Share

Chapter 4

Author: aiwrites
last update Last Updated: 2024-06-05 01:00:13

"Makikilala niya na ang tunay na Aldrick Laureus? Paano? Sa kama ba?" Nakakalokong tanong ni Nathan saka bumunghalit ng tawa matapos na sapilitan na ilabas ni Elon ang babae na kanina lamang ay nagpa-init ng ulo ni Aldrick.

"What the hell is wrong with that woman? Ano ba ang plano niya at patuloy niya na ipinipilit ang bagay na iyan? Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang naisipan niya na paglaruan at gaguhin." Salubong ang kilay na sagot naman niya. 

Kuhang-kuha ng babae na iyon ang inis niya simula pa lamang nang una sila na magtagpo. He wanted to just disregard her accusations at first, but thought otherwise, kaya naman agad niya rin na tinawagan si Elon para makatulong sa pag-iimbestiga na gagawin niya patungkol sa babaeng makulit na iyon.

And he is glad that he decided on bringing Elon into the picture. Mabuti na lamang din talaga at naisip niya ang mga posibilidad na maaari na mangyari at gawin pa ng loka-loka na iyon kaya naman sa pagdating ng tauhan niya ay agad niya na sisimulan ang pag-iimbestiga sa tunay na pagkatao ng babae na iyon.

"Alam mo, Drick, masasagot sana natin ang mga tanong mo na iyan kung hindi mo agad-agad na ipinagtabuyan ang babae na iyon. I mean, we could have asked her questions, but now, how can we?"

At may punto nga naman si Nathan sa mga sinasabi nito, pero hindi na niya iyon naisip pa kanina dahil ang tanging nasa utak niya ang ang mapaalis ang babae sa kan’yang harapan dahil kuhang-kuha nito ang galit niya.

"I don’t care." Sagot na lamang niya kahit na alam niya na tama ang kaibigan sa sinabi nito. "And besides, that’s the reason why Elon is here. Siya na ang aatasan ko na mag-imbestiga patungkol sa babae na iyon. I need answers, and I need them fast. Sigurado rin naman ako na lahat ng sasabihin ng babae na iyon ay panay kasinungalingan lamang kaya mas makakabuti pa na gumawa na lamang ako ng sariling imbestigasyon kaysa ang magsayang ng oras na tanungin siya sa mga bagay na kasinungalingan naman ang itutugon niya." 

"May punto ka naman diyan sa sinasabi mo." Pagsang-ayon naman ni Nathan sa mga sinabi niya. "Pero sino nga kaya ang babae na iyon? Literal na sino siya dahil sa dalawang beses na pagpunta niya rito ay hindi naman siya nagbanggit ng pangalan niya."

"That's precisely why I believe that everything she is saying is just a ruse. I mean, wala na siyang ibang sinabi kung hindi ang nabuntis ko siya at kailangan ko iyon na panagutan at kahit na paulit-ulit ko na sabihin na hindi ko siya kilala ay hindi rin naman siya nagpapakilala at nagsasabi kung saan ba kami nagtagpo." Pagbubuntong-hininga pa niya.

Simula yata ng mag-krus ang landas nila ng babae na iyon ay wala na siyang ibang magawa kung hindi ang malalim na magbuntong-hininga at mag-isip dahil sa hindi niya mapagtanto kung ano ang kailangan nito sa kan’ya at patuloy nito na ginugulo ang magulo na nga niya na buhay.

Nag-aalangan man ay muli na nagsalita si Nathan. "Sigurado ka ba talaga na hindi mo siya kilala? Sigurado ka ba na hindi mo nakasama ang babae na iyon kahit isang gabi lamang? Let’s be real here, Aldrick, maaari na nakasama mo na siya pero hindi mo nga lang matandaan dahil sa lahat yata ng pagkakataon ay lasing ka."

"Hindi ko nga siya kilala; hindi ko siya natatandaan at lalong hindi ko siya nakasama kahit na kailan." Mariin pa rin na pagtanggi niya sa sinasabi ng kaibigan niya. "And this is why I need to get to the bottom of this. Alam ko na may masamang balak ang babae na iyon, kung sa akin o kung kanino man ay hindi ko alam pero iyon ang aalamin ko. I can't take chances, especially if it is really Atasha’s family that she is targeting. Malay ba natin kung ginagawa niya lang ako na patibong para mapasok ang buhay nina Atasha."

Pareho sila na natahimik ni Nathan sa naging pagbanggit niya sa pangalan ni Atasha. Ayaw niya isipin na panggugulo na naman sa pamilya ni Atasha ang hatid ng kung sino man na babae na iyon, pero hindi niya iyon tinatanggal sa posibilidad lalo na at alam din naman niya na marami rin na kalaban ang kapatid niya na si Colton.

