Share

Chapter 2

Author: ur_kayesha
last update Huling Na-update: 2025-11-03 19:56:16

Natalie POV

Alas kwatro pa lang ng umaga ay agad akong nag ayos. Inihanda ko lahat ng mga dapat kong dadalhin lalo na ang resume tsaka karton na puno ng keychains. Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ng kaibigan ko. Totoo kaya ang chairman nag order sa akin? Baka magkapangalan lang.

Tinalian ko na ang buhok ko ng simpleng ponytail . Nag apply din ako ng simpleng pulbo at lipstick upang maging presentable tignan. Nakasuot din ako ng hikaw upang maging maganda at bagay tignan sa simpleng white long sleeve na polo ko tsaka skirt. Nagtakong nalang din ako para mas lalong tumangkad ako tignan. Chineck ko ang awra ko sa salamin at talagang napakaganda ko kahit simplehan lang ang pananamit.

"Nat? Tapos kana?" tanong ni Nicka habang kumakatok sa pinto.

"Wait patapos na." sigaw ko agad naglagay ng pabago at binitbit mga gamit ko.

Pagkabukas ko sa pinto ay agad bumungad si Nicka. Agad kaming bumaba upang hintayin ang Uber driver. Eksaktong 5:30 ay dumating ito.

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang hindi kabahin dahil sa first time ko rito sa maynila at first time ko mag apply kahit Hindi ko alam anong pedeng mangyari.

" Kaya mo 'yan. Ikaw pa" pag assure ni Nicka sa akin sabay hinawakan kamay ko. "Basta isipin mo na para sa sarili mo at para sa pamilya mo." dagdag pa nito na agad kong ikinangiti.

"Baka Kasi Hindi ako mapili" biglang bawi ng fighting spirit ko dahilan ng biglang pantataray ni Nicka.

" Inuuna agad negative. Ano ba inapplyan mo?" tanong nito.

"Yung sinabi mo. Committee ng designing team or di kaya maging head nun"

"Yun naman pala. Kaya mo yan. Alam Kong napakagaling mo mag design. Tiwala la lang"

Naging kampante na lamang Ako dahil sa sinasabi ni Nicka sa akin.

Ilang minuto lang Ang binyahe Namin ay agad na kaming dumating sa McVeigh Company. Natulala lang Ako ng ilang segundo agad napahanga sa sobrang laki at sobrang ganda.

"Dream come true na ba?" Saad ko na para bang kumikinang Ang aking mga mata sa tuwa.

Napatawa na lamang kaibigan ko agad Akong hinila papasok.

"Goodmorning Ms. Nicka, Ganda naman ng Kasama mo" pabirong bola ng guard. Mukhang close na lahat ni Nicka rito

"Parang lahat naman maganda sa'yo Manong Manny" patawang sagot ni Nicka sa kanya. "Si Natalie, Kaibigan ko tapos mag apply tsaka sya Yung inorderan ni sir Rick yung mga keychains?" pag explain niya agad namang tumango ito at pinapasok kami.

Ramdam ko Ang kaba ko bawat hakbang at kapit na kapit ang lamig sa loob. Di ko alam kung pati ba pawis ko malamig na rin.

"Halika dalhin kita sa office ni Sir" nakangiting wika ni Nicka agad akong hinila papasok ng elevator ng biglang may humarang sa amin.

"Aga aga naman." mataray na tuno nito na ikinainis ni Nicka.

Biglang pumasok ang tatlong babae at pinagtitinginan kami. Ang arte arte Akala mo naman Hindi drawing Yung kilay.

"Baka matunaw Ako sa kakatingin mo. Ganda ko pa naman"

Ay ang kapal. Apakahangin. Babanatan ko na sana kaso pinigilan ako ni Nicka.

Tuluyan ng sumarado ang elevator kaya napilitan kaming gumamit ng isa pa.

"Arte nun. Sino ba sya?". Feeling ko umuusok na ilong ko sa inis. Tarayan ba naman kami?

"Si Leila yun. Anak ng deputy chief dito. Kaya mahirap kalabanin baka biglang mapatalsik dito."

Abusado rin naman pala sa posisyon ang bobita.

"At Isa pa. Feeling nun taga pagmana nitong company. Pinagkakalat ba naman na nililigawan sya ni Sir Tim. Patawa"

"Sir Tim? Sino naman yan?"

"Ay Basta dami mong tanong. Late kana sa interview at mas lalong late na ako sa trabaho."

