"Maaga ka lang ba talaga ulit na nagising o hindi ka nakatulog na naman?" Iyon ang bating tanong ni Nathan kay Aldrick ng abutan niya ang lalaki sa may hardin. "Iniisip mo ba iyon babae noong isang araw?The one that you presumably got pregnant. Lagi nang maaga ang gising mo eh."
Rumolyo ang mata ni Aldrick sa kaibigan saka walang gana na sumagot. "Maaga ako dahil inaasahan ko ang pagdating ni Elon ngayon. That’s the only reason and nothing else."
Ngumisi ng nakakaloko si Nathan at patuloy siya na inasar. "Kung darating ang best man mo, isa lang ang ibig sabihin noon, hindi ka nga pinapatulog ng babae na iyon na dumating dito. Ginugulo ng babae na siyang nabuntis mo raw ang buong sistema mo."
"Nabuntis ko? What the fuck?! Anong kabaliwan ba ang sinasabi mo at lalong anong kabaliwan ang naisip ng babae na iyon para sabihin niya at ipilit niya na nabuntis ko siya?! Damn! She’s not even my type!" Kung kanina ay walang emosyon ang sagot niya nang muli na ipaalala ni Nathan ang babae ay nanggagalaiti na siya ngayon agad.
Partly because what Nathan said is true—not the fact that he impregnated that woman, but the reality that he hasn’t slept at all for the past two nights because of that crazy lady who is forcing him to take responsibility for something he didn’t even do.
Hindi na rin naman na kagulat-gulat pa ang galit at inis na nararamdaman niya dahil nga sa hindi inaasahan na pagdating ng isang babae na itinuturo siya bilang ama ng ipinagbubuntis nito. Nang araw na iyon niya nga lamang nakita ang kung sino man na babae na iyon tapos ipipilit pa na may nangyari na sa kanila at ang mas masaklap pa noon ay ibinibintang pa sa kan’ya ang isang bagay na sigurado siya na hindi niya ginawa: at iyon ay ang buntisin ang kung sino man na babae na iyon.
"No offense, Drick, but are you damn sure that you don’t even recall meeting her? Let’s face it, sa dami ng mga babae na nakasama mo simula nang magbalik ka ay hindi malayo na isa nga siya roon. Aminado ka rin naman sa sarili mo na hindi mo natatandaan ang lahat ng mga babae na nakasama at naikama mo, kaya may malaking posibilidad na nagsasabi siya ng totoo."
"Fuck! I don’t know her, and I don’t even know what the hell she is up to?!" Iritable na tugon pa rin niya. Ginawa man nila na katatawananan ni Nathan ang eksena na iyon ng babae ay hindi naman din niya maitatanggi na kinabahan din siya sa paratang na iyon. Yes, he doesn’t recall everyone he slept with, but with that woman, he is sure that they have not even met before.
"Maaari na hindi nga siya buntis pero malaki ang tsansa na naikama mo na siya. I mean, she is so sure about knowing you and having slept with you."
"I didn’t sleep with her; much more got her pregnant. Uulitin ko lang din para klaro ang lahat sa atin, hindi ang mga gaya niya ang tipo ko."
Sandali na tumahimik si Nathan para mag-isip ng isasagot niya, makalipas ang ilang segundo ay nagkibit-balikat at saka muli na nagsalita. "In all honesty, Atasha and that woman seem to have something in common. Pareho sila na simple lamang pero maganda. Hindi mo ba napansin iyon?"
Nang marinig ang pangalan ni Atasha ay lalo lamang siya na nainis sa babae na basta na lamang na dumating at ginulo ang sistema niya. "But she is not Atasha." Mariin na pagkakasabi pa niya. "Atasha exudes simplicity with elegance; that woman is just plain simple."
Nagtaas na lamang ng kamay si Nathan bilang pag-surrender sa usapan nila. Alam naman din nito na hindi niya mapipilit ang prinsipe na baguhin ang opinyon nito sa babae. "Fine, she is not your type if you say so. Ano ang gagawin ni Elon dito kung gano’n? Bakit mo siya pinapunta rito?"
Muli siya na bumuntong-hininga bago tugunin ang kausap. "There’s something about that woman that is sending a clear message to me that she is a danger waiting to happen. Sigurado ako na hindi lamang nagkataon ang biglaan na pagsulpot niya rito, kaya iyon ang dapat na pagtuunan natin ng pansin."
"Kaya pinapunta mo ang tauhan mo rito para mag-imbestiga patungkol sa babae na iyon?" tanong pa muli ng kaibigan niya.
"Masyado na tayong maraming alalahanin para dumagdag pa ang babae na iyon sa iisipin natin. Hindi pa nga natin makita-kita ang prinsesa na tumakas kaya kailangan natin ng dagdag na puwersa para siguraduhin na walang nagbabadya na kapahamakan sa atin o kina Atasha."
"Don’t you think that you’re overreacting? Isang babae lamang ang nag-aakusa sa’yo, pero bakit mukhang isang batalyon ng tauhan mo ang papapuntahin mo rito?"
