Share

Chapter 6

"Why are you alone? Tapos na sa bus stop ka pa," bungad na tanong ni Kazimir ng makasakay ako ng kotse niya.

Sinuot ko ang seatbelt bago balingan ng tingin si Kazimir at mahina akong natawa dahil sa suot niya. Handa na itong matulog dahil na ka hoodie at jogging pants na ito. Mukhang naistorbo ko ang loko sa pagpapahinga niya. Pinaandar na nito ang sasakyan paalis.

"Kitams, tinatawanan mo pa ako. I was worried kaya hindi na ako nakapagpalit ng maayos na damit," pagpapaliwanag niya.

"Uy, natatawa ako kasi naistorbo kita sa pagpapahinga mo," natatawang sambit ko.

Pabiro siyang umirap. "Talagang natatawa ka pa na inistorbo mo ako."

"Sus, nagpa-istorbo ka naman. Tigiltigilan mo ako ah."

"Well, if ikaw naman ang mangiistorbo, I'm more than willing to entertain you," natatawang sambit niya.

"Baliw ka," wika ko at saka ako humalukipkip. "Baka masanay na naman ako niyan."

"Edi masanay ka, hindi naman na ako aalis. I'm going to settle here for good," nakangiting sambit niya.

"Weh? That's great! May tiga sundo na ulit ako kapag nalalasing ako," pagbibiro ko.

He tsked. "You and your love to alcoholic beverages. By the way, you didn't answer my question."

"What question?" painosente kong tanong.

"Why are you alone? Anong ginagawa mo sa labas ng ganitong oras?" he asked.

Napalunok ako at saka tumingin sa labas ng bintana. "No comment. By the way, free ka ba bukas?"

"Answer my question first," may diin na sambit niya.

I let out a deep sigh. "Marami kami inasikaso ngayon at inabutan kami ng gabi pero may emergency kasi sa ospital kaya kailangan niyang pumunta doon, but he did insist na ihahatid niya muna ako pauwi pero matigas ang ulo ko at nagpaiwan na kaya ayon."

"He? Sino? Boyfriend mo?" gulat na tanong niya.

Napaisip ako dahil sa tanong niya. What should I address him? Fiance? Kasi ieengage naman na ako bukas sa kaniya? Bahala na, sooner or later he'll be my husband anyway.

"Fiance ko," I answered.

Biglang inapakan ni Kazimir ang preno pero hinarang niya ang braso niya para hindi ako sumubsob at saka siya gulat na tumingin sa'kin. "What? Fiance? Twenty-four ka pa lang ah?"

I forced a smile and shrugged my shoulders. "Family business, I can't do anything about it. Since we're on the topic,"

Kinuha ko ang isang invitation mula sa bag ko at inabot iyon kay Kazimir. Nanghingi ako ng tatlo kanina, 'yong isa ay naihatid namin ni Javion kay Anna kanina at itong isa ay para talaga kay Kazimir habang ang isang sobra naman ay para sa'kin. Remembrance ko lang.

Ang mga magulang na namin ang nagpamigay ng imbitasyon sa mga taong gusto nila imbitahan at kumuha lang kami ng ilan ni Javion para ibigay sa mga kaibigan namin. Kumuha ako ng tatlo habang si Javion ay kumuha ng walo.

Kazimir accepted the invitation and opened it. Unit-unting nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang napatitig sa'kin. "Now I know why Javion kept on glancing at you when we met him. Fiance mo pala 'yon."

I forced a smile. "Yeah, punta ka bukas ah. Hintayin kita."

Tumango si Kazimir at inilagay ang invitation sa may dashboard ng sasakyan at saka nagsimula ng magmaneho ulit. "Yep, I'll be there."

"Promise?"

He smiled and nodded his head. "Of course. Engagement party ng best friend ko, of course I'll be there."

Bakit parang malungkot siya? or is it just me? Ay nako, bahala na nga.

************

"Do you like it, ma'am?" the make up artist asked.

I stared at myself in the mirror as I pasted a forced smile on my lips and nodded. Buti na lang na-master ko na ang art of pretending kaya madali na lang sa'kin na magpanggap.

