Share

EPILOGUE

Tatlong buwan na ang lumipas. Sa tatlong buwan na 'yon, unti-unting bumabalik sa dating katahimikan ang Greenville. May ilan na ring mga bumalik nang mabalitaan na nahuli na ang killer.

Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.

From: Brix

Nandito na ako sa baba.

Kinuha ko ang bag kong nasa kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-uusap sina Brix at Kuya Sander.

"Oh, ayan na pala si Demi. Ingat kayo, ha," sabi ni kuya habang nakatingin sa aming dalawa ni Brix.

"Sige, kuya. Aalis na kami," paalam ko.

"Okay. Umuwi nang maaga hindi umaga. Tomorrow is your special, so you need to rest also," paalala niya.

Ngumiti na lang ako at tumango.

Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nag s-scroll sa Facebook ko. Napangiti naman ako nang makita ang bagong post ni Macey.

"Nandoon na pala sila," sabi ko kay Brix.

"Sabihin mo 'wag muna silang mag-uumpisa," natatawang sambit niya.

Tinignan ko ulit 'yung post ni Macey. Picture niya 'yon habang nasa tabi naman niya si Sofia na may hawak pang mic.

"Mukhang kumakanta na si Sofia, e," sabi ko. Natawa na lang si Brix.

Today is May 5, birthday ni Macey. Naisipan niyang mag celebrate sa isang KTV Bar and for friends lang naman. Bukas pa daw talaga siya mag ce-celebrate na kasama ang pamilya.

Mabilis kaming nakarating sa KTV Bar. Pagkarating namin doon ay hinanap agad namin 'yung room na pins-reserved ni Macey. Naabutan namin silang masayang nagkakantahan. Sinabayan pa nga ito ng sayaw ni Macey.

Hindi ko mapigilan mapangiti habang pinapanood ang tatlo – si Macey, Sofia, at Jayson. Masaya ako dahil okay na sila. Okay na ulit 'yung pagkakaibigan namin. Pinili na lang muna ni Macey na makipagkaibigan lang kay Jayson at okay naman silang dalawa roon. Ayaw din muna nilang pumasok sa relasyon lalo na't mag co-college na kami. Mas magiging busy kami lalo.

"Anong tinatayo-tayo niyo d'yan? C'mon!" sigaw ni Macey.

"Happy birthday!" Niyakap ko siya at pagkatapos ay inabot ko ang regalo ko para sa kaniya.

Naging maayos naman ang birthday celebration ni Macey. Puro kwentuhan, kainan, at kantahan lang ang ginawa namin. Nakakatuwa dahik ngayon na lang ulit nangyari 'to. Nag inom din kami pero konti lang, as in sobrang konti lang talaga dahil hindi naman kami sanay uminom...except kay Jayson.

"Thank you so much, guys! I really enjoyed my day because of you," sabi ni Macey at malapad na ngumiti. "So paano? Kita na lang tayo bukas? Walang male-late ah!" dagdag niya pa.

"Okay, okay!" sabi ni Jayson.

Bago kami maghiwa-hiwalay ay binigyan muna namin ng yakap ang isa't-isa.

"Bye. Ingat kayo," sabi ko sa kanila at kumaway.

***

Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay. Nanginginig 'yon dahil sa magkahalong kaba at excitement.

"A very good morning to all of you. On behalf of Greenville University Board of Management, it is my great pleasure and privilege to welcome each of you to GU Graduation Ceremony."

Nagpalakpakan kaming lahat. Today is the day that we would bid goodbye to our highschool life. After this day, we are no longer highschool students. Sasabak na naman kami sa panibagong yugto ng mga buhay namin – ang college life.

Nakakalungkot pero masaya at the same time. Maraming nabuong memories sa highschool life namin. Hindi ko masasabing normal ang naging highschool life namin. Masyadong maraming nangyari sa mga nakalipas na buwan. Ang nakakalungkot pa roon ay nalagasan ang GU ng ilang estudyante.

