Share

Chapter 4

"Oyy wag nga kayong mag away." Awat ni Gilbert sa kanilang dalawa.

"Kung mag aaway kayo isali nyo

naman ako matagal-tagal na rin akong hindi nakakasuntok ng pangit." Pagbibiro pa si Gilbert napapailing nalang ako habang pinapanood sila.

"Sinasabihan mo bang pangit kami Gilbert!"

"Heheh hindi naman sa gano--" 

Natumba si Gilbert ng sinuntok ni Frank at Rick ang pisngi nya, si Rick sa left check nya tapos si Frank naman sa right check.  

Sabay pa talaga nilang sinuntok, gusto ko sanang mag salita at sabihin na 'buti nga sayo' pero di ko talaga ugali ang dumaldal.

Ako naman pinipikit-pikit yong mata ko dahil nakakarindi ang boses nila.

"Arayyy ko mga gaguuuu!! Nag bibiro lang naman ako mga bro!"

"Mga walangya talaga." Dagdag pa nya. Tumawa lang yong dalawa at saka nag apir pa, tumayo si Gilbert at inayos muna and sarili bago nag salita.

"Shrek! Wreck-it Ralph!!" Tawag nya sa dalawa.

Galit naman syang binalingan ng masamang tingin nung dalawa. Akmang susuntukin na sya pero hinarang nya ang kamay nya at nagsalita.

"Teka lang muna hindi pa nga ako nakakaganti, susuntukin nyo na naman ako?" Iling-iling nyang sabi.

"Paganti muna mga pare." Saad nya at binigyan ng malakas na suntok ang dalawa, kagad namang dumugo ang ilong nila.

Tss, sinadya ng kumag nayun na sa ilong suntukin.

Nanlaki ang mata nila Rick at Frank at saka nagkatinginan ang dalawa.

"Yung ilong mo dumudugo."

"Damn! Dumudugo rin yung ilong mo pare."

"Hoy Gilbert ang daya mo!!" Pasigaw na sabi ni Frank habang nakatingala.  

Pinipigilan nya sigurong lumabas yung dugo.

"Oo nga dapat sa pisngi mo lang rin kami sinuntok hindi sa ilong gagu ka talaga!!" 

"Okay, your wish is my command." Nagtaka naman yung dalawa sa sinabi nya.

Sinuntok ulit ni Gilbert ang dalawa pero this time sa pisngi na, napaupo yung dalawa sa lakas nang suntok nya.

'Mga siraulo talaga pano ko nga ba naging kaibigan ang mga to?'

"Abayyy gagu ka ah!!! Bakit mo kami sinuntok!?"

"Sabi nyo sa pisngi-- Heheh pasensya na mga bro di ko na gets kaagad akala ko kasi gusto nyong suntukin ko kayo ulit pero sa pisngi na." Pag papaliwag nya napapailing nalang yung dalawa at bumaling naman ang tingin nilang tatlo sakin.

"Gusto mong sumali?" Sabay nilang tanong sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Joke." Sabay-sabay din nilang saad at saka nag peace sign.

Wala ako sa mood para makipag biruan. Hmm, wala naman pala ako lagi sa mood.

_

Victor Abillos Pov.

"May tanong ako."

"Ano naman yun Ate?" 

"Pano mo nalaman na nakakakita ako ng multo?" Tanong nya.

"Ahm, may narinig lang akong tatlong multong babae na nag uusap, may pinag uusapan silang babae naiinis pa nga sila don sa babaeng pinag-uusapan nila."

"Tatlong babae? Multo din ba? So, lumapit ka ba sakanila tapos tinanong mo kung sino at sinabi nilang ako?" Kakasabi ko lang na multo eh, bingi ba si ate?

"Oo multo din sila, tama ka lumapit ako sakanila pero hindi nila sinabi--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla syang nag salita.

"Anong sinabi nila sakin? Kwento mo nalang para mas maintindihan ko, dali na!" Parang excited ka pa yata Ate Lewis ah.

"Mabuti pa nga." Pagsang-ayon ko sa sinabi nyang ikukwento ko nalang.

"Bilisan muna baka kase kilala ko yang sinasabi mong tatlong babae." Nanggigigil pang sabi ni ate Lewis.

"Ganito kasi yun..."

_

(Flashback)

Naglalakad lang ako at nililingon-lingon ang paligid, biglang naman akong nalungkot.

"Hays na-miss ko tuloy ang gumala-gala kasama ang mga beks kong friends." Malungkot kong sabi sa sarili.

"Kung sabihin ko kaya sa kanila na magpakamatay rin, tama-tama para magkakasama kami-- pero pano ko sasabihin eh, hindi naman nila ako nakikita? Tss, nevermind." Pumasok ako sa isang mall.

Lakad lang ako ng lakad habang napapatingin sa mga pambabaeng suot.

"Huhuh gusto kong suotin yan." Saad ko dun sa whole dress na kulay pink pa. Gosh, favorite ko ang color pink eh!

"Oyy ate ganda wag mong ibibinta yan ha! Bibilhin ko yan pag nabuhay ako ulit." Ngiting saad ko don sa babae, malay nyo diba mabuhay ako ulit.

