Playing the Scumbag's Game

Playing the Scumbag's Game

last updateLast Updated : 2025-11-19
By:  Sienna HartfallUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Mireiah Haruina Adelan ay lumaki sa ampunan, pero dala ng pagsisikap sa pag-aaral ay nakapagpatayo siya ng maliit na negosyo kinalaunan. Sa tulong no'n ay nagawa niyang paaralin ang boyfriend niyang si Iverson Domincillo na asawa niya na rin ngayon, at isa nang may-ari ng malaking kumpanya sa Pilipinas. Ngunit isang nakakapanindik-laman ang natuklasan ni Mireiah tungkol sa kanilang kasal—niloloko lang pala siya ng taong binuhusan niya ng oras, pera at pagmamahal. Makakaya niya bang tanggapin ang lahat o ito na ang panahon para maghiganti at makipaglaro sa taong patuloy na nangloloko sa kaniya?

View More

Chapter 1

Chapter 1

HALOS mapaupo ako sa sahig dahil sa natuklasan ko. Para akong tinakasan ng lakas. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang marriage certificate na nakuha ko kanina. Hindi ito maaari. Paano niya nagawa sa akin 'to?

Ano itong nakikita kong kasulatan na peke ang kasal namin ng asawa ko?!

Kapit-kapit ang dibdib ay nagmadali akong pumunta sa simbahan kung saan kami ikinasal ni Iverson.

"Miss Mireiah? Unfortunately po, wala sa parish registry ang pangalan ninyo."

"P-po? Paanong wala? Dito kami ikinasal ng asawa ko!" giit ko habang mahigpit na nagagasumot ang papel na nakita ko kanina. Tandang-tanda ko pa kung paano ko ito natuklasan. Naglilinis lamang ako kanina ng kwarto namin ni Iverson nang mapag-isipan kong buksan ang closet niya at doon na nga sumampal sa akin ang katotohanan.

"Pasensya na po, Miss Mireiah. Kailan po ba kayo ikinasal sa simbahang ito? At sino pong pari ang nag-solemnize? Para ma-double check ko po," wika pa ng archivist na kausap ko.

It's been two years since Iverson and I tied the knot. And I've been very happy since that day dahil naikasal na ako sa taong mahal na mahal ko. Ang taong nakasama ko sa hirap noon, at hanggang ngayong kapwa maganda na ang buhay namin at nagsisikap pa para mas lalong gumanda.

Binanggit ko sa archivist ang wedding date pati na rin ang officiant, at gusto kong matawa dahil nang marinig niya 'yon ay mabilis siyang nagkunot ng noo. Wala raw siyang kilalang pari na may ganoong pangalan. At napakaimposible din daw ng date na sinasabi ko dahil iyon ay pumapatak ng araw ng Linggo.

Bagsak ang mga balikat ko nang bumalik ako sa kotse habang hindi makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari. Napahilamos na lang ako habang pinipigilan ang pag-iyak. Pero dala ng labis na sama ng loob ay kinuha ko ang fake marriage certificate at pinagpupupunit iyon.

"Kasal kami! Kasal kami ni Iverson! Ikinasal kaming dalawa! Naroon ang pamilya niya... Pati na rin ang ilan naming mga kaibigan! May witness kami! Paanong mangyayaring hindi totoo ang kasal?!" sigaw ko sa sarili ko na parang masisiraan na ng utak. Hanggang sa tuluyan na akong nanghina... At ang tanging naririnig na lang sa loob ng kotse ay ang mga malalalim kong hikbi na puno ng pait.

"This is impossible... I've been married for two years... Two years..."

Dahil pilit ko pa ring itinatanggi ang lahat, napagdesisyunan kong tumuloy sa Philippines Statistic Authority. Pero katulad ng mga nabanggit sa akin kanina... Ganoon din ang ibinalita ng clerk sa akin.

"I apologize, Ma'am, but there's no marriage registration information for you in our system. Are you sure that the solemnizing authority has their license valid?"

Hindi na ako nakasagot sa malumanay niyang boses. Tinanggap ko na lamang ang pagkatalo at umalis sa harap niya. Naglalakad ako sa parking lot na parang wala sa sarili. Sinubukan ko pang pagdikit-dikitin ang pinunit kong marriage certificate namin ng asawa ko, pero wala na rin pa lang silbi dahil tuluyan na itong nabasa ng ulan.

Napatingala ako sa langit habang sinasalubong ang malalakas na patak ng ulan na tila nakikisabay pa sa pagkawasak ko. Pero naputol ang pagtitig ko sa makulimlim na kalangitan nang tumunog ang cellphone ko.

Mabilis ko 'yong sinagot sa pag-aakalang si Iverson ang tumatawag, pero hindi pamilyar ang boses na nanggagaling sa kabilang linya.

