Share

MANILENYA 103

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-09-15 10:47:35

"Of course," patuloy ni Gabriel, para bang nagbibigay ng evaluation report, "may ilang bagay pa siyang kailangang ayusin at baguhin sa kaniyang sarili."

Bahagyang napataas ang isang kilay ni Daddy, ang kaniyang panga ay dahan-dahang nag-aabang. "At anu-ano naman ang mga bagay na iyon, inaasahan kong hindi naman malubha ang sinasabi mo?"

"Nothing too serious, Sir," kumaway pa si Gabriel sa hangin, tila pinalalabas na maliit na bagay lang iyon. "Career-wise, I strongly think she lacks proper dire
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 22

    Pagsapit ng tanghali, saka ko lang napansin ang makapal na folder na nakapatong sa gilid ng aking mesa.Mga papeles iyon na ipinagawa ko kay Audrey—o sa bagong sekretarya ko—bago pa man magsimula ang araw ko. May ilang kontrata na kailangang suriin, mga dokumentong kailangang ayusin para sa meeting sa susunod na linggo, at mga report na kailangan kong makita bago matapos ang araw. Karaniwan, inaabot ng halos isang buong araw bago matapos ni Audrey ang lahat ng iyon, lalo na kapag may mga kailangang baguhin at kumpirmahin sa iba't ibang departamento.Kaya naman nagulat ako nang makita kong kumpleto na ang lahat.Napakunot-noo kong inilapit ang folder sa akin. “Ano'ng oras pa lang?” bulong ko habang tinitingnan ang aking relo.Labindalawang minuto pa lang ang nakalilipas mula nang mag-alas dose ng tanghali.Binuksan ko ang unang dokumento at isa-isang sinuri ang mga pahina. Inasahan kong may makikita akong mali—kahit man lang isang maling petsa, kulang na detalye, o hindi pagkakatugmang

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 21

    "May kailangan ka pa?"“Aww... galit ka pa rin ba sa akin, boss?” pang-aasar niya, tinaasan ako ng isang kilay habang may nakatutuksong ngiti. “Huwag ka nang sumimangot diyan. Pangit sa image ng isang CEO ang salubong ang kilay maaga pa lang.”Mabilis kong pinalipat ang malamig kong titig sa kaniya. Kanina lang, akala ko, sasaludo na siya sa akin. Hindi niya talaga kayang magtagal ng hindi bumabalik sa totoong siya.“Micah, wala akong oras para sa mga trip mo. Umalis ka sa harap ko.”Natawa siya nang mahina—isang pilyang tawa na halatang nag-e-enjoy sa pagkairita ko.“Bakit naman ako aalis? I'm your new executive secretary, remember?” kumindat siya sa akin sabay umayos ng tayo at inayos ang kaniyang blazer. “Saka huwag ka nang mag-drama tungkol kay Audrey. Inilipat lang naman siya ni Tita Rendy sa HR department... hindi naman siya itinapon sa labas ng gusali.”“Huwag mo siyang mabanggit-banggit,” banta ko sa mababang boses.“Ouch!” pilit na humawak si Micah sa kaniyang dibdib at umart

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 20

    “Oh... Nalaman mo na pala.”Napatitig ako sa pader ng aking opisina, halos manigas ang panga sa matinding galit.“Nalaman ko na pala?” ulit ko, nanginginig ang boses. “Iyon lang ang sasabihin mo, Mommy?!”“Amiel, huwag kang magtaas ng boses sa akin.”“Bakit mo ginawa iyon?!” singhal ko, hindi na mapigilan ang matagal nang kinikimkim na inis.“Si Micah ang bagong secretary mo. Mas makabubuti iyon para sa lahat.”“Para sa lahat? O para sa 'yo lang?!”“Para sa kumpanya.”“Don't lie to me, Mom!”“Amiel!” babala ng kaniyang boses sa kabilang linya.“Walang kinalaman sa trabaho ang ginawa mo!” sigaw ko, dumadaloy ang init sa buo kong katawan. “Alam mong si Audrey ang secretary ko! Alam mong napakaayos at napakasipag niya sa trabaho! At alam mo ring wala siyang ginagawang masama sa 'yo! Pero inalis mo siya sa tabi ko dahil ayaw mong tanggapin na siya ang girlfriend ko!”“Hindi mo alam ang lahat ng nangyayari sa kumpanya,” malamig niyang sagot.“Then explain it to me!”“Hindi ko kailangang ip