"Hoyy sumagot ka ate bingi kaba??" 

"Di ka nyan naririg woyy!" Lumingon naman ako dun sa nagsalita isang batang babae. Mga 15 years old siguro sya, pagkatapos nyang sabihin 'yon ay nagpatuloy na sya sa paglalakad.

Hmm, parang may sinusundan sya? Pake nya ba este paki ko ba? Duh!

"Magkano yan Miss?" Turo nong matandang babae sa katulad nong dress na nagustuhan ko. Kulay puti 'yong tinuro nya kaya nakahinga ako ng maluwag, mga nasa 40 plus na siguro sya.

"999 nalang po yan ma'am, naka sale sya ngayon."

"Ahh, sige kukunin ko yan."

Napatigil ako sa pagkukwento nang nag salita si Ate Lewis.

"Teka nga lang bakit iba yata yang kinukwento mo Fergus ha!?" Inis nyang tanong.

"Bakit ba? Ako nag kwekwento kaya makinig ka nalang!!"

"Ohh, relax lang makikinig na ako, ito naman nagagalit kaagad." Saad nya. Ngumiti naman ako para ipakita na hindi ako galit.

"Hindi naman ako galit ate, naiinis lang ako sayo pero kunti lang mga 1/4 ganon." 

"Heheh sige na tuloy muna ang pagkwekwento... sasabunutan mo ba yong matandang babae kapag pink ang pinili nya? Ha?" Nagpatuloy nako sa pagkwekwento.

_

"Anong kulay po?" Tanong nung babae. Napakagat ako sa kuko ko, sh*t tinanong pa kung anong kulay!! 

"Please wag lang yong pink, wag lang yung pink, wag y--" 

"Yung pink miss." Sinamaan ko ng tingin yong matandang babae. Nanggigigil ako sarap sabunutan nong matanda!

"Bakit yong puti ang tinuro mo kanina tapos pink naman pala bibilhin moooo!!! Haaaaaa!" Binugahan ko ng hangin ang pagmumukha nong matandang babae bigla naman nyang niyakap ang sarili at gininaw bigla tss, buti nga sayo!

Hindi naman bagay sakanya! magmumukha syang ewan sa dress nayan!

'Grrr nakakagigil sya, kung hindi lang talaga ako patay ngayon sinakal ko na sya!'

Padabog akong nag lakad palayo dun sa dalawang bruha. 

Pupunta ako sa banyo.

Wala lang gusto ko lang makita ang sarili ko.

"Hmmm, saan kaya ako papasok sa pambabae? O sa panglalaki? Don nalang muna ako sa pambabae pagkatapos dun naman sa isa." Papasok na sana ako ng may narinig akong nag uusap.

Syempre papasok parin ako don sa panlalaki na banyo baka may makita akong gwapong fafa don, maninilip ako titignan ko lang naman kung malaki nayong mga alaga nila, wala sigurong masama don diba?

"Nakakainis talaga ang babaeng yun!"

Napahinto lang ako dito sa pinto. Dahan-dahan akong humakbang papalapit at sumilip kung sino ang nasa loob.

"Oo nga nag f-feeling maganda pa tsk, di naman kagandahan mas maganda pa nga ako duh!" Saad nong babae na nakatali ang buhok.  

Nakatayo lang sya habang naka crossed arm. May dalawa pa syang kasama na busy sa pagsasalamin sa mga sarili? Nag salamin pa sila eh, hindi naman nila makikita ang sarili nila sa salamin kase multo din sila kagaya ko.

Pero teka nga lang bakit nga pala ako nandito? Para magsalamin!? Napatampal naman ako sa noo, ang bobo ko naman nakalimutan ko bigla na multo pala ako.

"Ang damot-damot pa nya eh, mag papatulong lang naman tayo." Saad naman nung babae na hanggang shoulder nya lang ang buhok hindi ko makita ang mukha nya kase nakatalikod sya.

Multong babae din kaya yong pinag-uusapan nila?

"Saka sino ba sya sa tingin nya na sabihin satin na ang gulo-gulo nating kausap!! Na bobo tayo!!" Sambit naman nung babaeng mahaba ang buhok na may bangs pa.

"Sya lang naman ang alam nating nakakakita satin diba girls?" Sino kaya pinag uusapan nila? Sabi nung nakatali ang buhok 'sya lang ang nakakakita daw sa kanila?' ibig sabihin nakakakita ng multo? OMG! Gusto ko syang makilala para naman may makakusap nako dito.

"Yap."

"Tama."

Pag sasangayon nila sa pinag uusapan

"H-Hello g-girls." Utal kong sabi nang makapasok ako sa loob. 

Pinilit ko pang ngumiti ng hindi peke, ngayon ko lang napansin na kasing edad ko lang pala sila mga nasa 17 din siguro sila.

"Woyy mga bestie tingnan nyo gwapo." Rinig kong bulong nung isa sa katabi nya. Actually kambal sila, ngayon ko lang napagtanto yun nong sabay-sabay silang tatlo na humarap sakin.

Parang kumikinang ang mga mata nila habang nakatingin sakin at namamangha pa? Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang katulad ko?

