Share

Chapter 4

Penulis: annerie15
last update Terakhir Diperbarui: 2022-09-09 19:25:04

Dali-dali akong bumalik sa building namin noong makuha ko na ang wallet. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang ang kaba ko habang naglalakad. Pakiramdam ko kasi ay hawak-hawak ko ang pinaka importanteng gamit ngayon sa school. Papaliko na sana ako sa room namin noong bigla akong may nakabunggo. Napangiwi ako at magagalit na sana pero natigilan ako noong matitigan ko kung sino ang nakasalubong ko.

“I'm sorry. Ayos ka lang ba, hija?” nag-aalalang tanong ng matandang lalaking nasa harapan ko.

Napaatras ako at agad na tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. “A-Ayos lang po ako! Sorry!” kinakabahang sabi ko at agad na tumungo.

“Ayos lang. Nagmamadali rin ako. Mag-iingat ka sa dinadaanan mo. Baka mapahamak ka lalo.”

Agad kong napatingin sa kanya. Bigla akong binalot ng takot dahil sa kaniyang mga ngiti. Pakiramdam ko ay may kakaibang kahulugan ang kaniyang sinabi. Tumango na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Kilala ko siya. Madilim ang paligid kagabi ngunit tanda ko ang pustura ng lalaking bumaril sa lalaking nakagapos kagabi. At sigurado ako na siya iyon!

Si Sir Navarro, ang dean ng university namin. Ang alam ko ay pamangkin niya ang may-ari ng university na ito at siya lamang ang humahawak. Hindi na ako nagtataka kung nakita ko sila kagabi dahil ang may hawak ng lugar namin ang pamilya nila.

Dali-dali na akong pumasok at naupo sa pwesto mo. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Agad kong pinunasan ang butil ng mga pawis sa noo ko at nagpaypay sa leeg. Hindi ko akalain na nakaharap ako ng isang mamamatay tao.

“Jane!”

Napaigtad ako noong biglang may humampas sa braso ko. Halos mahampas ko na si Lana dahil sa gulat ko. Agad siyang umiwas habang nakataas ang kamay.

“Bakit ba nanggugulat ka?!” gulat na tanong ko. Pinandilatan ako ni Lana.

“Anong ginulat? Tinawag lang kita! Ano bang nangyari sa 'yo at namumutla ka? Saan ka nanggaling?”

Bahagyang lumambot ang ekspresyon ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at bumuga ng hangin.

“Wala,” matipid na tugon ko sa kanya. Kukuhain ko sana ang wallet sa bulsa ko pero bigla kong na alala si sir Navarro. Baka malaman niya ang tungkol doon. Tumayo ako.

“Oh, saan ka na naman pupunta? Sa canteen ba? Sama ako!”

Hinawakan ko si Lana sa balikat at muling pinaupo. “Sa banyo! Diyan ka lang.”

Hindi na siya nagpilit na sumam sa akin kay nagpunta na ako sa banyo. Bawat room sa amin ay may sariling banyo. Pero kailangan pang lumabas para lang makapunta roon. Swerte ko kasi nagkataon na walang magamit sa banyo namin kaya pumasok na ako sa loob at ni-lock iyon. Hindi rin kagaya ng ibang mga school, ang mga banyo sa amin ay malilinis at mababango. Kaya kahit tumambay ako ngayon ng ilang oras sa banyo ay hindi naman ako mamamatay sa amoy.

Isinara ko ang bowl at naupo roon. Hindi ko alam kung bakit sobrang na ku-curious ako sa laman ng wallet. Siguro dahil galing ito sa lalaking pinatay. Pakiramdam ko ay may laman iyon na pwede kong maitulong sa kaniya. Huminga na ako nang malalim at kinuha ang wallet sa bulsa ko.

Binuksan ko ang wallet na bahagya pang nanginginig ang mga kamay. Una kong nakita ang isang papel na nakatupi. Kinuha ko iyon at binuklat. Napakunot ang noo ko. May mga numero iyon at parang address ng bahay o lugar. Marasigan? Malapit lang iyon sa amin.

Muli kong itinupi ang papel at tiningnan pa ang laman ng wallet. Doon ko nakita ang isang maliit na itim na bagay. Kinuha ko iyon. Isa iyong memory card na pang cellphone! Dali-dali kong ipinasok ang papel sa wallet at ang memory card. Kinuha ko ang cellphone ko saka kinalikot iyon. Nandito na ako. Kailangan kong makita kung ano ang laman ng memory card na iyon. Tinanggal ko ang case ng cellphone ko at inalis lagayan ng memory card. Inilagay ko na iyon sa cellphone ko at noong maayos ko ang lagay ay muli ko nang binuksan ang cellphone ko.

