Home / Romance / Got Pregnant By My Sister's Fiance / CHAPTER 5: LIHIM MAGPAKAILANMAN

Share

CHAPTER 5: LIHIM MAGPAKAILANMAN

Author: Strawberry Matcha
Matagal na nanatili sa labas si Enzo upang pawiin ang gulo sa kanyang isip. Nang bumalik siya sa silid, gising na ang kanyang lola. Sa tabi nito ay nakaupo si Arabella, tahimik na nag-aalaga ngunit halata sa mukha nito ang labis na pagsisisi.

“Gabi na, apo. Umuwi na tayo para makapagpahinga na si Lola,” wika ng matanda.

Lumapit si Enzo at malambing na nagtanong, “May kailangan ka ba, Janella? Kukunin ko muna para makabalik ako agad.” Wala siyang balak iwan itong mag-isa ngayong gabi.

“Huwag na. Hindi rin naman ako magtatagal dito,” tugon ni Janella.

“Ano?”

“Si Arabella ang magbabantay kay Lola. Sasabay na ako sa iyo pauwi.”

Napatingin agad si Enzo kay Arabella. Nakatungo ang dalaga, ngunit malinaw ang pagpula ng mga mata nitong nagbabadya ng luha. Marahil ay masama pa rin ang loob nito mula sa kaninang pagtatalo, at pumayag lamang itong manatili dahil alam niyang kailangan niyang panagutan ang nangyari.

“Bababa muna ako para bumili ng ilang kailangan. Babalik din ako agad,” paalam ni Arabella.

“Gusto mo bang samahan kita?” alok ni Brent. Naaawa siya sa lungkot ng dalaga, ngunit kilala niya si Arabella. Kapag tumanggi ito, wala nang makakapagpabago ng isip nito.

“Salamat, pero kaya ko na.”

Mabilis na lumabas si Arabella. Nais niyang bumili ng charger at pagkain upang hindi na kailangang pababa-baba pa mamaya. Sa convenience store ng ospital, kumuha siya ng charger, sabon, isang malambot na kumot, pati na rin ng gatas at konting meryenda para sa mahabang gabi ng pagbabantay.

Nang magbabayad na siya, may ibang kamay na biglang umabot sa cashier.

Paglingon ni Arabella, nakatayo si Enzo at malamig na nakatitig sa kanya.

Walang balak si Arabella na makipag-usap. Kung gusto nitong magbayad, bahala ito. Kinuha na lamang niya ang kanyang mga binili at mabilis na lumabas ng tindahan, habang naiwang mag-isang nag-aabot ng bayad ang lalaki.

Subalit sa kanyang paglalakad, mabilis siyang sinundan ni Enzo. Walang sabi- sabing inagaw nito ang mga bitbit niya at ito na ang nagbuhat.

“Anong ginagawa mo? Akin na 'yan!”

“Ako na.”

“Kaya ko na. Bakit ka ba sumunod? Naparito ka ba para sigawan ulit ako?” Humarap sa kanya ang malalaking mata ng dalaga—mga matang bakas pa rin ang sakit mula sa bawat salitang ibinato nito kanina. Hindi iyon madaling mapapawi.

“Hindi ako naparito para pagalitan ka,” mahinahong sagot ni Enzo. “Gusto ko lang itanong kung may kailangan ka pa. Pwede akong magpahatid ng mga gamit mula sa bahay.”

Ibang-iba ang pakikitungo nito sa kanya kumpara kay Janella. Sa kapatid niya, labis ang alaga at lambing nito; sa kanya, ni minsan ay hindi ito nagpakita ng tunay na pag-aalala.

“Wala.”

“Galit ka ba sa sinabi ko kanina?”

“Hayaan mo na. Ayaw ko nang pag-usapan 'yan.”

“Tungkol sa lahat? Ayaw mo nang pag-usapan?”

Napatigil sa paglakad si Arabella at mabilis na humarap sa matangkad na lalaki. “Anong ibig mong sabihin, Kuya Enzo?”

“Nang sinabi mong ayaw mo nang pag-usapan, kasama ba roon ang nangyari sa atin nung gabing 'yon?”

“Ano namang mapapala natin kung babanggitin pa 'yun? Bakit ko naman iisipin 'yun?”

“Kung ganun, ibigay mo sa akin ang account number mo. Maglilipat ako ng pera para matapos na 'to. Nagi-guilty ako dahil sa gabing 'yon, at ayaw kong nag-iiwan ng usaping hindi naaayos.”