"Then maybe we should really tell Colton about this." Makalipas ang ilan segundo ay nasambit ni Nathan. "Kailangan na alam ng kapatid mo kung may banta sa pamilya niya lalo na kung sa prinsesa at sa mga bata iyon." More than being Atasha’s friend, Nathan’s job is to protect the princess, kaya naman nang mabanggit ni Aldrick ang tungkol sa seguridad ni Atasha at ng pamilya nito ay bigla rin na nagbago ang disposisyon nito. "And not just Colton, but Akiro as well. Kailangan ipaalam kay Prinsipe Akiro ang ano man banta sa buhay ng mga prinsesa at mga prinsipe."

"Gagawin natin iyon pero hindi pa sa ngayon. Ayaw ko na bigyan ng dahilan sina Colton at Akiro na agad na mag-alala hangga’t hindi pa ako sigurado sa mga hinala ko. I need proof and evidence that this woman is planning something against them."

"Fine, but we better make this quick." Nasabi na lamang ni Nathan. "Mag-uutos ako sa mga tauhan na manmanan ang babae na iyon."

"Hindi na kailangan, Nathan." Boses na ni Elon ang narinig nila. "Pinasundan ko na siya sa mga tauhan natin, Prinsipe Aldrick."

"May kasama ba siya?" agad na tanong niya. "Lahat ng impormasyon ay importante sa ngayon."

"Wala naman akong nakita nang sapilitan ko siya na ilabas. Hindi nga rin siya agad na umalis at sa halip ay tumayo lamang sa tapat ng bahay at salubong ang kilay na nakatitig sa akin." Agad na kuwento naman ni Elon. "Hinihintay ko nga na umalis pero mukhang walang balak na umalis kaya naman iniwan ko na siya at ibinilin ko na lamang sa ilang tauhan na sundan siya."

"Wala ba siyang binanggit habang inilalabas mo siya? Wala ba siyang sinabi na maaaring makatulong para malaman natin kung anong plano niya?" tanong ni Nathan.

Umiling-iling naman si Elon at saka sumagot. "Wala naman siyang ibang sinasabi kung hindi ang mga salita na "Hindi mo ako matatakasan, Aldrick. Kailangan mo na tanggapin ang responsibilidad mo sa akin."

"Fuck!" Napamura na lamang siya sa mga narinig niya. Mukhang siya talaga ang pakay ng babae na iyon at hindi niya alam ang dahilan. 

"Sino ba ang babae na iyon, Prinsipe? Siya ba ang dahilan ng biglaan na pagpapapunta mo sa akin dito?" Sa punto na iyon ay si Elon naman ang napuno ng mga katanungan. "At bakit nga ba niya sinasabi na panagutan mo siya? Naglasing ka na naman ba at gumawa ng kalokohan?"

"Huwag mo nga akong pinagtatatanong ng mga bagay na wala pa akong sagot." iritable na tugon na lamang niya. "At oo, ang babae na iyon ang dahilan kaya kita pinapunta rito. Ang trabaho ninyo ay ang alamin ang pakay ng babae na iyon sa akin at sa pamilya ni Colton. Kailangan ninyo na malaman kung sino siya at ano ang motibo niya para ipilit sa akin na nabuntis ko siya. That woman is crazy. Hindi ko aakuin ang responsibilidad na hindi sa akin!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Framed the Prince to be My Baby Daddy   Chapter 34

    Hindi na naman mapigilan ni Russia ang mga ngiti na sumisilay sa kan’yang labi habang hawak-hawak ang telepono niya. Noon kapag hawak niya ang cellphone niya ay sambakol ang mukha niya at problemado siya, pero sa nakalipas na mga araw ay nag-iba ang ihip ng hangin, at isang tao lamang naman ang rason ng lahat ng iyon: si Aldrick.The past few days have been different for both of them. Hindi niya inaasahan ang pagbabago sa pagitan nila pero aaminin niya na nagugustuhan niya iyon. And it’s not just because that was her plan all along, but because she feels Aldrick’s sincerity in his actions towards her.Hindi niya sigurado kung ang "tayo" ba na tinukoy nito ay ang relasyon na nga nila, but she doesn't really need to formalize anything because his actions speak louder and more clearly than his words. Sapat na rin ang halik na iginawad sa kan'ya n

