LOGIN
YSABELLA
Kanina ko pang gustong umiyak dahil nawawala ang anak ko. Halos tumalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.
“H-hello?” nanginginig ang boses ko pagkasagot ko ng tawag.
“Ito ba ang ina ni Celestine Monteverde?”
Nang marinig ko ang pangalan ng aking anak ay agad na umawang ang labi ko.
“O-opo! Ako po ang nanay niya, alam niyo po ba kung nasaan ang aking anak?”
“Oo, alam namin kung nasaan siya,” ani ng tinig galing sa kabilang linya.
Nagmadali ako sa pagsagot. “Saan ko po siya pwedeng sunduin?”
“Magdala ka ng limang daang libo kung gusto mong mailigtas ang anak mo!” pagdidemand nito sa akin.
Natutop ko ang bibig ko dahil sa sinabi ng kausap ko. Limang daang libo?! Wala akong ganyang kalaking pera!
“Wala po kaming pera! Maawa naman po kayo! Mahirap lang po kami!” nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha sa mata ko.
“Hindi ko na problema ‘yon! Maghanap ka ng pera at dalhin mo bukas ng gabi sa itetext kong address sa’yo!”
Iyon lang ang sinabi niya bago nito patayin ang tawag. Halos mapaupo ako dahil sa nararamdaman kong panghihina ng mga tuhod ko.
Hindi ko alam kung kanino ako manghihingi ng tulong. Wala akong ganyang kalaking pera dahil hindi naman kami mayaman.
Napapikit ako dahil halos manikip na ang dibdib ko sa paghikbi ko.
“Ysabelle?!” tawag ng kaibigan ko sa akin.
Luhaan akong napatingin sa kaibigan ko. Agad akong kumapit sa kanya.
“Ano? Nasaan si Celestine? Alam mo na ba?” sambit niya sa akin.
“Isang sindikato ang may hawak sa kanya, Aki. Nanghihingi ng limang daang libo! H-hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganyan kalaking pera?” humihikbing tanong ko sa kanya.
“Ano?! Nakausap mo ba?”
“O-oo, kanina lang. Bago ka dumating, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.”
“Gagawa tayo ng paraan, mangungutang tayo.”
“Walang matinong tao ang nagpapautang nang ganung halaga, Aki,” umiiling na sagot ko sa kanya.
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Nag-iisip ako ng paraan kahit na nag-uumapaw ang luha sa mata ko.
“Isa na lang ang naiisip kong paraan, Ysabelle,” mahinang sambit ni Aki sa akin.
Lumipat ang tingin ko sa kanya. Hinihintay ko ang isasagot niya sa akin.
“Manghingi tayo ng tulong kay Governor.” Halos mabingi ako sa sinabi niya.
Kusang tumigil ang paghinga ko sa suhestiyon niya sa akin. Natulala ako, kinailangan pa akong yugyugin ni Aki para maibalik ako sa ulirat.
Ang humingi ng tulong sa gobernador ng bayang ito ay ang pinakahuling paraan na naiisip ko dahil siya ang lalaking nakabuntis sa akin walong taon na ang nakalipas!
Pilit ko siyang itinatago pero nito ko na lang nalaman na siya pala ang gobernador ng probinsyang nilipatan namin ng anak ko.
“W-wala na bang ibang paraan?”
“Sorry Ysabelle, wala na. Hindi ka naman niya natatandaan hindi ba? Kailangan natin subukan! Mayaman si Gov, bilyonaryo siya at ayon sa nalalaman ko ay marami ‘yang tauhan na pwedeng tumulong sa’yo,” para akong kinokonsensya ng mga salita ni Aki.
Habang lumilipas ang bawat segundo na hindi ko nakikita ang anak ko ay para na akong nababaliw.
“Samahan mo ako,” desididong sambit ko sa kaibigan ko.
Mas desidido siyang tumango sa akin at hinila na ako para sumakay kami ng tricycle. Habang papalapit kami sa opisina ni Gov ay lumalakas ang pintig ng puso ko.
Nang sa wakas ay nakarating na kami ay para akong binawian ng lakas ng loob at gusto na lang umatras. Pero pinili kong lakasan ang loob ko.
“Ano hong sadya niyo?” hinarang kami agad ng guard.
“Si Governor po sana, manghihingi kami ng tulong,” si Aki ang sumagot.
“Hindi p—” hindi na natuloy ng guwardiya ang sasabihin niya nang may pumutol sa dapat nitong sabihin.