Pumait ang ngiti ni Arabella. “Sa tingin mo ba, pera ang makakapagbura sa lahat, Kuya Enzo?”

Bumuntong-hininga na lamang si Enzo, nahihirapan sa katigasan ng ulo ng dalagang nakatayo sa kanyang harap.

“Naparito ako para humingi ng tawad sa pagsasalita ko nang masama kanina. Sobra lang akong nag-alala kay Lola,” lakas-loob na saad ni Enzo. “Ayaw kong magkaroon tayo ng anumang alitan sa loob. Alam mo namang magpro-propose na ako sa kapatid mo, 'di ba?”

“Hindi ba't nag-propose ka na?”

“Oo, pero hindi pa pumapayag si Janella. Tapos nangyari pa 'to kay Lola.”

Ngumiti nang mapait si Arabella. “Ah, kaya pala galit ka sa akin. Kasi iniisip mong ako ang dahilan kung bakit ayaw pa niyang pumayag?”

“Inaamin ko.”

Tinitigan lamang ito ni Arabella nang tahimik. Doon ay lalong luminaw sa kanya kung gaano kalalim ang pagmamahal ng lalaki sa kanyang kapatid.

“Mahal na mahal ko si Janella,” patuloy ni Enzo. “Pangako, aalagaan ko siya. Hindi ko siya hahayaang malungkot nang dahil sa akin.”

“Kay Ate Janella mo sabihin 'yan, hindi sa akin.”

“Gusto lang kitang kausapin dahil hindi ko alam ang nararamdaman mo. Para na kitang nakababatang kapatid, Arabella. Kailanman ay hindi kita tiningnan nang higit doon. Ang nangyari nung gabing 'yon... hindi ko sinasadya. Akala ko talaga ay si Janella ka.”

Ipinikit ni Arabella ang kanyang mga mata bago tumalikod. “Kalimutan na natin 'yon.”

Kahit ilang beses pa nilang pag-usapan, hindi na mababago ang masakit na katotohanan: para kay Enzo, isa lamang iyong malaking pagkakamali.

“Nang mag-propose ako, tila nag-aalinlangan siya,” dagdag pa ni Enzo habang nakasunod sa kanya. “Baka nag-aalala siya sa 'yo kaya hindi pa siya makapagdesisyon?”

“Walang kinalaman sa akin ang pagpapakasal niyo.”

“Baka nagaalala siyang maiwan ka. Kung may boyfriend ka lang sana, baka mas mapanatag ang loob niya.”

Natigilan si Arabella at napaangat ang tingin. “Anong ibig mong sabihin?”

“Kung may kasintahan ka na, baka mas madali para sa kapatid mong magpakasal.”

Humarap siya nang buo kay Enzo, bakas ang galit sa kanyang boses. “Gusto mong magka-boyfriend ako hindi lang para kay Janella, 'di ba? Natatakot ka lang na baka manghimasok ako sa inyo, guluhin ka, at ipaalala nang ipaalala ang nangyari nung gabing 'yon!”

Tumingin nang diretso si Enzo sa kanyang mga mata. “Inaamin ko.. May katotohanan yan.”

Tinitigan siya ni Enzo nang diretso sa mga mata. Para kay Enzo, mahirap talagang basahin si Janella. Minsan ay hindi niya mahulaan ang nasa isip nito, at ayaw niyang makipagsapalaran—ayaw niyang ipag-utos sa tadhana na mawala pa ito sa kanya.

“Bakit hindi ka sumubok makipag-date? Ayaw mo bang magka-boyfriend?”

“Buhay ko 'to, Enzo.”

“Magtatapos ka na rin naman sa pag-aaral. Normal lang ang magka-boyfriend at walang huhusga sa 'yo. Sige na, Arabella. Malapit nang ikasal sa akin si Janella. Pagkatapos niyon, wala nang mag-aalaga sa 'yo.”

“Magpakasal kayo kung gusto niyo. Kung handa na kayo, gawin niyo na. Sinabi ko na sa 'yo, walang kinalaman ang pagpapakasal niyo sa akin. At tungkol naman sa boyfriend, kapag handa na ako, ako mismo ang hahanap. Hindi ko kailangan ang utos mo.”

“Gusto lang naman kitang tulungan.”

Mapait na napangiti si Arabella. “Sa iyo na 'yang tulong mo. Ayaw ko niyan.”

“Kung ganun, mangako ka sa akin. Walang lalabas na kahit anong salita mula sa 'yo tungkol sa nangyari ng gabing 'yon.”

