Share

THE REASON

NAKATAYO si Cougar sa rooftop ng mansion ng mga Guerrero kasama si Raksha nang mula sa malayo ay matanaw niya ang paparating na itim na motorbike. Sinenyasan niya ang head bodyguard ni Azure na naging malapit na rin sa kanya na iabot nito sa kanya ang hawak nitong binocular.

Walang salitang ibinigay ni Raksha kay Cougar ang binocular. May kausap ito sa cellphone kaya hindi na ito nagtanong sa kaibigan.

Mabilis na itinapat ni Cougar sa kanyang mga mata ang hawak na binocular para tingnan kung sino ang paparating. Kumunot ang noo niya nang makilala ang pamilyar na motorbike na minsan na niyang nakita.

"Allie..." tiim ang anyo na usal ni Cougar habang hindi pa rin inaalis ang binocular sa kanyang mga mata.

Narinig naman iyon ni Raksha na nagkataong tapos nang makipag-usap. Kumunot ang noo ng bodyguard ni Azure nang marinig nito ang hindi pamilyar na pangalan mula kay Cougar. Ipinasok niya sa bulsa ng suot ng pantalon ang hawak na cellphone bago walang salitang kinuha ang binocular mul
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status