpatalo. Minura ko rin siya. Nakakabuwisit. Hindi ko naman sineryoso ang lalaki, pero bakit parang ang bilis niyang nakahanap ng pamalit sa akin? Sa gandang kong ‘to, pinakaikling panahon na ang dalawang taon para pagluksaan ako!

Well…

"Ahh! Mga p*****a kayo!" I screamed at the top of my lungs, unable to hold back my frustration anymore.

Tumayo ako, hawak ang cellphone, at inis na tinadtad ng text ang lahat ng kaibigang natawagan ko na kanina para singilin sila sa mga utang nila sa akin.

Pinagmumura ko na silang lahat. Wala na akong pakialam kung dito na magtapos ang pagkakaibigan namin.

Ano, ganun-gano'n na lang?

Buo kong binigay ang perang pinangutang ko sa kanila, tapos ngayong sinisingil ko na kasi kailangan ko, parang kasalanan ko pa na hindi sila makabayad?

Hindi puwede 'yon sa akin!

Tama na ang pagiging mabait ko sa kanila. Wala na akong pera. Bukod pa ro’n, baka makulong ako dahil hinahabol na ako ng mga pinagkakautangan ko. At kung hindi man ako makulong, baka mamatay na lang ako sa gutom dahil wala nang laman ang fridge ko.

“Mga hayop kayo!” sigaw ko ulit bago i-send sa magkambal ang huling malutong kong mura.

Ewan ko na lang kung hindi pa mahiya ang lahat sa mga mura ko.

Huminga ako nang malalim at sinubukang ikalma ang sarili.

Oo, puwedeng puwede ko silang ipakulong dahil lagpas isang taon na ang utang nila at hindi biro ang halaga ng mga iyon pero hindi ko gagawin.

I might be a badass, but I’m not the type to have my friends thrown in jail. Dadagdag pa 'yon sa pasan ko. Ang kailangan ko ngayon ay pera at alam kong kahit pinagmumura ko na sila, hindi pa rin nila ako mababayaran agad.

Lugmok akong naglakad papunta sa sala at naiiyak na napahiga sa mahabang sofa.

Ano na ang mangyayari sa social life ko?

Ayaw ko namang ibenta ang mga naipon kong luho para lang makabayad sa mga utang ko. Baka mabaliw na ako kung may mawala kahit isa sa mga alahas ko, bags, shoes, pati na ang mga mamahalin kong furniture.

And my precious makeup collection? God, what if I see a new product I want? Saan na ako kukuha ng perang pangbili no'n?

Kung bakit ba naman kasi!

Tamad kong sinipat ulit ang cellphone ko nang tumunog ito. Kumunot ang noo ko nang makitang si Renzo ang tumatawag.

He was my schoolmate back in university. Hindi naman kami ganoon ka-close kaya anong dahilan niya para mapatawag sa akin ngayon?

I swiped to answer, a small smile curling on my lips at the thought that maybe, just maybe, he could help me.

After all, he was the richest guy in our entire batch.

Tumagal ng ilang segundo bago siya nagsalita sa kabilang linya.

"Is this you, Atasha?"

Napangisi ako. Still the expensive golden boy, huh?

“Yup, it’s me. Ba't napatawag ka?" Hindi ko na naitago ang tuwa sa tinig ko.

“Um… you just cursed me in a text. Did I owe you money and forgot about it?”

“Huh?” My brows furrowed in confusion.

Saglit akong napaisip pero na-alarma din agad nang may mapagtanto ako.

"Oh, right... wait!" sabi ko at pinatay ko na muna ang tawag.

I scrambled to check my sent messages. Napakagat ako sa labi nang makita kong isa siya sa mga na-send-an ko ng mensahe kanina. 'Yong dapat para lang sa mga kaibigan kong may utang sa akin.

Tama nga ang hinala ko. Sa sobrang inis ko kanina, hindi ko napansin na pati siya ay napadalhan ko ng mura.

Muling tumunog ang cellphone ko. Tumawag ulit siya. Sinagot ko agad.

“I’m sorry. That was a wrong send. Wala kang utang sa’kin,” paliwanag ko.

Naghintay ulit ako ng ilang segundo dahil hindi na naman siya agad nagsalita sa kabilang linya.

“Gano’n ba?” aniya makalipas ang ilang segundong pananahimik. “If I guess it right, you need money?”

Mabilis na nabuhayan ang loob ko sa tanong niya. Tumayo ako at sumandal sa gilid ng lababo ko sa may kusina, habang may suot-suot ng ngiti sa labi.

Kilala ko 'to, e. Bukod sa ubod ng yaman, ubod din siya ng bait. Hm... siguro kung hihingi ako ng tulong sa kaniya at humingi din siya ng kapalit, katulad ng gawin ko siyang boyfriend, walang kaso 'yon sa akin.

He’s handsome. Not exactly my type, but good enough. If that happens, he could spoil me endlessly.

"Yon nga, e..." biglang pag-iiba ko ng tono.

Kunwari akong suminghot para iparating na naiiyak na ako rito.

"M-May alam ka bang puwedeng makatulong sa'kin? You know… something that comes with a big payoff?”

Muntik na akong matawa sa pagkukunwari kong pautal-utal. Buti na lang at napigilan ko ang sarili.