  • Framed the Prince to be My Baby Daddy   Chapter 33

    "Buwisit! Ang yabang! Akala mo kung sino siya! Tang-ina!" Galit na galit na naman si Blue nang makabalik siya sa kan’yang tirahan. Hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya kaya buhat pa kanina ay ilang baso na rin ang nabasag niya dahil sa pagwawala niya. Hindi na rin kailangan pa na hulaan ang dahilan dahil ang galit na iyon ay nakatuon lamang sa iisang tao: ang lalaking pilit na nanghihimasok sa relasyon nila ng dating kasintahan niya.Hindi niya kailanman matatanggap na mawawala sa kan’ya si Russia. Hindi kailanman niya hahayaan na may ibang lalaki na aangkin sa babaeng dapat ay sa kan’ya lamang. At kahit na ano pang pananakot ang sabihin nito sa kan’ya ay hindi siya magpapatinag."Kahit na anong mangyari ay sa akin ka lamang, Russia! Ikaw at ako lamang hanggang sa huli!" Muli ay sigaw niya. "Akin ka at ang anak natin! Akin

  • Framed the Prince to be My Baby Daddy   Chapter 32

    "Elon, you know what to do." Iyon lamang ang binitiwan na salita ini Aldrick sa kan’yang tauhan at saka nagmamadali nang umalis sa lugar na iyon kasama si Sia.Salubong ang kilay niya habang hawak-kamay sila na naglalakad palabas ng mall na iyon. Matapos magbilin sa ilan pang mga kasamahan kung ano ang gagawin kay Blue ay mabilis naman na sumunod sa kanila si Elon at ang ilan pa sa mga tauhan nila na kagaya niya ay tahimik na lamang din at walang kibo.Nanggigigil na naman si Aldrick at nagpupuyos ang kan'yang damdamin dahil sa eksena na naabutan niya kanina. Hindi man siya magsalita ay alam ng mga kasamahan niya ang pagngingitngit ng kalooban niya. He is enraged, and the anger he is feeling is directed only at one person: Blue Alegre. Ang lalaki na siyang malimit ngayon na nagpapa-init ng ulo niya dahil sa patuloy na panggugulo nito sa mag-in

  • Framed the Prince to be My Baby Daddy   Chapter 31

    "Si," Kasabay sa pagtawag na iyon ay ang mga kamay na pumigil sa kan’yang paglalakad. "Mag-usap nga tayo. Bakit mo ba ako patuloy na iniiwasan? Kausapin mo nga muna ako." Pilit siya na kumakawala pero lalo lamang nito na hinigpitan ang pagkakakapit sa braso niya. "Fucking talk to me, Russia! You owe me an explanation. Hindi mo ako iiwasan kung wala kang itinatago sa akin.""I don’t owe you anything." Mabilis na tugon niya saka pilit na itinulak ang lalaki na humahawak sa kan’ya. "Let me go. Wala akong itinatago sa'yo, kaya wala tayong dapat na pag-usapan."Hindi niya inaasahan na magtatagpo na naman ang landas nila ng walanghiyang ex-boyfriend niya dahil matapos ang huling paghaharap nila nang sapilitan na naman siya nito na kausapin sa bahay nina Aldrick ay nanahimik na ang lalaki.She mista

  • Framed the Prince to be My Baby Daddy   Chapter 30

    "Takte, Aldrick, hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi mo pa nakuha ang personal na detalye niya, pero nakuha mo naman na mag-Marites sa buhay niya. Pumapalya ka na yata ngayon sa pagkuha ng impormasyon, Prinsipe?"Iritable at simangot na simangot naman siya habang nakikinig sa litanya ni Akiro. Aminado rin naman siya na nagkulang talaga siya sa pagkuha ng mga detalye na kinakailangan niya at iyon ay sa kadahilanan na nalihis siya sa motibo niya nang malaman niya ang tunay na istorya ng buhay ni Sia."I know, Akiro. Alam ko iyon kaya nga ginagawan ko nang paraan, kaya hindi mo na kailangan pa na ulit-ultin sa akin.""Tapatin mo nga ako, Drick, ikaw ba ay nagpapanggap pa rin hanggang ngayon para mapalapit sa kan’ya o baka naman talagang totohanan na ang pakikipaglapit mo na iyan dahil sa may ibang dahilan ka

  • Framed the Prince to be My Baby Daddy   Chapter 29

    Walang plano si Russia na aminin kay Aldrick ang mga nangyari sa buhay niya, pero sa hindi malaman na dahilan nang seryoso siya nito na kausapin ay para siyang nahipnotismo at nagbahagi ng kuwento ng bahagi ng buhay niya.Hindi niya alam kung tama ang mga ginawa niya o kung lalo lamang niya na ipinahamak ang sarili niya dahil nakapagbigay siya ng mga ilang detalye na maaaring maglabas ng tunay na pagkatao niya. Kakasabi lamang niya sa kan'yang sarili na the less he knows about her, the better for her pero siya rin mismo ang unang hindi tumupad sa sinabi niya na iyon.She doesn't want to tell him anything more than what is necessary for her mission, but she failed when she felt his sincerity. Siguro nga ay madali siya talaga na mapapaniwala, kung si Blue nga na manloloko ay napapaniwala siya na mahal siya, iyon pa kayang gano’n estilo ni Aldrick?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status