Pagkabukas ng elevator ay agad nya akong hinila papunta sa front door ng chairman. Akmang aalis na si Nicka pero hinawakan ko kamay nya.

"Ate ko kinakabahan ako." nanginginig na paawa ko sa kanya.

"Ate ko rin malalate na Ako." natatarantang Saad ni Nicka sabay pilit na binabawi Ang kamay nya.

Nag aagawan kami sa kamay nya agad namang bumukas Ang pinto. Dahan dahan kaming tumingin agad napatigil sa ginagawa Namin..

"May kailangan po ba kayo?" tanong ng isang empleyado. "And Nicka? Diba may pinapagawa Ako sa'yo?"

"Sorry Ma'am Jef. Yung kaibigan ko Kasi nagpapasama. Sya yung inorderan ni Sir Rick ng keychains. Magdeliver sana kaso nahihiya" pagsagot ni Nicka sabay pisil ng kamay ko kaya agad Akong napabitiw sa pagkakahawak sa kanya.

Ngumiti na lamang Ako na para bang naiilang.

"Lagay ko nalang ba rito Ang karton sa labas? Or sa loob? Ay d dito nalang". Medyo nalilito na Ako dahil sa kaba kaya Panay nakaw tingin Ako sa kaibigan ko para humingi ng tulong pero bigla itong umalis kaya Wala akong nagawa kundi manigas sa pwesto ko.

Inaya nya akong pumasok sa loob dahil naroon naman daw ang chairman. Pagkapasok Namin ay agad naman itong umalis kaya naiwan parin ako mag isa.

"Are you Natty's Crafty?" unang tinanong nito.

"Ah y-yes sir. A-ako nga" nauutal na sagot ko habang isa Isang pumapatak mga pawis ko sa kaba. Ate naman umayos ka.

Pansin kong tumayo ito agad naglakad papalapit sa akin na ikina alarma ko. Tumayo Ako ng maayos na para bang nanigas bigla.

"I'm Ricky McVeigh, It's so nice to meet you in person" pagpakilala nito agad iniabot ang kamay para makipag handshake sa akin.

Tinignan ko ito agad napatawa na parang naiilang. Pinunasan ko muna kamay ko agad tinanggap pakikipagkamay niya.

Iniabot ko sa kanya ang kanyang pinambili at pansin Kong tuwang tuwa sya.

"My wife really loves this." nakangiting saad nito. "I always watch your vlog and Livestream. I don't know if you notice it. Naalala ko lang si Vienna na gumagawa nito"

Nagpatuloy sya sa pagkwento kaya bigla akong natauhan. Dahan dahan Akong umupo sa malapit na sofa at hinayaan syang magkwento.

"Sorry po sir kung nakialam Ako ha? Pero saan na po si Vienna na tinutukoy nyo?"

Napatingin ito sa akin agad ngumiti. Pagkatapos ay tinignan nya rin ang Isang urn na nasa sulok katabi ng mga crochet na bulaklak. Agad ko namang naintindihan kung ano pinapahiwatig nya. Pansin kong napapaluha na sya kaya agad Akong lumapit at binigyan sya ng tissue.

Napangiti na lamang ito agad tinanggap ang panyo.

"Alam ko pong masaya po sya Ngayon pero mas sasaya po sya kung masaya ka rin. "

Tumayo ito agad ikinabit lahat ng keychains katabi ng urn ng kanyang asawa.

"Ikaw lamang nakapagsabi niyan sa akin. Ni kahit sarili kong apo tsaka anak ay hindi nagpakita na karamay ko sila."

Bigla akong nasaktan sa sinabi nya. Inisip ko bigla kung Ako nasa posisyon nya. Isipin mo nalang na sobrang yaman mo pero yung ninanais mo ay pagmamahal lang ng pamilya mo na kahit kailan Hindi mabibili. Napakaswerte ko pala sa mga magulang at Kapatid ko. Kahit mahirap kami ay mayaman parin naman sa pagmamahalan.

"Mahal ka po nila. Hindi lang po sila marunong magpakita kung paano" biglang saad ko agad itong tumingin sa akin.

Tanging "Sana" lamang Ang kanyang naisagot. Agad itong kumuha ng sobre na may Pera. Kinapa ko ito at napansing sobrang kapal.

"Ay sir parang sobra po binayad nyo" nahihiyang Saad ko agad binalik ang sobre.