“Okay, Jane. Kung ano man makita mo rito. Titingnan mo lang. Please! Sobra na ang pagiging curious mo!”

Bumuga ako ng hangin. Pumunta ako agad sa files ng card na nakuha ko. Napakunot pa ang noo ko noong makita kong iisang folder lang ang laman niyon. Nakasulat pa sa folder niyon na 'buksan mo' kaya naman ay sinunod ko ito. Isang video file ang bumungad sa akin sa folder na iyon. Kita ko mula sa thumbnail ang isang lalake na medyo mahaba na ang buhok.

“Wala pala akong earphone.”

Ibinaba ko ang cellphone ko. Hindi ko pwedeng mapanood ito rito dahil baka may makarinig sa akin. Pero hindi na ako mapakali. Kinagat ko ang kaliwang hinlalaki ko at pumikit. Bahala na nga! Muli akong dumilat at tumayo. Sumilip muna ako sa labas upang makita kung may tao ba. Noong masiguro kong walang tao sa hallway ay muli kong sinara ang pinto at ini-lock iyon. Naupo ako sa bowl saka pinahinaan ang volume ng cellphone ko. Sakto lang sa alam kong maririnig ko ang sasabihin sa video.

Binuksan ko na ang video. Isang lalaking nakaputi at mahaba na ang buhok ang nakatapat sa camera. Mamula-mula ang kaniyang mga mata na may itim sa ilalim. Para siyang ilang gabing hindi natulog. Halata ang takot sa kaniyang mga mata at panay tingin din sa gilid na para bang may hinahanap. Sakto lang ang video na makita ko ang hanggang dibdib niya. Hindi ko rin masabi kung siya ba ang lalaking nakitang binaril kagabi. Ngunit sigurado akong siya ito.

“H-Hello? A-Ako si James Marasigan. Siguro… patay na ako,” maluha-luha kong sabi. “Wala na akong pakialam kung sino ka man pero sana hindi ikaw ang amo ko! Hayop kayo!” Bigla na pang humagulhol si James na parang bata. Noong mahimasmasan siya ay tumikhim siya at muling tumitig sa camera. “A-Ako si James. D-Dati akong nagtatrabaho kay Rodrigo Navarro. Na ngayon ay gobernador na rito sa Eastern Samar. Bodyguard niya ako at lahat ng mga ipinag-uutos nila ay sinusunod ko. Kung nasaan siya ay kasama niya ako. Kaya lahat ng mga ginagawa niya ay alam ko. Hanggang noong huling dalawang buwan lamang. Galit na galit si Boss. S-Sinugod namin si Governor Marco. W-Walang habas niyang pinatay si Gov!” Muling humagulhol si James.

Nasapo ko ang aking bibig. Ibig sabihin totoong pinatay si Gov? Grabe! Mayroon kasing usap-usapan sa amin na pinatay raw ang dating gobernador. Ngunit pinabulaanan iyon kaagad ng kampo nila. Maging ang pamilya ni Gov ay tahimik sa totoong nangyari. Ibig sabihin pala ay totoo iyon? At ang bagong gobernador namin ang gumawa? Ang sama-sama niya! Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Dahil sa aking nalaman ay bumilis ang tibok ng puso ko. Kilala sa pagiging mabait at marespeto ang bagong gobernador. Kaya hindi ako makapaniwala sa aking nalaman ngayon.

“Hindi ibinigay ni Gov. Marco ang kayamanang nakuha nila sa lupang pinagtayuan nila sa bagong university na pinapagawa sa Artiche. Alam ni Boss na may kayamanang nakatago roon kaya niya iyon binili ngunit unang nakakita ang mga tauhan ni Gov. Marco. Pero iyon ibinigay ni Gov. at sinabi lang kay Boss na wala silang nakita. Kaya noong malaman ni Boss ang totoo ay pinatay niya si Gov. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko si Boss na gano'n. Para siyang nababaliw habang pinapatay si Gov. Wala akong nagawa kundi ang panoorin siya sa takot na ako ang pagbalinan niya.

“Sinamsam namin lahat ng kayamanan na nakuha ni Gov. Na ngayon ay nasa akin. Alam ko. Ang tanga-tanga ko dahil kinuha ko iyon pero hindi ko na kaya. Matapos ang unang pagpatay ay naulit pa iyon. Balak gumawa ni Boss ng malaking resort at isang barangay ang maapektuhan niyon. Hindi na kaya ng konsensya ko dahil pati ako ay inuutusan na niyang pumatay! Hindi ko kaya! Kaya ikaw. Kung sino ka man. Nasa papel ang address kung nasaan ang pera at ginto na nakuha ko sa kanya. M-May mga nakuha rin akong papeles na naglalaman ng mga illegal na gawain ni Boss. Ikaw na ang bahala kung ilalabas mo iyon. Pero gamitin mo ang pera sa mabuti. At h'wag na h'wag mong hahayaang makuha ulit iyon ni Rodrigo Navarro! Hanggat kaya mo ay lumayo ka sa demonyong iyon!” Iyon ang huling sinabi ni James bago tumigil ang video.

