LOGINHindi na ako muling nakatulog, kaya hinintay ko na lang na mag-umaga. Nang makita ko ang sikat ng araw sa bintana ng kwarto ko ay bumangon na ako para maligo. Balak ko ring bisitahin si Celestine sa kanyang kwarto.
Dalawang kwarto ang ibinigay sa amin ni Ignacio dahil gusto ni Celestine na matulog sa ibang kwarto dahil ayon sa kanya ay big girl na siya.
Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos lang ako sandali bago ako tuluyang tumulak papalabas. Naglalakad ako papunta sa kwarto ng anak ko nang makita ko si Ignacio na karga-karga si Celestine.
Fragments from my dreams visited me as I stared at Ignacio. I looked away guiltily when our eyes locked. Bahagya akong napapikit nang maramdaman ko ang bahagyang panginginig ng mga hita ko.
Tangina naman!
“Is there a problem, Ysabelle?” tanong nito sa akin nang magkaharap kami. Agad akong bumaling dito at nahihiyang nagpaskil ng ngiti.
“Uhh, wala naman. Akin na, ako na ang magbubuhat sa kanya.”
“No need, she’s heavy for you. Let me,” pagmamagandang-loob niya.
Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil mukha namang walang balak na humiwalay sa kanya si Celestine.
Sumunod na lang ako sa kanila, dumiretso kami sa dining room para mag-breakfast.
“What do you want for breakfast, Celestine?” maamong tanong ni Ignacio sa bata. Pinagmamasdan ko siya kung paano niya alagaan ang anak ko.
May dumaang pait sa lalamunan ko dahil anak naman talaga niya si Celestine, pero wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin sa kanya iyon.
“Do you want eggs or pancakes?”
“Pancakes, please, papa,” marahang bulong ni Celestine. Tumango si Ignacio at siya ang nag-asikaso ng pagkain niya.
Napasinghap ako dahil sobrang gaan ng trato niya sa bata. His veins are showing kahit wala naman siyang ginagawa.
I let myself eye his whole body. Nakasuot ito ng white t-shirt kaya bakat na bakat ang mga muscles sa katawan nito.
Agad kong iniwas ang paningin ko nang maramdaman kong titingin siya sa banda ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa nangyari.
Nakakahiya! Nakakahiya kung makita niya akong walang hiya-hiyang nakatitig sa katawan niya!
“How about you, Ysabelle?” tanong nito sa akin.
“Ako na ang bahala,” nakangiting sagot ko. Nakakahiya naman kung siya pa ang mag-asikaso sa pagkain ko, pero pwede namang... siya na lang ang kainin ko? Damn!
“You don’t want anything specific for breakfast?”
Umiling ako. “This is fine, besides nakikitira lang naman kami.” Kinagat ko ang dulo ng dila ko.
“You’re my soon-to-be wife, erase that word from your mind,” malamig niyang sagot sa akin. Agad akong tumango sa sinabi niya sa akin.
Nakahinga ako nang maluwag nang ituon niya ang paningin niya kay Celestine.
“Anyway, you will live here with me from now on. May mga gamit ba kayong kukunin sa bahay niyo?” tanong ni Ignacio sa akin.
Naputol ang pag-iisip ko dahil sa naging tanong niya sa akin. Wala naman gaanong gamit sa bahay bukod sa mga damit namin.
“Wala naman, mga damit lang namin ang nandoon.”
“It’s just clothes?”
“Hmm, kakalipat lang din naman, mga ilang buwan, kaya hindi pa nakakabili ng mga gamit.”
Tumango siya. “Forget those, we will just shop instead.”
Agad akong naalarma sa sinabi niya.
“Huwag na, Gov! May mga damit naman kami,” nakangiwing sagot ko.
“Drop the 'Gov,' Ysabelle. My name’s Ignacio, just call me that.”
“Okay, uhh, Ignacio,” tumatangong sagot ko sa kanya. Nakita ko ang multo ng ngisi sa labi niya na agad namang nawala.
“My name’s Ysabella, not Ysabelle,” turan ko, dahil napapansin kong Ysabella ang tawag niya sa akin.
“Right. I wanna call you Ysabelle because everyone calls you Ysabella, is that fine?”
Matagal bago ako nakatango. Ayos lang naman siguro? Besides, it’s just a simple letter.
“Oo, ayos lang naman.”
“Thank you.”
“Papa,”
“What is it, baby?” malambing na tanong ni Ignacio sa anak namin.
