LOGINPAGKATAPOS naming kumain ni Mia ay nagpasya na rin kaming bumalik na sa aming mga mesa. Dumiretso na ako sa office nang magtaka ako dahil may ilang mga lalaki na nagbuhat ng aking mesa, inilabas ng mga ito ang gamit ko as secretary ni Ninong sa office nito?
"Sandali lang, bakit inilabas ang secretary table?" "Utos po ni sir ma'am na simula ngayon ay sa labas na po ng office ng CEO ang opisina niyo." May munting kirot akong naramdaman sa narinig mula sa lalaking kaharap ko. As usual, hindi maitatanggi sa mukha ng lalaki ang paghanga base na rin sa reaksyon nito ng makita ako. "Okay," sagot ko at inayos ang ilang gamit ko sa mesa. Naupo na lamang ako sa aking swivel chair at hinarap na ulit ang aking trabaho. Alam kong nilalabanan lang ni Ninong ang nararamdaman para sa akin. Sino ba siya para balewalain ang isang diyosang katulad ko? Pasalamat siya at siya lang ang tanging lalaking nakakuha ng aking atensyon. Mayamaya ay naramdaman ko ang presensiya ni Ninong Royce at nakiramdam lang ako. Gamit ang aking peripheral vision ay napansin kong nakatitig ito sa aking gawi. Lihim akong nakaramdam ng kilig kahit pa nga sabihing nasasaktan ako deep inside dahil sa biglang ginawa nitong nilipat ang aking mesa sa labas ng opisina nito. "Nilipat ka?" Nag-angat ako ng tingin nang makita si Tita Kristine. Napasimangot agad ako. Lumapit si Tita sa akin at hinaplos ang aking buhok. "Sorry, Lorna. Royce is mine and you can't take him away from me. Hawak ko ang puso niya, darling." "Hindi kayo bagay, ako ang para sa kanya," simpleng sagot ko. "Well, tingnan lang natin," nakangiting bulong pa sa akin ng aking Tita Kristine. Naiwan akong nagngingitngit sa sobrang inis at gigil. Makapangyarihang tao ang kanyang Tita Kristine at hindi ito basta-bastang kalaban. She can manipulate everyone. Ngunit ni sa hinagap ay hindi siya takot dito. Ipaglalaban niya si Royce, kaya lang naman ito dumikit sa mahal niyang si Royce ay upang kamkamin ang lahat ng meron ang lalaking kanyang minamahal. Kilala niya ang kanyang Tita Kristine. Gagamitin nito ang karisma at alindog makuha lang ang nais nito. "Hindi ka kailanman magtatagumpay, Tita Kristine. Sana hindi naging bulag si Royce sa taglay mong pagpapanggap na bait-baitan para lamang makuha ang puso ng lalaking mahal mo. Gagawin ko ang lahat hindi ka lamang magtagumpay sa mga plano mong walang-kwenta." Bulong ko kasabay ng pagkuyom ng aking mga kamao. I need to focus my work today. Hindi pa naman ako nangalahati. Ilang buwan lang naman ako rito. Kaya lulubusin ko na rin ang pang-aakit ko kay Ninong Royce. Ilang oras na lang ay uwian na. Pagpatak ng alas onse ng gabi ay papasok ako sa isang sikat na bar bilang isang Star pole dancer na nakasuot ng pulang maskara habang nakasuot ng pulang-bikini. Bibigyan ko ng aliw ang ilang DOM sa lugar na iyon kung saan isa rin sa paboritong puntahan ng aking Ninong Royce. Nagtatago ako sa pangalan bilang si Medusa. Pumasok lang naman ako sa bar na iyon dahil kay Ninong Royce. Yes, gano'n ako kabaliw kay Ninong Royce. Kung talagang mahal nito ang aking Tita Kristine hindi nito papasukin ang lugar ng aliw para lang panoorin si Medusa. Ilang beses din nitong tangkain na gustong ma i-kama si Medusa pero out of limit ako. Kailangan kong gawin iyon para gampanan ng maigi ang matinding pagpapanggap ko kahit na sabihing gustung-gusto kong ibigay ang sarili rito dahil iyon ang pangarap ko noon pa man. "Ms. Monsanto, brewed coffee." Narinig ko ang baritonong boses ni Ninong gamit ang intercom. "Yes, sir. In a minute, please?" Nagmamadaling tumayo ako mula sa aking swivel chair at tinungo ang kitchenette kung saan naroon pwede akong magtimpla ng coffee para kay Ninong Royce. Siyempre, excited akong sundin ang utos nito dahil masisilayan ko na naman ang gwapo nitong mukha sa kabila ng ginawa nitong pagpapalabas sa mesa ko mula sa loob ng opisina nito. Wala naman akong magagawa since siya ang boss ko. Sino ba ako para tumutol, hindi ba? Pagkatapos kong magtimpla ng brewed coffee ay nagmamadaling naglakad ako patungo sa pinto ng opisina ni Ninong Royce. Kumatok muna ako bago binuksan ang naturang pinto. "Come in." Nakagat ko ang pangibabang-labi nang marinig ang baritonong tinig nito. