Share

Chapter 3. TRUE COLORS 1

Ginevra POV

Natataranta ako umuwi sa apartment na inuupahan ko rito sa Milan. But never expected to see the same man outside the building nang mapasilip ako sa bintana.

I’m sure he followed me here and now my heartbeat began to rise. Tinakpan ko ng kurtina ang bintana at nanginginig ang mga kamay na kinuha ang tasa na may kape upang higupin. Suddenly someone knocked the door kaya nabitawan ko ang tasa na bumagsak sa sahig at nabasag.

A flash back appeared in my mind, that man was the waiter yesterday sa café kung saan hinihintay ko si Esmeralda. Natapon niya sa akin ang kape ng in-order ko nang tawagin ni Esmeralda ang pangalan ko. Sinungitan ko siya ngunit bigla ako tinalikuran at natatarantang umalis sa café. At siya rin ang nakabanggaan ko sa park na natapunan din ako ng dala niyang kape.

Natawa ako sa pag-alala sa lalaki kahit may kabang nararamdaman. Kaya marahil nang magpunta ito sa clinic ay alam niya kaagad na ako ang hinahanap. I’m also positive that he is the man I encountered in Bangladesh who broke my camera.

Muling may kumatok sa pinto na nakapagpabalik sa aking diwa. Hindi pa rin nawawala ang malalakas na kabog sa dibdib kaya kinuha ko ang vase na nasa gilid ng TV at dahan-dahang lumapit sa pintuan.

“Chi è quello?” Sa salitang Italian tinatanong ko kung sino ang kumakatok, sabay hawak sa saradula habang sa kabilang kamay ang vase.

Ngunit walang sumasagot kung sino nga ba ang taong nasa kabila kaya naman minabuting ulitin ang tanong, “Chi è quello?!”

Ilang saglit ang nakakalipas ay wala pa ring sumasagot kaya inalis ko ang kamay na may hawak sa saradula. Marahil ay may nanloloko lang dahil maraming mga bata ang nakatira sa building na ito na kadalasan ay naglalaro. Bumuntong-hininga ako na lumayo ng kaunti sa pintuan at pilit na pinapakalma ang sarili.

Nang biglang may pumipihit sa saradula ng pinto at sinusubukang buksan ito. I took a step back when I heard the click of the door knob, indicating that it was finally unlocked.

Muli akong umatras sa takot dahil nakikita ko bumubukas na ang pintuan. It’s too cold in Milan at this month of January pero may mga butil ng pawis ang namuo sa aking noo.

Tuluyang bumukas ang pintuan upang iluwa ang kung sino at hindi ako nagdalawang-isip na sugurin ito upang ipalo sa kanyang ulo ang vase na hawak. Ngunit maagap ito nang pumasok at naiharang ang kanyang braso kaya rito tumama ang vase upang mabasag.

Mabilis ako tumakbo sa maliit na kusina at hinugot sa lalagyan ang matalas na kutsilyo.

“Non avvicinarti!!!” singhal ko sa kanya na huwag lumapit nang sumunod sa akin. Ngunit patuloy na humahakbang papalapit, kaya naman itinutok sa kanya ang patalim, “I’m not bluffing here Mr. Meneses!”

“Put the knife down. Don’t hurt yourself,” malamig na wika ng lalaki na inakala kong magiging isang kaibigan.

“What do you want from me?” I asked.

“Your life,” walang kagatul-gatol na sagot nito na kinalaki ng mga mata ko.

“W-wala akong atraso sa ‘yo!”

“I know.”

“Then, why you want to take my life?”

“Because you found my secret. It was a mistake to see me in Bangladesh on that day.” Sa isang iglap ay nakuha kaagad ni Alexander ang patalim sa kamay ko at itinakip ang hawak nitong panyo sa mukha ko.

Naisandal niya ako sa dining table at iniipit sa matipuno niyang katawan, while his green eyes stared at mine. Suddenly, I’m losing consciousness.

Something aching at my back and slowly opened my eyes from a bad dream.

‘Oh shit!’ naibulaslas ko na lang sa aking isipan dahil nakatakip ng panyo ang bibig ko at magkadikit na nakatali ang mga kamay.

It wasn’t a dream. I'm seeing Alexander standing, staring at me while I'm lying on the sofa. Walang expression ang mukha ni Alexander habang ako naman ay takot na takot sa kanya at isiniksik ang sarili sa hinihigaan.