“I think what you need is a job that pays well. I know someone who can help you.”

Tuwid akong napatayo nang marinig ko ang huli niyang sinabi.

“Someone?” My tone instantly went back to normal.

“Yes. Someone you might know. Pinsan ko. Naghahanap siya ng bagong secretary."

Pinsan niya?

Hm...

Isa lang naman ang kilala kong pinsan niya. What the hell! Huwag niyang sabihing si Rex? 'Yong pogi niyang pinsan na natipuhan ko noon nang minsang nadalaw sa school namin dati?

Aba, tingnan mo nga naman ang pagkakataon! Eh, basted ako do'n, ah.

This could be my lucky day.

"Si Rex ba?!" I asked, excitement bubbling in my voice.

I was expecting him to say yes, but…

“No. It’s his older brother, si Rev. 'Di ba... magkakilala na kayo?"

What the fuck!

That freaking guy?!

"No thanks," sabi ko na lang at pinatay na ang tawag.

Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom o makulong kaysa muling madikit ang pangalan ko sa lalaking ‘yon.

Of course I know that damn Rev.

How could I ever forget the man who took my virginity… and then acted like nothing happened the very next day?

No way in hell.

Sinumpa ko na siya noon pa. So why the hell would I even want to cross paths with him again? And worse, apply as his secretary?

Natigil ang pagkitil ko sa leeg niya sa isipan nang biglang tumunog ang doorbell ko.

Annoyed by the interruption, I dragged myself to the door and swung it open, ready to bite whoever dared disturb me.

“What?” I greeted with a raised brow at the man standing there in a suit and tie.

"May ipinadala sa inyong mensahe ang Kurozawa Corp, Miss Diaz. It is urgent, and you must read it right now."

Ang kaninang taas na taas kong kilay ay agad nangunot.

"Anong Kurozawa Corp?"

Nalilito man ay kinuha ko pa rin sa lalaki ang puting sobre na tinutukoy niyang mensahe para sa akin.

Bahagyang umawang ang bibig ko nang mabasa ang nilalaman nito.

Kurozawa Corporation

Head Office, Metro Manila

To: Miss Atasha Charlotte Diaz

Greetings,

This is Kurozawa Corporation under the leadership of Mr. Rev Kurozawa Alcantara. You are hereby invited to come to his office immediately upon receiving this notice.

Failure to comply will result in consequences beyond your imagination, including the immediate destruction of your current residence.

You are strongly advised not to test our sincerity.

Respectfully,

Executive Office of Mr. Rev Kurozawa Alcantara

Napatanga akong napatingin ulit sa kaharap kong lalaki. His face was blank, not a single emotion flickered. Pero agad nag-iba ang ekspresyon niya nang bigla akong humagalpak ng tawa.

“’Yong punyetang Rev pala ang nagpadala nito sa’kin?”  tawa ko pa, sabay hagis ng papel sa lalaki.

"Akala ata ng loko, matatakot niya ako. Puwes, ito ang sabihin mo sa walang bayag mong boss..."

Tumigil ako saglit upang lapitan ang lalaki. I was momentarily distracted by how insanely good he smelled, but I brushed it off.

"Sabihin mo sa kaniya na wala akong panahon sa katulad niyang walang bayag. Capital H.I.N.D.I. Hindi ako pupunta!" singhal ko sa mukha ng lalaki.

I stepped back, ready to slam the door in his face, but he gripped the edge of it before I could shut it.

“Ano ba?!” asik ko.

Pinilit kong isara pa rin ang pintuan, pero napaatras ako at napaupo sa sahig nang walang kahirap-hirap niyang naitulak ito.

Hindi siya nagsalita nang matikas siyang tumayo sa harap ko. Mabilis akong tumayo at sasapakin na sana siya ngunit mabilis niyang nahuli ang kamay ko.

“’Wag mo na pahirapan ang sarili mo. Sumama ka na dahil pareho lang tayong masusunog dito kung magmamatigas ka pa.”

Inis kong binawi ang kamay ko at pinanlisikan siya ng mata.

“Bingi ka ba? Sabi ko, hindi ako pupunta! Ano bang kailangan niya sa’kin?”

“Sa personal mo na ’yan itanong sa kaniya. We only have ten minutes to leave this place. Kapag wala pa tayo doon, sabog ’tong buong condo mo.”

Napahinto ang puso ko nang makita kong may hinugot siya mula sa slacks niya, isang remote control. Napatakip ako sa bibig nang umamba siyang may pipindutin doon.

“Wait!” pasigaw kong pigil sa nais niyang gawin. “What the… seryoso ka talaga?!”

Tiningnan niya lang ako na parang wala lang ang pagpa-panic ko rito sa harap niya. Pagkatapos ay nginisian ako nang nakakaloko.

“Yes, Miss Diaz. Dead serious. More serious than your debt collectors. Take the offer or burn,” aniya, at muntik nang mapindot ang remote.

Kung nagkataon ay baka sabog nga ang buong condo ko.

Anak ng putcha! Seryoso nga siya!

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
KYOCHIEE
This story is a mixed of Dark romance and Romcom. Just saying. ...️
2025-10-09 10:45:01
0
21 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status