"Yep, thank you." Tumayo ako at tinignan ang kabuuan ko.

Shit, hapit na hapit sa katawan ko 'yong gown, hindi ako makakakain ng marami. Bumuntong hininga ako at napatingin sa pinto ng may kumatok mula doon. Agad namang binuksan iyon ng make up artist na kasama ko. It was Javion, he was already wearing his suit and damn... sobrang gwapo niya.

"Are you done?" Pumasok siya sa loob at sinenyasan ang make up artist na iwan muna kami na agad namang sinunod ng huli.

Tumango ako at humalukipkip. "Yes, kakatapos lang. Bakit?"

He nodded his head as he walked towards me and gave me a ring na agad ko namang tinanggap.

"Engagement ring?" tanong ko.

"Yes. You have to wear it." Namulsa siya at saka pumihit paharap sa pintuan at hinawakan niya ang door knob. "You can remove it when you don't feel like wearing it; nonetheless, you have to wear it today, whether you like it or not."

Sinuot ko iyon at tinitigan ang kamay ko. It looks like si Mama or si Ojciec ang pumili nito dahil sukat na sukat siya sa ring finger ko. "Kailangan ba na sabay tayo bumaba?"

Javion answered without looking at me. "If you want to go down now, come down with me."

Binasa ko ang natuyo kong labi at saka lumapit kay Javion at hinawakan ko ang siko niya. I gulped multiple times. Sasabog na yata 'yong puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Lagi na lang ako kinakabahan kapag malapit sa kaniya, hanep.

"L-let's go," kinakabahan na sambit ko.

We went out the room together. Hinayaan naman ako ni Javion na gawing support ang siko niya kaya naging madali sa'kin ang paglalakad. A fake smile immediately pasted on my lips and as well as to Javion's nang tumingin lahat ng tao sa'min. Ngayon ko lang napagtanto, takot pala ako sa maraming tao. Pakiramdam ko kasi nanghuhusga ang mga titig nila.

"Nervous?" Javion whispered na ikinagulat ko.

So he cares.

"Yeah. A lot. Bigla ko naalala na may enochlophobia ako," habol hiningang sagot ko.

Nahihirapan na pala akong huminga. Great! What a great way to start the event, 'wag lang sana ako himatayin dito. Mama and Ojciec will panic.

Inalis ni Javion ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso niya at saka ito ipinalibot sa beywang ko. It made me froze, but when I felt he was actually rubbing my back softly with his fingers, nanlalaking matang napatitig ako sa kaniya.

He looked away before he spoke. "Back rubs tend to help reduce anxiety and that's according to my psycho friend."

Tumango ako kahit na naguguluhan ako. I closed my eyes at ginawa ang breathing exercise na itinuro sa'min sa university. The back rub and breathing exercise did help me to calm down kaya naman ng makaupo kami ni Javion sa isang sofa na nakalagay sa stage ay kalmado na ako. Tumigil na rin si Javion sa ginagawa niya kaya naman medyo kumalma na rin ang puso kong kanina pa nagwawala sa loob ng ribcage ko.

"Ladies and gentlemen, now I present you the main characters of this event. Mr. Javion Axfor and Ms. Serene Zabawa!" the emcee stated gleefully.

The crowd were filled with applause. Isang formal occasion ito dahil sa kung titignan mo ang mga tao nandito ay mga nakapormal na damit ang mga ito. Nagsalita pa ng kaunti ang emcee bago tinawag ang mga magulang namin. After a few minutes, bumalik na si Mama sa kinauupuan niya at ibinalik ang microphone sa emcee.

"Let's now hear Mr. Javion Axfor and Ms. Serene Zabawa's speech for tonight," aniya emcee at inabot ang microphone kay Javion.

Kinuha niya iyon at tumayo. He cleared his throat.

"Good noon, everyone. How's the party so far? I hope everyone's enjoying it. So, thank you for joining us today. You witnessed me and my fiance get officially engaged today. Once again, thank you!" Tumingin si Javion sa'kin at saka inabot ang microphone.

Hindi ko kinuha 'yong microphone at saka ako umiling. "Hindi ko kaya," I whispered.