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. "Here's your coffee, sir." "Ilapag mo nalang dito sa office table ko." Pansin kong nakatutok ang atensyon ni Ninong sa ilang mga papeles na nasa harapan nito. "Gusto ko lang pong i-remind na may meeting po kayo today with Mr. Lee at exactly 3PM, sir." Simpleng tango lang ang siyang sagot ni Ninong Royce sa akin saka ko inilapag ang isang tasa ng kape sa office table nito. Napakaseryoso nito habang pinipirmahan ang ilang mga papel na nasa harapan nito. "Pwede ka ng umalis, cancel mo ang meeting ko kay Mr. Lee dahil may date kami ng fiancee ko." Tila parang tinusok ng ilang libong karayom ang aking puso sa narinig mula kay Ninong Royce. Pero bakit hindi ko maramdaman na talagang mahal talaga nito ang aking Tita Kristine. Iba ang sinasabi ng isip ko, naggagamitan ang dalawa para lamang sa kapangyarihan. Hindi man lang ba naisip ng mga ito ang salitang pag-ibig? Mas masarap parin kapag sentro ang pag-ibig sa dalawang taong tunay na nagmamahalan. "Yes, sir." Tumalikod na ako saka lumabas ng opisina ni Ninong. Damang-dama ko ang bigat sa aking dibdib. Matuling lumipas ang ilang oras ay uwian na. Nagmamadaling inayos ko ang aking mga gamit dahil kailangan ko pang puntahan ang aking maliit na flowershop. Kahit paano ay kumikita ito at masaya na ako sa konting kita mula roon. Nagmamadaling naglakad na ako patungo sa kung nasaan ang aking kotse saka mabilis na pumasok sa loob nang sa wakas ay matagpuan ito. Pinaharurot ko kaagad ng takbo patungo sa aming bahay. As usual, hindi ko na naman naabutan ang aking mga magulang dahil nasa business trip daw ang mga ito. Marami akong naririnig mula sa aming mga kasambahay na ampon lang daw ako ng mag-asawa lalo na at hindi Guerero ang gamit kong apelyido kundi Monsanto.Dahil hindi ako makatulog sa aking kwarto tinungo ko ang kwarto ni baby Rio. Nagpasya akong doon na muna kami matutulog. Pinindot ko ang intercom sa kwarto ni Baby Rio upang ipaalam sa kawaksi na narito ako sa kwarto ng munti kong anghel."Dito mo nalang ihatid ang dinner ko sa kwarto ni Baby Rio.""Yes, ma'am," maagap na sagot naman nito.Marahas na pinalis ko ang mga luha mula sa aking mga mata. Walang kasing sakit ang ginawa ni Royce. Magpahanggang ngayon ay nag-echo sa aking pandinig ang bawat ungol ng babaeng nasa kabilang linya.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang aking dinner. "Ilapag mo lang diyan, Manang," utos ko. "Yes, ma'am."Mabuti na lang at manok na may sabaw ang ulam. Tamang-tama at gusto kong humigop ng mainit na sabaw. Lihim naman akong nagpasalamat dahil gutom ako. Ibig sabihin hindi ma-snob ang tinolang manok na luto ni Manang. Nilantakan ko kaagad ang naturang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay dinampot ko ang aking cellphone. Napansin ko kaagad a
Kinakabahan na nakatayo ako ngayon sa pinto ng opisina ni Royce. Gusto ko siyang makausap ng masinsinan. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago kumatok. Kailangan ko ba talagang gawin ito? Bagong kasal lang kami tapos ganito na kaagad, isa pa ay kapapanganak ko pa lang. Sa huli ay hindi ako tumuloy at nagpasyang umalis na lamang at umuwi ng bahay. Napahilot ako sa sariling sentido. Hindi ba't kaya ako pinakasalan para isalba sa kahihiyan at bigyan ng kompletong pamilya si Rio? "Are you okay?" takang-tanong ni Susan sa akin nang eksaktong nakauwi na ako sa bahay at nadatnan ko itong nakaupo sa living room."I'm fine," sagot ko. "Teka, ano iyang dala mo?" Maagap na iniwas ko kay Susan ang dala kong white folder. Kung saan naroon ang annulment paper."Kay Royce ito, may inutos lang siya sa akin," pagsisinungaling ko. Lihim naman akong nagpasalamat at hindi na nangulit pa si Susan. Pasimpleng inilapag ko ang white folder sa glass center table.Saka ko lang napansin n
