Home / LGBTQ+ / Ginto't Pilak / Ika-labing-isang Bahagi

Share

Ika-labing-isang Bahagi

Author: psynoid_al
last update Last Updated: 2021-11-04 13:48:02

- 11 -

“Matapos ng naunang selebrasyon, ito nanaman?” naiinis na sabi ni Marius nang makarating kami sa palasyo ng Emperador.

“Hayaan mo na ang kapritsohan ng aking ama, alam mo naman na mahilig siya sa mga kasiyahan.” sagot ko matapos magbuntong hininga. “Mamayang gabi pa naman ang salu-salo, sa ngayon ay makakapag pahinga pa tayo.”

“Pahinga? Habang bihag ng mga taga-Ignus ang aking kapatid?”

“Alam ko, Marius, makaya mo kayang alamin ang kanilang pinagtataguan?” tanong ko sa kaniya.

“Kailangan ko munang magpahinga nang saglit...” sagot niya. “Bagamat binigyan mo ako ng mahika, lubhang nakapagpapagod sa akin ang ginawa nating pagtalon dito sa kapitolyo. Ikaw rin, Theo, ramdam ko na napagod ka rin, mas kailangan mong kumain at magpahinga kesa sa akin!”

“Wala ito,” pilit ko. “Mas mahalaga ang malaman agad natin ang lagay ng mga hangganan ng aming bansang Apolinus, at kung pinasok nga ba kami ng mga Ignus.”

Magkasama kaming pumasok sa aking lumang silid sa taas ng isa sa mga tore sa aming palasyo. Sinara ko ang makapal na pinto at naglagay ng dasal dito upang walang sino man na makagambala sa amin. Inalis ni Marius ang kaniyang maskara at inihagis iyon sa kama.

May nakita akong pagkain sa aking mesa, sapat ito para sa tatlong tao, at mukhang mainit pa, mula marahil ito sa kusina. Noon ko napansin na kumakalam na pala ang aking sikmura.

“Ah, tamang-tama, nagugutom na nga ako!” sabi ni Marius nang makita iyon. “Mukhang alam nila na paborito ko ang pulot ng pulang bubuyog bilang panghimagas!” sabi pa niya.

“Pulot ng pulang bubuyog?” napatingin ako. Hawak na ni Marius ang isang kutsaritang puno ng pulot at isinubo ito.

“Sandali!” huli ko na siyang napigilan. “Ang pulang bubuyog ay mula sa kaharian ng Ignus!” nag-aalala kong sinabi sa kaniya.

“Alam ko, hindi nga ba at madalas magdala si duke Malonzo ng pulot ng pulang pukyot sa atin tuwing bumibisita siya mula Ignus?” tumikhim si Marius. “Isa ito sa mga, ehem, pangunahing kalakal ng mga tao, hrmm, sa Ignus...” muli siyang nasamid.

Kinuha ko ang bote mula sa kaniya at inusisa ito. Noon ko nadama na may sumpang nakabalot rito!

“Marius?” napatingin ako sa aking kabigkis na kinakamot ang kaniyang lalamunan.

“Parang... nabara ang pulot sa...” hindi na natuloy ang kaniyang salita. Hinawakan niya ang kaniyang lalamunan at tila nabilaukan.

“Marius!” Madali ko siyang nilapitan at binuka ang kaniyang bibig. Nakita ko ang malagkit na pulot na parang linta na gumagapang sa kaniyang lalamunan. “Tubig!” tumawag ako ng tubig na namuo mula sa hangin at nilinis ang kaniyang lalamunan!

Napaluha si Marius sa sakit, nang pilit ilabas ng tubig ang sinumpang pulot na kumapit na sa kaniyang lalamunan. Ngunit may ilan pang natira rito.

Itinuon ko ang lahat ng atensyon sa pag alis ng pulot na iyon sa kaniyang katawan. Tinitigan ko iyon ng mabuti, nakita ang pinaka maliliit nitong butil na `di kayang makita ng simpleng mata lang. Nakabilot ang sumpa nang kung sinu man na may kagagawan ng bagay na ito. Huminga ako ng malalim at hinatak ang bawat butil palabas ng katawan ni Marius, pati na ang nasa loob ng kaniyang sikmura, kahit pa iyong mga nagsimula nang lumibot sa kaniyang katawan, at inilabas lahat nang iyon sa kaniyang bibig, pabalik sa bote na ngayon ay nakalapag sa sahig.

Tapos noon ay tumawag ako ng apoy at pinalamon sa bughaw na ningas ang buong bote. Walang natira rito nang maapula ang apoy.

Samantala, naluluha pa rin sa sakit si Marius. Tinulungan ko siyang tumayo at binuhat sa aking kama.

“Maayos lang ba ang iyong kalagayan, Marius?!” napailing siya. Kapit pa rin niya ang kaniyang lalamunan. “Ibuka mo ang iyong bibig...”

Binuka nga niya ang kaniya ito, at nakita kong namamaga ang kaniyang lalamunan.

“Kaya mo bang magsalita?”

“Hi...” sinubukan niyang magsalita, ngunit sobrang malat ang kaniyang boses, at muli siyang naluha sa sakit.

