- 25 -
Dala marahil nang kawalan ng tiwala sa mundo, hindi na ako bumalik pa sa aking silid. Inilipad ko si Marius at ang dalawa naming bagong kaibigan sa himpapawid at nagtungo sa labirinto sa hardin. Mula doon ay tinahak namin ang paliku-likong daan patungo sa kalagitnaan nito, at ihiniga ko si Marius sa isang banko na yari sa marmol sa ilalim ng pulandong.
“Dito ba tayo mamamalagi hanggang umaga?” tanong sa akin ni prinsipe Lucius.
“Oo,” sagot ko. At sa pagsabi ko noon ay itinaas ko ang aking braso.
Inutusan ko ang adobe sa ilalim ng lupa na umangat at gumawa ng isang tore na aming magiging silid. Paikot itong umangat at nilampasan pa ang pinaka mataas na tore sa aming palasyo. Hindi ako naglagay ng hagdan sa palibot nito. Walang ibang daan, kundi ang hangin na aking minamanipula. Inikutan ko pa ito ng maiitim na ulap at nagpakalat ng matatalim na kidlat na susupil sa sinomang mangahas na lumapit s
Ikalawang Aklat - 26 - “Handa na kaming bumaba.” tawag ko kina Lucius, makaraan ang isang araw. Inalis ko na ang pader sa pagitan ng aming mga silid. Nakaupo sila sa lapag, nasa binti ni prinsipe Lucius ang ulo ni Nico na kumakain ng ubas. Agad siyang napatayo nang makita kami. Nakasuot ng balabal si Marius. Wala siyang maskara, ngunit hindi naman masyadong naaapektuhan ang dalawa naming kasama kaya sa tingin ko ay `di na problema iyon. “Mag-usap muna tayo, ano na ang ating gagawin?” tanong ni Lucius. “Unang-una ay kailangan nating makausap ang aking kapatid,” sagot ko sa kanila. “Kailangan nating ipaliwanag na gawa-gawa lang ng mga taksil na heneral ang balitang gera sa hangganan. Pagkatapos noon ay kailangan nating pumunta sa Ignus upang makausap nang harapan ang hari, at maipaliwanag na rin sa kanila ang mga nangyari dito sa kabisera.” “Hmm... magandang idea...” sab
- 27 - Magkakasama kami nina Marius, Nico, at prinsipe Lucius na umakyat sa aking dating silid. Pagpasok dito ay agad kong isinara at nilagyan ng dasal ang pintuan. Bumagsak ako sa kama. Sobrang pagod ng aking katawan bagamat ako’y nagsalita lamang, pati na rin ang aking isipan, at maging ang aking kaluluwa. Hinawakan ako ng aking kabigkis sa kamay. “Kamusta naman, kaibigan?” tanong sa akin ni Nico, “Maayos ka pa ba r’yan?” “Humihinga pa...” sagot ko. “Umasa akong may lalaban sa akin... na may magsasabing isa akong halimaw na nagawang patayin ang sarili kong ama... pero... maging ang sarili kong mga kapatid ay pinuri ako bilang Emperador. Na tila ba hindi sila nauugnay sa dugo sa hayop na aking pinaslang...” “Malaki ang takot nila sa iyo, prinsipe Theodorin.” sagot ni prinsipe Lucius. “At ang takot ay mainam na pampatahimik sa mga bibig at maging sa d****b na nagsusumigaw sa galit.” Na
- 28 - “Ah... napaka sarap ng hangin dito sa himpapawid!” sabi ni Nico na sumandig sa aking tabi. Kasalukuyan kaming nakasakay sa barko ng Emperador. Dahil hindi pa maayos ang boses ni Marius ay hindi pa niya magawang utusan ang barko na tumalon at lumitaw na lang sa kaharian ng Ignus. Isa pa, baka mabigla pa ang mga taga-roon, kung basta na lang susulpot ang aming barko sa kanilang himpapawid! Nagpadala na kami ng mensahe kay Haring Titus Vulcan Serafin Ignasius ng bansang Ignus na parating na kami sa kanilang kaharian. Hindi nga namin akalain na may kakayahan pala si Nico na gumawa ng isang Salamin ng mga Pantas! Pinahawak niya ako sa kaniyang balikat, at dala ang isang palanggana na puno ng itim na buhangin mula sa disyerto ng Ignus, ay nagmanipula siya ng bughaw na apoy upang gawin itong salamit, habang sabay na binalutan ito ng sari-saring mga dasal at orasyon. “Ang punong imbentor ng Ign
