Share

Chapter 6

Penulis: annerie15
last update Terakhir Diperbarui: 2022-10-12 20:10:16

Buong magdamag ay hindi ako mapakali. Paulit-ulit na nagpi-play sa isipan ko ang video ni James. Palagi ko rin na aalala ang mukha ni Rodrigo Navarro. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako dahil hindi ako mapakali!

Hindi ko alam kung bakit sinabi ni Rodrigo na magkikita raw ulit kami. Sa totoo ang ay natatakot na ako. Baka nalaman na niyang may alam ako. Paano kung patayin niya rin ako? Diyos ko! Hindi pa ako handang mamatay! 

Binabagabag din ako ng konsensya ko dahil kay James. Na aawa ako sa sinapit niya. Alam ko na sinubukan niya lang itama ang mali ngunit siya pa ang may mas sinapit na mapait. Ni hindi nga siya binigayan nang maayos na libing ng mga gumawa sa kaniya niyon. Itinapon nila si James na para bang basura na wala nang pakinabang. 

Kaya naman, maaga pa lang kinabukasan ay maaga na akong gumayak. Nagsuot ako ng pantalon at t-shirt na pinatungan ko ng jacket. Nag-rubbed shoes na rin ako at wala nang ibang nilagay na kolokerete sa katawan ko. Tanging bag lang maliit ang dala ko na may laman ng cellphone at wallet ko saka iyong wallet ni James. Alam ko na katangahan na ang ginagawa ko. Ngunit hindi ko kayang manahimik lang nang walang ginagawa. Tulog pa si Lana at karamihan ng mga ka-dorm ko ay lumabas na ako ng silid. Sa likod ako dumaan dahil hindi pa ako papalabasin ng guard. Maingat na umakyat ako ng pader na sekretong dinadaanan ng mga estyudanteng gusto makalabas tuwing gabi. 

Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa marating ko ang kalsada. Naglakad pa ako nang malayo-layo sa school namin para sigurado akong walang makakita sa akin. Ganitong oras dumadaan ang malaking bus papunta sa Artiche. Kailangan kong sumakay roon para makarating ako sa norte kung nasaan ang tinutukoy ni James na bahay. Malayo pero susubukan kong hanapin. Hindi ko na kayang manahimik lang kung may kagaya ni Rodrigo Navarro. Kung hindi nagawa ni James, kaya ko naman siguro. Isa pa, hindi ako kilala ng mga Navarro kaya siguro naman ay hindi nila malalaman ang gagawin ko. 

Hindi na nagtagal ay dumating ang bus na hinihintay ko. Wala halos sakay iyon dahil nga pabalik na sa terminal. Tahimik lang ako sa buong byahe habang nakatingin sa labas ng bintana. Napaka ganda ng Samar dahil marami pa ring mga puno. Hindi kagaya sa Cavite na wala na ako halos makita. Kaya nga pinili ko na rin ipagpatuloy ang pag-aaral ko rito. 

Pagkarating namin sa terminal ay agad akong bumaba. Muli akong sumakay ng jeep papunta na sa norte. Ito ang unang beses na babyahe ako papuntang norte dahil hindi naman ito ang dinadaanan ng bus na nasasakyan ko sa tuwing uuwi ako ng Samar. Pagkarating ko sa bayan ay muli akong sumakay ng traysikel. Dahil hindi ko alam ang baranggay na pupuntahan ko ay nagpahatid na lamang ako. Hanggang sa hindi nagtagal ay nakita ko rin ang apartment na tinutukoy ni James sa video. 

Isa iyong compound na may iilang apartment. Mayroong malaking gate sa unahan at magkatapat ang dalawang building na maraming pinto. Pumasok ako sa loob at agad na may sumalubong sa aking babaeng may katabaan. 

“Hello, ma’am. Sino po ang hanap niyo?” tanong niya. 

Napatingin ako sa paligid. Kinuha ko ang papel sa bag ko at pinakita iyon sa akin. “Dito po ito, ‘di ba?” 

“Room 20. Ah oo! Asawa ka ba ni Pedro? Naku! Dalawang buwan na ‘yon hindi nagpapakita. Ano na ang nangyari sa kanya?” 

Napangiwi ako. “P-Pedro?”

“Oo!” 

“O-Okay po. Pwede ko bang mapuntahan ang kwarto? Kaso wala ho akong susi.” 

“Pwede. Wala ka talagang susi kasi hindi naman kinuha ni Pedro ang susi. Sabi niya lang may pupunta raw dito para kuhain ang gamit niya. Kukuhain mo na ba?” 

Mukhang inasahan na ni James ang mga mangyayari. Tumango ako. “Kayo ho ba ang may-ari nito?” 

Umiling siya. “Hindi. Ako si Berna. Caretaker lang ako rito. Sandali. Kukuhain ko lang ang susi.” 