Pero naging masaya pa rin naman. Lalo na ngayon dahil sa wakas ay makakagraduate na kami. Alam kong mas mahirap pa ang mga mararanasan namin pagtungtong namin ng college, pero naniniwala naman akong makakaya namin lahat.

Nakaligtas nga kami mula kay Sander, e, sa college pa kaya.

***

Nang matapos ang ceremony ay sabay-sabay kaming sumakay sa bagong sasakyan ni Jayson. Regalo raw 'to sa kaniya ng daddy niya.

"Tara na ba?" tanong niya sa amin.

"Tara na," sagot ni Brix.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang kabahan. Ilang beses pa akong napalunok habang nakatingin sa bintana.

Maya-maya lang ay huminto na ang sasakyan ni Jayson.

"Okay, we're here," aniya.

Tumingin ulit ako sa labas. Nandito na kami ngayon sa Greenville Municipality Jail. Kagabi kasi ay napag-usapan namin na dalawin si Sander. We visited him last month at medyo okay naman na siya.

Dito rin nakakulong si mommy. Napatunayan kasi na guilty siya sa nangyari sa totoong nanay ni Sander. The mayor is also in jail pero hindi ata siya dito dinala. By next month ay magsisimula na ang election para sa bagong mayor ng Grenville.

Pagkapasok namin sa loob ay naabutan namin ang mga nagsisitakbuhang pulis paakyat. Ilang saglit lang ay nakarinig naman kami ng paparating na ambulansya.

"Anong meron?" tanong ni Sofia.

Kumunot din ang noo ko nang mapansin na nagkakagulo dito sa loob. Napatabi kami nang may mga pumasok na dala-dala ang stretcher at umakyat sila sa taas.

Hindi kami makaakyat dahil mukhang nagkakagulo pa sa taas.

"Ano kayang nangyari do'n?" tanong din ni Macey.

Nag-antay muna kami saglit. Nang aakyat na sana kami ay napatigil kami nang makitang ibinababa na ulit 'yung stretcher, this time may nakahiga na roon.

Biglang nanghina ang mga tuhod ko. Napatakip ako ng bibig nang dumaan sa harap namin 'yung stretcher at nakita kung sino ang nakahiga roon.

"Kuya Sander!" Umiiyak si Sofia at mabilis na tumakbo palabas. Wala kaming nagawa kundi sumunod na lang.

Kumirot ang dibdib ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko nang makita ang duguang katawan ni Sander.

Anong nangyari?

***

"Time of death: 5:30 PM."

Napahagulgol ako nang marinig iyon.

Wala na. Wala na si Sander. Nalaman namin na natagpuan na lang daw na nakabulagta sa CR si Sander at ngayon ay tuluyan na siyang binawian ng buhay.

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Kahit gaano pa kasama at ka-demonyo ang nagawa ni Sander, naging parte pa rin siya ng buhay. Naging mahalaga rin siya sa akin dahil kapatid na ang tingin ko sa kaniya. Ang sakit sakit lang na tuluyan na siyang namaalam sa amin.

Noong huling dalaw namin sa kaniya ay okay pa siya. Nakangiti pa siya sa amin. Akala namin maayos na ang lagay niya. Akala namin okay na siya. Akala namin ay hindi niya na muling maiisip na kitilin ang buhay niya.

Pero puro maling akala lang pala ang lahat ng 'yon.

Si Sander Javier, minsan ng kumitil ng maraming buhay limang taon ang nakalipas, nagbalik at muling naghasik ng lagim sa buong Greenville, at ngayon ay muling umalis pero hindi na babalik pa...habambuhay.

Sa dulo ay natalo pa rin siya ng sarili niyang emosyon. Sa puntong ito, hindi na buhay ng ibang tao ang kinitil niya kundi ang sarili niya ng buhay.

END

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status