Share

Chapter 8

"Change your clothes," aniya Javion ng maibaba niya ako sa higaan.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. "Paano? Eh hindi nga ako makagalaw ng maayos."

He gave me a deadpan look. "What are you trying to say? Should I help you change then?"

"Oo? Sino pa ba?" Sarkastikong sagot ko. "Or you can call Kazimir for me, siya lang naman ang kaibigan kong naiwan dito."

His jaw tightened. "Don't mention that man's name when you're with me, it's pissing me off."

I scoffed. "Kazimir... Javion... hindi hamak na mas maganda pakinggan ang pangalang Kazimir."

"Shut it at saka bakit magpapatulong ka sa kaniya? He's not your fiance," he replied.

Umirap ako. "Eh tinatanong mo ako kung sa'yo ba ako magpapatulong eh."

"At least I asked."

Lumapit siya sa maleta ko kung saan nakalagay ang mga damit ko. He pulled the set of pajamas from it bago lumapit sa'kin at nilapag ang damit sa bedside table. He stretched his hand.

"Stand up," he ordered.

Akmang iaangat ko na ang sarili kong katawan nang maalala ko ang babaeng kasama ni Javion. Mabilis pa sa alas-kuwatro na humiga ulit ako.

"Ako na lang pala," sambit ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

"What now?" naiinis na tanong niya.

I looked at him. "Your girlfriend is outside at saka na-realize ko na wala pala akong suot na upper inner wear."

Kumunot ang noo niya at saka nameywang. "Girlfriend? Who? Reina?"

Tumango ako bilang sagot. Umaliwalas ang mukha niya at saka umiiling na natatawa.

"Come on. I'll help you change," natatawang wika niya.

Humalukipkip ako. "Ayoko—"

"If you're worrying about the woman that I'm with earlier, she's Reina Axfor, my little sister and kung ang walang suot mo naman ang inaalala mo, don't worry, I've seen a lot already. Yes, it's not yours, but they all look the same... so it won't be awkward on my end anymore," he explained.

Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kaniya. "What?! You've seen a lot?! You maniac."

Javion rolled his eyes. "I'm a doctor and I studied the human body."

Para akong sinampal ng katangahan dahil sa sagot niya. Oo nga pala. Here I am, judging him again.

"What? Are you going to cooperate with me or I'll forcefully remove that gown of yours?" he asked at saka niya hinawakan ang tela ng gown ko. "Manipis pa naman 'to. Isang hila ko lang, wasak 'yan."

My heart is beating so fast again. Nakakainis! Naiinis na ako sa kaniya pero bakit nagagawa niya pa rin patibukin ng ganito ang puso ko?

Umupo ako at saka kinuha 'yong pang-itaas na damit at saka isinuot iyon. Kunot noo namang napatitig sa'kin si Javion.

"And what are you doing right now?" he asked.

Mula sa sleeves ng t-shirt ay tinanggal ko ang strap ng gown at ganoon din ang ginawa ko sa kabila. Nag-angat ako ng tingin at saka tinaasan ng kilay si Javion nang makita kong titig na titig ito sa'kin.

"Snap out of it, Javion. Tumalikod ka kaya," iritableng sambit ko.

Sumunod naman siya kaya naman tumayo ako at hinayaang bumagsak ang gown sa sahig at mabilis pero dahan-dahan kong isinuot ang pajama. Pinulot ko ang gown na hinayaan kong malaglag at ibinato iyon sa couch na malapit bago ako humiga.

"Done?" he asked.

"Oo, pwede ka na umalis," sagot ko habang nakapikit.

"Scoot over."

Napadilat ako at nagtatakang napatitig sa kaniya. "Ha? Anong scoot over? Wala ka bang kuwarto?"

He shook his head. "Wala, Reina will use mine."

"Edi tumabi ka sa kaniya? Magkapatid kayo 'di ba?"

"I know, but I can't hug her."

"You can't hug me too. Magfa-file ako ng harrassment."

He scoffed. "Who said that I will hug you?"

"Ikaw?" hindi siguradong tanong ko.

He let out a deep sigh. "Just scoot over."

"Ayaw ko nga sabi eh," pamimilit ko.

"Don't get into my nerves, Zabawa." He closed his eyes and let out a deep sigh. "Move."

Naiinis na tumayo ako at umalis sa higaan at saka ako dahan-dahang tumungo papunta sa mahabang sofa at doon humiga. Mabuti na lang maraming throw pillow dito.

"Matulog ka na," wika ko at saka ko ipinikit ang mga mata ko.

We ended up like that. Sa sofa ako natulog habang si Javion ay na sa higaan. Hindi sa ayaw ko siyang katabi, umiiwas lang ako sa temptation, baka ako pa ang mag-first move, nakakahiya naman.