"That's the right amount. Ikaw na gumawa, Ikaw pa nagdeliver at higit sa lahat pinakinggan mo ako. My entire life, I thought I was alone and no one would listen to me. "

Biglang gumaan ang damdamin ko kaya Wala na Akong nagawa kundi tanggapin Ang kanyang bayad. Nagpasalamat na ako at aalis na sana nang bigla nya akong pinigilan

"Is that your resume?" tanong nito.

Muntik ko na pala makalimutan na mag a-apply ako. Buti nalang talaga.

"Yes po Sir Ricky. Balak ko po sanang mag apply bilang committee nalang sana ng designer team"

"Can I see it?"

Agad ko ring binigay ang resume ko. Tinignan nya ito isa isa pati ang raw design ko nang iba't ibang alahas.

"This is impressive. You have a rare talent." papuri nito agad namang nagbigay lakas sa akin. "Pero." pabitin nito na bigla akong kinabahan.

Pero? Di ata ako qualified?

"Pero being committee only? Okay.You're hired pero bilang secretary ng new CEO" dagdag nito na ikinagulat ko.

What? Secretary?

"Sir. Designing po inapply ko." pagtanggi ko sa kanyang offer dahil Hindi naman iyon pinag applyan ko.

"Mahirap tanggihan ang blessings Ms. Natalie. Youre suitable to become a secretary. Especially for my grandson. He'll learn a lot from you"

Nako po. Ano namang matutunan nya sakin? Paggawa ng bulaklak gamit fuzz wire? OMG! pero no choice na tayo mga ate. Grab ko nalang.

"Sige po sir. Tinatanggap ko na po" sagot ko na parang hindi sang ayon ang ekspresyon ng mukha ko.

Lagot tayo nito.

"Congrats Ms. Natalie. Can I see you around tomorrow?" paninigurado nito agad namang akong ngumiti.

"Yes po Sir. Maaasahan niyo po Ako" sagot ko agad namang lumabas sa kanyang office.

This is it ,pansit ba? Biglang mixed emotion Ako Ngayon. Hindi ko alam kung Keri ko ba Ang ganitong work? Pero Wala akong choice. Ilalaban ko 'to. Kaya para sa apo ni Sir Ricky, hoping na maging close tayo baka mategi Ako Wala sa Oras.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • From Rivalry to Rings   Chapter 39

    Natalie's POVInaayos namin ni Denver ang namamagitan sa aming dalawa simula nang umuwi si Marga ay tila lumayo na loob ng pamilya nito sa akin. Nagdalawang isip na ako kung tatanggapin ko pa ba ang pagpapakasal sa kanya na kung totuosin ay dapat Wala akong dapat ikabahala dahil Kapatid lang Ang turingan nilang dalawamAbala ako sa pag aayos ng mga orders ng bigla akong makatanggap ng text message sa isang unknown number. Hindi ko na lamang ito binasa dahil wala akong panahon ngayon na makipag usap pa.Hindi ko na namalayan na madilim na pala ang paligid kaya agad agad kong inayos ang mga papeles at naisipang umuwi na. Papalapit pa lamang ako sa kotse ay pansin Kona ang anino nang lalaking nakatayo sa dulo. Dali Dali Akong sumakay sa sasakyan ko nang mapansin kong papalapit ito sa kinaroroonan ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa na magmaneho papalayo.Patuloy parin sa pagtunog ang phone ko dahil sa ilang beses na pag message nang di ko kilalang number. Bigla akong nakaramdam ng tar

  • From Rivalry to Rings   Chapter 38

    Natalie's POVIsang buwan na rin ang lumipas simula nang magkita ulit kami ni Timothy. I didn't expect myself to burst into their company just to confront Natasha. I also didn't expect how Timothy would act when he saw me. I know he's out of his mind wanting me back.Napahinga na lamang ako nang malalim habang nakahiga sa bathtub. I was here for half an hour and I could feel the numbness in my toes but I still choose to stay for another minute. Hindi ko alam bakit mas ginugusto kong ginaganito katawan ko. Maybe I'm making myself to become a cold-hearted person in order to not get affected on how will Timothy acts in front of me?Ano ba yan Nat! Timothy na naman?!!!I lightly slapped myself thinking I was just daydreaming about that guy. "He's not worth it okay? Pagpahirap lang ginawa nya sa'yo dati" trying to convince myself I reached for my glass of wine and notice a notification that pops up on my screen."Leandro?" my face is full of confusion as I read the name of the person who

