Share

XXXVIII. The Devil's Den

"Hold this," sabi ni Brix at inabot sa akin ang baril niya. Dahan-dahan kong kinuha 'yon mula sa kamay niya.

"Hindi natin alam kung anong nag-aantay sa atin do'n. Kung magkahiwalay man tayo, babalik tayo ng buhay, okay?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

Tumango ako. "Okay."

Pinaandar na ni Brix ang sasakyan niya. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatingin sa bintana. Matinding kaba ang bumabalot sa akin ngayon.

Ala-sais na at kaninang alas-kwatro nag text ang killer kung saan kami dapat pumunta. Alam nila Macey ang tungkol dito at nakahanda na sila sa kung ano man ang mangyayari.

Magkakasama sila ngayong tatlo nila Jayson at Sofia. Ang alam ko ay doon sila sa Belle's Cafe nagkita. May ilangan nga lang dahil silang tatlo ang magkakasama pero sana naman ay hindi sila mag away-away doon.

Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa lugar no'ng killer.

Pagkatapos ng ilang minutong pagda-drive, kung saan-saan pa lumiko si Brix hanggang sa matanaw na namin 'yung lugar.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Brix nang ihinto niya ang sasakyan niya sa tapat ng isang malaking puno. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"This won't be our last hug. Mag-iingat ka, Demi. I love you," aniya.

Pumikit ako saglit. "Mag-iingat tayong dalawa. I love you, too."

Humiwalay kami sa isa't-isa at sabay na lumabas sa sasakyan. Nang makita namin ang lugar ay maraming nagbalik na alaala sa isipan ko.

Ang malawak na lugar na 'to ang saksi ng lahat ng saya, iyakan, at away namin noong mga bata pa kami. Ito ang dating park ng Greenville kung saan lagi kaming nakatambay na magkakaibigan, kasama rin namin ang mga kapatid namin. Ngunit, dahil tago ang lugar na ito, inilipat na lang 'yung park.

Ngayon, isang bahay na lang ang nakatayo rito. Two-storey house 'yon at medyo luma na rin. Maraming nakatambak na kalat sa labas, mga karton, papel, at kung ano-ano pa. Mukhang papasa na nga ito bilang haunted house.

Hinawakan ni Brix ang kamay ko at naglakad na kami papalapit sa bahay. May nakasabit na susi sa doorknob, iyon ang ginamit namin para makapasok sa loob.

Unang tumambad sa amin ang sala, may maliit lang na sofa roon at center table. Ayon lang ang laman at wala ng iba.

Nasaan naman kaya 'yung killer?

Naglakad kami sa hallway at may dalawang pinto roon kaso parehas na naka-lock. Nakarating kami sa kusina na kakaunti lang din ang laman. Isang maliit lang na mesa, kalan, at ilang gamit sa pagluluto.

"Sa tingin mo nandito talaga siya?" tanong ko kay Brix.

"I don't know. This could be a trap that's why we need to stay alert," sagot niya habang pinagmamasdan pa rin ang paligid.

Ginaya ko siya at nagtingin-tingin din sa paligid. Sinubukan kong maghanap ng bagay na kakaiba or anything suspicious.

"Kailangan na siguro nating maghiwalay," sabi ko.

Kunot-noong tumingin sa akin si Brix. "W-what?"

"I mean, dito ka sa baba tapos aakyat muna ako sa taas," paglilinaw ko sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya. "Okay. Call me if may napansin kang kakaiba," aniya. Tumango naman ako.

Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko dahil medyo madilim dito. Malaki ang bahay ngunit kakaunti ang ilaw.

Pagkaakyat ko sa taas ay nakakita ako ng tatlong kwarto. Una kong binuksan ang nasa kanan ko. Puro karton ang nandoon. Nilapitan ko ang isa sa mga karton at inalog 'yon. Mabigat.

Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahan na binubuksan 'yung karton. Kaya pala mabigat dahil malalaking bote ng bleach ang nasa loob.

Sinubukan kong alugin ang iba pang karton at mukhang pare-parehas lang ng laman ang mga 'yon.

Lumabas na ako sa kwarto dahil wala naman akong makita doon bukod sa mga karton ng bleach.

Sunod kong binuksan ang kwarto sa kaliwa. Dito naman ay may mga magugulong monoblock chair. Pansin ko rin ang ilang mantsa ng dugo sa sahig at pader. Mukhang may nangyaring hindi kaaya-aya dito.

Pero bukod doon, wala na akong napansin pang kahina-hinala.

Magaling talaga magtago ang killer na 'yon. Ni isang clue rito ay wala akong makita.

Lumabas na ako sa kwarto. May isa pang natitira sa dulo. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan habang papalapit doon.

Marahan kong tinulak ang pinto. Tinignan ko 'yung kabuuan ng kwarto. Ito talaga ang totoong kwarto, may kama, may closet, at mga drawer.

Marahan akong lumapit sa closet. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.

Nanlaki ang mata ko nang tuluyan ko ng mabuksan 'yung closet. Napakaraming mask doon. At hindi lang 'yon, kumunot ang noo ko nang makita ang mga litratong nakadikit sa loob.