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 19

    “May announcement po kaninang umaga.”Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang paligid.“Sino’ng naglabas?!”Muling nag-alangan ang empleyado, hindi makatingin nang diretso sa akin. “Sir, galing po sa administration.”“Sino’ng nag-utos?!”Hindi siya sumagot. At sa nakatutulig na katahimikang iyon, alam ko na agad ang sagot.'Mommy.'Hindi ko na kinailangan pang itanong. Dahil sa loob ng ilang segundo, bumalik sa isip ko ang malamig at nakatatakot na mga salitang binitiwan niya noong gabing mag-away kami:‘Nasa akin pa rin ang huling desisyon tungkol sa babaeng iyan.’Napapikit ako nang mariin habang napahawak sa aking panga. Damn it, Mom.Hindi ko akalaing ganito siya kabilis kikilos. Hindi ko akalaing gagamitin niya ang kaniyang kapangyarihan at impluwensya sa kumpanya para idamay si Audrey sa personal naming away.At ang mas masakit... hindi ko alam kung ano ang nangyari sa girlfriend ko. Hindi ko alam kung basta na lamang siyang inilipat sa ibabang depar

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 18

    Linggo. Isang buong linggo na.Pitong araw na akong kumakain kasama nila nang hindi nila ako kinakausap. Pitong araw na akong umaalis ng bahay nang walang paalam na natatanggap. Pitong araw na akong umuuwi sa isang tahanang para bang wala nang puwang para sa akin.Hindi ko na rin alam kung ilang beses akong napabuntong-hininga sa harap ng salamin, o kung ilang beses kong binuksan ang aking cellphone para tingnan kung may mensahe si Mommy, si Daddy, o kahit ang mga kapatid ko.Wala.Minsan, may mga mensahe mula kay Audrey, at iyon lamang ang mga pagkakataong nakakaramdam ako ng kaunting ginhawa sa gitna ng matinding sakal.[Audrey: Good morning, Amiel! Don't forget your breakfast.][Audrey: Have you had lunch yet?][Audrey: You seem quiet today. Is everything okay?]Palagi kong sinasagot na maayos lang ako. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya na ang dahilan ng katahimikan ko ay ang sarili kong pamilya. Hindi ko kayang sabihin na sa bawat pag-uwi ko, pakiramdam ko ay may nagawa akong kasa

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 17

    'Pero hindi ba puwedeng kahit matanda na ako, kailangan ko pa rin ng ina?''Hindi ba puwedeng kahit kaya kong bayaran ang sarili kong pagkain, gusto ko pa ring makasabay kayong kumain?''Hindi ba puwedeng kahit kaya kong harapin ang mga problema ko sa labas, gusto ko pa ring maramdaman na may pamilya akong puwedeng uwian?'Napapikit ako at pilit na linulunod ang pait sa aking lalamunan. Hindi ko na hinintay ang iba pa nilang sasabihin. Tahimik akong bumaba ng hagdan, dumiretso sa pintuan, at tuluyang umalis.Huwebes.Sinubukan kong kausapin si Akiro. Naabutan ko siyang mag-isa sa salas, nakahiga sa sofa habang may pinapanood sa kaniyang cellphone.“Bro.”Hindi siya sumagot. Ni hindi man lang gumalaw ang mga mata niya mula sa screen.“Akiro.”Sa ikalawang tawag, dahan-dahan siyang tumingin sa akin. “What?”Napahinga ako nang malalim. “May problema ka ba sa akin?”Kumunot ang noo niya, bakas ang inis. “Bakit?”“Hindi mo na ako kinakausap.”“Busy lang ako.”“Busy ka... buong linggo?”Hin

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 5: Pagtakas

    HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 4: Swerte pero Malas

    Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 3: Linlang

    “TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 1: Honey Moon

    PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status