공유

Chapter 5

작가: annerie15
last update 최신 업데이트: 2022-10-12 20:09:47

Tulala ako sa buong klase namin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos kong mapanood ang video ni James. 

Hindi ako makapaniwala na ang isang Rodrigo Navarro ay isa pa lang mamamatay tao. Nakita ko siya noon dahil siya ang may-ari ng eskwelahan na ito. Once a year nagpupunta siya rito para bisitahin ang buong school. Noong unang kita ko sa kanya ay masasabi ko naman na mabait siya. Napaka galang niya sa mga tao at marespeto sa mga babae. Kaya nakagugulat nagbabalat-kayo lang pala siya. Halang ang kaluluwa. 

Muling bumalik ang ulirat ko noong marinig ko ang malakas na tunog ng bell. Agad na napuno ng bulungan ang loob ng classroom namin. 

“That's it for today, class. Don't forget your assignment for our next meeting,” paalam ng prof namin. Agad na sumagot ang mga kaklase ko ng “Yes ma’am!” at nagsipaghandaan na para sa paglabas. Pero ako? Nanatili akong tulalang nakatingin sa unahan namin. Hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin na lumabas ng silid na ito. 

“Hoy, Jane! Halika na? Ano pang hinihintay mo riyan?” tanong ni Lana at marahang dinutdot ang braso ko. 

Tiningnan ko siya. “Heto na,” walang ganang sabi ko at inayos na rin ang gamit. 

“Alam mo? Kagabi ka pa. Ano ba talaga ang nangyayari sa ‘yo? May nakita ka bang nagsi-sex sa likod-” 

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya bago pa niya matapos ang kaniyang sasabihin. Pinandilatan ko si Lana at tumingin sa paligid. Halos wala na ang mga kaklase ko sa loob. Iilan na lang ang naroon na hindi naman nakatingin sa amin. 

“Ang ingay mo!” saway ko sa kanya. Agad namang tinanggal ni Lana ang kamay ko. 

“Ang OA mo naman! Siguro nagsi-sex nga-” 

“Lana!” pigil ko ulit sa kanya. Nginusuan lang ako ni Lana. 

“Fine! Oo na! Tatahimik na!” 

Inirapan ko siya at kinuha na ang bag ko. Sana nga ay nagsi-sex na lang ‘yong nakita ko kagabi. Hindi sana ganito ang pakiramdam ko. Gusto ko nang pumunta sa mga pulis kaso alam ko na magmumukha lang akong tanga. Isa pa, paano kung ako naman ang patayin? Ayaw kong madamay. Mabigat sa pakiramdam pero pipilitin ko na lang na kalimutan. 

“Uy! Sila Carlo!”

Agad na tumakbo si Lana sa may gilid ng room kung saan nakatayo sina Lawrence at Carlo. Sandali akong napatigil at bumuntonghininga. Kailangan kong alisin sa isipan ko ang nalaman ko. Umiling-iling ako at naglakad na papalapit sa kanila. 

“Tagal niyo naman!” reklamo agad ni Carlo. 

“Sus! Ito kasing si Jane. Halika na,” yaya ni Lana at naglakad na rin. Nauuna silang maglakad at sumunod lang kami ni Lawrence. 

“Daan tayong grocery? Nakagugutom tuwing gabi eh,” ani Carlo. 

Tapos na ang klase namin para ngayong araw kaya pwede na kaming umuwi. Maigi na rin iyon dahil parang bumigat ang pakiramdam ko. Kanina ko pa nga gustong humiga sa higaan ko. 

“Jane, ayos ka lang ba?” 

Napatingin ako kay Lawrence. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin kaya pinilit kong ngumiti. “O-Oo naman. Bakit?” 

“Namumutla ka kasi. Parang hindi ka rin mapakali. Kanina pa kita napapansin na parang ang tahimik mo. Masama ba ang pakiramdam mo?” 

“True!” biglang sabat ni Lana at tumingin pa sa amin. “Kanina pa ‘yang umaga tulala pagkagaling sa banyo.” Muli siyang naglakad. 

Naiikot ko ang mga mata ko. Kahit kailan talaga ‘to. Tiningnan ko si Lawrence. “Ayos lang ako. Medyo hindi lang maganda pakiramdam ko ngayon.” 

“Gusto mo dumeretso na tayo sa boarding house para makapagpahinga ka na?” 

Mabilis akong umiling. “Naku! Okay lang ako. Sabay na tayo sa kanila. May gusto rin akong bilhin.” 

“Sigurado ka ha?” 

Tumawa na ako at marahang hinampas ang braso ni Lawrence. “Ayos nga lang ako! Ano ka ba? Parang hindi mo ako kilala.” 

Natatawang tumango si Lawrence. “Okay. Sabi mo eh.” 

