LOGINAkala ko trabaho lang ang pagiging secretary ng isang billionaire CEO. Hanggang sa unang araw ko sa Velmont Group, nakita ko ang litrato ng isang babaeng kamukha ko. Ang pangalan niya ay Elise. Dating minahal ni Adrian Montenegro—at isang babaeng matagal nang nawala sa buhay niya. Pero ang mas nakakagulo ay ang paraan ng pagtingin ni Adrian sa akin. Para bang may hinahanap siya sa mukha ko. Para bang hindi niya ako unang beses na nakita. Hindi nagtagal, nagsimula akong makatanggap ng mga anonymous na mensahe. Huwag kang magtiwala sa kanya. Kilala ka niya. Hindi mo pa dapat naaalala. Mayroon ding lumang file sa Velmont Group na naglalaman ng pangalan ko—tatlong taon bago pa ako naging secretary ni Adrian. Ang problema? Wala akong maalalang naging bahagi ako ng kumpanyang iyon. Habang hinahanap ko ang katotohanan tungkol kay Elise, unti-unti kong natuklasan na may mga bahagi ng sarili kong nakaraan na hindi ko maalala. At sa bawat sagot na nakukuha ko, mas lalo akong napapalapit sa isang lalaking tila may alam tungkol sa buhay ko na ayaw niyang sabihin. Pero habang lumalalim ang misteryo, lumalalim din ang nararamdaman ko para sa kanya. Paano kung ang lalaking dapat kong pag-ingatan ang siya ring taong hindi ko kayang layuan? At paano kung ang babaeng kamukha ko ay hindi lamang bahagi ng nakaraan ni Adrian—kundi susi sa katotohanang matagal nang itinago sa akin? Sa mundong puno ng sikreto, alaala, at pagnanasa, isang tanong lamang ang kailangan kong sagutin: Sino ba talaga ako bago ko nakalimutan ang lahat?
View MoreMay mga araw na wala namang kakaiba sa simula, pero pagdating ng gabi, maiisip mong sana pala hindi ka na lang umalis ng bahay.
Hindi ako naniniwala sa ganoong pakiramdam.
Mas gusto kong isipin na ang mga bagay ay may malinaw na dahilan.
Kapag nagkamali ka, may dahilan.
Kapag may nangyari, may pinagmulan.
At kung may problemang hindi mo maintindihan, ang solusyon ay hanapin ang tamang impormasyon.
Kaya bago ako bumaba ng taxi sa harap ng Velmont Group, tiningnan ko pa ang oras sa cellphone ko.
7:43 a.m.
Labimpitong minuto bago ang orientation ko.
Maaga.
Maayos.
Kontrolado.
Dapat ganoon.
“Trabaho lang,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingala sa gusali.
Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sabihin iyon.
Siguro dahil sa unang tingin pa lang, alam kong hindi ako sanay sa mundong papasukin ko.
Ang gusali ng Velmont Group ay hindi lang mataas.
Nakaka-intimidate.
Salamin at bakal ang halos buong harapan nito, at maging ang lobby ay parang walang lugar para sa mga taong nag-aalinlangan.
Napabuntong-hininga ako.
“Okay. Huwag kang matakot sa building.”
Bahagya akong natawa sa sarili ko.
Mas madaling sabihin kaysa gawin.
Pagkapasok ko, agad akong sinalubong ng receptionist.
“Ms. Liana Valdez?”
“Opo.”
“Thirty-second floor. May naghihintay po sa inyo.”
“Salamat.”
Habang umaakyat ang elevator, napatingin ako sa sarili ko sa repleksiyon ng salamin.
Simple lang ang suot ko. Maayos na blouse, palda, at heels na halos isang oras ko nang pinagsisisihan.
Hindi ako mukhang CEO secretary.
Mukha akong taong sinusubukang kumbinsihin ang sarili niyang kaya niya.
Pagbukas ng elevator, isang babaeng may hawak na tablet ang lumapit sa akin.
“Liana?”
“Opo.”
“I'm Claire.”
Ngumiti siya at iniabot ang kamay niya.
Magaan ang aura niya kumpara sa buong floor.
“Welcome.”
“Thank you.”
Habang naglalakad kami, panandalian siyang sumulyap sa akin.
