"THEY ALL LOOK NORMAL, aren't they, Bob?" Nangi-ngiting turan ng katabi ni Cougar na si Emman, ang head bodyguard ni Lion Guerrero.Bobby ang pangalang gamit ni Cougar sa loob ng Octagon. Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang makapasok siya sa loob ng teritoryo ng mga Guerrero. General Gallego pulled some strings para kung sakaling i-track ni Crimson Guerrero ang background niya ay wala itong makita. Ang pampitong anak kasi ni Lion Guerrero ang head ng intelligence ng Octagon. Malaki rin ang hinala nila ni General Gallego na sangkot ang lalaki sa nangyaring hacking sa system ng NBI na naglalaman ng mga confidential files noong nakaraang taon. At isa iyon sa kailangan niyang alamin.Mahinang tumango si Cougar. Magaan ang araw na iyon para sa kanilang lahat dahil naging maayos ang transaction ni August sa kausap nitong representative ng isang mafia organization na nagmula sa China. Si August Guerrero naman ang humahawak sa malawakang drug deals ng Octagon. Sa likod ng kagalan
"You guys, ready?"Boses iyon ni Kimhan na ang kausap ay ang isang bodyguard na isasama nito sa isang private beach sa labas ng Quezon. Mayroon kasi itong kausap na mga Russians na sinadya pang pumunta sa Pilipinas para sa deal na gagawin. Malaking transaction ang mangyayari dahil hindi birong halaga ang kapalit ng gintong Buddha na nakuha pa ni Kimhan sa isang malaking bidding event sa London noong nakaraang buwan."Yes, Young Master!" seryoso at walang piyok na tugon ng siyam na lalaking sumaludo pa kay Kimhan.Tumango-tango si Kimhan bago mahinang tinapik ang balikat ng isa sa mga ito."Remember, there's no room for any kind of failure," paalala niya rito. "Am I clear, Olie?" turan ni Kimhan sa lalaking siyang head bodyguard sa team niya.Kanya-kanya kasi sila ng team dahil magkaka-iba din ang expertise nilang magkakapatid. At bawat isa sa kanila ay mayroong head bodyguard na siya namang namamahala sa iba pang bodyguards na hawak ng mga ito. Ang ama nilang si Lion Guerrero ang siyan
Nang dumating sina Adrielle sa lugar ay kaagad silang naghiwa-hiwalay ng dalawa niyang kapatid. It was an old and abandoned steel mill, owened by one of their business associates.Inayos ni Adrielle ang suot na earpiece sa kanyang tainga bago mabilis na tumakbo sa isang bahagi ng malawak na solar. May mga nadaanan siyang lumang sasakyan na kinakalawang na. Ginawa na rin kasi iyong tambakan ng may-ari kaya bukod sa mga nakakalat na bakal ay mayroon ding iilang container van na hindi ginagamit kaya iniwan at pinabayaan na lang din doon. Pagliko niya sa isang bahagi ay mayroong dalawang armadong lalaki na nakatayo roon. Pareho pang nagulat ang dalawa dahil sa biglaang pagsulpot ni Adrielle sa harapan ng mga ito.Sandaling tumigil sa pagtakbo si Adrielle bago nakangiting binati ang dalawang lalaki. "Oh, hey there, fellas," bati niya sa mga ito bago tila walang anumang umigkas ang isang kamay para bigyan ng mabilisang upper cut ang isa sa dalawang banyaga saka siya umikot para naman bigyan
Tatlong mahina at sunod-sunod na katok ang pinakawalan ni Adrielle bago niya dahan-dahang itinulak ang pinto ng silid na kinaroroonan ni Crimson. May sariling maliit na hospital ang Octagon na naroon lang din sa ekta-ektaryang lupa ng ama nilang si Lion Guerrero. Magkahiwalay ang silid na ginagamit nina Crimson at Kimhan na parehong naka-confine sa hospital maging si Bob.Sumilip muna sa loob si Adrielle bago tuluyang pumasok nang makitang gising si Crimson. Nakasandal ito sa pinagpatong-patong na unan habang nakapatong sa bandang tiyan ang laptop nito. Kaagad na nalukot ang mukha niya dahil sa kanyang nakita."Hey," malambot ang tinig na bati ni Adrielle kay Crimson na kaagad na nag-angat ng paningin nang marinig ang kanyang boses. Mula sa monitor ng kaharap na laptop ay tumutok ang mga mata nito sa kanya. Isang malawak na ngiti ang kaagad na gumuhit mula sa mga labi nito bago hinubad ang suot na salamin."El," nakangiting usal ni Crimson kay Adrielle. "Come," aniya rito na bahagya pa
