FAZER LOGINHindi ko akalaing ganoon kadaling makuha ang buong tiwala ni Amiel.Pagkatapos ng unang pagbisita ko sa kaniyang suite, ilang beses pa akong bumalik doon. Hindi naman araw-araw—ayokong mapansin ng ibang staff na masyado akong interesado sa kaniya o maghinala ang mga doktor. Pero tuwing may magandang pagkakataon, dumadalaw ako.Minsan, nagdadala ako ng simpleng pagkain o prutas. Minsan, nagkukuwento ako tungkol sa mga gawa-gawang inspirasyonal na nangyayari sa ospital. At minsan naman, tahimik lang akong nakaupo sa tabi ng kama niya habang nagpapahinga siya, nagpapanggap na isang taong lubos na nag-aalala.Unti-unti, naging sobrang komportable siya sa presensiya ko.Nagsimula siyang magtanong tungkol sa buhay ko—kung saan ako nagtapos, kung bakit ako naging nurse, at kung ano ang mga pangarap ko kapag wala ako sa trabaho. Siyempre, hindi ko kailanman ibinigay sa kaniya ang buong katotohanan.May mga bagay akong pinalabis para magmukha akong kawawa at mabait.May mga bagay akong pinalit
Hindi ko na eksaktong maalala kung paano ko unang nakuha ang impormasyon tungkol sa donor.May mga bagay na naririnig ko lang mula sa tsismisan ng mga kasamahan ko sa nurses' station, may mga detalyeng nababanggit habang nag-uusap ang mga doktor sa hallway, at may mga impormasyong napupulot ko sa mga pagkakataong naiiwang nakatwang ang pinto ng staff room.Hindi naman ako ang pangunahing nurse na nakatalaga kay Amiel. Pero dahil nagtatrabaho ako sa parehong palapag, may mga pagkakataong nakikita ko ang mga chart at dokumentong ipinapasa sa mga nakatataas.Doon ko nalaman na may isang pumayag nang maging kidney donor para sa kaniya.May kaisa-isang kondisyon lamang ang taong iyon: ayaw nitong malaman ng pamilya ni Amiel kung sino siya. Hindi rin nito gustong ilantad ang kaniyang pangalan sa publiko o sa ospital. Sa madaling salita, nais nitong manatiling completely anonymous.Noong una, wala akong pakialam sa dahilan. Ang mahalaga sa akin, may taong handang magbigay ng kidney at may ma
Napangisi ako habang nakahiga sa kama, yakap ang unan at nakatitig sa kisame ng aking kuwarto.Kung makapag-alala si Amiel kanina, para bang katapusan na ng mundo kapag may nangyaring masama sa akin. Kung makita lang sana niya ang sarili niya habang nagagalit sa Mommy niya, akala mo naman ay kaya niyang pabagsakin ang sariling kumpanya nang dahil lang sa akin.Napahagikgik ako at ibinaon ang mukha sa unan.Kaunting drama lang, bumibigay agad ang lalaking iyon!Ang uto-utong si Amiel...Hindi ko akalaing ganoon pala siya kadaling paikutin sa mga daliri ko. Ilang taon na rin kaming magkakilala, at sa lahat ng pagkakataon, laging napapatunayan na kapag ako na ang pinag-uusapan, nawawala ang lahat ng talino at galing niya sa utak.Sa negosyo? Mahusay siya. Mabilis mag-isip, mapanuri, at hindi basta-basta naniniwala sa sinasabi ng kahit kanino. Kaya niyang makita ang pinakamaliit na butas sa isang kontrata kahit ilang daang pahina pa iyon. Kaya niyang matukoy kung may mali sa isang proposa
Naroon si Mommy, nakaupo sa sofa habang may hawak na tablet. Nasa tabi niya ang isang tasa ng tsaa at ilang dokumento. Mukhang kagagaling lang niya sa trabaho, pero hindi halatang pagod siya.Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto, bahagya siyang tumingala. “Oh, you're home.”Hindi ako sumagot agad.Ibinaba niya ang tablet at tiningnan ako nang mabusisi. “What's wrong?”Napatawa ako nang mahina—isang tawang puno ng kapaitan. “You're asking me what's wrong?”Kumunot ang kaniyang noo. “Amiel, I'm not in the mood for your attitude tonight.”“Good. Because I'm not in the mood for your games either.”Unti-unting nagbago at naging matigas ang ekspresyon ng kaniyang mukha. “Excuse me?”Lumapit ako sa sofa, nanginginig ang mga kamao sa pagtitimpi. “Bakit mo inilagay si Audrey sa opisina mo?”Saglit siyang natahimik bago ibinalik ang tablet sa kaniyang kandungan. “So, she told you.”“Of course she told me! She's my girlfriend! At siya ang pinapahirapan mo dahil lang sa mga pansarili mong desi
“Sinabi mo ba sa kanila na naayos mo na ang dokumento?” tanong ko.“Oo. Pero sabi nila, kailangan ko raw sundin ang exact format na ginagamit nila.”“At ilang beses mo iyong inulit?”Bahagya siyang nag-isip, pilit inaalala. “Mga apat o limang beses siguro...”Napatingin ako sa kaniya, humigpit ang panga. “Apat o limang beses?!”Tumango siya. “Pero okay lang naman. Natapos ko rin.”“Audrey, hindi okay iyon!”“Amiel, please...” Muli siyang napababa ng tingin. “Hindi ko gustong maging dahilan para mag-away kayo ng Mommy mo.”Napahigpit ang hawak ko sa kaniyang kamay. “Makinig ka sa akin. Hindi ikaw ang dahilan ng problema namin. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nakikipagtalo sa kaniya. At hindi mo kailangang tiisin ang anumang ginagawa niya sa 'yo para lang mapanatili kong maayos ang relasyon ko sa pamilya ko.”“Pero—”“No, Audrey. Please, let me finish.”Tumigil siya sa pagsasalita at napatitig sa akin. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy.“Alam kong gusto mong maging maayos a
“How can I not get angry kung hindi ko man lang alam kung ano ang ginagawa nila sa 'yo?!”“Normal lang naman siguro iyon kapag baguhan ka sa departamento...” depensa pa rin ni Audrey sa mababang boses.“Hindi normal ang tratuhin ka nang masama!”“Pero hindi naman nila ako sinaktan, Amiel...”Napatingin ako sa kaniya, nanginginig ang panga sa matinding pait. “Audrey, hindi lang pisikal na pananakit ang ibig sabihin ng masamang pagtrato.”Natahimik siya.At sa katahimikang iyon, lalo kong naramdaman ang galit na kumukulo at namumuo sa aking dibdib.Hindi ko maintindihan kung ano pa ang gustong patunayan ng aking ina. Hindi sapat na alisin niya si Audrey sa tabi ko bilang sekretarya—kailangan pa ba niyang ilagay ang girlfriend ko sa isang departamentong alam niyang maaari niyang direktang kontrolin at pahirapan, kasama ng mga tauhan niyang matagal na niyang nakasanayang sumunod sa bawat kapritso niya?O baka iyon nga mismo ang walang-awang plano niya.Gusto niyang iparamdam kay Audrey na
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots
Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