“Sige po.” 

Tumalikod na siya sa akin at pumasok sa nag-iisang bahay na nakadikit sa gate. Napaka tahimik ng lugar at puros mga nakasarado ang mga pinto ng bahay rito. Sa labas ng compound ay may iilang bahay rin ngunit parang wala ring mga tao. Mukhang nasa dulo rin ito dahil puro puno na ang likod. Isang magandang lugar na mapagtataguan sa mga Navarro. Malayo sa kanilang balwarte ngunit alam ko naman na may kapagyarihan pa rin sila rito. 

“Halika. Andoon sa taas ang kwarto ni Pedro.” 

Tumango ako at sumunod kay Aling Berna. Umakyat kami sa gilid na hagdan ng ikalawang building. May mga nakatira sa mga kwarto nadadaanan namin dahil naririnig ko ang tunog ng mga tv. Mayroong kita ko lang ang kurtina sa bintana. Tumigil kami sa kwarto na may nakadikit na malaking karatula ng Room20 sa pinto. 

“Ito ang susi,” ani Aling Berna habang binubuksan ang pinto. Inabot niya rin iyon kaagad sa akin noong mabuksan na niya. “Kung may kailangan ka. Nandoon lang ako sa isang bahay. Katok ka na lang. At kung tapos ka na rin maghakot ng gamit. Sabihan mo na lang ako ha? Hindi namin ‘to binuksan kahit maraming gustong umupa. Isang taon kasi ang binayaran ni Pedro.” 

“Gano’n po ba?” gulat na tanong ko. Tumango siya. “Sige po. Salamat.” Kinuha ko na ang susi. Umalis na rin si Aling Berna kaya pumasok na ako sa loob. Napatakip ako agad ng ilong noong masinghot ko ang amoy ng nakulob na kwarto. Madilim din ang loob kahit na maliwanag pa naman sa labas kaya kinapa ko ang switch sa gilid ng pinto. Agad na sumabog ang liwanag sa loob ng kwarto. Hindi na ako nagulat noong makita kong halos walang gamit ang loob. May maliit na katre sa gilid at may cabinet na gawa sa kahot sa paanan niyon. Bukod doon ay wala nang gamit maliban sa iilang gamit sa pagkain sa may maliit na lababo sa gilid. Isinara ko na ang pinto at tuluyang pumasok sa loob. Tinanggal ko ang bag ko at pinatong iyon sa kama. 

Nagtingin-tingin ako agad sa loob. Wala na rin akong balak magtagal pa sa lugar dahil sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Pakiramdam ko ay mayroong nakasunod sa akin palagi. Makapangyarihang tao si Rodrigo kaya hindi na ako nagtataka pa kung malalaman din nila ang lugar na ito kaagad. Una kong nilapitan ay ang cabinet. Walang nakasabit doon pero may nakita akong laptop sa loob. Sa ilalim ay may nakita akong dalawang itim na bag. Huminga ako nang malalim at unti-unting naupo. Kabadong unti-unti kong binuksan ang isang itim na bag at tiningnan ang laman niyon. 

“Oh my…” 

Hindi makapaniwalang kinuha ko ang ilang piraso ng mga gintong pabilog. Binuksan ko rin ang isang bag at lalo akong namangha noong mga gold bars naman ang nakita ko. Nasa sampung piraso ang mga iyon ngunit sobrang bigat na. Napaupo ako sa sahig. Ibig sabihin ay totoo ang mga sinabi ni James. Mayroon ngang kayamanan na nakuha ang mga Navarro. Kayamanan na hindi naman dapat para sa kanila. 

Ilang sandali akong naupo sa pwesto ko at kinalma ang sarili ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming ginto. Siguro kahit isa lang sa mga ito ang mapasaakin ay mabubuhay na ako habangbuhay. Isinara ko ulit ang mga bag at kinuha naman ang laptop. Pinagpag ko muna ang higaan at saka naupo roon. Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Napupuno na ako ng kuryusidad tungkol sa pamilya nila. Noong mabuhay ang laptop ay may nakita akong isang folder sa unahan. Agad ko iyong binuksan at bumungad sa akin ang ilang mga p*f file. Mga numero lang ang file name ng mga iyon pero noong binuksan ko ay puros mga transactions ng mga Navarro. At hindi lang basta-basta mga transactions kundi mga notes iyon ng mga illegal na gawain ng mga Navarro. Hindi ako makapaniwala na nagpapatakbo rin pala sila ng mga droga sa lugar namin. Ang daming masasamang gawain na hindi ko masikmura. Kagaya ng may mga ilan na pinatay ng mga ito. May nakita pa akong larawan kung saan may lalaking nasa loob ng isang drum at pinapasukan ng simento ang loob. Pero ang isang nakapagpukaw sa atensyon ko ay ang isang file na naglalaman ng plano ng mga Navarro. Katabing baranggay lang namin ang gusto nilang gawing resort. Kapag matuloy iyon ay lahat ng mga nakatira roon ay mawawalan ng tirahan. At sigurado ako na gagawin lahat ni Rodrigo Navarro maisakatuparan lamang iyon.

