Share

Chapter 28

DEBORAH’S POV

Mukhang masama ang panahon ngunit hindi ko na puwedeng ipagpaliban pa ito.

Kinakabahan ako.

Mas kinakabahan pa ako kumpara sa nakaraang pagsali sa mga wriing contests.

King ina. Hindi ko na kaya. Masyado na akong kinakain ng konsenya ko.

“Narito na ako e, uurong pa ba ako?” reklamo ko sa aking sarili.

Sayang ang ipinamasahe ko papunta rito kung uuwi lang ako agad. Pasalamat na lang ako kay Bavi dahil inihatid niya ako pauwi kahapon kaya hindi nagalaw ang singkuwenta pesos at ilang barya na natitira sa aking wallet. 

Wala pa rin naman akong mahihingi sa mga magulang ko dahil pareho silang walang trabaho. Sa katunayan ay ngayon pa lang ay mukhang babaon na kami sa utang.

Ilang minuto na akong nakatitig sa doorbell ng pinto ni Byeongyun.

“Pipindutin ko na ba?” Mariin akong napapikit sabay pindot sa doorbell.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status