Flashback. After Selene’s accident. “What are you trying to tell, wife?” The situation was too hard for Dreyk to accept what Selene was saying. She wanted something that would be hard for him to give her. “Ibalik na lang natin kung ano ang dati, bago tayo nagkita ulit at bumalik ako sa ‘yo.” “Are you saying na…” “You have Sera, she needs her mother.” Napatayo si Dreyk sa kaniyang kinauupuan, napasabuhok gamit ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay naitakip niya sa kaniyang bibig. Umayos din naman sa kaniyang pagkakaupo si Selene, gusto niyang mas maintindihan ni Dreyk na ang kapakanan ng bata ang iniisip niya rin. Pero paano nga rin ba niya ipapaliwanag sa asawa na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya sa sitwasyon nila lalo pa’t hindi pa rin nakakabalik ang alaala niya. At ang pinakatotoo sa lahat ay iba ang tinatawag ng puso niya. “But I need you, wife.” “I know, pero ayaw ko na ring magkunwari pa sa harapan mo Dreyk. I can’t remember the tings that we used
“Love, sorry na-traffic. Tapos ay nagpa-gas pa ako kaya medyo natagalan talaga.” Bumaba si Leon mula sa BMW naming sasakyan. Aligaga siya sa pag-e-explain kung ano ang nangyari all the way here habang ako ay nakangiti lang na nakatitig sa kaniya. Isa rin siya sa super na-miss ko. Sa pag-aalala sa mga nangyari ay hindi ko na nga napigilang hindi mapaluha. Well, I was just overjoyed. “Love, are you okay? Did something happen? Inaway ka ba nila?” “No, no Love, masaya lang ako,” sabi ko sa kaniya. Nakapasok na si Fiel sa loob ng kotse habang kaming ay narito pa sa front door. “Do you missed me?” tanong ni Leon sa akin. Pinunasan niya ang tubig na dumaloy sa aking mukha. Tumango ako. Hindi ko na siya hinayaang magreact pa’t tumingkayad ako ng kaunti upang mahagkan siya sa labi. Nadama ko naman na tumugon ng halik ang mahal ko kaya napapangiti ako habang hinahalikan siya. Leon may not be my first in life, but he will be my last. I promise. I missed you, and I love you.
Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga ng sunod-sunod na pagkatok ang bumulabog sa mahimbing kong pagtulog. Napuyat ako sa dami ng paperworks sa school kaya madaling araw na rin ako nakatulog. Ang balak ko’y alas otso na ng umaga bumangon tutal ay alas dyes naman ang pasok ko. Ngunit hindi pa man nag-aalarm ang cellphone ko’y nagising na ako sa tila bomba na dumadagundong mula sa labas ng aking silid.“Sandali lang,” inantok ko pang sagot habang hinahanap ang isang sapin ko sa paa na mukhang nakasilong pa sa ilalim ng higaan.“Ano ba ‘yan, ang aga-aga pa,” reklamo ko sa sarili.Subalit lahat ng katamlayan ko’t pagkaantok ay tinangay ng hangin ng isang malutong na sampal ang bumungad sa ‘kin.“Walanghiya ka! Mang-aagaw!” Sapo ang aking pisnge’t nanlalaki sa pagkagulat ang aking mga mata sa nangyari. Hawak ng ate ko at ni mama ang pinsan kong si Claire na siyang walang sabi-sabi na sumampal sa mukha ko. Napangiwi pa ‘ko sa sobrang lakas ng kaniyang palad na para bang biglang humiwalay
Five years later.“Selene, table three ka.” Malakas ang naging sigaw ng baklang manager ng isang night club na pinapasukan ni Selene. Limang taon na siya sa gano’ng karera, ang pagbebenta ng kaniyang katawan. “Yes mami, coming,” masiglang sagot ni Selene sa boss na nag-alaga sa kaniya sa loob ng halos limang taon. “Hi, sir welcome sa Nightclub ni mamang, first time visitor ka no?” panimula ni Selene sabay upo sa tabi nito.“Hindi naman, actually may kasama ko, nauna lang talaga ako ng dating,” brusko ang boses ng nasa mid-30’s na lalaki, nakacasual attire ito with his black polo shirt and pants, pero kahit na gano’n ay lumalabas ang pagiging magandang lalaki ng ka-table ni Selene.Tumango-tango si Selene. “Anyway, Selene nga pala.” Nagpakilala siya sa magiging ka-table sabay upo. Tinanggap naman nito ang simple introduction niya at sinabing ang kaniyang pangalan ay Jeriko.“Good, may time pala tayo together. Drinks?” “Yeah, sure.” Iniabot ni Selene ang bagong bukas na beer sa lal