Naalimpungatan at nagulat ako sa sunud-sunod na doorbell kaya bumalikwas ako ng bangon. Sigurado akong si Royce ang nambulahaw. Hindi man lang ba nito naisip na baka mabinat ako? Mabuti na lamang at kasalukuyang iniinom ko ang aking pain reliever para sa aking tahi sa tiyan. Ako lang at si Baby Rio ang narito sa rest house. "Sandali lang!" sigaw ko. Lumabas ako mula sa kwarto saka tinungo ang pinto. Hindi nga ako nagkamali at si Royce nga. Nakatayo sa gate at galit ang nakikita ko sa mga mata nito. Really, at siya pa ang may ganang magalit? Ang kapal din ng apog ng lalaking ito."Bakit hindi kayo sa bahay umuwi?" inis nitong tanong sa akin. "Mas gusto ni mommy na dito muna ako. Ayoko na ring abalahin pa sila ni Dad," sagot ko sabay bukas ng gate. Pumasok kaagad si Royce sa loob. "Gusto kong makita ang anak ko?" "Nasa kwarto, mas maigi ng narito kami dahil hindi mahirap para sa akin. Saka pumupunta naman dito every afternoon si Manang para ipag-laba, mag-linis, at mag-assist sa aki
Ilang araw pa ba ang hihintayin ko makita lang si Royce? Hindi ba ito excited na makita ang anak namin? "Come on, huwag ka ng umasa at sigurado akong masasaktan ka lang, Lorna. Ilang araw na rin ang lumipas at hindi siya nagawi rito."Inaamin kong tama si Susan pero sana naman hindi na lang nito sinabi ang bagay na iyon kahit man lang alang-alang sa sitwasyon ko."Susan, ano ka ba!" saway naman ni Mia. "Totoo naman, ayoko lang na umasa si Lorna."Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Susan. Alam ko na tulad ko ay nahihirapan din ang kalooban ng dalawa kong kaibigan para sa akin lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Hindi madali pero kakayanin.Kanina pa umalis sina Mommy at daddy. Nagsinungaling na lamang ako para hindi magalit o mainis man si dad para kay Royce. "Nang dahil sa lalaking iyon nagawa mo pang magsinungaling sa mga magulang mo. Palagi mo nalang siyang tinatakpan. Sa tingin mo ba tama ang ginagawa mo?" palatak ni Susan. "Ganyan naman talaga ang ginagawa ng taon
Ang malakas kong sigaw ang maririnig sa isang kwarto kung saan ako naroon para isilang ang sanggol na gusto ng kumawala sa aking sinapupunan."Mukhang hindi mo kayang manganak ng normal, Mrs. Sy. We need to conduct a Cesarian session. Hindi kasi umuusad, " ani ng aking doktora. "S—Sige po," nahihirapan kong sagot. Damn, mukhang mawawalan na ako ng malay pero kailangan kong lumaban."Doc, s—sobrang sakit na at baka hindi ko kayanin," ani ko sa nanghihinang boses. Narinig kong inutusan ng doktora ang nurse na kasama. Napansin kong sinuri kaagad ng nurse ang ilang mga vital signs ko. Lihim akong nagpasalamat at nilagyan ako ng oxygen mask medyo bumalik ang aking lakas.Mula sa kinaroroonan kong kwarto ay inilipat ako sa isang operating room kasama namin ngayon ang isang surgeon. Saka may itinurok sa akin dahilan para makatulog ako. Makalipas siguro ng ilang oras ay dahan-dahang iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha nina Susan at Mia."Careful," ani Mi
Months later...Pagkatapos ng aming simpleng kasal sa huwes ay nagpasya si Royce na pasamahan muna ako ni Mommy since buntis ako. Si Dad naman ay ipinagpatuloy ang business na nasimulan niya sa Cebu. At sa awa naman at tulong ng Dios ay lumago ito ilang buwan pa lamang ang nakalipas. Dahil kasal na kami ni Royce napansin ko ang kakaibang pakikitungo ni Royce sa akin na siyang totoong nagbigay kulay sa aking buhay. Ayoko man na umasa pero sana nga tama ang kutob ko."Mabuti naman at okay na pala kayo ni Mr. Sy. Mukhang may happy ending ang story niyo. Baka na realize na niya na mahal ka niya. Ikaw ba bumalik na ang feelings mo sa kanya o natatabunan parin ng galit at poot?" Kausap ko sa kabilang linya si Susan. Kasalukuyang narito ako sa aking kwarto habang kaharap ang flat screen TV. Nasa harapan ko ang isang basong gatas."Hindi ko pa masasagot ang tanong mo, Susan.""Teka lang, nagkikita pa ba kayo ni Mia?""She's busy I guess," sagot ko. "Well, siguro. Lalo na at sobrang busy si