  • From Rivalry to Rings   Chapter 37

    Cindy POV I heard that there's a commotion in Timothy's company kaya agad akong pumunta. I didn't expect to see Natalie with Timothy wherein he's begging her. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa mga oras na iyon. "Tim?" nanghihina na wika ko. I can't handle the situation right now. I needed to escape this scene. I decided to run away while my tears began to fall. "Cindy wait!" sigaw ni Timothy sa akin. Hindi ko sya pinansin hanggang sa nagpatuloy ako sa pagtakbo. He even caught up with me and hugged me tightly. "L-let go." nanginginig na wika ko. Mas lalo nyang hinigpitan ang yakap sa akin while whispering how sorry he was. Napuno na ako. "S-sorry? Yun lang? Hell Tim. If Hindi ko kayo pa nakita ni Natalie hindi ko malalaman lahat. How dumb and naive I was not knowing she was the girl you've been searching for a year. Ang bobo ko para hindi ko malaman iyon" patuloy parin ako sa paghagulgol habang sinusuntok suntok Ang dibdib nito. I didn't mind if we were on the

  • From Rivalry to Rings   Chapter 36

    Natalie's POV Pagkatapos nung nangyari sa magkapatid ko ay agad ding sunod sunod na yung death threats na natatanggap ko. Ni minsan ay may mailman na nagpadala, ni minsan naman ay sa pinto pinto nang flower shop nakalagay.Hindi ko na pinalampas ang lahat ay agad kong pinaimbestigahan si Natasha. Patuloy paring lumalago ang negosyo nila at mas lalong kapartner parin ng McVeigh Company ang Browns'. Bigla akong binuhusan ng yelo nang malamang bati na sila nang pamilya McVeigh kahit anong kabakastugan ang ginawa sa akin ni Natasha noon."Pakitang tao lang ba dati sina Ma'am Klara at Sir Simon sa akin?" tila sa Oras na iyon ay kinokokwestyon ko na pagkatao ko.Parang hindi sila nag alala sa mga pinanggagawa ni Natasha sa akin noon.Ilang buwan ang lumipas at tila mas lumala ang pananakot nito. Umabot sa puntong nag order ito nang napakaraming bouquet at sa oras mismo nang delivery ay icacancel nito.Sobrang nainis na ako kaya inalam ko kung nasaan sya ngayon upang harap harapang kausapin

  • From Rivalry to Rings   Chapter 35

    Natalie POV Today was December 24 and I was supposed to celebrate my Christmas together with my family but Denver insisted on bringing them into their house. Pumayag nalang din mga magulang ko para makilala na rin nila ang pamilya nina Denver. Upon arriving sa mansion nila ay agad nya akong inasikaso. Naghanda ito nang tatlong kwarto, iba Ang silid ng mga magulang ko at lalo na sa Kapatid ko. Inihanda nya ang isang malaki na kwarto kung saan dito muna Ako matutulog. His family welcomed us all at talagang napakagaan ng pakiramdam ko. They all started talking about the marriage proposal and if papayag ba ang parents ko about dito without any violent reaction "Nakikita naman namin na maganda yung trato ni Denver sa anak namin. Siguro Hindi naman sya kagaya nung una nyang naging asawa" aniya ni mama na ikinagulat ni Ma'am Rhian."Asawa? What do you mean?" her face was full of confusion . I was about to explain everything when Denver instantly talked."She and Mr. McVeigh was married

  • From Rivalry to Rings   Chapter 34

    Natalie POV Abala ako sa pag aayos ng mga bulaklak ng biglang bumukas ang pinto kasabay ng pagtunog ng wind chime. "Welcome to Vou- Denver? anong ginagawa mo rito?" wika ko nang binungad ako nang bisita ko. Nakangiti ito habang may hawak na pagkain at bulaklak "Binibisita ka. It's already 10 a.m. baka kasi Wala ka pang kain" malambing na wika nito agad lumapit sa counter. Nilapag nito ang kanyang dala agad akong inalalayang umupo sa tabi nya. "Kain ka muna" dagdag pa nya habang pinagmamasdan ako. Binuksan ko itong dala nya agad ding tinikman ko. "Sarap ah. Gawa mo?" tanong ko sa kanya agad din syang tumango. Nakangiti lamang ito kaya agad ko na ring sinubuan baka hindi pa kumakain. Nagkwentuhan at nagtawanan kaming dalawa hanggang sa maabutan kami nang assistant ko. Pilit nitong tinatago ang ngiti nya habang dumadaan sa amin ni Denver. Pansin kong parang nang iinis ito dahil kapag titingin ako sa kanya ay sisenyas ito sabay turo kay Denver. "Kamusta naman ang Chris

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status