“Let them in,” ani ng malamig na tinig.
Kusang nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang boses ng lalaking nagsalita. Hindi ako maaaring magkamali dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi ko makakalimutan ang boses niya.
Dahil sa sinabi ni Governor ay wala nang nagawa pa ang guwardiya kaya sumunod kami ni Aki kay Governor. Tahimik kami pagpasok ng opisina nito.
Pinagmasdan ko ang lalaki na hinubad ang kanyang coat at hinarap kami. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
“What help can I offer you, ladies?” paunang sambit niya. Sa akin lang siya nakatingin.
“I— Governor, I just wanna ask for your help. Hindi ko na alam kung kanino ako hihingi ng tulong, my daughter was kidnapped by a syndicate, limang daang libo ang hinihingi nila sa akin para matubos siya. Wala akong ganyang kalaking pera,” nanginginig kong paliwanag sa kanya.
“You want me to pay those syndicates?” he probed. Agad akong umiling.
“No, no! I know you have lots of men who can infiltrate the syndicate, I wanna ask you to save my daughter, gagawin ko ang lahat ng gusto mo kapag nailigtas mo ang anak ko!” I said impulsively.
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. He smirked.
“You wanna do everything in exchange for your daughter’s life?”
“Y-yes.”
“Very well, I will help you,” tumatangong sagot niya sa akin.
Halos lumuhod ako sa harap niya nang sinabi niya iyon. He looks amused while staring at me.
Walang tigil ang pagpapasalamat ko sa kanya. Pinakita ko rin sa kanya ang text ng sindikato. His forehead creased.
“They are just a small-time syndicate, this will be easy,” wala akong nabakas na yabang sa sinabi niya sa akin. Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.
Mahigpit na humawak sa akin si Aki at niyakap niya ako.
“Thank you so much, Governor.”
“Sumama ka sa akin pauwi sa bahay ko, I will save your daughter tonight, you will wait at my house,” seryosong turan ng gobernador.
Hindi na ako umangal sa sinabi niya at wala sa sariling tumango.
“Governor, magandang hapon” Hindi ko pinansin ang mayor na dumalaw dito sa opisina ni Ignacio, kanina lang ay pinag uusapan lang namin siyam pagkatapos ngayon ay nandito na siya. “Good afternoon mayor, please have a seat,” minuwestra ni Ignacio ang upuan sa harapan niya. Nanatili akong nag oobserba sa kilos ng mayor. May kasama itong isang babae na hula ko ay sekretarya niya. “Anong maipaglilingkod ko, mayor?” “You know why I am here, Ignacio,” walang galang na sagot ng mayor. Akmang mag sasalita ako nang ilingan ako ni Ignacio dahilan para itikom ko ulit ang bibig ko. Bumuntong hininga ako. “Who is she?” tanong ni mayor nang malingunan niya ako. “My wife,” walang pag aalinlangan sagot ni Ignacio. “Kasal ka na pala, Ignacio?” “Not yet, she is my fiance,” kumunot ang noo ko sa naging reaksyon ng mayor. Hindi ko nagugustuhan ang pag ngisi ngisi niya ngayon, baka ma sampal ko nalang siya nang biglaan. “Ganoon ba? Akala ko pa naman ay nagugustuhan mo na ang anak ko,” Agad na umu
“What do you think?” tanong sa akin ni Ignacio. He is reading some proposals. Sinama niya ako dahil wala naman akong magawa sa bahay. “About?” tanong ko sa kanya. Abala ako sa paglilibot sa buong opisina niya. Maraming libro sa bookshelf niya. “The proposal of the mayor,” sagot niya. I pursed my lips. Inalala ko ang proposal na binasa niya kanina. “About the plantation?” tanong ko sa kanya. Tinignan ko siya at nakita ko ang mariin niyang titig sa akin. “You probably know the answer on that, Ignacio,” seryosong sagot ko sa kanya. A plantation that they will make a what? A building? Gago ba ang mayor na ‘yon? “Hmm? I wanna hear your insights,” I don’t engage into the line of politics because I know how dirty it is, but on Ignacio’s part, hindi ko maiwasang halukayin ang utak ko. “It’s just a dead investment, plantation to a hotel? That’s sick, I just know the mayor will get a huge money kapag na aprubahan mo ang hotel na ‘yan,” “You’re right, I have my men investigated this one,
