Share

Chapter 3: Challenge Accepted

Nakatulog na si Moira sa kanyang lamesa, dahil sa sobrang pagod at mga nakakagulat na mga pangyayari. 

Si Grant naman ay lumabas muna sa terrace at nagpahangin... Pinagmamasdan ang mga bituin sa langit, napapaisip siya kung ano ba ang plano ng Diyos sa kanila ni Moira. Nasaan na kayang lupalop ng mundo si Beverly. Naawa at sobrang nahihiya din siya sa kanyang bestfriend dahil siya ang sasalo sa resposibilidad nila bilang magulang ni baby Prince. 

Dahil medyo malamig na ang simoy ng hangin... pumasok na siya sa loob ng bahay at hinanap niya si Moira... Nakatulog na ito sa sobrang pagod, kaya kumuha na lang siya ng kumot para kumutan ito. Siya naman ay pumasok sa kwarto ng kanilang baby, Mahimbing din itong natutulog. May nakahanda na din na timplang gatas para kay baby Prince, alam niya magiging mabuting mommy si Moira. Napakaresponsable, bait nito,  kaya napakaswerte ng kanyang anak kasi mabuting tao at maasahan ang mag-aalaga sa kanya. Kinumutan din niya ang kanyang anak at tinabihan niya ito sa pagtulog, para pag umiyak mahele niya agad. Nang hindi maistorbo si Mommy Moira. Nakatulog na din agad si Grant at nahimbing siya sa pagkakatulog kaya hindi niya narinig na umiyak si baby Prince. 

Agad na man nagising si Moira sa iyak ng Baby, kaya agad siyang tumayo at pumunta sa kwarto ni Baby Prince... Nakita niya si Grant na humihilik pa at ang sarap ng tulog. Agad niyang binuhat si Baby Prince at pinadede niya ng gatas, para tumigil sa pag-iyak.

" Hi baby Prince Greg ko... ang gwapo mo talaga baby, kamukha ka po ni nanay Moi... Love na love po kita" Bulong ni Moira kay Baby Prince. at sabay kiss sa pisngi ni baby. At napangiti siya habang pinagmamasdan ang munting anghel. Kinantahan niya ito ng lullaby at nang mahimbing na ang tulog ni Baby Prince nilapag niya na ito sa crib. At nang siya ay aalis na, bigla na lang hinawakan ni Grant ang kanyang mga kamay, at bumangon ito para sila ay magkaharap at magtama ang kanilang mga mata.

" Akala ko tulog ka na... Nagising ba kita Grant?" Nakasalubong ang kilay na tanong ni Moira.

"Hindi naman, narinig ko kasi yang maganda mong boses..." Nakangiting sabi ni Grant. At pinisil niya ng bahagya ang mga palad ni Moira.

" Ehemm,... Ok ka na ba Moi... Hindi ka na ba nagdadalawang-isip na alagaan ang anak ko. Kasi ayaw ko kasi pagdating ng araw na pagsisihan mo at susumbatan mo ako" Seryosong tanong ni Grant.

" Anong pagsisihan ko?, na bigla ako naging nanay at nagkaroon ako ng anak?" Nakangiting takang tanong ni Moira kay Grant. 

" Oo... kasi, paano kung wala nang manligaw sayo kasi ang iisipin nila single mom ka... Baka pag dumating ang araw na yun bigla mo akong awayin at sumbatan... Tapos ako naman ang makokonsensiya..." Sagot ni Grant....

" Hahah... Baliw ka Gregory Grant... Blessing sa akin si baby Prince, atleast diba hindi ko na kailangan maglabor at  umere para magkaroon ng anak. At kung darating man yung lalaki na para sa akin.... hmmm, kailangan din niya tanggapin ng buo ang anak ko diba."  Pilyong ngiti ni Moira at sabay kindat sa kanyang bestfriend.

" Sabagay tama ka... marami na nga ang mas gusto ang mga single moms kasi madaming experience lalo na sa kama, eh pano yan wala ka naman experience sa s*x...?"  Pang-aasar na sabi ni Grant na napa-ngisi pa.

" Ganon ba Grant, kaya ko naman pag-aralan yun kung para naman sa lalaking mahal ko. Kaya ko din gawin ang  ginagawa ng mga babae mo... Pero hindi kasi ito nakalaan sayo..." Naniningkit na sabi ni Moira at binigyan din ng pagngisi si Grant.