"Hi baby."

"Hi babe."

"Hi love," Sabay-sabay nilang sabi sa tuno nila para bang nang aakit, lumingon ako sa likuran ko baka naman kase hindi ako ang sinasabihan nila. 

Baka kase nag f-feeling ako tapos hindi pala ako ang tinutukoy mahirap na baka mapahiya ako... pero pag lingon ko wala namang ibang tao? King ina ako nga ang tinutukoy nila.

"Sorry mga sis but lalaki rin ang type ko." Mataray kong sabi. Natatawa naman ako sa mga reaction nila.

Pero mas natatawa ako dun sa last kase mukha syang namatayan sa etsura nya pfft, na disappoint siguro sila dahil hindi nila inaasahan na beks eke, kawawang mga babae.

"Ayyt, sayang naman!"

"Puta bakla pala!" Bigla namang tumili yong isa.

"Waaaaa wala na talaga tayong pag-asa girls huhuh!" Tili nong babaeng may bangs. 

Hala nabaliw na si ate girl!

"Huhuh gusto ko na makatikim ng lalaki." Napatakip naman ako sa bibig di ko inaasahan na malalandi pala sila. 

Ang landi mo ate, ang landi nyoooo!! Ang babata nyo pa para sa ganyan di porket patay na kayo ay ganyan na iniisip nyo.

"Sayang talaga akala ko pa naman maisusuko ko na ang kabataan ko." Nagtakip nalang ako ng tenga habang napapailing. Ngayon lang ako nakakita ng babae na ganito ka desperada, ano kaya ang ikinamataya nila? 

"Oo nga gustong-gusto ko nang makatiki--"

Mga baliwwwww na multo tanginaaaa!

"Tapos na ba kayong dumaldal ate girl? Kung tapos na pwede bang mag tanong?" Huminto naman sila sa pag d-drama at tinignan ako. Inayos ko naman ang sarili ko at tumayo ng matuwid.

"Ano?" Mag tatanong pa nga ako diba wag atat ate girl!

"Ano bang itatanong mo pogi na bakla?" Di lang makapag antay!?

"Sino--" Di pa nga ako tapos mag salita pero sumagot na sila.

"Single ako."

"Me! Single tapos virgin pa."

"Ako wala pa akong experience sa kahit na ano--"

"Di pa ako tapos mag tanong mga ate, di nyo ako pinatapos mag salita!" Inis kong sabi.

Parang alam ko na siguro ang ikinamatay nila.

Sinubukan siguro nilang mang-rape nang lalaki kase hindi na nila kayang matiis ang init na nararamdaman nila pero ang hindi alam na isang sendekato pala yung lalaking hinalay nila kaya pinagbabaril silang tatlo hanggang namatay. DEAD END. 

Ganon nga siguro! Baka nga kahit multo na sila sinusubukan parin nilang mang rape-- 

OMG! Baka ako ang sunod na target nila? Tss, subukan lang nila sasabunutan ko sila hanggang wala nang matirang buhok sa ulo nila, kakalbuhin ko talaga ang sinong tumangkang mang-rape sakin.

Okay lang sakin kung lalaki ang mang r-rape tapos gwapo pa eheheh go na go talaga ako i-che-cheer ko pa sya. Ganyan ako ka supportive.

"Ahh, advance lang kase kaming mag isip." Sabi nong may bangs na babae.

"Baka naman kase itatanong mo." Saad nong nakatali ang buhok.

'Hmm, in fairness kahit multo na sila, marunong parin silang mag alaga sa sarili. I mean, yong kahit multo na e' nag papaganda parin, parang tanga lang diba?'

Eh, kase sino naman kaya pinapagandahan nilang tatlo? Baka nakalimutan nilang multo na sila.

"Kaya yon ang sinagot namin." Sabi nong hanggang shoulder lang ang buhok. 

Kakambal nya yung nakatali ang buhok.

Hayst, ang hirap naman nilang e' describe di ko kasi alam pangalan nila. Tss, wala rin akong balak itanong no duhh!

Pag sila nagsasalita naguguluhan ako kung kanino ako titingin?

"Sino ba 'yong tinutukoy nyo?" Seryoso kong tanong.

Para naman kase seryosohin din nila ang isasagot sakin hindi yung puro kalokohan. Nakapag aral naman siguro sila diba?

"Hindi,"

"Oo,"

"Ikaw,"

Huh? Anong pinagsasabi nila ang layo-layo naman dun sa tanong ko yung mga sagot nila! Mga king ina naman oh!! Hello, seryoso ako!

Masasabunutan ko talaga 'tong mga babaeng to! Patawarin nyo po ako panginoon pero makakapatay talaga ako ng patay ngayon.

"Anong ibig sabihin mong ikaw?" Tanong ko sa babaeng naka pony tail ang buhok.

"Ikaw yong tinutukoy naming gwapo pero sayang kase bakla ka." Anong connection dun sa tanong ko te? Paluin kaya kita nang pala sa mukha para basag yang make up mo!

"Anong oo?" Tanong ko sa kakambal nung tinanong ko kanina na ang sagot eh, kabobohan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status