“Magandang hapon, gov,” naka ngiting bati ng mayor sa amin. Lalaki ito na mga ilang taon lang ang tanda sa amin ni Ignacio. This place is being run with young people, hindi tulad sa dati naming probinsya na halos matatanda ang mga namumuno. “Magandang hapon mayor,” bati ni Ignacio. Nginitian ko ito nang mapa tingin siya sa akin. “I see that you have company,” “This is my fiance, Ysabella,” pakilala ni Ignacio sa akin. Bahagyang nagulat ang mayor sa narinig pero agad din naman niyang naalis iyon. “Magandang hapon, Ysabella. I am mayor Erik,” naka ngiting sambit niya. Tumango ako at nakipag kamayan sakanya. “Maraming salamat gov dahil napili mo ang lugar namin,” “It’s nothing, we will be going to give more to the few baranggay more,” si Ignacio. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila dahil wala naman akong alam sa usapan nila. I hate politics, it’s dirty. Lahat kayang gawin ng mga gustong manungkulan ang manalo na kahit gumawa nang masama ay kayang kaya nilang gawin.“Kailan ang
Mabilis lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang ilang buwan na kaming nakatira rito sa bahay ni Ignacio, maganda ang naging takbo ng buhay namin. Walang kahit anong problema na kinakaharap. Palagi ko ring sinasamahan si Ignacio sa trabaho niya, I am like a devoted wife or some sort. Hindi naman ako nag rereklamo dahil wala naman akong gagawin sa bahay kung hindi ako sasama sakanya. “Let’s go?” pag aaya nito sa akin. Tinanguan ko siya. Hindi ko alam kung saan kami ngayon pupunta dahil kahapon ay may binisita kaming maliit na probinsya. Pagkalabas namin sa may hardin ay agad kong nakita ang mga tauhan niya na inaayos ang mga school supplies. I guess mamimigay kami nang mga school supplies. “Where’s Celestine?” tanong ko kay Ignacio na tahimik sa tabi ko. Pinapanood niya ang mga tauhan niya na inaayos ang mga ipapamigay sa mga bata. “I think she’s just here, kasama si Nicky,” sagot nito sa akin. Tumango ako at iginala ko ang mata ko sa buong hardin. May miminsang nakikita ko ang
Nakabihis na kaming lahat para pumunta ng mall, ngayong araw kami mamimili ng mga damit at gagamitin nila Nicky sa mall. “Let’s go kids,” pag aaya ko sakanila. Hinawakan ni Nicky ang kamay ni Celestine kaya bahagya akong napangiti. Hinawakan naman ni Ignacio ang kamay ko kaya bahagya akong napa tingin sakanya. Hindi siya naka tingin sa akin kaya malaya akong naka titig sakanya. “Are you falling in love with me?” naka taas ang kilay na tanong ni Ignacio sa akin nang mahuli niya ang titig ko. Napa singjap ako sa naging tanong niya at agad na umiling. “Ang kapal mo naman,” naka ngusong sagot ko sa kanya. Na tawa siya nang bahagya sa sinabi ko at umiling na lamang. Agad din naman kaming nakarating sa mall. Dumiretso kami sa isang sikat na clothing shop. “Sasamahan ko muna ang mga bata,” paalam ko kay Ignacio. Hindi siya pumayag na ako lang ang sumama dahil pati siya ay bumuntot na rin sa amin. Napa nguso naman ako. “Choose for yourself too, Nicky,” sambit ko nang makitang puro dami
True enough, while we are having a breakfast ay dumating ang ate at kuya ni Nicky. “Magandang umaga governor,” magalang na bati ng ate ni Nicky. “Please have a seat,” pormal na sambit ni Ignacio. Nginitian ko naman ang babae nang makitang tumingin ito sa akin. Agad naman itong nagbaba nang tingin nang makita niyang nahuli ko ang tingin niya. “Ako po si Nica, Gov at si Elvin naman po ang kuya namin ni Nicky. May ginawa po bang mali ang kapatid namin?” kinakabahang tanong nito. Nararamdaman ko na kinakabahan siya, sino ba namang hindi? Ignacio is an intimidating man. “Wala naman Nica, we found out that Nicky is not studying?” tanong ni Ignacio. Dahan dahang tumango ang dalawang nakakatandang kapatid ni Nicky. Hindi sila maka kain, siguro dahil na rin sa kinakabahan sila. Nginitian ko naman si Nicky nang makitang naka titig ito sa akin. Alam kong kumalat na sa buong probinsya na may fiance na si Ignacio kaya siguro kahit nakikita niya na ako sa mansyon ay kuryoso pa rin siya sa ak







