Share

HADES KRATOS (The Black Sparrow Society)
HADES KRATOS (The Black Sparrow Society)
Author: Raven Sanz

Prologue

INCANTO BAR

When Hades first saw the woman playing the drums with such sly skill, he stared at her in shock. Love, want, confusion, fear, and happiness surged through him like waves.

"What's her name?" tanong niya kay Estefan habang nakatitig pa rin sa babae.

"Rachel Vega. She's Mia's friend."

Mia is Estefan's flavor of the month. Alam ni Mia na walang patutunguhan ang pakikipagrelasyon nito kay Estefan pero wala itong pakialam. She is out to play the field as well.

"Rachel Kratos," sambit ni Hades.

Estefan laughed. "Shake it off, Hades. Fools like us were not born to settle down."

"I just might if it's her," sagot niya sa pinsan. Lalong lumakas ang tawa ni Estefan at napailing.

"I'll get you a beer. You'll feel better afterwards."

Hindi niya pinansin si Estefan. Magpinsan sila sa mother's side at tuwing bakasyon ay umuuwi ito sa Pilipinas. Kung minsan naman ay siya ang dumadalaw sa mga ito sa Spain. Palibhasa ay halos magka-edad sila kaya madali nilang pakibagayan ang isa't isa— idagdag pa na pareho silang hindi nagseseryoso sa babae. Hindi lang niya kursunada si Leon na half-brother nito dahil para bang may lihim itong galit kay Estefan. Baka rin naman mali siya at nadadala lamang ng inis sa lalaki. May pagkapresko kasi si Leon.

The set ended and Hades walked towards Rachel. He plans to introduce himself and ask her out on a date. He will do everything right this time. Pero ang sasabihin niya ay tinangay ng hangin nang salubungin ito ng yakap ng isang lalaki. At parang sumpa, may babaeng sumulpot sa harap niya at siniil siya ng halik.

How could he forget that he asked Lauren to come meet him here? Ah, shit. Rachel definitely saw the kiss.

"Hades, sorry I'm late. Wala kasing masyadong taxi na dumaraan kaya ngayon lang ako." Napansin ni Lauren na wala ang atens'yon sa kaniya ng kausap. "Is everything okay?"

"I'm sorry to have wasted your time, Lauren. But I really need to talk to someone right now and you're in the way."

"What?" kunot noong tanong ni Lauren. She's not following what he's saying.

"It's been good but we're done now. Bye." Tinapik niya ito sa balikat na para bang magkumpare lang sila. He's not going to lie— sex with Lauren wasn't too bad. Sawa na nga lang siya kaya tinapos na niya ang lahat ngayon.

"Jerk," wika nito sa kaniya na para bang maiiyak na. Hindi na niya binigyan pa ng pansin ang babae at naglakad na palayo rito para hanapin si Rachel.

He couldn't find her anywhere and it's driving him absolutely mad. Paano kung nakikipaglampungan na pala ito roon sa lalaking kasama nito? Makapapatay yata siya ngayong gabi. Rachel is his— and Hades doesn't share. Nagpatuloy siya sa paghahanap sa babae at nalibot na yata niya ang buong bar pati mga sulok pero wala ito sa loob. He felt suffocated kaya nagpunta siya sa labas para lumanghap ng hangin. Hindi niya pwedeng sabihin na sariwa dahil polluted ang hangin sa Maynila.

Narinig niya ang isang nakahahalinang tawa at nang lumingon siya sa kaliwa ay nakita niya ang babaeng hinahanap kanina pa. She had a cigarette on her hand and a bottle of beer on the other. Kasama nito ang dalawang lalaking kabanda at 'yong isa pa na yumakap kanina.

"Rachel," tawag niya rito.

Nilingon siya nito at kaagad na kumunot ang noo. "Tinatawag mo ako?"

She did a puff at gustong gusto ni Hades kunin ang yosi nito at itapon sa kung saan. He smokes occasionally pero ayaw niya sa babaeng naninigarilyo. Talk about double standards. However, he set it aside so he can be on her good side. Kapag sila na ay saka niya pagbabawalan ito sa mga bagay na ayaw niya.

"Yes. I'm—"

"Do I know you?" Magiging permanente na yata ang gatla sa noo ni Rachel. "How did you know my name?" May pagdududa sa boses nito.

Sasabihin pa lang niya ang kaniyang pangalan ay pinutol na nito. Patience is a virtue, he told himself. Sanay siya na hindi lumalapit sa babae. It has always been the other way around but Rachel is different. Para bang wala siyang kahit anong appeal sa babae. He stands tall at 6' with a lean body. Sabi ng kaniyang ina, his face could launch a thousand ships. Adik kasi sa pagbabasa ng Greek mythology kaya pati pangalan niya ay idinamay. Sa dami ng pwedeng ipangalan sa kaniya ay Hades pa.

The God of the Dead and the King of the Underworld. Mabuti na lang talaga at bumawi siya sa hitsura. Kung kagwapuhan din lang, panis sa kaniya 'yong mga Hollywood actors.

"I'm Hades Kratos. Your friend, Mia— she's seeing my cousin."

"Your cousin is Estefan?" She arched a brow at parang mali yata na sinabi niyang pinsan niya si Escarra. Damn. Hindi pa man ay bad shot na kaagad siya. "He's playing my friend. And since you're cousins, I bet you're cut from the same cloth." She puffed once more before she dropped the cigarette butt on the pavement. Niyapakan niya 'yon para patayin ang upos at saka tumingin sa kaniya habang umiinom ng beer.

"You're basing your assumption on blood relations?" Hades has to give it to her— Rachel has that spunk. Lalo tuloy siyang na-challenge sa babae. Sa tingin niya ay nahanap na niya ang kaniyang katapat.

"Namumunga ba ng santol ang mangga?" She gave me a smirk. "If you're talking to me right now because you're hoping I'd go out on a date with you— you're wasting your time. I am not looking for a short term relationship or in your case— a good fuck. Have yourself a good night, Hades Kratos."

Ito naman ang tumapik ng dalawang beses sa balikat niya at tumalikod na. She walked away from him the same way he did to Lauren.

When he found his voice, he said, "Then let's get married right now."

What he said halted Rachel's steps at nabitawan din nito ang bote ng beer na hawak. Ngumisi si Hades. Alam niya— hindi inaasahan ng babae ang sasabihin niya. But he's serious with her— and she's going to be his wife, and the mother of his children.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jonacris Arellano
Malala din tama mo hades
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status