Hindi ko iyon pinansin sa unang pagkakataon.
Sa pangalawa, napansin ko.
Sa pangatlo, hindi ko na napigilang magsalita.
“May problema ba?”
Agad siyang napalingon.
“Ha?”
“Kanina pa kayo tumitingin sa akin.”
Napangiti siya nang alanganin.
“Sorry. Wala naman.”
“Sigurado?”
“Sigurado.”
Hindi ako kumbinsido.
Pero hindi ko na siya pinilit.
Huminto kami sa harap ng isang malaking p***o.
May metal plate sa gilid.
ADRIAN MONTENEGRO
CHIEF EXECUTIVE OFFICER
Biglang naging mabigat ang tiyan ko.
“Good luck,” sabi ni Claire.
Napatingin ako sa kanya.
“Bakit parang kailangan ko ng good luck?”
Hindi siya sumagot.
Kumatok siya nang dalawang beses.
“Come in.”
Mababa ang boses.
Hindi malakas.
Pero may kakaibang authority.
Binuksan ni Claire ang p***o.
“Mr. Montenegro, Ms. Liana Valdez.”
Pagpasok ko, agad kong nakita ang lalaki sa likod ng mesa.
Si Adrian Montenegro, ang magiging boss ko.
Nakita ko na siya sa mga artikulo.
Pero ibang-iba pala kapag nasa harap mo na.
May mga taong hindi kailangang magsalita para mapansin.
Siya iyong ganoon.
Maayos ang dark suit niya. Nakabukas ang isang folder sa harap niya. Isang kamay ang nakapatong sa mesa habang ang isa ay may hawak na pen.
Tumingin siya sa akin.
At biglang nawala sa isip ko ang lahat ng inensayo kong sasabihin.
Hindi dahil gwapo siya.
Bagama't, oo, mahirap namang hindi mapansin iyon.
Kundi dahil parang sinusuri niya ako.
Hindi iyong ordinaryong tingin ng employer sa bagong empleyado.
Mas matagal.
Mas tahimik.
At sa isang saglit, naisip kong parang may hinahanap siya sa mukha ko.
“Leave us.”
Malamig niyang utos kay Claire.
“Of course, sir.”
Lumabas si Claire.
Naiwan kaming dalawa.
“Sit.”
Umupo ako.
Binuksan niya ang folder.
“Naipaliwanag na sa iyo ang trabaho?”
“Opo.”
“Tell me.”
Napahinga ako nang dahan-dahan.
“Pamamahalaan ko po ang schedule ninyo, meetings, documents, correspondence, at mga tawag na kailangan munang i-filter bago makarating sa inyo.”
“Anything else?”
“Dapat alam ko po kung nasaan kayo kapag kailangan kayo ng board o ng department heads.”
Tumango siya nang bahagya.
“You're aware that this isn't a nine-to-five position.”
“Opo.”
“You'll be dealing with confidential information.” Dagdag niya.
“Opo.”
“You'll be expected to keep up.”
“I will.”
Tumigil ang kamay niya sa ibabaw ng folder.
Tumingin siya sa akin.
“Don't promise things you can't prove.”
Hindi ko alam kung bakit parang personal ang dating ng simpleng pangungusap.
“Then I'll prove it.”
Saglit siyang natahimik.
May bahagyang pagbabago sa mga mata niya.
Kung tama ang basa ko, parang hindi niya inaasahan ang sagot ko.
“Good.”
Tumayo siya.
“Your desk is outside. Claire will give you the rest of the instructions.”
“Opo.”
Bago siya tuluyang lumabas, huminto siya.
“Liana.”
“Yes Sir?”
“Kung hindi mo naiintindihan ang isang bagay, magtanong ka.”
Bahagya siyang tumingin sa akin.
“Huwag kang basta sumang-ayon dahil ako ang boss mo.”
Hindi ko alam kung bakit tumatak sa akin ang sinabi niyang iyon.
Tumango ako.
Paglabas niya, saka lamang ako nakahinga.
“Okay,” bulong ko. “Hindi naman pala ganoon kasama.”
Maling-mali ako.
Makalipas ang dalawang oras, halos malunod na ako sa mga dokumento.
