Share

Chapter 1

Dark's POV

Tahimik akong naglalakad sa Corridor nang hilain ako ng isang matipuno at matangkad na lalaki. Hindi ako pumalag, I know this guy. Napailing nalang din ako nang dalhin nya 'ko sa likod ng building at mariing hinalikan.

I clinged into his neck and kissed him back with the same intensity. We both gasped for breath. Niyakap nya ako ng mahigpit at pinatong ang baba sa balikat ko.

Hinaplos ko lamang ang buhok nya, sensing that he obviously have a problem.

His name is Rage Crain Brandon, a fling of mine and also my best friend.

"May problema ba Rage?"

Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at nagkakamot sa batok akong hinarap.

"Si Drea kasi, she's still not talking to me. Anong gagawin ko Dark? May pumoporma ng lalaki sa kanya."

Natawa ako dahil sa sinabi nya, akala ko naman kung anong serious matter na. Ngumisi ako sa kanya.

"Baka naman may nagugustuhan ng iba?"

Sumama ang tingin nya sakin kaya natawa ako ng malakas.

"Salamat sa suporta tol ha? Salamat." Sarkastikong pahayag nya.

Nginisian ko lang sya at hinila na paalis sa likod ng building.

Huling araw na namin ngayon sa Marnel Academy dahil lilipat na kami pareho sa Morphil High. Plano nya sanang mag set up ng date para sa kanilang dalawa ni Drea pero hindi din naman sya pinapansin ng babaeng yon. Tsk.

I shook my head in frustration. Drea Bonifinchales is his dream girl, she's basically everything to him.

"Dark, saan ba tayo pupunta?" Kunot noo ng tanong niya.

Kinindatan ko lang sya at mabilis na hinila papunta sa gym.

Ready na ang lahat ng paghahanda ko. Nandun na ang mga tumutugtog, table, chairs, food, music at kung ano ano pang kailangan sa isang date.

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo nya nang makita ang naka set up na candle light dinner. Mula sa malayo ay natanaw ko na din si Drea kaya kinindatan ko sya at tinuro si Rage na nakatayo sa harapan ko.

I whispered in his ears.

"Pakasaya ka Rage. Sulitin mo na yan ha, nag effort ako dyan! Sige na, bye na! Enjoy your date!" I exclaimed as I pushed him away towards Drea. I even saw him blushing. What a softy.

Nai-iling akong lumabas ng Gym. Umakyat ako ng rooftop at naabutan ko doon si Axel na magisa. He's a friend of mine, also one of my flings.

Ngumiti siya sa'akin nang mamataan akong nakatayo sa labas ng pintuan. He walked towards me and pulled me closer to him to enjoy the rooftop view with him.

Gabi na kaya kita na namin ang mga kumikislap na bituin sa langit. Lumingon ako sa kanya. How come sadness is clearly reflecting on his eyes? 

"What's wrong, Axel? Why do you seem so sad?" I asked.

He bitterly smiled. "Ayokong idamay ka sa problema ko Dark, okay na sakin na nandito ka lang sa tabi ko."

I heaved a sigh. Why does everyone's life seem to have so much drama while I'm just here, living my boring life? Tss.

Umihip ang malakas na hangin kung kaya't yumakap sya sakin, I smiled. I've always had someone to make out with but there's never a string attached. I'm just not into serious relationships. Kasama na ang relasyon namin ni Axel doon.

He buried his face between my neck. I let him be.

"Dark, what if I tell you that you’re the reason why I’m sulking?”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. I turned my head on his direction.

"What do you mean?"

"Why are you so dense, Dark? What I mean is that I'll definitely miss you. Matagal ka na dito sa academy yet aalis ka nalang bigla bigla." Nagtatampong sabi nya.

I laughed. Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at tinitigan sya sa mata.

"Look babe, you don’t have any reason to be sad to begin with. Pupunta naman ako dito paminsan-minsan. Besides, alam ko namang hindi matitiis ni Rage na hindi magyaya pabalik dito dahil kay Drea." I lightly replied. Axel pouted in realization.

"Tsk. Obsessed na talaga si Rage kay Drea." He muttered.

Hindi na ako sumagot at sa halip ay nilanghap na lamang ang sariwang hangin.

I hope I get to have a blissful journey at Morphil High. 

XOXO

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status