Naglakad na kami. Mas maigi na ang ganito na wala silang alam tungkol sa nalalaman ko. Palabas na kami ng school noong mapansin ko ang grupo ng mga estyudante na nakatambay sa may tabi ng gate. Madadaanan namin sila kaya hindi ko maiwasang marinig 'yong pinag-uusapan nila. 

“Grabe 'yong bangkay, ‘no? Sino kaya ang gumawa no’n?” 

Napatigil ako sa paglalakad. 

“Kaya nga. Kita ko na utak kanina. Tsk! Katakot lumabas ng dorm pagkagabi!”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako bigla sa kanila kahit hindi ko naman mga kilala. Good thing na mukha silang first year lang. 

“Ano 'yong pinag-uusapan niyo? Anong bangkay?” tanong ko. Nagtatakang tiningnan nila ako. 

“Ahm. Doon po sa may basurahan sa dulo, may nakitang bangkay ng lalake. Pinatay po ata kasi may butas sa ulo at mga tali sa kamay,” paliwanag ng isang estyudante. 

Bigla akong binundol ng kaba. Hindi na ako sumagot sa kanila at nagmamadaling nang naglakad. Naririnig ko pang tinatawag ako nila Lana pero hindi ko sila pinansin. Iba ang dereksyon ng basurahan sa dulo ng barangay malapit sa school. Doon tinatambak ang mga basura bago hakutin ng mga dump truck. Pagkarating ko roon ay nakita ko agad ang kumpulan ng mga tao. May iba na nakapambahay na mga sibilyan at ang iba ay mga estyudante. Sumiksik ako sa kanila hanggang sa mapunta ako sa unahan. 

Tumigil ako noong may dilaw na tali nang humarang sa akin. Mayroong pulis na nakaupo sa tabi ng nakahigang katawan. Naglakad pa ako papunta sa gilid hanggang makita ko ang mukha ng katawan. 

Napanganga na lamang ako noong makita kong si James iyon! Humigpit ang hawak ko sa tali at agad na nangilid ang mga mata. Ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa galit! Nakakagalit! Pinatay na nga nila si James nang walang kalaban-laban tapos itinapon pa ito sa basurahan! Ni hindi manlang nila nagawang bigyan ito nabg maayos na libing o ibigay na lamang sa pamilya ni James. Napaka sama nila! 

Agad kong umalis sa harapan noong maramdaman kong nagpupuyos na ang emosyon ko. Pinanusan ko ang mga mata ko at nanghihinang naglakad pabalik ng school habang nakatungo. Ang sama-sama nila! Gusto kong maiyak dahil sa galit. Gusto kong sumigaw at sugurin ang mga Navarro ngunit sino ba naman ako? Isa lang ako sa mga kagaya ni James na madaling patayin para sa kanila. Na kapag bumangga sa kanila ay siguradong mamamatay rin.

“Whoa!”

“Ouch!” 

Nasapo ko ang aking ulo. Muntik pa akong matumba noong may nabangga akong matigas na bagay mabuti na lang at may humawak sa baywang at braso ko. Pag-angat ko ng ulo ay nanlaki ang mga mata ko noong makita ko kung sino ang may hawak sa akin. Aalis sana ako sa kaniya ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya at mas idinikit pa ako sa kaniyang katawan. Ang tanga ko! Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na nakita ang dinadaanan ko! Hindi ko manlang naiwasan ang demonyong makasasalubong ko!

“Hi,” matipid niyang sabi habang malapad na nakangiti. Nangilabot ang buo kong katawan noong tumama ang mainit niyang hininga sa pisngi ko. 

“B-Bitawan niyo po ako,” kinakabahang sabi ko. 

“Jane!” 

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko sila Lawrence na papatakbong papalapit sa amin. Pinilit ko nang makawala sa pagkakahawak niya. Binitawan niya ako. 

“So, Jane is your name?”

Napatingin ulit ako sa kanya. Salubong lang ang kilay na tinitigan ko si Rodrigo Navarro. Yes! Governor Rodrigo Navarro is in front of me! Face to face! The devil himself!

Ang ganda ng mga ngiti niya. Napansin ko nga na may nakatingin din sa aming mga kababaihan. May naririnig pa ako na ang swerte ko raw dahil nahawakan ako ni Rodrigo Navarro. Pero hindi nila alam ang totoo na nakakasuka ang pagkatao niya!

Hindi ko sinagot si Rodrigo Navarro. Lalapit na sana ako sa mga kaibigan ko ngunit bigla niya akong hinawakan sa braso. 

“Wait. Where are you going?”

Napalunok ako at lalong binundol ng kaba. Ano ba ang kailangan niya sa akin? Pinilit kong patapangin ang mga tingin ko sa kaniya. 

