LOGINIsinuko ni Solene ang mga pangarap niya para maging asawa ng lalaking sa unang tingin pa lang ay minahal na niya, si Brent. Pero sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay pangmamaliit at paghihirap ang natanggap at tiniis niya ang lahat ng ‘yon hanggang sa isang araw, may natanggap siyang video na tuluyan nang nagpamulat sa kanya at doon kitang-kita niya kung paano siya lokohin ni Brent. Ang mas masakit ay kita niya sa mga mata ng asawa ang paghanga at lambing nito sa ibang babae na kailanman ay hindi nito ipinaranas sa kanya kaya sa pagkakataong iyon, pinili na ni Solene ang sarili niya. At nang malaman ni Brent ang pakikipaghiwalay ni Solene sa kanya ay kampante pa rin itong babalik sa kanya at magmamakaawa katulad ng dati nitong ginagawa pero nagkamali siya dahil hindi na muling bumalik pa sa piling niya si Solene. Dahil nagsimula itong muling buoin ang sarili na kahit minamaliit siya ni Brent ay pinatunayan niyang kaya niyang mabuhay nang wala ito. Unti-unti niyang binuo ang career na minsan niyang isinuko at kalaunan ay nakilala siya bilang isang sikat na designer. At nang dumating si Duke sa buhay niya, ang bilyonaryong seryoso at totoong mahal siya ay doon lang nagsimulang mataranta si Brent at sa mismong araw ng kasal ni Solene ay dumating si Brent para pigilan iyon pero huli na. “I loved you once, Brent. But losing you taught me how to love myself.” Bulong ni Solene sa sarili ng magtama ang mga mata nila ng dating asawa.
View MoreHindi sanay si Solene sa ganitong klaseng katahimikan.Hindi iyong katahimikan na puno ng sikreto, takot, at mga bagay na ayaw sabihin ng mga tao sa isa't isa. Ibang klase ang katahimikang iyon.Simple lang.Magaan.Parang sa wakas, wala nang kailangang itago.Halos isang buwan na mula nang tuluyang ma-clear ang pangalan ng Solene Atelier. Naibalik ang Paris project, bumalik ang tiwala ng mga investors, at unti-unting nakabangon ang kumpanya mula sa kaguluhang ilang beses nang muntik sumira rito.Pero sa kabila ng lahat ng nangyari, may isang bagay na mas mahalaga para kay Solene kaysa sa business.Ang pamilya.Hindi perpekto.Hindi pa buo.Pero nandito sila.At sa araw na iyon, nagpasya silang magsama-sama sa lumang Hale property na dati niyang kinatatakutan.Hindi na iyon ang bahay na puno ng lihim.Sa unang pagkakataon, bahay na lang talaga ito.Pagdating ni Solene, nakita niya agad si Celia na nakikipagtalo kay Elias tungkol sa pagkain."Sinabi ko nang akin 'yung last piece ng cak
Pagsikat ng araw, halos lahat ng major news outlets ay may iisang headline.SOLENE ATELIER FACES FRAUD INVESTIGATION.May mga larawan ni Solene sa iba't ibang websites. May mga lumang interview niya. May mga comments na nagsasabing ginagamit lang daw niya ang apelyidong Hale para makakuha ng malalaking proyekto. May iba namang nagsabing dapat daw imbestigahan pati ang mga assets niya dahil baka ginagamit niya ang family money para palakihin ang Solene Atelier.Hindi niya binasa lahat.Nasa conference room siya kasama ang buong team nang ibaba niya ang phone."Enough."Napatingin sa kanya sina Theo at Mika."Ma'am?""Magkakaroon tayo ng press conference."Nanahimik ang lahat.Si Claire ang unang nagsalita."Sigurado ka?"Tumango si Solene."Oo.""Solene," maingat na sabi ni Brent, "alam mong hindi maliit na bagay 'to. Kapag nagsalita ka sa publiko, kahit isang maling sentence lang, puwedeng gamitin laban sa'yo.""Alam ko.""At kapag sinabi mong hindi mo ginawa, kailangan nating ipakita
Kinabukasan, hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay nagsimula nang sunod-sunod ang notifications sa phone ni Solene.Una, isang email mula sa Paris.Sunod, isang tawag mula sa legal department ng Solene Atelier.At bago pa niya matapos basahin ang unang mensahe, nag-pop up na naman ang isa pang notification.PROJECT TERMINATION NOTICE.Napaupo si Solene sa gilid ng kama.Ilang segundo siyang hindi gumalaw.Kahapon lamang ay nalaman niyang buhay ang ama niya. Kahapon din niya unang narinig ang pangalang Seraphine Vale at ang tungkol sa isang malaking inheritance na hindi niya kailanman nalaman.Ngayon naman, isang international project na ilang buwan niyang pinaghirapan ang biglang kinansela.Hindi niya agad naintindihan.Tinawagan niya si Theo."Anong nangyari?"Tahimik muna ang kabilang linya bago sumagot ang lalaki."Ma'am Solene, may problema po sa Paris project.""Anong klaseng problema?""May nag-submit ng financial documents sa client. Sinasabi roon na may unauthorized tran
Hindi agad nakapagsalita si Solene nang makita niya ang pangalan sa lumang dokumento.VICTOR HALE.Ilang segundo niyang tinitigan iyon na parang kapag inalis niya ang tingin ay mawawala rin ang pangalan. Ilang taon niyang pinaniwalaang patay na ang kanyang ama. Sa lahat ng kuwento tungkol sa Hale family, isa si Victor sa mga taong naging dahilan kung bakit maraming tanong ang hindi niya kailanman nasagot.Ngayon, narito ang pangalan nito sa pinakabagong record ng Aurelia Holdings Consortium.Hindi lang bilang dating shareholder.May bagong address.May bagong signature.At higit sa lahat, may isang bagay na hindi na nila kayang ipagkaila.Buhay si Victor Hale."Sigurado ba tayo?" mahinang tanong ni Celia habang nakatingin sa dokumento.Tumango si Brent. "Hindi lang isang record ang nahanap namin. May travel records, private account activity at isang property na ginagamit pa rin hanggang ngayon. Lahat naka-link sa pangalan niya."Hindi agad sumagot si Solene. Nakatitig lang siya sa pap












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.