“You choose, I choke you or should I stab your neck with this knife?”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na tanong ni Alexander. Hindi ko napigilan na mapahagulgol ng iyak dahil sa takot, lalo na’t nakikita ko ang hawak niyang patalim na ginamit ko kanina.

“Hey! Ayaw ko gawin ito ngunit kailangang pangalagaan ang sarili ko. At least I let you choose kung paano mo gusto mamatay.” Ibinaba nito ang panyong nakatakip sa bibig ko.

Para bang isang karangalan pa na mapatay niya, kahit alin sa kanyang mga sinabi ay wala akong pipiliin. Kailangan ko siyang matakasan at makahingi ng tulong, wala naman mangyayari kung magsisigaw ako ngayon dahil baka mas mapaaga pa ang kamatayan ko.

“Please, don’t kill me. I’ll do anything you want basta ‘wag mo lang ako patayin. If you want money I still have in my bag na nasa kuwarto. Kung kulang pa ‘yon ay puwede ako mag-withdraw.”

“I’m not here for money,” malamig na tugon ni Alexander.

“What do you want exchange for my life?”

“What can you offer?” tanong din nito na nilalaro-laro ang patalim.

Tumigil ako sa pag-iyak at pinilit na makaupo pagkarinig sa sinabi niya. Kanina pa may namumuo sa aking isipan at ramdam muli ang mga namuong butil ng pawis sa noo.

“What can you offer?” muling tanong ni Alexander na ikinagulat ko.

“A-ah, my v-virginity,” nauutal at nahihiya ko sagot na ikinapula ng mukha ko kaya nagbaba ng tingin.

Humalakhak ng nakakaloko at may halong pag-iinsulto si Alexander dahil sa sagot ko.

“Excuse me, I’m not a prostitute at kahit ganito lang ako ay may pagkadalagang Filipina ito!” Hindi ko napigilan na magalit at sumimangot kaya natarayan ko na siya.

“Alright, don’t be offended because you said you were already 28. Also, giving your virginity isn’t an assurance na hindi mo ako isusuplong sa kinauukulan.”

“What about loyalty?” mabilis ko sabi.

“Both?”

“Yes, both.”

Nakatitig lamang si Alexander sa akin na tila ba may kung anong iniisip. Wala sa hitsura nito na isa siyang killer dahil sa mala-anghel ang kanyang wangis. Kahit nang kausap ko ito kanina sa café ay mukhang mabait siya o marahil paraan lamang niya upang itago ang tunay na kulay.

Ganoon pa man ay hindi nakakatawang magbiro ang tadhana at sa isang tulad ni Alexander na ‘di mo talaga aakalain kayang pumatay ng tao ako babagsak.

‘Killer?’

‘Mamamatay?’

‘Ilan na ba ang napapatay nito?'

Mga tanong sa isipan ko dahil hindi ko naman nakitang may pinatay siya. Ano nga bang nangyari sa Bangladesh maliban sa sinira niya ang camera ko?

But maybe he thought I have seen something that I shouldn’t see. Malaking pagkakamali ang lahat at halatang interesado siya sa virginity ko kaya matagal mag-isip. Wala ako balak na ibigay ito sa kanya.

“What is taking you so long to decide?” naiinip kong tanong.

“I accept your offer. But, you need to follow every rules I give.”

“Deal!” mabilis ko tugon at inilapit sa kanya ang mga kamay na nakatali upang kanyang kalagan.

Nang makalagan ang tali ay hinimas ko ang magkabilang pulso na may bakas ng pagkakatali.

“Now, first of all. Hindi ka puwedeng mawala sa paningin ko,” paninimula ni Alexander.

“Sure,” tugon ko, sabay lapit sa kanya na halos magdikit na kami habang nakatingala ko siyang tinititigan.

“Hindi ko sinabing kailangan magkadikit tayo,” sambit nito na halatang hindi mapakali at ilang beses na napapalunok.

“But we should be closer para hindi ako mawala sa paningin mo,” sabi ko at pinagapang ang kanang hintuturo sa matipuno nitong dibdib pababa, para bang sa isang Greek god ang katawan ng lalaking ito.

Napansin ko ang pagkataranta niya sa ginagawa ko, talagang mabisa ang naisip ko taktika to let his guard down. Hindi na ako nagdalawang-isip pa to kick the soft spot between his thigh at tumakbo papalayo sa kanya.

“Damn you!” sigaw nito habang nakabaluktot sa sakit at sapo ang tinamaang nasa pagitan ng kaniyang mga hita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status