“U-Uwi na po.” 

Biglang ngumisi si Rodrigo Navarro ng nakaloloko. “You're different. Interesting.” Binitawan niya ako. “I will see you again,” aniya at naglakad na papunta sa kumpulan ng mga tao. 

Napanganga ako at gulat na tiningnan ang papalayong katawan niya. Ano ang ibig sabihin niya? Agad akong binalot ng takot. Nalaman niya ba na may alam na ako? Nakilala niya ba ako? May nakakita ba sa akin noong pumunta ako sa likod kanina? Bakit kikitain niya ako ulit? 

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   Author's Note

    Hello, readers! Kumusta po? Thank you so much for reading this story! Haha! Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento ni Rodrigo Navarro at ni Jane Acosta kahit na... Hehe! Salamat pa rin po! Ang kwento na ito ay tapos na pero ang kwento ng mga Savage Men ay hindi pa tapos. Opo, may dalawa pa pong story ang Savage Men Series. Susubukan ko pong mai-post agad dito pero sa ibang platform ko po muna ita-type. Sana po ay suportahan niyo rin iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa Governor's Possession! Maraming salamat po! ~Ameiry Savar

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 30 - The Ending

    8 months later Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Ren

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 29

    Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. “B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. “H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. “Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. “Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov.

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 28

    Kanina pa nakalabas si Rodrigo ngunit wala pa ring tigil si Jane sa pag-iyak. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatabing sa kaniyang katawan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang pilit na kinakalma ang sarili. Buong akala niya ay nagbago na ang binata. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon ay isa pa rin pala itong demonyo. Isang demonyo na hindi titigil hanggat hindi hindi nakukuha ang gusto. Kaya ba nito naisipang ipa-kidnap siya ngayon? Para makuha nito ang gusto nito? Sana lamang talaga ay hindi nito isinali ang anak nila. Muling napaluha si Jane noong maalala si Renz. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi na siya muli pang magpapakulong sa binata! Muling huminga nang malalim si Jane na para bang makatutulong iyon para bumuti ang kaniyang lagay. Kahit manlang makaalis siya rito ay dapat niyang gawin. Inayos ni Jane ang pagkakapulupot ng kumot sa kaniyang katawan. Napailing na lamang siya noong makita na sirang-sira ang kaniyang pan

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 27

    Kanina pa nakatayo si Brian sa may gilid ng mansyon nila Rodrigo. Kanina pa rin niya sinusubukang pumasok doon dahil nakita niya si Renz na dito dinala ng tauhan ng kaniyang ama. Pero palagi siyang pinipigilan ng mga bantay ng mansyon dahil hindi raw siya pwedeng pumasok sa loob. Hindi niya maiwasang mainis dahil halatang ginawa na ng kaniyang ama ang lahat para lang hindi siya makalapit sa mag-ina. Alam nito na gagawin niya ang lahat para makita ang mga ito. Kanina niya pa rin nakita na hindi dumadating si Rodrigo o ang kaniyang ama. Kaya noong mapagtanto niyang wala siyang mapapala roon ay minabuti niyang umuwi sa bahay nila. “Brian. Saan ka nagpunta?” salubong ni Cathy sa anak noong makita nitong pumasok ang binata sa bahay. “Mom!” Agad na lumapit si Brian sa ina. “May pupuntahan ka?” Nangunot ang noo ni Cathy. “Yes. Kaya nga kanina pa kita hinihintay. Nakalimutan mo ba na ilalabas mo ako ngayon?” Sandaling napaisip si Brian. Muli niyang na alala ang pangako niya rito na magba

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 26

    Blangko ang isipan habang nagmamaneho si Rodrigo papalayo sa bahay-bakasyunan nila. Kanina pa tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Ayaw niyang maniwala na nagawa niya iyon kay Jane. Hindi niya masisisi si Jane kung talagang gusto nito mapawalang bisa ang kanilang kasal. Oo, hindi niya kayang mawala ang dalaga sa kaniya ulit. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa para mapatawad siya nito. Kaya hindi niya mawari ngayon kung bakit at paano niya ba iyon nagawa. Inis na tumigil sa pagmamaneho si Rodrigo sa gilid ng kalsada at sumandig sa upuan. Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame ng kotse niya. Mali ba na gustuhin niyang makasama si Jane? Unti-unting nangilid ang mga luha niya habang bumabalik sa kaniyang isipan ang takot na takot at galit na imahe ng dalaga. Kulang na lang ay murahin siya nito kanina. I will never love a monster like you! Parang kutsilyong tumatarak ang mga salitang iyon sa kaniyang dibdib. Lahat ay ginawa ni Rodrigo. Mahirap para sa kaniyang baguhin

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status