Maaari nga na OA ang desisyon niya na papuntahin pa si Elon at ilan sa tauhan niya pero ayaw niya na magbakasakali lalo na at masama talaga ang kutob niya sa babae na iyon. It is too much of a coincidence that a woman will just suddenly show up and force him to take responsibility for a baby. There is something more to this that he needs to find out, and he needs to do that as quickly as he can.
"I can’t take any chances. Hindi natin alam kung sino ang mga posibilidad na kalaban ni Colton at ang nagbabanta ng kaguluhan."
"If it’s Colton they are after, why is it you that is being framed?"
"Hindi ko alam." Nababanaag na sa boses niya ang sobrang inis sa sitwasyon na kinasasangkutan na naman niya. "Wala nga akong alam sa posibleng dahilan kaya nga pinapunta ko si Elon."
"And Elon is here, Prince." Masigla na bati ng tauhan niya na saktong-sakto naman ang pagdating sa pagbigkas niya ng pangalan. "And someone’s looking for you."
Sabay sila ni Nathan na humarap nang marinig nila ang boses ni Elon, ngunit ang dapat sana na ngiti na isasalubong niya sa tauhan ay napalitan ng pagkunot ng noo niya at ang muli na paglabas ng galit sa dibdib niya nang makita niya ang kasama nito.
"You!" Pagtaas agad ng boses niya. "What are you doing here?"
Imbis na kakitaan ng takot ay matamis na ngiti naman ang isinukli ng babae na kanina lamang ay pinag-uusapan nila ni Nathan ngunit ngayon ay nasa harapan na naman niya. "I am back, Aldrick! You can’t get away from me that easily. Kailangan natin na mag-usap dahil kailangan mo ako na panagutan."
Hindi na niya napigil ang galit na nararamdaman at agad na humakbang papalapit sa babae habang nanlilisik ang mga mata niya. "Baliw ka nga talaga! Hindi kita kilala kaya bakit ko pananagutan ang isang responsibilidad na hindi sa akin!"
Dumadagundong ang dibdib ni Russia sa bilis ng tibok ng puso niya lalo na at lapit na lapit ang mukha ni Aldrick sa kan’ya. Ngunit ang emosyon na iyon ay hindi dala ng takot kung hindi ng ibang sensasyon na dulot ng mga titig na iyon ng lalaki. Yes, she should be scared, but for some reason she’s not. Kinakabahan siya pero hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa kilig na namamayani sa puso niya. Kilig na hatid ng mga titig na iyon ni Aldrick.
"Iyo nga ang bata na ito!" sigaw na lamang ni Russia.
"Crazy!" Halata ang pagpipigil ni Aldrick na hawakan si Russia dahil ayaw rin niya na madala siya ng sobrang galit at masaktan niya ang babae, kaya naman napakuyom na lamang siya ng kamao niya at saka muli na inilapit ang mukha sa babae para takutin. "Hindi ko pananagutan ang katangahan na ginawa mo. Hindi ang gaya mo ang ikakama ko!"
Namilog ang mga mata ni Russia sa tahasan na pagsabi sa kan’ya ng lalaki ng mga salita na iyon. Nanliliit siya dahil sa pagkapahiya sa sinabi nito kaya naging mabilis ang aksyon niya at agad na umangat ang kamay niya at ang sumunod na eksena ay ang malakas na pagdapo ng palad niya sa pisngi ni Aldrick.
"What the fuck!" Halata ang gulat ni Aldrick sa pagsampal sa kan’ya ng babae. Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon kaya naman lalo siya na nainis. Muli siya na nagsalita habang titig na titig sa babae. "You have the guts to even do that. Hindi mo yata kilala ang binabangga mo!"
"Kilala kita at ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko!" Sagot naman ni Russia na hindi nagpatinag sa galit niya.
Sarkastiko na lamang siya na ngumiti, tumitig sa babae at saka muli na nagsalita kay Elon. "Elon, bring this woman out! Make sure that I don’t cross paths with her again! She is crazy to even think that she can frame me up like this! Siguraduhin mo na hindi na iyan muling babalik pa rito, kung hindi ay makikilala niya ang tunay na Aldrick Laureus at sigurado ako na hindi niya iyon magugustuhan!"