May schedule ng mga meeting, listahan ng board members, kontrata na kailangan niyang pirmahan, at sunod-sunod na tawag na kailangang ayusin.
Sa unang tingin, ordinaryong trabaho lamang.
Pero habang binabasa ko ang mga dokumento, napansin kong karamihan sa mga folder ay may markang confidential.
Napaisip ako kung gaano kalaki ang tiwalang ibinibigay sa isang bagong empleyado.
O kung talagang tiwala iyon.
Baka sinusubukan lang niya akong makita kung hanggang saan ako makakaya.
Hindi ko alam.
Pero ayokong mabigo.
Habang inaayos ko ang mga folder sa side table ng opisina niya, may napansin akong maliit na frame na halos natatakpan ng isang kahon.
Hindi ko sana papansinin.
Pero nahulog ang isang dokumento malapit doon.
Yumuko ako.
At doon ko nakita ang litrato.
Isang mas batang Adrian.
Nakangiti.
Totoong nakangiti.
At katabi niya ang isang babae.
Napatingin ako sa mukha nito.
Huminto ang lahat.
Hindi dahil kilala ko siya.
Kundi dahil—
kamukha ko siya.
Hindi eksaktong pareho.
Pero sapat para mapatingin ako sa sarili kong repleksiyon sa salamin ng cabinet.
Muli sa litrato.
Muli sa sarili ko.
Pareho ang hugis ng mukha.
Pareho ang mga mata.
Pati ang bahagyang kurba ng labi.
“Hindi maaari…”
“Liana.”
Napapitlag ako.
Nasa pintuan si Adrian.
Hindi ko siya narinig.
Mabilis kong ibinaba ang litrato.
“I'm sorry. Hindi ko naman sinasadyang—”
“Who told you to look at that?”
Hindi ko nagustuhan ang tanong.
“Wala.”
Lumapit siya.
Kinuha niya ang frame.
At habang hawak niya iyon, napansin ko ang pagbabago sa kanyang mukha.
Hindi galit.
Hindi rin simpleng lungkot.
May kung anong mahirap pangalanan.
Parang isang lumang sugat na biglang nahawakan.
“Sino siya?” tanong ko.
Hindi siya sumagot.
“Sir?”
Tumingin siya sa akin.
At sa halip na sagutin ako, sinabi niya:
“That’s exactly what I want to know.”
Hindi ko agad naintindihan.
“Hindi ninyo siya kilala?”
Hindi siya sumagot.
Tumunog ang cellphone niya.
Tiningnan niya ang screen.
Saglit na nanigas ang panga niya.
Pagkatapos ay ibinaba niya iyon.
“Go back to work.”
Hindi ako gumalaw.
“Kamukha ko po siya.” 'Di ako mapalagay.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.
At sa pagkakataong iyon, may nakita akong bagay na hindi ko maipaliwanag sa kanyang mga mata.
Parang takot.
O baka ako lang ang nag-iisip noon.
Bago ko pa siya tanungin, tumunog ang cellphone ko.
Unknown number.
May litrato.
Ako.
Nakatayo sa harap ng Velmont Group.
Kuha ngayong umaga.
Sa ilalim nito ay isang mensahe:
'MALIGAYANG PAGBALIK, LIANA.'
Nawala ang init sa mga daliri ko.
Dahan-dahan akong tumingin kay Adrian.
At sa halip na magtanong kung sino ang nagpadala noon—
ang una kong napansin ay hindi siya mukhang nagulat.
Para bang may bahagi sa kanya na matagal nang naghihintay sa mensaheng iyon.
Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon.Hindi dahil sa takot.Mas nakakainis kaysa roon.Dahil sa dami ng tanong.Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang litrato ni Elise.Pagkatapos ang sarili kong mukha.Pagkatapos ang lumang file.At sa pinakahuli—ang mukha ni Adrian nang makita niya ang address.Hindi ko alam kung ano ang mas gusto kong malaman.Kung bakit kamukha ko si Elise.O kung bakit parang matagal na akong bahagi ng isang kuwento na hindi ko maalala.Kinabukasan, sumama ako kay Adrian.Tahimik ang biyahe.Pareho kaming may iniisip.Sa unang ilang minuto, tanging tunog ng makina at mahinang ingay ng lungsod ang naririnig ko.Maya-maya, ako na ang unang nagsalita.“May nangyari ba sa apartment na iyon?”“Liana.”“Simple lang ang tanong ko.”“Hindi ko alam kung ano ang makikita natin.”“Hindi iyon ang tinanong ko.”Saglit siyang tumingin sa akin bago ibinalik ang mga mata sa daan.“May mga alaala akong hindi ko gustong balikan.”Hindi ko inaasahang ma
Kinabukasan, hindi ko na hinintay na mauna si Sir Adrian.Ako ang lumapit sa kanya.“Sabihin ninyo sa akin ang totoo.”Deretsa kong bungad sa kaniya.Hindi siya tumingala mula sa dokumentong binabasa niya.“About what?”Wow, parang may amnesia lang? “Ang alam ninyo.”Isinara niya ang folder.“Liana.”“May file ako rito tatlong taon na ang nakalipas.”Heto nanaman ako inuulit sa kaniya kahit wala akong natatanggap na paliwanag.Tahimik lang siya.“May video si Elise.”Dugtong ko, umaasang mapupukaw ko ang atensiyon niya sa pagbanggit ng pangalang 'yon.Wala pa rin.“At may nagsasabing kilala ninyo ako.”Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.“Hindi ko sinabi iyon.”“Hindi ninyo kailangang sabihin.”Napatingin siya sa akin nang matagal.“Hindi mo alam ang hinihingi mo.”Gusto Kong sabihing alam na alam ko Kung anong gusto Kong malaman.Ang hinihingi ko lang ay sagot sa mga tanong ko.“Ang hinihingi ko ay impormasyon tungkol sa sarili kong buhay.”Walang sagot.At iyon ang pinakamasakit.
Hindi ko kayang maghintay nang matagal.Kinabukasan, nang magkaroon ako ng pagkakataon, pumasok ako sa digital archive.Hindi ko alam kung ano mismo ang hinahanap ko.Siguro kahit isang sagot man lang sa marami kong tanong.Siguro kahit isang maliit na piraso ng impormasyon na magpapatunay na hindi ako nababaliw.Una kong hinanap ang pangalan sa likod ng litrato, si Elise.Maraming records.Karamihan restricted.May mga dokumentong hindi ko mabuksan.May mga folder na nangangailangan ng mas mataas na access.May ilang files na pangalan lang ang nakikita ko bago mawala sa screen.Mas lalo akong kinabahan.Pagkatapos, hindi ko alam kung bakit, isinulat ko ang sarili kong pangalan.LIANA VALDEZ.May lumabas.Isang folder.Napatigil ako.Binuksan ko.Employment information.Personal records.Application documents.Normal sana.Hanggang sa makita ko ang petsa.Tatlong taon na ang nakalipas.Napakunot ang noo ko.Hindi ako nag-apply noon.Hindi ako nagtrabaho rito.Alam ko iyon. Sigurado ak
Hindi ko sinabi kay Adrian ang lahat ng naiisip ko.Hindi dahil wala akong gustong malaman.Kabaligtaran.Masyado akong maraming gustong malaman.At iyon ang problema.Kapag masyadong maraming tanong, mas mahirap malaman kung alin ang dapat unahin.Kaya ginawa ko ang pinakakaya kong gawin.Nagtrabaho ako.Buong umaga.Buong tanghali.Pinilit kong ituon ang sarili ko sa mga bagay na kaya kong kontrolin.Mga schedule.Mga tawag.Mga dokumentong kailangang ipadala.Mga meeting na kailangang ilipat.Simple lang dapat.Pero habang mas nagiging abala ako, mas lalo kong napapansin ang mga bagay na dati ay hindi ko pinapansin.Mga tingin.Mga bulong.Mga sandaling biglang tumatahimik ang isang grupo kapag dumadaan ako.Hindi naman lahat.Pero sapat para mapansin.Minsan, kapag nakatingin ako sa kanila, agad nilang iniiwas ang mga mata.Hindi ko alam kung dahil bago ako.O dahil may alam sila.Bandang alas-dose, pumunta ako sa pantry.May isang matandang babae roon na nag-aayos ng mga tasa.Hi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.