Napanguso ako dahil nakaramdam ako ng inggit sa tinawag niya sa anak namin. Agad namang nauwi sa ngiwi dahil sa mga naiisip ko.
“Hindi ka na ba aalis?”
“I won’t go anywhere.”
“Talaga? Hindi mo na kami iiwan ni mama?!” masiglang tanong ni Celestine. Itinigil ko ang pagkain ko.
I looked at my happy daughter. I never saw her this happy, ngayon lang. Siguro dahil kapag kaming dalawa lang, ay para sa kanya kailangan niyang maging matatag dahil wala akong masasandalan kundi siya.
“Hindi na, dito na kayo titira ng mommy mo.”
Agad na tumayo si Celestine at niyakap nang mahigpit si Ignacio. Isang tipid na ngiti ang lumapat sa labi ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa.
“Thank you, papa! Mahal ka naming dalawa ni mommy!” Bahagya akong napatulala sa narinig kong sinabi ni Celestine.
Bahagya namang natawa si Ignacio at napatingin sa akin. Agad kong iniwas ang paningin ko sa kanilang dalawa at tahimik na lamang na kumain.
“Wala ka bang trabaho?” tanong ko kay Ignacio. “Hmm? Tomorrow.”
“Ang trabaho mo?” kunot-noong tanong ko sa kanya. Umiling siya.
“We will meet my grandparents.”
Gulat akong lumingon sa kanya.
“Seryoso ka ba?”
“Yes, they wanna meet you both as soon as possible.”
Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya sa akin. Akala ko naman ay hindi niya pa sinasabi sa grandparents niya.
“A-anong oras? Kinakabahan naman ako.”
“Don’t be, they are excited to meet you anyway, tomorrow evening,” sagot nito sa akin. Tumango ako.
“So in the morning you will work?”
“No, we will shop.”
“How about your work? Ikaw ang gobernador ng bayang ito, Ignacio.”
He licked his lips and nodded. “You will be with my work, I don’t wanna leave you here.”
“Huh? Ayos lang naman ako rito,” pagtanggi ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin kaya napangiwi na lang ako.
Hinayaan ko na lang ang gusto niya.
“Governor, magandang hapon” Hindi ko pinansin ang mayor na dumalaw dito sa opisina ni Ignacio, kanina lang ay pinag uusapan lang namin siyam pagkatapos ngayon ay nandito na siya. “Good afternoon mayor, please have a seat,” minuwestra ni Ignacio ang upuan sa harapan niya. Nanatili akong nag oobserba sa kilos ng mayor. May kasama itong isang babae na hula ko ay sekretarya niya. “Anong maipaglilingkod ko, mayor?” “You know why I am here, Ignacio,” walang galang na sagot ng mayor. Akmang mag sasalita ako nang ilingan ako ni Ignacio dahilan para itikom ko ulit ang bibig ko. Bumuntong hininga ako. “Who is she?” tanong ni mayor nang malingunan niya ako. “My wife,” walang pag aalinlangan sagot ni Ignacio. “Kasal ka na pala, Ignacio?” “Not yet, she is my fiance,” kumunot ang noo ko sa naging reaksyon ng mayor. Hindi ko nagugustuhan ang pag ngisi ngisi niya ngayon, baka ma sampal ko nalang siya nang biglaan. “Ganoon ba? Akala ko pa naman ay nagugustuhan mo na ang anak ko,” Agad na umu
“What do you think?” tanong sa akin ni Ignacio. He is reading some proposals. Sinama niya ako dahil wala naman akong magawa sa bahay. “About?” tanong ko sa kanya. Abala ako sa paglilibot sa buong opisina niya. Maraming libro sa bookshelf niya. “The proposal of the mayor,” sagot niya. I pursed my lips. Inalala ko ang proposal na binasa niya kanina. “About the plantation?” tanong ko sa kanya. Tinignan ko siya at nakita ko ang mariin niyang titig sa akin. “You probably know the answer on that, Ignacio,” seryosong sagot ko sa kanya. A plantation that they will make a what? A building? Gago ba ang mayor na ‘yon? “Hmm? I wanna hear your insights,” I don’t engage into the line of politics because I know how dirty it is, but on Ignacio’s part, hindi ko maiwasang halukayin ang utak ko. “It’s just a dead investment, plantation to a hotel? That’s sick, I just know the mayor will get a huge money kapag na aprubahan mo ang hotel na ‘yan,” “You’re right, I have my men investigated this one,