Napasandig ako at tulalang napatitig sa dingding ng banyo kung nasaan ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa aking napanood. Pero isa lang ang alam ko. Isa lang ang naunawaan ko. Isang demonyo si Governor Rodrigo Navarro.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Cheng Cheng
grabe nakakakakaba
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   Author's Note

    Hello, readers! Kumusta po? Thank you so much for reading this story! Haha! Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento ni Rodrigo Navarro at ni Jane Acosta kahit na... Hehe! Salamat pa rin po! Ang kwento na ito ay tapos na pero ang kwento ng mga Savage Men ay hindi pa tapos. Opo, may dalawa pa pong story ang Savage Men Series. Susubukan ko pong mai-post agad dito pero sa ibang platform ko po muna ita-type. Sana po ay suportahan niyo rin iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa Governor's Possession! Maraming salamat po! ~Ameiry Savar

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 30 - The Ending

    8 months later Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Ren

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 29

    Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. “B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. “H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. “Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. “Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov.

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 28

    Kanina pa nakalabas si Rodrigo ngunit wala pa ring tigil si Jane sa pag-iyak. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatabing sa kaniyang katawan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang pilit na kinakalma ang sarili. Buong akala niya ay nagbago na ang binata. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon ay isa pa rin pala itong demonyo. Isang demonyo na hindi titigil hanggat hindi hindi nakukuha ang gusto. Kaya ba nito naisipang ipa-kidnap siya ngayon? Para makuha nito ang gusto nito? Sana lamang talaga ay hindi nito isinali ang anak nila. Muling napaluha si Jane noong maalala si Renz. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi na siya muli pang magpapakulong sa binata! Muling huminga nang malalim si Jane na para bang makatutulong iyon para bumuti ang kaniyang lagay. Kahit manlang makaalis siya rito ay dapat niyang gawin. Inayos ni Jane ang pagkakapulupot ng kumot sa kaniyang katawan. Napailing na lamang siya noong makita na sirang-sira ang kaniyang pan

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 27

    Kanina pa nakatayo si Brian sa may gilid ng mansyon nila Rodrigo. Kanina pa rin niya sinusubukang pumasok doon dahil nakita niya si Renz na dito dinala ng tauhan ng kaniyang ama. Pero palagi siyang pinipigilan ng mga bantay ng mansyon dahil hindi raw siya pwedeng pumasok sa loob. Hindi niya maiwasang mainis dahil halatang ginawa na ng kaniyang ama ang lahat para lang hindi siya makalapit sa mag-ina. Alam nito na gagawin niya ang lahat para makita ang mga ito. Kanina niya pa rin nakita na hindi dumadating si Rodrigo o ang kaniyang ama. Kaya noong mapagtanto niyang wala siyang mapapala roon ay minabuti niyang umuwi sa bahay nila. “Brian. Saan ka nagpunta?” salubong ni Cathy sa anak noong makita nitong pumasok ang binata sa bahay. “Mom!” Agad na lumapit si Brian sa ina. “May pupuntahan ka?” Nangunot ang noo ni Cathy. “Yes. Kaya nga kanina pa kita hinihintay. Nakalimutan mo ba na ilalabas mo ako ngayon?” Sandaling napaisip si Brian. Muli niyang na alala ang pangako niya rito na magba

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 26

    Blangko ang isipan habang nagmamaneho si Rodrigo papalayo sa bahay-bakasyunan nila. Kanina pa tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Ayaw niyang maniwala na nagawa niya iyon kay Jane. Hindi niya masisisi si Jane kung talagang gusto nito mapawalang bisa ang kanilang kasal. Oo, hindi niya kayang mawala ang dalaga sa kaniya ulit. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa para mapatawad siya nito. Kaya hindi niya mawari ngayon kung bakit at paano niya ba iyon nagawa. Inis na tumigil sa pagmamaneho si Rodrigo sa gilid ng kalsada at sumandig sa upuan. Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame ng kotse niya. Mali ba na gustuhin niyang makasama si Jane? Unti-unting nangilid ang mga luha niya habang bumabalik sa kaniyang isipan ang takot na takot at galit na imahe ng dalaga. Kulang na lang ay murahin siya nito kanina. I will never love a monster like you! Parang kutsilyong tumatarak ang mga salitang iyon sa kaniyang dibdib. Lahat ay ginawa ni Rodrigo. Mahirap para sa kaniyang baguhin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status