"Moi... huling pang-aabala ko na sayo o kung gusto mo ipaampon ko na sayo si Baby Prince, ikaw n ang magiging legal na ina niya. " Saad ni Grant.
"Bakit ganon lang kadali sayo na ipamigay ang anak mo Grant...??? Ako nga na hindi niya kadugo ay naawa sa bata... Ang sama niyo ni Beverly! " Galit na sabi ni Moira.
"Masama na kung masama... pero hindi ko hahayaan na ang batang yan ang hahadlang sa mga pangarap ko." Nakayukong sagot ni Grant sa kanyang bestfriend.
"Ano bang alam ng isang sanggol..??? Dapat nga maging inspirasyon mo po siya eh! Anak mo siya, kakampi mo siya at hindi mo kaaway ang batang yun..." Inis na paliwanag ni Moira.
"Buo na ang desisyon ko Moi... kung ayaw mo dadalhin ko na lang siya sa bahay- ampunan." Seryosong saad ni Grant.
"Hmmm aanihin mo rin balang- araw ang pagtalikod mo sa sarili mong anak. Sige pumapayag na ako na ipaampon mo sa akin ang bata para mawalan na kayo ng karapatan sa anak ko. Wala tayong bawian pag lumaki na siya. At may isa akong kondisyon bago ako pumayag na itago ang anak mo." Seryosong sabi ni Moira sa kanyang bestfriend.
"Ano yun...??? Sige gagawin ko kahit ano pa yan." Sagot ni Grant sa dalaga.
"Hindi ka mag- aasawa o magpapakasal hangga't hindi ako nag- aasawa at mag- kakapamilya." Ani ni Moira sa kanyang kondisyon.
"Moi... bakit naman ganon??? Ikaw okey lang sayo na tumandang dalaga, ako hindi okey sa akin yun." Reklamo ni Grant kay Moira.
"Hindi ako papayag na ako lang ang mag- sasakripisyo sa atin dalawa, kailangan ikaw din na ama ng bata." Mataray na saad ni Moira.
"Kalokohan yang gusto mo Moi... Ipapaampon ko na lang ang batang yan! Tapos ang problema ko." Galit na sagot ni Grant at hinampas pa ang lamesa sa sobrang inis sa kanyang bestfriend.
"Subukan mo... at ako mismo ang maglalabas sa nak mo at magpapakilala sa buong mundo. Ako lahat ang magsasabi sa daddy mo." Seryosong sabi ni Moira at tinaasan pa ng kilay ang binata.
"Moi... magbestfriend tayo diba??? Bakit kailangan ganito... Magtulungan tayo at hindi ang mag- away.." Kalmadong saad niya.
"Your not my bestfriend anymore Grant... Gaya ng paglimot mo kay baby Prince kakalimutan na kita." Madiing sagot ni Moira sa binata.
"Sige... ikaw na ang nagsabi niyan. Bahala ka na kung anong gusto mong gawin! Huling pagkikita na natin ito, sana hindi na muling mag-landas pa ang ating mga buhay." Masama ang loob na sabi ni Grant.
"Basta sumunod ka sa usapan natin wala tayong magiging problema at itatago ko ang anak mo." Seryosong sagot ni Moira.
"Ito ang cheke na nagkakahalaga ng dalawang milyon para itago mo si baby Prince. Paki- pirmahanna din ang kontrata natin." Saad ni Grant.
"Kukulangin yang dawang milyon na ibibigay mo sa sustento ng bata, hindi ako makakapag- trabaho dahil kailangan ko siyang alagaa. Maraming mawawala sa akin pag- aaral at mga pangarap ko. Sayo walang mawawala sayo at gaganda pa ang estado sa buhay." Malungkot na sabi ni Moira.
"Okey sige five milllion... okey na ba sayo??? Huwag mo na akong konsensiyahin Moi..." Malungkot na sagot ni Grant.
