Share

Chapter 1

"I WILL NEVER CHOOSE YOU!"

Nagising si Hades na pawis na pawis. It has been six years since he heard her voice. And ever since the unfortunate incident, gabi-gabi na lang niyang nakikita sa panaginip si Rachel.

Dalawang buwan pa lamang buhat nang makabalik siya sa Pilipinas para magpahinga. His mother didn't want him to take over the business years ago. Ang katwiran nito, may namamahala naman daw at may natatanggap silang pera. Ayaw nitong tahakin niya ang buhay na pinili ng kaniyang ama noon. Pero sinuway niya ang kaniyang ina nang sekreto siyang puntahan ng kaniyang tiyuhin sa father's side. May malaking halaga na nawawala sa bawat shipment kaya walang nababago sa halaga ng pera na natatanggap nila. Kung kaya daw ba niyang mawala na lang ang maraming taon na pinagpaguran ng kaniyang ama?

At the time, nagtatrabaho siya sa isang bangko at isa na siyang manager. Pero dahil sa pag-uusap na 'yon, nagbago ang desisyon niya sa maraming bagay. He decided to claim his birthright and take over. Business Management ang tinapos niya at nagmajor siya sa Finance.

Every month umuuwi siya ng Pilipinas hanggang sa dumalang na. The business required a lot of his time. His family is into oil smuggling at front lang nila ang shipping company.

May mga illegal depots sila sa mga port at ang mga malalaking siyudad ang siyang ginagawa nilang storage ng oil. Sobrang taas na ng presyo nito kapag ipinagbili para sa mga sasakyan.

Everything is good until he was shot. He died on the operating table— only for his heart to start pumping again. He is truly the God of the Dead. Ayaw na niyang isipin ang tungkol doon dahil naaalala lang niya ang mga maling desisyon sa buhay. He is thirty-five now pero wala pa rin siyang asawa at anak. Isang beses lang siyang umibig, pumalpak pa.

***

A month later...

He was on his way to the office when his phone rang. Nasa Maynila ang main branch ng Katharos Shipping Lines. Bilib din siya sa ama at sa dami ng pwedeng ipangalan sa negosyo ay iyon pa. It meant pure and the funny thing is there's nothing pure in their business.

"Estefan," bati niya sa pinsan nang makita ang pangalan nito sa screen ng kaniyang cellphone.

"Hey, Reina is asking if you're coming to Kade's birthday. Hindi ka kasi nagreply sa email. We sent you an invitation two weeks ago."

Right. Birthday nga pala ng bunso ng mga ito. Dalawa na ang anak ng kumag niyang pinsan at buwan lang ang pagitan ni Kade at Kendall. Minsan ay hindi niya maiwasan ang mainggit. Pareho lang naman silang illegal ang naging trabaho, kinidnap pa nito si Reina pero sila pa rin ang nagkatuluyan sa huli. Pero bakit siya? He did everything right and she still did not choose him.

"Don't tell me raincheck uli? Cash is good, but seriously man— I miss spending time with you."

Sa sinabi ng pinsan ay may ilang segundong naging emotional s'ya. They are very close growing up. Pero ganoon siguro ang tumatanda dahil iba na ang priorities. Hades laughed at naiiling na umibis ng kotse nang humimpil ito sa driveway.

"Hindi bagay sa 'yo ang magdrama. Saan ba ang party ni Kade? Ano ang gusto niyang regalo?"

Pumasok siya sa lobby ng KSL Building at tinanguan lang ang guard pati na ang babae sa front desk. Nakasunod sa kaniya ang apat niyang tauhan.

"Gusto raw niya ng bagong pinsan." Kasunod ng ilang kataga na 'yon ay ang paghagalpak ni Estefan. He missed the good old days when they would just drink, fuck women and have a good time. Papalit-palit pa sila ng babae noon at matagal na ang isang buwan.

"Gago." Hades shook his head. "Sa isla ba gaganapin?"

"Yes. Check your email. The details are there. And Hades—" Hindi nito kaagad itinuloy ang sasabihin.

"Yeah?" Gago talaga. Nagpa-suspense pa kahit pwede namang sabihin na ng diretso ang pakay.

"Don't bring a woman. We need to talk when you get here. Don't be late."

When the call ended, hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Estefan. Ano ang importanteng bagay na sasabihin nito sa kaniya? On second thought, baka may irereto lang ito sa kaniya kaya sinabi na huwag siyang magsama ng babae. Baka nagpapatulong ang kaniyang ina kay Estefan para lumagay na siya sa tahimik at iwan na ang illegal na gawain. But their business has earned more than ten times since he took over. Marami na rin siyang napabagsak na competitors nila at 'yon ang isa sa dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay.

Iyong kasabihan na hindi kailangan ng pera para maging maligaya ay isang kasinungalingan. When people have a lot of money, they can do whatever that makes them happy. Didn't Rachel choose Troy over him dahil higit itong mapera sa kaniya? At ngayon, nabaligtad na ang mundo. Higit na siyang mayaman sa Troy na 'yon.

And yet, no matter how much money he has or how many different women he fucks, Hades still yearns for the same woman.

Nang sumapit ang kaarawan ni Kade ay nagpahatid siya sa piloto gamit ang chopper. Saunigan Island is a paradise at tama ang naging desisyon ni Estefan na rito dalhin ang pamilya kapag weekend. Sa Makati ang primary residence ng mga ito at secured ang village. He is looking into buying a house there as well.

"Uncle Hades!" Kade squealed while running towards him. Wala itong sapin sa paa pero dahil pino ang buhangin ay hindi siya nag-alala. He can't help but think if his relationship did not fail years ago, ganito na rin siguro kalaki ang anak niya.

"Hey, buddy! Happy birthday!" Binuhat niya ang bata at isinampay sa balikat na parang laruan. Imbes na matakot ay lalo pa itong tumawa ng malakas. "Ang laki mo na!"

"Yes! Because I'm five! Let's eat cake. Papa's waiting for you."

Piling kaibigan at pamilya lang ang bisita pero marami rin at okupado ang lahat ng mesa. Sa hula niya ay may singkwenta katao ang narito kasama na ang mga bata. Reina gave him a hug then handed him a plate. Sinabi nitong kumain muna at huwag uminom kung may gamot pa siya.

Estefan came up to him shortly and gave him a tight hug. Dalawang tapik sa likod ang ibinigay nito sa kaniya. "I'm glad you're here. There are two people waiting for you at the study."

Kumunot ang noo niya at nawala na ang interes niya sa pagkain. He went to the study instead at pagbukas ng pinto ay nagulat siya sa dalawang tao na naroon.

It was Rachel... with a little girl who resembles his face.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status