- 29 - Puno ng ungol ang paligid. May umiiyak... “Bilisan ninyo!” ani ng isang tinig “Ayaw tumigil ng kaniyang pagdurugo!” “Parating na ang tulong!” “Theodorin!” Dumilat ako sa pamilyar na boses, bagamat magaralgal ito. Nasa harapan ko si Marius. Wala siyang maskara. Nakalugay ang kaniyang mahabang buhok, nakadikit sa madungis niyang mukha na basa ng luha. “Mahal... ko...” tila ako’y nanlalambot. Ni hindi ko magawang itaas ang aking braso... “Parating na ang mga maestro...” sabi ng isa pang pamilyar na tinig. Napalingon ako bagamat napaka sakit ng aking ulo. Nakita ko ang ama ni Marius na si Haring Domingo. “Nasaan...” bulong ko. “Nasa Hermosa kayo ngayon,” sagot sa akin ni Haring Domingo. “Bigla na lang kayong lumitaw na duguan...” Napatingin ako sa aking tabi... sa taong hanggang ngayon ay tum
- 30 -Maya-maya pa ay nagpulong na kami sa silid ni haring Domingo.“Lumagak na ang dugo.” ani ko. “Ang susunod ay ang pagtupok ng apoy na magdudulot ng abo.”“Tutupukin natin silang lahat.” singasing ni Nico sa aking tabi na puno ng poot. Suot niya sa kaniyang leeg ang pulang diyamante na tila nagniningas din sa galit. Bahagyang uminit ang silid.“Huminahon ka, Nicolai Alcione.” tawag sa kaniya ng hari ng Hermosa. “Walang maayos na plano ang mabubuo kung puro galit ang paiiralin natin.”“Patayin silang lahat! Iyan ang pinakamainam na plano!” sagot niyang nanginginig sa galit. “Hinding-hindi ko sila patatawarin sa kanilang ginawa!”“Nicolai. Huminahon ka.” utos ng boses ni Marius, at bagamat magaralgal pa ito at mahina lang, ay napatitig sa kaniya si Nico na napahinga nang malalim.“Nico.” t
- 31 -Maya-maya pa ay sinama kami ng hari sa isang liblib na kuweba sa ilalim ng palasyo. Pinagsuot niya kaming tatlo ng magkakaparehas na mga balabal at pinasunod kami sa liku-likong mga lagusan na tanging ang hari lang ng Hermosa ang nakakaalam.“Sa aming bansang Hermosa, balanse ang mga kaalaman at galing ng mga mamamayan sa sining at siensiya.” may hinawakan siyang pader na bumukas na tila pintuan. “Nasa aming bansa ang pinakamalaking unibersidad sa buong imperyo, ang pinaka malaking silid-aklatan na naglalaman ng lahat ng nasulat na libro, at ang pinakamodernong mga gamit.” humarap siya sa amin at ngumiti. “Hindi nga lang namin ipinapaalam ang aming mga imbensyon sa kapitolyo. Ang dahilan ay, mula nang mamatay ang mahal na emperatris, ay naging pabaya na ang emperador sa kaniyang mga mamamayan. Ang kaniya namang mga heneral ay naging ganid sa kapangyarihan, pati na rin sa mga likas na yaman ng imp
- 32 -“Ginoong Alcion!” sigaw ng mga taong nakakita sa amin. “Ginoong Alcion! Buhay po kayo!”Nagtakbuhan papalapit kay Nico ang kaniyang mga tauhan na mahigpit siyang niyakap habang nag-iiyakan. Labing dalawa silang katao, mga babae at lalaki na nasa edad labing apat pataas, sa aking tantsa.“Kamusta? Maayos ba ang lahat? Nasaan na ang iba?” sunud-sunod na tanong ni Nico. “At ilang beses kong sasabihin na Nico lang ang itawag n’yo sa ‘kin?!”“Ginoong... Nico...” hikbi ng isa, “Nasa may pintuan po ang iba, sinisiguradong hindi makakapasok ang mga sundalo sa inyong talyer...”“Hindi po namin malaman ang gagawin namin nang dumating ang mga kawal ng hari... pinipilit nila kaming ilabas ang mga imbensyon ninyo...” sabi ng isa pa.“Ang sabi po nila, namatay ka raw nang sumugod ang mga salbahing Ravant na puma
- 33 -Matapos naming ‘gisingin’ ang mga Patubig, sinunod namin ang iba pa. May mga sasakyan din siya na may mga matatalas at matatalim na patalim sa paligid. May tatlong piraso naman ito.“’Bungkal’ ang pangalan nito.” sabi niya sa akin habang hinahawakan niya ang talim ng isa na sing haba ng kaniyang binti. “Binubungkal niya ang lupa para mabilis makapagtanim ang mga magsasaka. Pero pinataas nila at pinahabaan ang mga talim para umabot ito sa tao.”May lima pa kaming nilapitan. Ang dalawang ‘Halukay’ na kayang magbutas ng bundok na yari sa bato. Ang huli naman ay ang tatlong ‘Lipad-Ulap’ na gumagamit ng mainit na hangin para lumipad sa himpapawid kung saan pwedeng maghulog ng tubig ang sasakyan na may tangke na nakakabit sa ilalim.“Handa na ang lahat.” sabi ni Nico matapos hawakan ang huling Lipad-Ulap. &ld