Javion nodded his head at saka inilapit ang microphone sa bibig niya. "My fiance wants to let all of you know that she was really happy and thankful that you all spare some time just to attend our event. Hindi kasi sanay 'yong fiance ko na magsalita sa crowd kaya she asked me to speak for her, I hope y'all understand that. Thank you so much and enjoy the event."

He smiled at inabot na ang microphone sa emcee. Bumalik siya sa tabi ko at nagdiquatro. "You have to overcome your fear."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Really? Ayan talaga sasabihin mo sa'kin instead of comforting words?"

His left eyebrow raised as he looked at me. "Why? Do you expect me to say everything will be alright? Hell no, I'm not that type of person."

Dismayado akong tumitig sa kaniya. "May nagsabi na ba sa'yo na para kang may bipolar? You keep on changing your attitude towards me. May masteral degree ka na siguro ng art of pretending."

His eyebrows furrowed. "Masteral degree of what?"

"Masteral degree of art of pretending. Akala ko ako na ang expert, may mas expert pa pala sa'kin," iritableng sambit ko.

"That's nonsense," umiiling na wika niya.

"Of course it is, sa bibig ko nanggaling eh. Everything I say is nonsense to you."

Tumayo siya at nagpamulsa. "Go to your friends and I'll go with mine."

Pagkasabi niya ng mga 'yon ay umalis na siya. Napatanga na lang ako sa bulto niyang papalayo at naiinis na nagmartsa pababa ng stage para puntahan ang lamesa kung saan nakaupo sila Anna.

Pumagitna ako sa kanila ni Kazimir dahil mukhang hindi komportable ang dalawa sa isa't isa.

"Finally, you've arrived," aniya Anna na nakataas pa ang dalawang kamay sa ere.

I laughed. "Baliw. Kumusta naman kayo rito? Enjoying the event so far?"

Sabay na umiling si Kazimir at Anna. Napangiwi ako. Napaka-honest naman nitong dalawa.

"Normal lang naman 'yon, hindi ba?" Umirap si Anna. "Hindi pa kami bati niyang best friend mo."

Kazimir scoffed. "I already apologized. Hindi ko naman sinasadyang ipamigay 'yong brownies mo, and who knows? Wala ka namang sinabi na 'wag ipamigay at saka that's a long long time ago, Anna. Move on."

Umirap si Anna at saka niyakap ang braso ko at inihilig ang ulo niya sa balikat ko. "Ang gwapo ng mapapangasawa mo, bagay kayo tapos may free pass pa ako para makita siya," kinikilig na sambit ni Anna. "Baka naman, mahingi mo ako ng autograph, Bestie? Hmm?"

Umiling kaagad ako. "No, ang sungit nga niya eh pero you're right, gwapo talaga ang mapapangasawa ko."

"Aanhin mo ang kagwapuhan kung hindi naman siya mabait? Well, mabait naman siya sa ibang bagay pero it's not right how he treated you last night," sarkastikong ani Kazimir.

"He helped me reduce my anxiety earlier," kibit-balikat na wika ko. "Okay na siguro 'yon."

"Ipinagtanggol pa nga—"

"Shut up, Kazimir. Ang bitter-bitter mo," iritableng aniya Anna.

I laughed. "Away kayo ng away, tumigil na nga kayo."

Umirap na naman si Anna. "Iyan kasing best friend mo, nakaka-umay."

"For your information, mas nakaka-umay ka kaya," Kazimir sarcastically replied.

"Oh em gosh! Serene, look," biglang sabi ni Anna habang nakaturo ito sa kung saan.

Tinignan ko kung kanina siya nakaturo. It was Javion, he was smiling and laughing with his friends at hindi nakatakas sa mga mata ko ang babaeng nakatayo sa tabi niya na tumatawa rin.

She looked so elegant and genuine. If she is Heaven, then bagay sa kaniya ang pangalan niya kasi mukha siyang anghel... bakit hindi ka na lang umakyat sa langit? Joke not joke.

"Ang gwapo niya lalo kapag tumatawa," Anna commented.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. "Oo nga eh, ang gwapo."

Kailan ko kaya siya mapapangiti at mapapatawa ng ganiya? Naiinggit ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status