Share

HIT THE FLOOR

ALAS OTSO na ng gabi pero buhay na buhay pa rin ang mga tauhan ni Cougar sa farm. Naglagay sila ng mga mesa na pinagdugtong-dugtong sa labas ng farmhouse at doon nagkasiyahan. Bumaha ng mga anak at pulutan habang nagkakantahan.

"Miss El, kanta ka po," tawag ng asawa ng isa sa mga tauhan ni Cougar.

Napatigil sa akmang pagtungga ng hawak na beer si Adrielle nang marinig niya ang sinabi na iyon ng babae. Sandali siyang natigilan bago ngumiwi.

"No, please..." Tanggi niya habang mahinang iwinawasiwas ang kamay. "Hindi ako marunong kumanta." nakangiwing dugtong pa niya.

Napangiti ang babae bago inabot ang hawak na microphone kay Adrielle. "Kami rin naman, Miss El pero kita mo naman, sige pa rin kami sa pagkanta. Tayo-tayo lang naman ang nandito." Pangungulit nito sabay kuha ng song book kung saan nakalista ang mga kanta na p'wedeng pagpilian.

Napakamot sa ulo si Adrielle sabay abot ng microphone. Mukhang hindi rin naman siya titigilan ng babae kaya pagbibigyan na lang niya. Isa pa ay bak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status