Marahang hinawakan ni Enzo ang braso ng dalaga upang humingi ng kasiguraduhan. Napansin niyang namumula ang mga mata ni Arabella at tila maiiyak na, ngunit hindi na niya iyon gaanong pinansin.

“Ipangako mo na walang makakaalam tungkol sa atin. Mananatili 'yong lihim magpakailanman.”

Tumingin sa kanya si Arabella nang may malamig na katatagan. “Oo. Mananatili 'yong lihim magpakailanman.”

Dahil iyon ang gusto ni Enzo, mas kusa pa niyang ibibigay ang kagustuhan nito. Sa katunayan, higit pa roon ang gagawin niya.

Kung gusto nitong magka-boyfriend siya dahil sa kaibuturan ng puso nito ay natatakot itong manggulo siya—lalo na't magkikita at magkikita pa rin sila araw-araw—mas radikal na hakbang ang gagawin niya.

Lalayas siya sa bahay na iyon.

Sasabihin niya kay Lola na abala siya sa kanyang pag-aaral at mas mabuting lumipat na lamang siya sa sarili niyang condo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Got Pregnant By My Sister's Fiance   CHAPTER 50: PINAPATULOG KO ANG BABY

    “A-Ayaw ko ng magswimming.”“Bakit ayaw mo na?” tanong nito habang nakatitig sa kanyang mga mata.“Parang lalagnatin ako.”“Oh… kung ganoon, patutuyuin kita.”“Hindi, hindi, ayoko ng ginagawa mo Enzo.”“Tara na, tutulungan kita.” Binuhat ni Enzo si Arabella na parang bagong kasal habang umaahon sa pool. Patuloy na tumatanggi ang babae, subalit hindi ito makapagpumiglas sa takot na baka mahulog.“Kaya ko namang maglakad nang mag-isa, Enzo. Hindi mo na ako kailangang buhatin.”“Huwag matigas ang ulo mo. Sinabi ko nang tutulungan kita.”“Ako ang matigas ang ulo? Ikaw ang matigas ang ulo!” Hinampas ng maliit na kamay ni Arabella ang braso nito, umaasang maiparamdam sa lalaki na pinipigilan niya ito, ngunit hindi siya nito pinansin, ipinagpatuloy nito ang pagbuhat sa kanya hanggang makaahon sa pool.“Paanong naging matigas ang ulo ko? Sabi mo, nilalamig ka na at parang lalagnatin, kaya iniahon na kita sa tubig. Nasaan dun ang katigasan ng ulo?”“Ewan ko sa ‘yo.” Ngumiti si

  • Got Pregnant By My Sister's Fiance   CHAPTER 49: MAPANGANIB

    Inayos ni Arabella ang pagkain habang kumukuha ng litrato gamit ang kanyang cellphone. Pagkatapos niyang kumain, plano niyang kunan ng litrato ang bawat sulok ng resort.Pagkatapos kumuha ng litrato, hinanap niya ang kasama niya. Naroon pa rin ito, kaswal na naninigarilyo, sa smoking area ng villa.Lumapit siya para tawagin ang lalaki para sa dinner. Sa halip na ibaba ang bintana para tawagin ito, ilang beses niyang tinapik ang salamin.Lumingon si Enzo nang marinig ang pagkatok nito, tinanggal niya ang sigarilyo sa kanyang bibig gamit ang kanyang mga daliri. Agad niya itong itinapon bago binuksan ang pinto para kausapin ito.“Anong kailangan mo?”“Halika na.. Kakain na tayo ng dinner. Nakahain na.”“Oh, sige. Pupunta ako diyan.” Kumunot ang noo ni Arabella sa mahinang amoy ng usok ng sigarilyo. Kahit hindi niya direktang nalanghap ang usok, hindi pa rin niya ito nagustuhan.Bumalik siya sa loob, kasunod ang matangkad na lalaki.“Kumain ka ng kanin. Damihan mo ha. Hindi

  • Got Pregnant By My Sister's Fiance   CHAPTER 48: NALIHIS NG ATENSIYON

    Ang villa, na napapalibutan ng 360-degree na tanawin ng bundok, ay lubos na humanga kay Arabella kaya hindi niya mapigilang mapangiti. Maaga pa lang nakapag-book na si Enzo ng suite. Pagdating nila doon, sinalubong sila ng mga staff at tinulungan silang magdala ng mga bagahe patungo sa kuwarto.Gusto mo bang mag dinner sa ibaba, o magpadeliver na lang tayo dito sa itaas?” tanong ni Enzo kay Arabella, habang abala ang babae sa pagkuha ng larawan sa mga tanawin na nakikita nito gamit ang cellphone.“Bukas na lang tayo kumain sa ibaba.. Magpadeliver na lang muna tayo ngayon..” Mungkahi ni Arabella, subalit ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatutok sa panonood at pagtingin sa paligid.. Namangha siya sa ganda ng lugar,kaya kahit ang gutom niya, nakalimutan na niya."Sige, ano ang gusto mong kainin? Umorder na tayo ng pagkain para hindi na tayo maghintay nang matagal kapag naka-ayos na tayo sa ating kwarto."“Sige..” Lumapit si Enzo sa kanya, at inakay siya patungo sa counter.Dahi