“Sandali, hihingi ako ng tulong sa mga pantas...!”

Pinigilan ako ni Marius. “Wah...” tumingin siya sa paligid at itinuro sa akin ang isang pluma at mga papel. Agad ko itong iniabot sa kaniya.

‘Huwag kang tumawag basta ng doktor. Hindi natin alam kung sino ang may gawa nito.’ isinulat niya.

“Tama...” ako’y napa-isip, “Alam ng may gawa nito na parating tayo ngayon, alam niya na gutom tayo dahil hindi tayo nakapag umagahan bago tayo umalis, at alam din niya na mahilig ka sa pulot ng pulang bubuyog.”

‘Kaya’t hindi tayo dapat magtiwala kanino man!’ muli niyang isunulat.

“Ngunit, paano na ang iyong kalagayan?” tanong ko sa kaniya. “Paano na ngayon, at hindi ka makapagsalita?!”

Napatitig sa akin si Marius, nag-iisip. ‘Sa tingin ko ay balak lang ng pulot na pigilan akong magsalita, at hindi ang ako ay patayin.’ sulat niya.

“Tama,” napa-isip din ako. “Wala akong lason na naramdaman sa sumpa na nakalagay sa kinain mong pulot. Ito’y inutusan lang na palibutan ang iyong lalamunan upang hindi ka makapag salita.”

‘Pinipigilan nila akong gamitin ang aking dilang pilak. kung gayon ay may iba pa silang balak sa akin.’

Lumapit si Marius sa lamesa, pinagmasdan ang mga pagkain na nakalatag doon. Puno ito ng aming mga paborito. Mga prutas, putahe, at matatamis na panghimagas at kakanin na madalas naming hilingin mula nang kami ay mga bata pa lang.

‘Tignan mo ang paborito mong putahe na inihaw na kuneho.’ sulat ni Marius sabay turo sa akin.

Nilapitan ko nga iyon at napansin na may sumpa rin na nakalagay dito! Isang sumpa ng pagtulog. Kung gayon ay may balak nga silang dakipin kami rito, ngayon din!

Agad akong tumingin sa paligid. Tumawag ako ng hangin na siyang tinangay ang lahat ng gamit sa loob ng silid, tapos ay binuksan ko ang malapad na pinto at inihip palabas ang lahat ng gamit dito.

Muli kong pinagmasdan ang paligid. Sarado ang malalaking mga bintana, at malabo na may mga taong nakatago sa labas nito. Tinignan ko naman ngayon ang mga pader.

Tama. Naaalala ko na may maliit na lagusan dito sa aking silid, dati itong itinuro sa akin ng aking ama noong ako ay bata pa. Isa itong sikretong daanan na maaari kong gamitin kung sakaling may panganib na dumating.

Agad ko itong hinarap, at gamit muli ang hangin, ay binuksan ang sikretong pinto sa pamamagitan ng pag pisil sa nakatagong adobe sa dingding. Umatras at umangat ang parte ng pader.

“Hintayin mo ako rito, Marius.” Paalis na ako nang hatakin ni Marius ang aking kamay.

Umiling siya sa akin, sabay yakap sa aking braso.

“Nais mong sumama? Ngunit...”

Galit ang tingin, muling umiling si Marius at hinampas ang aking braso. Wala akong nagawa kung hindi isama siya sa pagpasok ko sa madilim na lagusan.

psynoid_al

(◑ᴥ◑)ɔ ♥ pa-vote naman po! At paiwan na rin ng review sa Main Story Page :)

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ginto't Pilak   One Way Talk :D

    Hello Dear Readers! ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong ito! Actually, ito po ay isang side story para sa mas mahabang kuwento (in English) na 'Phasma' whose story actually takes place in the new world, 10,000 years in the future. Ang Phasma po ay isang young adult fantasy adventure novel na on-going dito sa GoodNovel(hindi po ito BL or boys love ʕˆ(ᴥ)ˆʔ ) general patronage po ito, with a bit of dark fantasy here and there. Sana po ay nagustuhan ninyo ang storya na ito, at maisipang basahin din ang Phasma na sigurado po ako, ay magugustuhan din ninyo! Pwede rin po kayong magpakape kung nais pa ninyo ako'ng pasalamatan at suportahan!Hanapin n'yo lang po ako sa ko-fi dot com! look for psynoidal ʕ-(ᴥ)-ʔ may mga specials po at extras doon na naghihintay para lamang sa inyo! Muli po, salamat at mag-ingat po ang lahat! - ako

  • Ginto't Pilak   Ika-limampung Bahagi – Ang Pangwakas

    - 50 -Magkayakap kaming nagpakahulog sa aming kama.Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nagising, kung saan kami natulog sa loob ng limang taon!Tumatawang humalik sa aking bumbunan ang pinakamamahal ko’ng kabigkis habang kinukuskos ko sa mabango niya’ng dibdib ang aking ulo.”Napakasarap ng ating pinagsaluhan kanina!” sabi niya na bahagyang nangangamoy alak ang bibig. ”Parang `di pa rin ako makapaniwalang limang taon tayo natulog, pero ibaang sinasabi ng aking tiyan! Gusto ko pa rin kumain hanggang ngayon!””Isabukas na natin iyon, mahal,” sabi ko sa kanya habang pataas ang mga halik ko sa kanyang leeg. ”Ngayong gabi, ikaw lang ang nais ko’ng kainin!”Napahagikhik si Marius.”Hindi pa rin ako makapaniwalang limang taon tayong nawala!” patuloy niya habang hinuhubad ko ang suot niya’ng tunika. &r

