Short
Goodbye Means Never Again

Goodbye Means Never Again

Por:  Worry Be GoneCompleto
Idioma: English
goodnovel4goodnovel
24Capítulos
7.2Kvisualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

On Christmas Eve, while her husband takes their son to watch fireworks with his first love, Justine Payne finally makes up her mind—she's getting a divorce. They've been married for five years. To everyone else, she's the lucky woman with the perfect life. She has a devoted husband and a smart, adorable son. But only she knows the truth—her husband has never let go of his first love. Even worse, the child she nearly died giving birth to can't wait to replace her with someone else. So, Justine decides to set them both free—a husband whose heart doesn't truly belong to her and a son who can't wait to replace her. She refuses to keep holding on to love that isn't returned.

Ver mais

Capítulo 1

Chapter 1

Isang notification ang bumasag sa tahimik na gabi ni Riona. Kinuha niya ang cellphone niya at umaasang baka galing iyon kay Magnus na nasa isang business trip ngayon sa Venice.

Pero nang mabasa niya ang laman ng text, pakiramdam niya'y binuhusan siya ng malamig na tubig.

"Bank Alert: PHP 1,000,000.00 was withdrawn from your account ending in 1234 at 23:27. Transaction Type: Overseas Remittance. Recipient: Clara Fields. Remarks: Compensation. Current Balance: PHP 6.68."

Natigilan si Riona, biglang siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan, nakatitig sa screen na parang hindi niya maintindihan ang binabasa. Paulit-ulit niyang binabasa yun hanggang sa manlaki ang mga mata niya.

Isang milyon, iyon ang ipon nila ni Magnus. Iyon ang perang pinaghirapan nila simula noong nag-uumpisa pa lang sila. Ilang araw pa lang ang nakalipas, noong nagka-problema ang kumpanya nila sa pondo, sinubukan niyang gamitin ang card na ito pero mahigpit siyang pinigilan ni Magnus.

"Riona," seryosong sabi nito noon habang hawak ng mahigpit ang kanyang mga kamay. "Ito yung wedding fund natin. Maliit man ito ngayon pero para sa future din natin ito. Bawal nating galawin ito maliban na lang kung may mangyaring malaking dahilan para hindi matuloy ang kasal nating dalawa."

Naniwala siya sa sinabi nito. Akala niya talaga, seryoso itong nagpaplano para sa kasal nila.

Pero kung totoo iyon, bakit nito ginalaw ang pera nila ng walang paalam kahit man lang sa kanya?

At anong ibig sabihin ng compensation para kay Clara?!

Si Clara ay isang bagong business partner ng kumpanya nila. Isang single mother at bukod sa trabaho, wala na dapat itong ibang koneksyon sa nobyo niya. 

Hindi niya alam kung ano nga ba ang ire-react niya sa mga oras na yun. Para kasi patunayan ang pagmamahal niya kay Magnus at para matakasan ang kontrol ng pamilya niya sa kanya, buong tapang na isinuko niya ang kanyang mana. Siya kasi ang nag-iisang tagapagmana ng isang bilyonaryong pamilya sa Cebu. Pag-graduate niya ng university, pinili niyang mamuhay bilang isang simpleng babae dito sa Manila. Tinulungan niyang ibangon ang kumpanya ni Magnus mula sa ibaba at isinugal ang kabataan niya para lang sa pangarap nilang dalawa.

Ayaw niyang isipin na may itinatago sa kanya si Magnus. Kahit na mahigpit siyang pinagbilinan nitong wag tatawag habang nasa business trip ito, binalewala niya 'yon. Nanginginig ang mga kamay niyang dinial ang numero ng nobyo.

Labing-isang beses siyang tumawag. Sa pang-labing dalawa, saka lang ito sinagot.

Maingay sa kabilang linya. Parang nasa isang  parke ang lalaki. 

"Love..." nanginginig na tawag ni Riona sa lalaki. "Bakit mo t-tinransfer yung isang million na ipon natin kay Clara?! 'Di ba usapan natin hindi natin gagalawin yung wedding fund nating dalawa?! Bakit mo naman  ginalaw ang pera?!"

