Share

Ika-dalawampu't-apat na Bahagi

- 24 -

Kinalagan ko ang mga kasama ko sa loob ng silid. Kahit pa mahina, nakagawa ako ng plasma upang mailawan ang paligid, at ngayon, nakita ko na tatlo silang bihag na tulad ko.

“Maayos ba ang inyong mga kalagayan?” tanong ko sa aking mga kasama.

“M-maayos naman kami... Prinsipe Theodorin.” sagot ng isa sa mga bihag na nakasuot ng baro ng isang heneral.

“Nasaan ang iba ninyong mga kasama?” tanong ko sa kanila. “Pagkaalala ko ay lima kayong mga heneral at ilang daang mga kawal...”

“Wala na ang aking mga kawal.” galit na sambit ni prinsipe Lucius. “Pinatay nila silang lahat... nilunod na parang mga daga sa aming dalang mga barko! Kasama ang isa pang heneral na tapat sa akin...”

“At ang dalawa pa?” tanong ko sa kaniya.

“Hindi sila tapat!” sabi ng ikalawang heneral sa silid. “Pinagtaksilan nila kami!” kapit niya ang kaniyang braso, at napansin ko na may bali ito. “Ako nga pala si

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status