  • Got Pregnant By My Sister's Fiance   CHAPTER 47: MAGKATULAD NA KAGUSTUHAN

    Sumunod na araw…Naglagay si Arabella ng mga apat o limang pares ng damit sa kanyang maleta, para kung sakali. Kinaumagahan, tinanong niya ulit si Enzo kung talagang silang dalawa lang ang pupunta sa resort na iyon. Kung wala ba talagang isasama ang lalaki kahit sino maliban sa kanya. Ngunit iginiit nito na sa pagkakataong iyon na silang dalawa lang talaga ang pupunta.Dinala ni Enzo ang maleta papunta sa kotse. Si Arabella naman ay inihatid ni Janella sa sasakyan upang makapagpaalam.Inalis na niya ang pagkailang, saka nilingon ang kanyang kapatid. Alam naman niya kung ano ang relasyon ng dalawa, pero sa sandaling iyon, siya ang pinili ng lalaki na isama.“Gusto mo bang sumama sa amin, Ate Janella? Para naman may makasama ako kapag may trabaho si Enzo,” mahigpit na hinawakan ni Arabella ang kamay ng kanyang kapatid. Mahal niya ito, at ayaw niyang magkimkim ang ate niya ng sama ng loob sa kanya. Dahil sa kakaibang relasyon nilang tatlo, medyo nababalisa siya.“Hindi ka naman

  • Got Pregnant By My Sister's Fiance   CHAPTER 46: MAG-FOCUS SA BABY

    Iniwasan ni Arabella ang malamlam na matang nakatitig sa kanya. Kinuha niya ang telepono sa tabi niya, binuksan ito, at sa halip ay itinuon ang pansin sa kung ano ang nasa screen.Pinagmasdan ito ni Enzo, may ngiti sa mga labi niya. Habang nagkukunwari itong abala sa screen, mas lalo niya itong gustong asarin.“Nag-uusap naman tayo nang maayos, bakit ka biglang nag phone?”“Hindi… Wala na akong… wala na tayong dapat pag-usapan.” Nag iwas ng tingin si Arabella sa lalaki.“Mag usap kaya tayo tungkol sa bata.”“Ayoko.”“Bakit? Natatakot ka bang may masabi ako sa iyo? Bakit ang dali mong mataranta?” Bahagyang inilayo ni Arabella ang kanyang ulo para ilayo ang kanyang mukha sa screen ng telepono.“Tama na. Hindi mo na kailangang masahehin ang mga binti ko. Hindi na masakit.. Maayos na ko.” Tumango si Enzo, marahang hinahaplos ng kanyang malaking kamay ang mga payat na binti ng babae, at hinayaan na niya itong hilahin ang mga binti nito palayo sa kanyang kandungan.Lumayo s

  • Got Pregnant By My Sister's Fiance   CHAPTER 45: MAG INGAT KA

    Kumunot ang kanyang maitim na kilay habang nakatitig sa dalawang maliliit na damit na hawak niya. Wala pa siyang nakakasex simula pa noon. Ang akala nga niya, si Janella ang kanyang magiging first time, pero nagkamali siya, at sa nakababatang kapatid nito siya nagpatikim. Noon lang niya naisip, na pareho sila ni Arabella, na first time ang isa’t isa.Bumalik sa alaala ang mga pangyayari noong gabing iyon. Hindi ba't siya ang yumakap, humalik, at humila sa babae papunta sa kama? Lasing na lasing siya noong gabing iyon. Kahit sinabihan siya ni Arabella na tumigil, hindi niya magawa.Huminga nang malalim si Enzo, mahigpit na nakahawak ang kamay sa maliliit na damit ng babae. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nagpasyang magpatuloy. Hindi lang siya ang hindi handa, kundi pati na rin si Arabella. Ngunit, sinisikap ng babae na gampanan ang kanyang tungkulin. Paano niya hahayaang pasanin nito ang lahat nang mag-isa?Binalikan niya si Arabella, dala ang mga damit nito sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status