“Hoy, ano’ng nangyari sa ‘yo?” puno nang pagtatakang tanong ni Lana sa akin.
“Bakit mo sinungitan yung dalawa?”Hindi ko siya sinagot. Kunyari ay wala akong narinig habang inilalabas ko ang mga damit ko mula sa maleta ko. Nasa loob na kami ng kwarto namin at sa sobrang kamalasan ko pa ay katapat ng kwarto namin ang kwarto nila Lawrence.Bakit ba kasi gano’n? Bakit na isip pa ng dean ‘yon? Hindi ba niya alam na hindi tama na pinagtatabi ang mga kwarto ng babae’t lalake?Naka-move on na ako kay Lawrence. Kaso, ewan ko. Hindi mawala yung guilt na nararamdaman ko. Alam kong matagal na ‘yon. Diyos ko! Five years na ang nakalipas! Siguro naman ay napatawad na niya ako, ‘di ba?“Jane!” tawag ulit sa akin ni Lana.Pagtingin ko sa kanya ay nakatayo na pala siya sa tabi ko at nakapamaywang pa. Itinigil ko ang ginagawa ko at tiningnan siya.“Bakit ba?”“Nakakahiya!”“Ano’ng nakakahiya ro’n? Ayaw ko silang makausap. Kung gusto mo siyang kausapin edi pumunta ka sa kwarto nila.” Itinuro ko ang sarili ko. “Pero ako? Hindi!” aniko at muling nagtanggal ng mga damit sa maleta kong nakapatong sa higaan ko.Sakto lang ang laki ng kwarto namin pero may sarili na kaming cr na nakapwesto sa tabi ng pinto. Bunker bed ang higaan namin ni Lana at napili ko sa ibaba. Sa may ulunan ng higaan namin ay may malaking bintana. Sa gilid ay may pahabang lamesa na pa-letter L. Sa paanan naman ang malaking closet kung saan namin ilalagay ang mga damit namin. Parehas kaming kaunti lang ang dalang mga damit ni Lana kaya sumakto sa amin ang closet.Sa may gilid sa tabi ng pinto ay ang mini kitchen namin. May lababo na roon at maliit na counter. May pabilong na lamesa na rin kami. At ito ang maganda, may sarili kaming tv na nakakabit sa pahabang bakal na nakadikit sa kisame. Maliit lang ‘yon pero flat screen.“Jane naman!” Umupo si Lana sa isang upuan sa may study table namin. “Akala ko ba naka-move on ka na sa tao? Bakit parang ano ka ngayon?”Bumuntonghininga ako. “Basta! Mag-ayos ka na nga lang diyan,” inis na sabi ko.Siguro kung ibang tao si Lana ay nainis na agad sa pagsusungit ko sa kanya. Pero hindi ibang tao si Lana. Sanay na sanay na kami sa ugali ng isa’t isa. Hindi ko nga alam kung paano ko siya naging kaibigan dahil masyado siyang outgoing. Ako? Mas gusto kong mag-isa at h’wag kumausap ng mga tao.Marami pang sinabing pangungumbinsi si Lana sa akin. Pero hindi ko na siya sinagot. Alam ko naman na gusto niya lang din ulit mapalapit kay Carlo. Noong maging magkarelasyon kasi kami ni Lawrence ay naging magkakaibigan kaming apat. At si Lana ay matagal ng gusto si Carlo. Nahihiya lang umamin.Kakausapin ko naman si Lawrence, hindi lang ngayon. Bubwelo muna ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. I mean, naghiwalay naman kami nang maayos noon. Kaso sa cellphone ko na lang siya hiniwalayan. Wala siyang ideya na nasa Cavite na ako kasi hindi ko sinabi sa kanya. Ayaw niya kasi na umalis ako. Ang totoo ay niyayaya na niya akong magtanan. Kaso ano ang gagawin ko? Mas gusto ko munang abutin ang mga pangarap ko.Hapon noong matapos kaming mag-ayos ng bago naming titirahan. Masasabi kong improving na ang university namin dahil may aircon na rin kami. Dapat lang dahil ang laki ng tuition namin. Kaya nga gusto nila Mama na rito ako mag-aral ng college.“Hay! Kapagod!” reklamo ni Lana at nahiga sa kama ko.Nakatayo lang ako sa tapat ng bintana at nakatanaw sa malawak na lupain. Nakakapagod din pa lang maglipat kahit kaunti lang ang mga gamit namin. Problema na lang namin ngayon ay pagkain namin. Tumingin ako kay Lana.“Lana bili tayo ng-” Natigil ako sa pagsasalita noong may kumatok sa kwarto namin.“Sino ‘yon?”“Ako na.”Naglakad ako palapit ng pinto at binuksan iyon. Natigilan pa ako noong makita ko kung sino ang kumakatok.“Hi, Jane!” magiliw na bati ni Carlo sa akin. Bahagya pa siyang kumaway at sumilip sa loob ng kwarto namin.Napatingin ako sa lalakeng nasa likod niya- si Lawrence. Isasara ko sana ulit kaso biglang binuksan ni Carlo nang malaki ang pinto at walang pakundangang pumasok sa loob.“Wow! Parehas lang pala ang kwarto ng girls at boys.”“Carlo!” masayang tawag ni Lana kay Carlo. Tumayo siya at lumapit dito. “Kumusta? Pasensya na kanina.”Tumawa si Carlo nang kaunti. “Ayos lang.”Napalunok ako at nahihiyang tumingin kay Lawrence. Hindi rin naman kasi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin.“P-Pasok ka.”Awkward.Tipid na ngumiti si Lawrence. “Salamat,” aniya.Gulimid na ako at hinayaan siyang pumasok sa loob. May dala siyang supot at inilapad niya iyon sa lamesa. Isinara ko naman ang pinto at nanatili lang na nakatayo roon. Gusto kong magtago pero sa liit ng kwarto namin, saan naman ako magtatago?“Ang galing naman! Parang nagkaroon tayo bigla ng reunion.”“Oo nga!” tugon ni Lana kay Carlo.Biglang natahimik ang paligid namin. Si Lawrence ay nakatayo lang sa tabi ng lamesa habang si Lana at Carlo ay nasa dulo ng higaan namin. Kahit na nahihiya ay naglakad ako papunta sa kama ko at doon na upo. Bahala si Lana mag-entertain sa mga bisita namin.Tumikhim si Lawrence kaya napatingin ako sa kanya. Ang gwapo niya sana. Chinito kasi siya at matangkad. Pakiramdam ko nga ay may lahi siyang intsik pero wala naman daw. Maputi rin kasi ang balat niya. Agad akong nag-iwas ng tingin noong mapatingin din siya sa akin.“May dala kaming ulam ni Carlo. Maganda ata kung sabay-sabay tayong kumain ng hapunan.”“Wow! Talaga?” Lumapit si Lana sa lamesa at tiningnan ang dala nila Lawrence. Naamoy ko agad ang lechong manok na nakalagay roon. “Hmm! Mukhang masarap ‘to, ah?”“Kanin na lang!” ani naman ni Carlo.“Ay. Wala pa pala kaming kanin. Alam ko na.” Lumapit si Lana kay Carlo at hinawakan ito sa braso. “Bili tayo kanin para hindi na tayo magsaing. Bukas pa kami mamimili ng pagkain ni Jane eh.”Bigla akong nataranta sa sinabi ni Lana. Ano? Iiwan nila kaming dalawa rito? Bago pa man ako makapagsalita ay hinatak na ni Lana si Carlo palabas ng kwarto. Napaawang na lang ang bibig ko habang nakatingin sa pinto na nilabasan nila.Napatingin ako kay Lawrence. Halatang nagulat din siya sa pag-alis ng dalawa. Nahihiyang tumingin siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at tumitig sa study table namin. Tumayo ako at kunyari ay inayos ang mga libro at iba naming gamit na kanina pa inayos ni Lana.“Ahm, Jane. Pwede ba tayong mag-usap?”Natigilan ako noong magsalita si Lawrence. Pagtingin ko sa kanya ay nakatayo na siya sa may malapit sa akin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero kinontrol ko ang sarili ko. Pinilit kong ngumiti sa kanya.“A-Ano naman ang pag-uusapan natin?” tanong ko. Muli akong tumingin sa study table at ginalaw-galaw ulit ang mga gamit doon. Pero natigil ulit ako noong hinawakan ni Lawrence ang kamay ko. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kilabot dahil sa ginawa niya kaya mabilis ko iyong binawi. Hinarap ko siya pero umatras ako ng isang hakbang dahil malapit na pala siya sa akin. Napalunok ako noong napatitig ako sa mga mata niya. Mapupungay ang singkit niyang mga mata.“Ahm. L-Lawrence.” Umupo ako sa kama ko. “Kung tungkol sa atin iyon. Matagal na tayong tapos. Please, h’wag na nating ibalik?” pakiusap ko sa kanya.Nakita ko agad ang pait sa kanyang mga mata. Bigla akong nakaramdam ng awa dahil sa nakita ko sa kanya. So, all this years ay umaasa pa rin siya sa relasyon naming dalawa? Kaya ba siya nandito? Napatungo siya.“S-Sorry.” Tumungo rin ako.Mabait naman si Lawrence. Noong kami pa ay masasabi ko na talagang seryoso siya sa akin. Siya iyong tipo ng lalakeng papangarapin ng mga babae. Gwapo na tapos magaling pa magdala ng relasyon. Pero hindi ko kasi kayang tapatan ang pagmamahal niya.Narinig ko ang malakas na pagbuntonghininga niya. “O-Okay lang,” aniya. “Naiintindihan ko.”Unti-unti akong nag-angat ng paningin. Nakatitig na siya sa akin pero maluha-luha siya. Siguro kung ako pa ang batang ako baka binawi ko ang sinabi ko kay Lawrence. Kaso hindi ko na kaya.“Sorry.”Ngumiti siya sa akin at dahan-dahang lumapit. “Okay lang. H’wag kang mag-alala. Pero pwede ba tayong maging magkaibigan pa rin?” tanong niya.Ilang sandali ko pa siyang tinitigan. Kitang-kita ko ang pait sa mga mata niya. Nakangiti siya pero hindi abot hanggang sa mga mata. Bakit parang nakonsensya ako kaagad? Pero kapag kasi hindi ko ‘to ginawa ay mas masasaktan lang kami parehas. Oo, naging masaya ako sa kanya. Pero hindi ko na maibabalik yung dating nararamdaman ko sa kanya. Ngumiti ako. ‘Yong totoo at hindi pilit.