************

"Serene, ang ganda mo talaga!" aniya Anna habang inaayos niya ang laylayan ng puti kong gown.

I smiled and stare at my reflection. "Who chose this gown again?"

"Javion?" she answered.

Agad na lumukot ang mukha ko. "That man, nakakainis."

"Why, Bestie? Mukhang okay naman kayo ni Javion baby mo ah," wika ni Anna at saka siya tumayo sa tabi ko.

"I hope so. Sana nga okay talaga kami." Kumuyom ang kamao ko. "Kasi kaunti na lang, tatamaan na siya sa'kin."

Tumawa si Anna. "Mukhang hindi magiging masaya ang married life mo, Serene."

"You tell me," I replied at saka humawak sa braso niya. "Tara na, baka hinihintay na tayo sa labas."

Tumango si Anna at sabay kaming lumabas ng kuwartong tinulugan namin ni Javion. Kanina pagising ko ay wala na siya, we didn't even eat breakfast together. Huling kita ko sa kaniya ay kagabi pa.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong nandoon na lahat. They are already complete. Napatingin ako kay Anna dahil kinalabit niya ako at sinenyasan na pupunta na siya sa puwesto niya. My father and mother went to me with a smile pasted on their faces.

"Today is the day, sweetheart," bungad ni Ojciec.

Isang ngiti lang ang tugon ko.

"Bigyan niyo agad kami ng apo, anak ah."

Nanlalaki ang mga matang napatitig ako kay Mama. "Ma, wala sa kontrata 'yon."

Mama giggled as she light pinched my cheek. "I know, but we'll never know. Sana magkatuluyan kayo ni Javion."

Umirap ako. "Sobrang impossible namang mangyari 'yon."

"Nothing is impossible, sweetheart," aniya Ojciec.

Napailing na lang ako. After a few minutes, nakita ko na lang ang sarili ko katabi si Javion. He has this cold, emotionless, and dark vibe. Hindi naman ako magpapatalo, kung hindi siya masaya, mas lalo na ako and Mama expects us to have a child?! There's no way that's going to happen.

"As I guide you in exchanging your vows, you, Javion Axfor and you, Serene Zabawa will declare your intentions for a lasting partnership in love and marriage. Are you prepared to do this?" the officiant asked.

I let out a deep sigh. Sabay kaming tumango ni Javion at sumagot ng 'yes'.

"You have chosen to write your vows, and it is with these words you express your binding promises to love, honor, and cherish one another. If you are ready to make these promises to each other I invite you now to face each other and declare your intentions. When you're ready you may begin."

Javion and I faced each other. He stared at me. Tinanguan ko siya para malaman niyang pinapauna ko na siya magsalita.

"Right. I promise to do everything that I can to sustain and give the life that you want with all of my efforts and powers to provide those. No matter how hard you push me away, I will never leave. I promise to respect your decisions and expect that I will accept you, no matter what you are, Serene," mahabang sambit ni Javion.

Napalunok ako. Shit, bakit kinikilig ako kahit wala namang nakakakilig sa sinabi niya? Peste talaga. Ni-fake 'I love you' wala, napaka naman nito.

Binasa ko ang natuyo kong labi bago ako nagsalita. "I will promise the same things you promised to me, Javion."

Nakita ko ang gulat at pagtataka na bumulatay sa mukha ni Javion kaya naman napangisi ako.

"Javion Axfor, do you take Serene Zabawa to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?" the officiant asked again.

Kinuha ni Javion ang isang singsing at kinuha ang kamay ko at saka niya isinuot 'yon doon. "I do," he answered as he completely slipped the ring on to my ring finger.

"Serene Zabawa, do you take Javion Axfor to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?" the officiant asked again.

Ako naman ang kumuha sa isang singsing na natira at isinuot iyon sa daliri ni Javion. "I do."

"Now, I pronounce you as husband and wife, you may now kiss the bride," anunsiyo ng officiant.

Mabilis pa sa alas-kuwatro na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko ineexpect 'to! I tried doing breathing exercises habang unti-unting lumalapit si Javion sa'kin. He softly cupped my face and move his face closer to mine. Shit, nanghihina na 'ko! Mariin kong ipinikit ang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapat ng mga labi ni Javion sa mga labi ko.

Pakiramdam ko tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Bumagal ang tunog ng mga palakpak sa paligid ko. Nagising lang ako sa katotohanan ng maramdaman kong marahang kinagat ni Javion ang pang-ibabang labi ko bago ito lumayo ng kaunti.

"Snap out of it," he whispered as he planted another quick peck on my lips before he completely moved away.

I unconsciously stared at him as I raised my hand to touch my lips. Javion was already facing the crowd with a smile pasted on his lips. Napalunok ako.

Iyong first kiss ko... 'yong idol ko ang kumuha.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status