MULA sa silid ni Crimson ay sambakol ang mukhang tumuloy si Adrielle sa kuwarto na ginagamit ni Kimhan. Halos magkatabi lang naman ang dalawang silid kaya kaagad din siyang nakalipat. Salubong ang mga kilay na itinulak niya ang pinto, ni hindi na siya nag-abalang kumatok.Mula sa binabasang libro ay nag-angat naman ng paningin si Kimhan at kaagad na salitang umalsa ang mga kilay nang makita ang anyo ng bunsong kapatid. Mukhang anumang sandali ay maghahamon na ito ng away. "What's up?" tanong ni Kimhan kay Adrielle pagkaraang maipatong sa katabing maliit na mesa ang hawak na libro. "Bakit para kang makikipagdigma? Nasaan ang giyera?" dugtong pa niya.Umikot ang mga mata ni Adrielle paitaas bago sinulyapan ang bahagi ng katawan ni Kimhan na may tama ng baril. Oo, kahit may tama ito ng baril sa tagiliran dahil pinag-initan ito ng isang Russian na kasama ng dapat ay ka-deal nito pero nagawa pa rin nitong makipagbarilan sa mga kalaban nang dumating sila sa lumang gusali."Thank God, buh
MAHIGIT dalawang linggo na rin ang matuling lumipas at kahit paano ay maayos na rin ang pakiramdam ni Cougar. Ilang araw lang din naman kasi ang itinagal niya sa hospital ng Octagon. Bukod kasi sa hindi siya sanay na nagtatagal sa loob ng isang hospital ay kailangan pa niyang mag-report kay General Gallego tungkol sa nangyari. At kanina lang ay kaagad siyang nakatanggap ng tawag mula sa dating deputy director. Tinatanong siya nito kung kailan ang susunod na transaction ng mga Guerrero pero dahil sa sunod-sunod na pagkaka-bulilyaso ng mga deal ng Octagon ay dama niya ang biglaang pag-lie low ng mga ito. Kung mayroon mang naka-planong gawain ay tanging ang mga matatagal nang tauhan ni Señor Lion ang nakaka-alam.Dumukot ng sigarilyo si Cougar mula sa hawak niyang pakete at sinindihan iyon gamit ang lighter. Ilang ulit siyang gumithit ng usok pagkuwa'y paunti-untii iyong pinakawalan sa hangin. Pasado alas-singko na rin ng hapon at kasalukuyan siyang nasa ilalim ng punong kaimito at nagpa
INFANTA, QUEZON POLICE STATIONKabadong tinapik-tapik ng Chief of Police na si Alfonso Lorenzo ang gilid ng kanyang mesa habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kanyang opisina na nasa ikalawang palapag ng police station ng Infanta. Nakaharap sa isang bahagi ng parking area ang kanyang opisina kaya kitang-kita niya ang pamilyar na kulay itim na pick-up truck na pumarada sa ilalim ng punong mangga. Alam niyang sinadya ng driver niyon na doon mag-park. Marami pang space sa parking lot dahil week-end kaya wala gaanong tao at mga sasakyan.Nakarinig ng dalawang magkakasunod na katok mula sa pinto si Chief Lorenzo kaya bahagya siyang napapitlag."Tuloy," aniyang ang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa labas ng bintana.Bumukas ang pinto sa driver's side ng pick-up at mula roon ay bumababa ang lalaking kahit may kalayuan ay alam ni Chief Lorenzo na seryoso ang anyo nito. Mas lalo tuloy nadoble ang kaba sa kanyang dibdib. Kumunot ang noo niya nang makitang bumukas maging ang pinto ng pick-up
APOLO HOTEL, ERMITA MANILAKasalukuyang nasa pavilion ng hotel ang sampong bodyguards na kasama ni Adrielle para sa misyon na ibinigay sa kanila ng amang si Lion. At kasama sa mga ito si Cougar na tahimik lang na nakaupo sa kabilang dulo ng mahabang mesa kung saan sila nagtanghalian. Nakaharap sa malaking swimming pool ang pavilion kaya tanaw na tanaw nila ang ilang guest ng hotel na naliligo. Kasama rin sa misyon ang dalawa pang kapatid ni Adrielle na sina August at Kimhan."Ito ang unang beses na makakasama ko ang Young Miss sa isang misyon. Medyo kabado ako," ang sabi ni Kian, isa sa personal bodyguard ni August. Bakas sa mukha nito ang kaba na may halong excitement."Ikaw lang ba?" sagot ni Cresent bago ibinuga ang usok na nasa loob ng kanyang diibdib. "Ako rin naman," ani pa ng lalaki saka idinutdot ang hawak na sigarilyo sa hugis bungo ng tao na ashtray Napatango ang ilan pang naroon bago tila iisa ang ulo na ibinaling ang pansin sa tahimik lang na si Brixx, ang head bodyguard n