Hindi na naman mapigilan ni Russia ang mga ngiti na sumisilay sa kan’yang labi habang hawak-hawak ang telepono niya. Noon kapag hawak niya ang cellphone niya ay sambakol ang mukha niya at problemado siya, pero sa nakalipas na mga araw ay nag-iba ang ihip ng hangin, at isang tao lamang naman ang rason ng lahat ng iyon: si Aldrick.The past few days have been different for both of them. Hindi niya inaasahan ang pagbabago sa pagitan nila pero aaminin niya na nagugustuhan niya iyon. And it’s not just because that was her plan all along, but because she feels Aldrick’s sincerity in his actions towards her.Hindi niya sigurado kung ang "tayo" ba na tinukoy nito ay ang relasyon na nga nila, but she doesn't really need to formalize anything because his actions speak louder and more clearly than his words. Sapat na rin ang halik na iginawad sa kan'ya n
"Buwisit! Ang yabang! Akala mo kung sino siya! Tang-ina!" Galit na galit na naman si Blue nang makabalik siya sa kan’yang tirahan. Hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya kaya buhat pa kanina ay ilang baso na rin ang nabasag niya dahil sa pagwawala niya. Hindi na rin kailangan pa na hulaan ang dahilan dahil ang galit na iyon ay nakatuon lamang sa iisang tao: ang lalaking pilit na nanghihimasok sa relasyon nila ng dating kasintahan niya.Hindi niya kailanman matatanggap na mawawala sa kan’ya si Russia. Hindi kailanman niya hahayaan na may ibang lalaki na aangkin sa babaeng dapat ay sa kan’ya lamang. At kahit na ano pang pananakot ang sabihin nito sa kan’ya ay hindi siya magpapatinag."Kahit na anong mangyari ay sa akin ka lamang, Russia! Ikaw at ako lamang hanggang sa huli!" Muli ay sigaw niya. "Akin ka at ang anak natin! Akin
"Elon, you know what to do." Iyon lamang ang binitiwan na salita ini Aldrick sa kan’yang tauhan at saka nagmamadali nang umalis sa lugar na iyon kasama si Sia.Salubong ang kilay niya habang hawak-kamay sila na naglalakad palabas ng mall na iyon. Matapos magbilin sa ilan pang mga kasamahan kung ano ang gagawin kay Blue ay mabilis naman na sumunod sa kanila si Elon at ang ilan pa sa mga tauhan nila na kagaya niya ay tahimik na lamang din at walang kibo.Nanggigigil na naman si Aldrick at nagpupuyos ang kan'yang damdamin dahil sa eksena na naabutan niya kanina. Hindi man siya magsalita ay alam ng mga kasamahan niya ang pagngingitngit ng kalooban niya. He is enraged, and the anger he is feeling is directed only at one person: Blue Alegre. Ang lalaki na siyang malimit ngayon na nagpapa-init ng ulo niya dahil sa patuloy na panggugulo nito sa mag-in
"Si," Kasabay sa pagtawag na iyon ay ang mga kamay na pumigil sa kan’yang paglalakad. "Mag-usap nga tayo. Bakit mo ba ako patuloy na iniiwasan? Kausapin mo nga muna ako." Pilit siya na kumakawala pero lalo lamang nito na hinigpitan ang pagkakakapit sa braso niya. "Fucking talk to me, Russia! You owe me an explanation. Hindi mo ako iiwasan kung wala kang itinatago sa akin.""I don’t owe you anything." Mabilis na tugon niya saka pilit na itinulak ang lalaki na humahawak sa kan’ya. "Let me go. Wala akong itinatago sa'yo, kaya wala tayong dapat na pag-usapan."Hindi niya inaasahan na magtatagpo na naman ang landas nila ng walanghiyang ex-boyfriend niya dahil matapos ang huling paghaharap nila nang sapilitan na naman siya nito na kausapin sa bahay nina Aldrick ay nanahimik na ang lalaki.She mista
"Takte, Aldrick, hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi mo pa nakuha ang personal na detalye niya, pero nakuha mo naman na mag-Marites sa buhay niya. Pumapalya ka na yata ngayon sa pagkuha ng impormasyon, Prinsipe?"Iritable at simangot na simangot naman siya habang nakikinig sa litanya ni Akiro. Aminado rin naman siya na nagkulang talaga siya sa pagkuha ng mga detalye na kinakailangan niya at iyon ay sa kadahilanan na nalihis siya sa motibo niya nang malaman niya ang tunay na istorya ng buhay ni Sia."I know, Akiro. Alam ko iyon kaya nga ginagawan ko nang paraan, kaya hindi mo na kailangan pa na ulit-ultin sa akin.""Tapatin mo nga ako, Drick, ikaw ba ay nagpapanggap pa rin hanggang ngayon para mapalapit sa kan’ya o baka naman talagang totohanan na ang pakikipaglapit mo na iyan dahil sa may ibang dahilan ka
Walang plano si Russia na aminin kay Aldrick ang mga nangyari sa buhay niya, pero sa hindi malaman na dahilan nang seryoso siya nito na kausapin ay para siyang nahipnotismo at nagbahagi ng kuwento ng bahagi ng buhay niya.Hindi niya alam kung tama ang mga ginawa niya o kung lalo lamang niya na ipinahamak ang sarili niya dahil nakapagbigay siya ng mga ilang detalye na maaaring maglabas ng tunay na pagkatao niya. Kakasabi lamang niya sa kan'yang sarili na the less he knows about her, the better for her pero siya rin mismo ang unang hindi tumupad sa sinabi niya na iyon.She doesn't want to tell him anything more than what is necessary for her mission, but she failed when she felt his sincerity. Siguro nga ay madali siya talaga na mapapaniwala, kung si Blue nga na manloloko ay napapaniwala siya na mahal siya, iyon pa kayang gano’n estilo ni Aldrick?