Huminga ako nang malalim at inalis ang tingin ko sa laptop. Kaya siguro nagawa ito ni James dahil hindi na niya makaya ang mga kasamaan ng kaniyang amo. Kung ako man ang nasa posisyon niya ay sigurado ako na gagawin ko rin ang ginawa niya. Tiningnan ko ang bag na nasa loob ng cabinet. Tama. Kailangang may gawin ako. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   Author's Note

    Hello, readers! Kumusta po? Thank you so much for reading this story! Haha! Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento ni Rodrigo Navarro at ni Jane Acosta kahit na... Hehe! Salamat pa rin po! Ang kwento na ito ay tapos na pero ang kwento ng mga Savage Men ay hindi pa tapos. Opo, may dalawa pa pong story ang Savage Men Series. Susubukan ko pong mai-post agad dito pero sa ibang platform ko po muna ita-type. Sana po ay suportahan niyo rin iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa Governor's Possession! Maraming salamat po! ~Ameiry Savar

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 30 - The Ending

    8 months later Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Ren

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 29

    Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. “B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. “H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. “Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. “Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov.

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 28

    Kanina pa nakalabas si Rodrigo ngunit wala pa ring tigil si Jane sa pag-iyak. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatabing sa kaniyang katawan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang pilit na kinakalma ang sarili. Buong akala niya ay nagbago na ang binata. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon ay isa pa rin pala itong demonyo. Isang demonyo na hindi titigil hanggat hindi hindi nakukuha ang gusto. Kaya ba nito naisipang ipa-kidnap siya ngayon? Para makuha nito ang gusto nito? Sana lamang talaga ay hindi nito isinali ang anak nila. Muling napaluha si Jane noong maalala si Renz. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi na siya muli pang magpapakulong sa binata! Muling huminga nang malalim si Jane na para bang makatutulong iyon para bumuti ang kaniyang lagay. Kahit manlang makaalis siya rito ay dapat niyang gawin. Inayos ni Jane ang pagkakapulupot ng kumot sa kaniyang katawan. Napailing na lamang siya noong makita na sirang-sira ang kaniyang pan

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 27

    Kanina pa nakatayo si Brian sa may gilid ng mansyon nila Rodrigo. Kanina pa rin niya sinusubukang pumasok doon dahil nakita niya si Renz na dito dinala ng tauhan ng kaniyang ama. Pero palagi siyang pinipigilan ng mga bantay ng mansyon dahil hindi raw siya pwedeng pumasok sa loob. Hindi niya maiwasang mainis dahil halatang ginawa na ng kaniyang ama ang lahat para lang hindi siya makalapit sa mag-ina. Alam nito na gagawin niya ang lahat para makita ang mga ito. Kanina niya pa rin nakita na hindi dumadating si Rodrigo o ang kaniyang ama. Kaya noong mapagtanto niyang wala siyang mapapala roon ay minabuti niyang umuwi sa bahay nila. “Brian. Saan ka nagpunta?” salubong ni Cathy sa anak noong makita nitong pumasok ang binata sa bahay. “Mom!” Agad na lumapit si Brian sa ina. “May pupuntahan ka?” Nangunot ang noo ni Cathy. “Yes. Kaya nga kanina pa kita hinihintay. Nakalimutan mo ba na ilalabas mo ako ngayon?” Sandaling napaisip si Brian. Muli niyang na alala ang pangako niya rito na magba

  • Governor's Possession (Savage Men Series)   S2: Chapter 26

    Blangko ang isipan habang nagmamaneho si Rodrigo papalayo sa bahay-bakasyunan nila. Kanina pa tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Ayaw niyang maniwala na nagawa niya iyon kay Jane. Hindi niya masisisi si Jane kung talagang gusto nito mapawalang bisa ang kanilang kasal. Oo, hindi niya kayang mawala ang dalaga sa kaniya ulit. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa para mapatawad siya nito. Kaya hindi niya mawari ngayon kung bakit at paano niya ba iyon nagawa. Inis na tumigil sa pagmamaneho si Rodrigo sa gilid ng kalsada at sumandig sa upuan. Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame ng kotse niya. Mali ba na gustuhin niyang makasama si Jane? Unti-unting nangilid ang mga luha niya habang bumabalik sa kaniyang isipan ang takot na takot at galit na imahe ng dalaga. Kulang na lang ay murahin siya nito kanina. I will never love a monster like you! Parang kutsilyong tumatarak ang mga salitang iyon sa kaniyang dibdib. Lahat ay ginawa ni Rodrigo. Mahirap para sa kaniyang baguhin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status