“Oo naman! Naging magkaibigan pa rin naman tayo noon.”Inilahad niya ang kanyang mga kamay. Inabot ko iyon at nakipagkamay sa kanya. Medyo na ilang pa ako dahil hindi niya agad binitawan ang kamay ko. Mabuti na lang at dumating na sila Carlo kaya nabawi ko na ang kamay ko.Siguro nga. May mga relasyon na kahit na ano ang gawin natin ay hindi na maibabalik pa.Hello, readers! Kumusta po? Thank you so much for reading this story! Haha! Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento ni Rodrigo Navarro at ni Jane Acosta kahit na... Hehe! Salamat pa rin po! Ang kwento na ito ay tapos na pero ang kwento ng mga Savage Men ay hindi pa tapos. Opo, may dalawa pa pong story ang Savage Men Series. Susubukan ko pong mai-post agad dito pero sa ibang platform ko po muna ita-type. Sana po ay suportahan niyo rin iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa Governor's Possession! Maraming salamat po! ~Ameiry Savar
8 months later Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Ren
Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. “B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. “H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. “Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. “Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov.
Kanina pa nakalabas si Rodrigo ngunit wala pa ring tigil si Jane sa pag-iyak. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatabing sa kaniyang katawan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang pilit na kinakalma ang sarili. Buong akala niya ay nagbago na ang binata. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon ay isa pa rin pala itong demonyo. Isang demonyo na hindi titigil hanggat hindi hindi nakukuha ang gusto. Kaya ba nito naisipang ipa-kidnap siya ngayon? Para makuha nito ang gusto nito? Sana lamang talaga ay hindi nito isinali ang anak nila. Muling napaluha si Jane noong maalala si Renz. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi na siya muli pang magpapakulong sa binata! Muling huminga nang malalim si Jane na para bang makatutulong iyon para bumuti ang kaniyang lagay. Kahit manlang makaalis siya rito ay dapat niyang gawin. Inayos ni Jane ang pagkakapulupot ng kumot sa kaniyang katawan. Napailing na lamang siya noong makita na sirang-sira ang kaniyang pan
Kanina pa nakatayo si Brian sa may gilid ng mansyon nila Rodrigo. Kanina pa rin niya sinusubukang pumasok doon dahil nakita niya si Renz na dito dinala ng tauhan ng kaniyang ama. Pero palagi siyang pinipigilan ng mga bantay ng mansyon dahil hindi raw siya pwedeng pumasok sa loob. Hindi niya maiwasang mainis dahil halatang ginawa na ng kaniyang ama ang lahat para lang hindi siya makalapit sa mag-ina. Alam nito na gagawin niya ang lahat para makita ang mga ito. Kanina niya pa rin nakita na hindi dumadating si Rodrigo o ang kaniyang ama. Kaya noong mapagtanto niyang wala siyang mapapala roon ay minabuti niyang umuwi sa bahay nila. “Brian. Saan ka nagpunta?” salubong ni Cathy sa anak noong makita nitong pumasok ang binata sa bahay. “Mom!” Agad na lumapit si Brian sa ina. “May pupuntahan ka?” Nangunot ang noo ni Cathy. “Yes. Kaya nga kanina pa kita hinihintay. Nakalimutan mo ba na ilalabas mo ako ngayon?” Sandaling napaisip si Brian. Muli niyang na alala ang pangako niya rito na magba
Blangko ang isipan habang nagmamaneho si Rodrigo papalayo sa bahay-bakasyunan nila. Kanina pa tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Ayaw niyang maniwala na nagawa niya iyon kay Jane. Hindi niya masisisi si Jane kung talagang gusto nito mapawalang bisa ang kanilang kasal. Oo, hindi niya kayang mawala ang dalaga sa kaniya ulit. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa para mapatawad siya nito. Kaya hindi niya mawari ngayon kung bakit at paano niya ba iyon nagawa. Inis na tumigil sa pagmamaneho si Rodrigo sa gilid ng kalsada at sumandig sa upuan. Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame ng kotse niya. Mali ba na gustuhin niyang makasama si Jane? Unti-unting nangilid ang mga luha niya habang bumabalik sa kaniyang isipan ang takot na takot at galit na imahe ng dalaga. Kulang na lang ay murahin siya nito kanina. I will never love a monster like you! Parang kutsilyong tumatarak ang mga salitang iyon sa kaniyang dibdib. Lahat ay ginawa ni Rodrigo. Mahirap para sa kaniyang baguhin