"Bakit nandito ang mga 'to?" bulong ko habang isa-isang tinitignan ang mga litrato.

Una kong nakita ang litrato ng batang si Jayson, sumunod si Brix, ang nakasimangot na si Sander, si Kuya Derrick na may malaking ngiti, si Macey at si Sofia na magka-akbay, si Ate Bianca na may hawak-hawak na ice cream, ako na nakasakay sa bike, at ang huli naman ay si Sander na maraming suot na rastaclat sa kamay niya.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko habang tinitignan ang mga litrato, kasabay no'n ang panunumbalik ng mga alaala.

"B-bakit gano'n? Parang ayoko na lang malaman kung sino talaga ang killer." Feeling ko sobrang masasaktan ako kapag nalaman ko kung sino ang taong nasa likod ng puting maskara.

Tinignan ko ang mga drawer na malapit sa kama. Nilapitan ko iyon at naupo sa kama. Nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ko ba iyon, natatakot na ako sa susunod na malalaman ko.

Pero sa huli, mas pinili ko pa ring buksan iyon.

Napahagulgol ako sa mga sunod kong nakita. Sigurado na akong kwarto ito ng killer at sigurado rin akong ang mga gamit na nandito ay sa kaniya. Pero hindi ko matanggap...hindi ko matanggap na siya ang may kagagawan ng lahat. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ang mga 'yon.

Hinawakan ko ang mga pamilyar na gamit na nasa loob ng drawer. Kilalang-kilala ko ang may-ari ng mga no'n. Ang ilan pa ro'n ay mayroon din ako, lahat kaming magkakaibigan ay may gano'n.

Pero bakit siya pa? Sa lahat ng tao, bakit siya pa kaibigan pa namin?

***

Brix' POV

Nang umakyat si Demi ay pumunta naman ako sa likod ng bahay. Doon, nakita ko ang isang bodega.

I walked slowly toward the door. Gamit ang flashlight ng cellphone ko, inilawan ko ang loob ng bodega.

Pagpasok ko pa lang ay may narinig na akong boses. Bigla akong kinilabutan.

"T-tulong!"

Agad kong hinanap kung saan nanggaling ang boses. May mga nahulog pang ilang karton nang mabangga ko ang mga iyon.

Halos mapamura ako nang maaninag ang isang lalaking nakaupo sa sulok. Itinapat ko nang mabuti ang flashlight sa kaniya.

"Shit!" Doon na ako napamura nang makita ko nang maliwanag ang mukha niya. Tangina! Bakit nandito si Troy.

Nilapitan ko siya at mas lalo ko pang nakita ang mukha niya. Maga ang dalawang mata niya at halos hindi niya na maidilat. Puro pasa at dugo rin ang mukha niya.

"Troy, si Brix 'to," sabi ko sa kaniya. Tinapik-tapik ko pa siya.

"B-brix..."

"Kaya mo bang tumayo? Tara, humawak ka sa 'kin," utos ko sa kaniya pero nanatili lang siyang nakaupo sa lapag.

"Nasa'n s-si...Demi?" nahihirapang tanong niya.

"Nasa taas siya. Sino ba ang gumawa sayo nito? Nakita mo ba 'yung mukha niya?" tanong ko ulit.

Napasigaw siya bigla at napansin ko naman ang paghawak niya sa tagiliran niya. He's bleeding!

"Tara na!" Sinubukan ko siyang i-angat pero tinapik niya ang kamay ko.

"P-punta...han mo si D-demi," utos niya. "Alam n-niya na..."

"Ano?!" kunot-noong tanong ko. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

Nagulat ako nang makarinig ng isang malakas na kalabog sa taas. Shit! Si Demi!

"S-si Demi."

Tinignan ko si Troy. "Pupuntahan ko lang si Demi. Babalikan ka namin," sabi ko sa kaniya.

Tumayo ako at mabilis na lumabas sa bodega. Pumasok ulit ako sa loob ng bahay at mabilis na nagtungo sa hagdan.

"Demi! Demi!" sigaw ko. Mabigat ang paghinga ko habang papaakyat sa hagdan. Matinding takot ang nararamdaman ko ngayon. Tangina! Baka kung ano na naman mangyari kay Demi.

Ngunit napatigil ako sa pag-akyat nang makarinig ng isang malakas na sigaw, kasunod no'n ay malakas na putok ng baril.

"Demiiii!"

Tumakbo ako pataas at napansin ko agad ang kwarto sa dulo, bukas ang pinto no'n kaya doon ako dumiretso.

Bigla akong nanghina nang makita sa sahig ang baril na binigay ko kay Demi ngunit wala siya rito. Nagkalat rin ang mga litrato namin noong mga bata kami.

Kumunot ang noo ko nang makita ang mga 'yon. Nakakalat din sa sahig ang ilang gamit na pamilyar sa akin.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Hayop siya! Paano niya 'to nagawa sa amin?

---

Gwaeniii

Hi! I just wanna say thank you if you're still reading up to this chapter. We're so close to the end, and I hope you will still gonna read that part. Thank you so much for your support! Enjoy reading! :)

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status