Natahimik ng matagal sa kabilang linya. Mayamaya pa’y malamig itong nagsalita sa kanya.

“Riona... i-postpone muna natin ang kasal nating dalawa." 

Nang marinig yun parang binagsakan ng langit at lupa si Riona.

"May nakilala kasing top overseas client si Clara na kailangan ng malaking capital," paliwanag ni Magnus sa kanya. “Malaki ang return of investment nitong project na 'to, kaya ito ang pinakamagandang desisyon ngayon, huwag kang mag-alala lalaki pa itong isang milyon natin."

"Pero sabi mo fund natin yun sa kasal natin!” nag-pa-panic na sigaw ni Riona. "At sinong client?! Ako ang kakausap sa kanila!"

Siguro dahil pagod na si Magnus, biglang tumalim ang tono nito.

"Pwede ba, Riona, tama na! Porke't may mga connections ka, feeling mo pwede ka ng manggulo at makialam sa diskarte ko?! Anong laban mo sa mga high society clients?! Kung hindi ka binigyan ng platform ng kumpanya ko, ano bang silbi mo?! Pera ko ito, desisyon ko kung kanino ko ibibigay ang pera para sa ikalalago ng negosyo! Hindi pa nga tayo kasal, bakit ang dami mo ng reklamo?!

Parang sinampal ng paulit-ulit si Riona. Bawat salitang binitawan ni Magnus ay tumapak at bumasag sa lahat ng sakripisyong ginawa niya nitong mga nakaraang taon. Hinamak pa nito ang background niya, na para bang isa lang siyang palamuti na walang naitulong sa kumpanya.

Gusto niyang isiping nabibingi lang siya, na hindi ang lalaking minahal niya ang nagsabi nun sa kanya, pero bago pa siya makasagot, isang pamilyar at malambing na boses ng babae ang narinig niya mula sa background. Sobrang lapit sa mic na parang sinadyang iparinig iyon sa kanya.

"Magnus, gusto raw ni Carcar ng ice cream, kaso hindi ko siya maiwan eh. Pwede bang ikaw na lang ang bumili?"

Nang marinig yun, biglang nanigas ang katawan ni Riona. Si Magnus naman ay mabilis na tinakpan ang mic at nagmamadaling nagsalita. “Riona, pasensya na pagod lang kasi ako kaya medyo masama yung tabas ng dila ko, ‘wag mo nang pansinin yung nasabi ko sa’yo ah. Naghihintay na yung mga clients para sa meeting namin. Magpahinga ka na lang muna at wag ka nang mag-inarte diyan. Lawakan mo naman yung pang-unawa mo, pwede?"

Matapos sabihin yun, hindi na siya nito hinintay pang magsalita dahil binabaan na siya nito ng telepono. Tuluyang bumagsak ang balikat ni Riona at hindi makapaniwala sa ginawa ng nobyo niya.

Matapos ang lahat ng taong 'yon, ngayon niya lang na-realize kung anong klaseng tao talaga si Magnus. Isa itong makasarili at manipulator na ginagamit ang negosyo para pagtakpan ang panloloko nito sa kanya!

Ilang beses ng muntik  na ma-bankrupt ang Valencia Inc.  at siya ang nagbenta ng mga personal design copyrights niya para lang mabayaran ang mga utang nito. Siya ang nagpuyat at siya ang nag-asikaso ng finance at designs nito. Halos tumambay na nga siya sa ospital dahil sa overfatique. 

Tapos lahat ng 'yon, binabalewala lang ni Magnus? Nagrereklamo pa itong wala siyang kwenta at walang ambag?

Samantalang si Clara? Ilang matatamis na salita lang sa opisina at todo papuri lang kay Magnus ang inaatupag, lalambot na agad ito sa babae? At ang masakit pa, kasama pa ito ni Magnus ngayon! 

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

avaliações

SillyRabbit
SillyRabbit
The usual storyline except the son. He’s either 5 or 15.
2025-08-05 07:43:47
1
1
24 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status