  • Ginto't Pilak   Ika-apatnapu't-siyam na Bahagi

    - 49 -“At bakit naman ako magiging Emperador?”Iyan ang tanong ko sa dalawang hari sa aming harapan.Napatunganga sa akin si Nico at si Haring Domingo.”Hindi ba’t dapat lang na koronahan ka na namin bilang punong tagapamahala sa bagong mundo’ng ito?” sabi ni Haring Domningo.”Hindi naman ako papayag na mas mataas pa ang posisyon ko sa iyo!” sabi naman ni Nico na sumimangot sa akin. ”Hindi ako pinanganak na dugong bughaw, at sa totoo lang, hindi ko ginusto ang posisyon na `to, kung `di lang `to pinilit sa `kin ng mga tao!””Pero bagay na bagay ito sa `yo!” sabi ni Marius na nakangiti sa kaniya.“Ay, ikay, Dilang Pilak! Ngayon lang kita narinig magsalita, pero `wag mo ako’ng ma-utuasang manatili sa posisyo’ng ito, ha?” biro nito sa aking kabigkis.“Pero, hindi ba’t bagong

  • Ginto't Pilak   (48) Ika-apatnapu't-walong Bahagi

    - 48 -Nilibot naming dalawa ni Marius ang mga tindahan. May mga nagkakalakal ng damit sa isang tindahan, at kapalit ng suot naming makapal na tunika, ay kumuha kami ni Marius ng tig-isang balabal. Namasyal kami sa paligid at naaliw sa mga tanawin nang mga tao na sama-sama – mapa Heilig, Ravante, o Ignasius man. Lahat sila masayang nagbabatian at nagtutulungan. Binigyan nila kami ng mga pagkain, laruan, at mga palamuti. Isang kumonidad na walang discriminasyon sa isa’t-isa.May grupo ng mga bata na lumapit kay Marius. Mga batang ginto ang buhok ngunit madilim ang kulay ng mga mata. Mga pulang buhok na kasing bughaw ng langit ang mata. Mukhang ito na nga ang pinangarap naming mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa.Nagdala ang mga bata ng mababangong bulaklak na ikinuwintas nila sa aking kapares. Tuwang-tuwa naman si Marius na nakipagsayawan at nakipaglaro sa kanila, hanggang sa buma

  • Ginto't Pilak   (47) Ika-apatnapu't-pitong Bahagi

    - 47 -Katabi ko na si Marius sa aking paggising.Nakahiga kami sa malapad at malambot na kama sa isang silid na bago sa akin. Natatakpan kami ng kumot, at kapwa nakasuot ng manipis na tunika na yari sa malambot na tela.Lumapit ako upang siya ay yakapin ng mahigpit. Maayos na ang aking pakiramdam, wala nang pagod. Hinalikan ko ang dulo ng ilong ni Marius at napangiti nang unti-unti siyang dumilat.“Kamusta, mahal?” tanong ko sa kaniya.“Inaantok pa,” sagot niya na nagsumiksik muli sa aking dibdib.“Ayaw ko pa ring bumangon...”Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito upang halikan ang matatamis niyang labi. Nangiti si Marius na gumanti rin ng halik at binalot ang kaniyang mga braso sa aking batok.Lumalim ang aming mga halik. Pumaibabaw ako sa katawan niyang porselana, hinimas ang mala-sutla niyang balat mula leeg papunta sa kaniyang dibdib,

  • Ginto't Pilak   (46) Ika-apatnapu't-anim na Bahagi

    - 46 - “Saan kayo nanggaling!?” tanong ni Haring Domingo na may halong takot at galit. “Dalawang linggo kayo nawala!” “Ha?” gulat na bigkas ni Nico, “Pero wala pa kaming dalawang oras sa kabilang mundo!” “Kabilang mundo?” muling tanong ng hari. “Sinasabi ko na nga ba ipipilit ninyo itong gawin!” “Nagawa naming magbukas ng lagusan papunta sa ibang mundo, ama.” sagot ni Marius sa kaniya. “Maaari tayong manirahan doon hanggang sa mawala ang salot sa hangin dito sa ating mundo.” “Kung may maililikas pa tayo!” sagot ni Haring Domingo. “Bakit po, may nangyari nanaman ba?” tanong ni Nico. “Nang gabi na kayo ay nawala, dumating ang malalaking alon. Nagawa nitong lampasan ang matataas na bahura at bulubundukin na hinarang ni Theodorin.” salaysay ni Haring Domingo. “Bagamat hindi na kasing lakas dahil sa mga harang, marami pa rin ang natupok sa pagbahang dulot ng mga alon.” “Ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status