Share

Ika-tatlongpu't-dalawang Bahagi

- 32 -

“Ginoong Alcion!” sigaw ng mga taong nakakita sa amin. “Ginoong Alcion! Buhay po kayo!”

Nagtakbuhan papalapit kay Nico ang kaniyang mga tauhan na mahigpit siyang niyakap habang nag-iiyakan. Labing dalawa silang katao, mga babae at lalaki na nasa edad labing apat pataas, sa aking tantsa.

“Kamusta? Maayos ba ang lahat? Nasaan na ang iba?” sunud-sunod na tanong ni Nico. “At ilang beses kong sasabihin na Nico lang ang itawag n’yo sa ‘kin?!”

“Ginoong... Nico...” hikbi ng isa, “Nasa may pintuan po ang iba, sinisiguradong hindi makakapasok ang mga sundalo sa inyong talyer...”

“Hindi po namin malaman ang gagawin namin nang dumating ang mga kawal ng hari... pinipilit nila kaming ilabas ang mga imbensyon ninyo...” sabi ng isa pa.

“Ang sabi po nila, namatay ka raw nang sumugod ang mga salbahing Ravant na puma

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status