“Gusto mo ‘kong tulungan for what reason again?” Kanina pa niya pinapaliwanag sa ‘kin ang dahilan niya kung bakit niya ko pinapunta sa Condo niya. Pero dahil sa hindi ako natutuwa sa presensiya niya’y pilit ko rin na isinasantabi ang mga good intention na lumalabas sa bibig nito.“I want you to have a normal life, Selene. Iyon lang, pambawi na rin sa nagawa ko sa ‘yo,” anito. Malumanay ang boses niya, puno ng sinseridad at pagkakalma. Ang mga mata niya’y nagdadala ng kaunting kirot sa puso ko. Para siyang aso na nanghihingi ng pagtapik sa kaniyang ulo.Hindi naman kami gano’n ka close ni Dreyk no’n, minsan ko na siyang nakasama, pero kasama rin si Claire. Sobrang showy niya sa nararamdaman kay Claire, kaya naman sobra-sobra ang tuwa ko ng malaman na magpapakasal na sila. She wanted him to be with her cousin forever, pero dahil din sa kaniya kung bakit hindi na ‘yon nangyari pa.Isa si Dreyk sa mga Ideal men na nabuhay sa mundo, kaya marami ang nagkandarapa rito. Bukod sa mayaman ang
“Bakit kailangan nating magpakasal? Una, ano ang magiging connect no’n sa pagtulong mo sa ‘kin?” Hindi pa rin ako makapaniwala na biglang mag-oopen si Dreyk ng kasal sa gitna ng isang sensitibong usapan. “Pangalawa, ano naman ang mapapala mo sa set-up na gano’n? Balak mo bang pumasok sa magulong mundo, kagaya ko? Nasa itaas ka na Dreyk, ‘wag mo nang pangarapin pa na gumulong ang mundo mo paibaba.” Pinag-ekis ko ang aking mga hita’t prenteng isinandig ang likuran sa malambot na sofa. Nahimasmasan na ako sa emosyong nailabas ko kanina, ngayon ay nasa harapan ko na ang botte ng isang mamahaling alak na sinadya kong hingin kay Dreyk. Nanuyo ang aking lalamunan at wala itong ibang hanap kundi alcohol. “Well, I’ll be frank with you, Selene, no’ng una’y pure help ang intention ko kaya kita pinapahanap. At hanggang ngayon pa rin naman ay gano’n ang gusto ko. Pero kasi, may ilang bagay na gumugulo sa isipan ko simula ng gabi na nagkahiwalay tayo sa Crime scene na ‘yon.” Naitigil ko ang pagl
“Hoy Bruha! Sa’n ka galing kagabi?” “Huh?” “Anong huh? Ano nabingi ka na?” Pangangantiyaw sa kin ng kasamahan ko sa Bar na si Zusie. Panay pa ang pangungurot nito sa may braso ko na labis ko namang ikinairita kaya naman ginantihan ko siya ng tulak. “Bigtime ba ang naging client mo, kaya nakailang rounds pa kayo ha?” “Tigilan mo ko Zue at baka ma-jomag na talaga kita riya,” ani ko rito. “Ano’ng gusto mong dinner mamaya sagot ko na,” pagkuwan ay dugtong ko. “Tignan mo, sabi ko na madatung ‘yong klyente mo eh. Sige, gusto ko ng grilled pork later,” tila kinikilig pa si Zusie na nagsabi. Kumapit siya sa kanang braso ko’t ipinatong ang ulo ro’n. Akala mo naman teenager siya na naglalamabing sa bata rin na jowa nito. “Umayos ka nga!” Napapadyak ito ng pa ng kaniyang paa na, na mamy pag nguso pa. “Oo na, sige basta ikaw ang bahala sa dinner ko. Thank you frenny.””“Ang arte mo, alam mo ba ‘yon?” natawa na rin ako sa naging asal namin. Mas nauna ako kay Zusie na dumating sa bar bila
“This can’t be happening!” Kasabay nang pagsigaw ni Liset ay ang pagbato niya sa mahawakang gamit mula sa receiving area ng kanilang mansiyon. Hindi pa man nagtatagal ang pag-uwi niya mula sa bansa ay isang nakakagimbal na balita na kaagad ang bumungad sa kaniya. Nagngingitngit sa galit ang kalooban niya nang malaman na may kaugnayan pa rin hanggang ngayon si Dreyk kay Selene. Mas lalo pang ikinaputok ng kaniyang butsi ng malamang fiancee ni Selene ang kaniyang kababata.Five years ago ay nagawan na niya nang dahilan para maputol ang ugnayan nila ng babaeng nakaharap kanina, kaya labis niyang ikinagulat na makakasalamuha ulit ito sa ganitong pagkakataon. Kung kailan ay handa na siyang maging asawa ni Patrick ay saka ito babalik at bubuntot sa kanilang anino.“I hate it! I hate this!” pagwawala niya pa.Walang naging maayos na sagot si Dreyk sa kaniya patungkol sa pakikipagrelasyon sa pinsan ng dating nobya nito. Ilang beses silang nagkausap sa telepono ng nasa Amerika pa siya pero w