" Hindi naman ako maghahabol sa mga babaeng walang experience, ayaw ko kasi na ako yung sasamba at magtatrabaho when it coms to s*x..." Pag mamayabang ni Grant.

"Okey... hahah... first kiss nga hindi ko pa naexperience, pagsamba at pagtatrabaho pa kaya sa kama." Nakangiti din na pang-aasar ni Moira .

" At yan ang mga ayaw ko, kasi walang excitement... nakakatamad at boring"  Nakatitig sa mata ni Moira at seryosong sabi ni Grant.

" Oh.. eh di okey, Hindi ko naman hinihingi opinyon mo sa mga bagay na yan. Basta ako masaya ako sa buhay ko bilang single at kahit birhen pa ako forever, kesa naman sa iba jan nagpapakasarap makipag-s*x tapos pag nagbunga na basta na lang papabayan na parang basura ang mga anak nila" Inis at pikon na sabi ni Moira.

"Woahhh... Napipikon na siya... hahah... Jowk lang naman yun Moi, nirerespeto ko naman ang bagay na yan  at desisyon mo maging ganyan diba. It's your choice..." Pagpapaliwanag ni Grant.

" Hindi naman nakababa sa pagkababae kung wala pang experience sa mga ganyang bagay diba lalo na about sa s*x. Iba kasi ang pananaw ko pagdating sa love. Hindi naman ako katulad mo kung kanino lang pumapatong... Sagrado at importante sakin yun dahil yun lang meron ako na maiaalay q sa future boyfriend at husband ko." Naiiyak na sabi ni Moira, lagi talaga ganyan si Grant inaasar siya sa pagiging no boyfriend since birth niya.

                          Tumalikod na si Moira at lumabas ng kwartong yun kasi malapit na tumulo ang kanyang mga luha. Kung alam lang ni Grant na kaya niya iniingitan yun kasi hindi niya din kaya ibigay sa ibang lalaki, siya lang ang nag-iisang lalaki na minahal at aalayan niya ng pagmamahal. Mula pa noong mga bata sila, si Grant lang ang tinitibok ng kanyang puso at magpakailan pa man. Hinawakan naman ni Grant ang braso ni Moira para iharap ito sa kanya. At tinitigan niya ito, ng seryoso at niyakap niya ito ng mahigpit.

" Sorry Moi, sasabihin ko sayo na nakakahanga ka kasi napaka-rare na ng mga babaeng katulad mo na iniingatan mo yang sarili mo para sa magpapatibok ng puso mo. Hiling ko nga ako na lang sana yun... Kaso alam ko hindi mo naman ako magugustuhan dahil gago ako..." Bulong ni Grant.

"Hindi naman basehan yun diba para bumaba ang tingin mo sakin bilang babae. May nagpapatibok na talaga ng puso ko mula pa nung bata ako, nag-iisa lang siya na nandito sa puso ko mula noon hanggang ngayun..." Seryosong sabi ni Moira.

" Alam ko kung sino yun, kaya wag mo na ako pagselosin... yung half brother ko yun. Paulit- ulit mo nang sinabi sakin yun."  Naiinis at nagseselos na sabi ni Grant at lalo pang yuamakap kay Moira. 

"Sorry... alam mo naman ako maramdamin..." Paghingi ng tawad ni Moira.

" Alam yan talaga gusto ko sayo, ikaw na nga yung nasaktan ikaw pa ang humingi ng tawad...At ito gustong-gusto ko oh... tong pisngi mo na namumula habang napipikon... hahaha" Pang-aasar habang kinukurot nito ang mga pisngi ni Moira.

"Che...! Ewan ko sayo... " Pabirong sabi ni Moira. 

Ngayon naisipi ni Moira challenge accepted talaga na lagi na pagsubok ang mga araw na parating na lagi niya makakasama ang kababata at hindi pa mainlove lalo kay Grant.  Ano pa kaya ang mga mangyayari sa mga susunod na araw at habang palaki si baby Prince paano niya kay itatago sa kanyang mga magulang. Paano niya sasabihin sa mga ito na isa siyang dalagang ina, kakayanin pa kaya niya ang mga mapanghusgang mga mata ng lipunan sa pagiging dalagang ina kahit hndi naman totoo na ina siya ng bata.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status