"Good afternoon, Miss Mireiah. This is Attorney Fergus Velasquez, your father's lawyer. I would like to invite you here in Velasquez Law Firm to sign a property inheritance agreement."

I frowned and glanced on the screen of my phone. The call is coming from an unknown number.

Mabilis na nagngitngit ang ngipin ko. Pati ba naman mga scammer, lolokohin din ako. Ngayong oras pa talaga! Paano nito nalaman ang number ko?

I was about to hang up, when he spoke again. "Miss Mireiah, you might think this is a scam, but I am telling you the truth. Your mother's name is Nadina Ardiza. Twenty years ago when she left you at the gate of the Loving Child's Welfare Home. And when we verified your identity, you are the only blood-related child of Mr. Manolo Cua, the richest man in the city."

Naestatwa ako nang mga sandaling iyon. Tila yata nilamig na ang buo kong pagkatao dahil sa malakas na ulan. Idagdag pa ang mga impormasyong biglaang dumating sa akin.

Totoo ba ang mga narinig ko? Paanong anak ako ng isang Cua? Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pamilyang 'yon dahil matagal na ring tinatarget ni Iverson na makakuha ng malaking investor sa kumpanya niya. At paulit-ulit niyang binabanggit sa akin ang mga Cua, na kapag nakakuha siya ng kahit isa lamang na kakampi, mase-secure niya na raw ang future ng negosyo niya.

And now someone's attorney is telling me that I am a daughter of a financial tycoon?

"Miss Mireiah, I need your confirmation. As you can see, Mr. Manolo hid his death from the public but he already passed away two days ago. He just left his last will that everything he has—his stocks, his real estate and companies that costs a hundred of billions will be passed to his one and only blood-related daughter. And that's you," mahaba pa nitong litanya na lalong bumigat sa pasan ko. At wala na akong ibang nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto niya.

"A-Alright... I-I'll be there, but I need to do something first. I promise, I will be there."

I totally ended the call. Right now, I really don't know what to feel. Kanina lang ay nalaman ko ang tungkol sa pekeng kasal namin ni Iverson, ngayon naman ay isa pala akong anak ng mayamang bilyonaryo na namatay dalawang araw na ang nakakalipas. Hindi ko alam ang unang dapat na gawin. Gusto ko mang magluksa, pero hindi ko naman nakilala ko nakasama ang tatay ko, kung totoo ko mang tatay 'yon.

Hinayaan ko na lamang na makarating ang mga paa ko sa opisina ni Iverson. Dahil ito ang pinakamalapit na lugar para makapagpalit ako ng damit at makausap sana siya sa mga nalaman ko. I am still giving him the benefit of the doubt na wala siyang kinalaman dito. Baka hindi niya rin alam. At kung maaari, magpapakasal na lamang kaming muli.

But that thought was shattered when my ears heard those words coming from his door's office. May kausap siyang babae... At nang silipin ko sa sa nakaawang na pinto... Nakita ko siyang nakaupo sa ibabaw ng gilid ng table niya habang nasa pagitan ng mga hita niya ang mga hita din ng babaeng nakatalikod mula sa akin.

"Babe... limang taon na tayong kasal. Kailan mo ba ipagsisigawan sa mundo na ako talaga ang mahal mo?" malambing na wika ng pamilyar na babae na nilalaro-laro pa ang buhok ng asawa ko.

"Babe, I told you. Kaunting tiis na lang, makukuha at magagawa na rin natin ang gusto natin. Sa ngayon, kailangan ko pa munang ma-secure ang kumpanya. At isa pa, alam ng lahat na si Mireiah ang asawa ko. Naghinala na sa atin si Lolo noon kaya pinagbawalan ka na niyang lumapit sa pamilya. Paniguradong magagalit din si Lola kapag nalaman niya ang totoo. Mas mahihirapan tagong buuin ang mga plano."

Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ko alam na may mas isasakit pa pala ang mga nalaman ko kanina. Ang katotohanang sa iba pala talaga kasal ang asawa ko...

Tama, kung wala siyang alam tungkol sa pekeng dokumento ng kasal namin... Hindi niya ito itatago sa closet niya.

Ibig sabihin... Pinagplanuhan nila itong lahat. Niloko nila ako. At patuloy na niloloko.

Paano niya nagawa ito sa akin?

Hindi na kinaya ng puso ko ang mga nasasaksihan ko. Naninikip sa galit ang dibdib ko. At lalo na nang magsimula silang maghalikan. Humarap pa sa dako ko ang babaeng kalandian ng asawa ko. Nakapikit ito habang nilalasap ni Iverson ang balikat ng babae na unti-unti niyang tinatanggalan ng damit.

Pero hindi iyon ang napansin ko... Dahil tuluyan nang humina ang mga tuhod ko nang makita kung sino ang babaeng kalaguyo ng asawa ko.

Si Elvira Tinea... ang teacher namin noong college.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status