“Magandang hapon, gov,” naka ngiting bati ng mayor sa amin. Lalaki ito na mga ilang taon lang ang tanda sa amin ni Ignacio. This place is being run with young people, hindi tulad sa dati naming probinsya na halos matatanda ang mga namumuno. “Magandang hapon mayor,” bati ni Ignacio. Nginitian ko ito nang mapa tingin siya sa akin. “I see that you have company,” “This is my fiance, Ysabella,” pakilala ni Ignacio sa akin. Bahagyang nagulat ang mayor sa narinig pero agad din naman niyang naalis iyon. “Magandang hapon, Ysabella. I am mayor Erik,” naka ngiting sambit niya. Tumango ako at nakipag kamayan sakanya. “Maraming salamat gov dahil napili mo ang lugar namin,” “It’s nothing, we will be going to give more to the few baranggay more,” si Ignacio. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila dahil wala naman akong alam sa usapan nila. I hate politics, it’s dirty. Lahat kayang gawin ng mga gustong manungkulan ang manalo na kahit gumawa nang masama ay kayang kaya nilang gawin.“Kailan ang
Mabilis lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang ilang buwan na kaming nakatira rito sa bahay ni Ignacio, maganda ang naging takbo ng buhay namin. Walang kahit anong problema na kinakaharap. Palagi ko ring sinasamahan si Ignacio sa trabaho niya, I am like a devoted wife or some sort. Hindi naman ako nag rereklamo dahil wala naman akong gagawin sa bahay kung hindi ako sasama sakanya. “Let’s go?” pag aaya nito sa akin. Tinanguan ko siya. Hindi ko alam kung saan kami ngayon pupunta dahil kahapon ay may binisita kaming maliit na probinsya. Pagkalabas namin sa may hardin ay agad kong nakita ang mga tauhan niya na inaayos ang mga school supplies. I guess mamimigay kami nang mga school supplies. “Where’s Celestine?” tanong ko kay Ignacio na tahimik sa tabi ko. Pinapanood niya ang mga tauhan niya na inaayos ang mga ipapamigay sa mga bata. “I think she’s just here, kasama si Nicky,” sagot nito sa akin. Tumango ako at iginala ko ang mata ko sa buong hardin. May miminsang nakikita ko ang
Nakabihis na kaming lahat para pumunta ng mall, ngayong araw kami mamimili ng mga damit at gagamitin nila Nicky sa mall. “Let’s go kids,” pag aaya ko sakanila. Hinawakan ni Nicky ang kamay ni Celestine kaya bahagya akong napangiti. Hinawakan naman ni Ignacio ang kamay ko kaya bahagya akong napa tingin sakanya. Hindi siya naka tingin sa akin kaya malaya akong naka titig sakanya. “Are you falling in love with me?” naka taas ang kilay na tanong ni Ignacio sa akin nang mahuli niya ang titig ko. Napa singjap ako sa naging tanong niya at agad na umiling. “Ang kapal mo naman,” naka ngusong sagot ko sa kanya. Na tawa siya nang bahagya sa sinabi ko at umiling na lamang. Agad din naman kaming nakarating sa mall. Dumiretso kami sa isang sikat na clothing shop. “Sasamahan ko muna ang mga bata,” paalam ko kay Ignacio. Hindi siya pumayag na ako lang ang sumama dahil pati siya ay bumuntot na rin sa amin. Napa nguso naman ako. “Choose for yourself too, Nicky,” sambit ko nang makitang puro dami
True enough, while we are having a breakfast ay dumating ang ate at kuya ni Nicky. “Magandang umaga governor,” magalang na bati ng ate ni Nicky. “Please have a seat,” pormal na sambit ni Ignacio. Nginitian ko naman ang babae nang makitang tumingin ito sa akin. Agad naman itong nagbaba nang tingin nang makita niyang nahuli ko ang tingin niya. “Ako po si Nica, Gov at si Elvin naman po ang kuya namin ni Nicky. May ginawa po bang mali ang kapatid namin?” kinakabahang tanong nito. Nararamdaman ko na kinakabahan siya, sino ba namang hindi? Ignacio is an intimidating man. “Wala naman Nica, we found out that Nicky is not studying?” tanong ni Ignacio. Dahan dahang tumango ang dalawang nakakatandang kapatid ni Nicky. Hindi sila maka kain, siguro dahil na rin sa kinakabahan sila. Nginitian ko naman si Nicky nang makitang naka titig ito sa akin. Alam kong kumalat na sa buong probinsya na may fiance na si Ignacio kaya siguro kahit nakikita niya na ako sa mansyon ay kuryoso pa rin siya sa ak