"Call! Mr. Gregory Grant...." Agad na sagot ni Moira at pinirmahan ang kanilang kontrata.
"Okey... tapos na ang usapan natin... Goodbye Moi." Malungkot ang boses na sagot ni Grant.
"Bye... mauuna na ako Mr. Grant." Paalam ni Moira at tumalikod na naglakad.
Si Grant ay malungkot sa kanilang pag- uusap ni Moira. Sobrang mahalaga sa kanya ang bestfriend at mahal niya ito. Pero kailangan niyang mamili, dahil kailangan walang bahid ng dumi ang kanyang pagkatao. Hindi rin niya pwedeng maging nobya ang dalaga dahil may nakatakda nang ipakasal ang kanyang mga magulang . Anak ng kasosyo nila sa negosyo kailangan niyang sumunod sa mga magulang dahil siya lang nag- iisang anak, may half brother siya si Brylle anak ito ng kanyang daddy sa ibang babae. Kaya sobra siyang insecure dahil natatakot siyang agawin ang kanyang mga mamanahin sa kanyang Daddy dahil kalaban ang turing niya sa kanyang half brother. Pinag- masdan na lamang niya si Moira na papalayo na sa restaurant. Kailangan masanay na siya na hindi tatawagan o hanapin ang dalaga, napabuntong hininga na lamang siya at napapikit dahil sobrang lungkot niya sa kanyang mga naging desisyon. Pati ang pangarap at buhay ni Moira nadamay pa niya dahil sa kapabayaan niya...
Moira's pov
Kinabukasan ay pumunta siya nang university nila para magpaalam na uuwe vna siya ng probinsiya at hindi na niya mahihintay pa ang kanilang graduation. Magna Cum Laude siya, pero kinausap siya ng principal na ibigay kay Grant iyon dahil yun ang hiling ng daddy nito na malaki ang donate sa school nila. Wala na din siyang pakialam dun. Humingi na lang siya nag pabor na isend na lamang sa kanyang e- mail ang diploma niya. Nakita niya si Grant pero iniwasan niya ito, kahit pa nakatingin ito sa kanya. Masama ang loob niya sa binata dahil halos lahat ng pangarap niya ay kinuha nito.
Nang matapos na siya pumunta sa principals office ay pumunta ay uuwe na siya dahil kasama niya si baby Prince. Kaya nang makita siya nang kanyang mga kaklase pinagkaguluhan ng mga ito si baby Prince.
"Wow ang cute naman ng baby... kaninong anak siya Moira...???" tanong ni Jenna kay Moira.
"Anak ko siya... Si baby Prince." Taas noong sagot ni Moira.
"Hahh... Paano eh hindi ka naman nanganak.!" Gulat na sabi ng kanyang mga kaklase.
"Nanganak ako naalala niyo nung hindi ako nakapasok ng one week ang dahilan ko ay trangkaso. Huwag niyo na tanungin kung sino ang ama dahil wala naman siyang kwenta." Pabirong sagot ni Moira sa kanila.
"Ikaw talaga... grabe ang pogi ng baby mo at may pa- dimple pa." Panggigil nila sa anak ni Moira.
Biglang may tumawag sa pangalan ni Moira at nilingon naman niya ito. Nagulat siya dahil si Grant pala ang tumawag sa kanya. At seryoso ang tingin nito sa kanya.
"Bakit...???" Mataray na tanong ni Moira.
"Bakit kasama mo dito si Baby Prince..???" Salubong ang kilay, na tanong ni Grant.
"Aalis kami kaagad... Nilakad ko lang mga documents ko dahil uuwe na kami bukas sa probinsiya." Sagot ni Moira.
"Uuwe ka na nang probinsiya Moira..???" Malungkot na sabi ng kanyang mga kaklase.
"Oo kailangan... kaya huling araw ko na dito sa school. "Sagot ni Moira.
"Nakakalungkot naman Moi... mamimiss ka namin." Saad ng kanyang mga kaklase at niyakap siya nang mahigpit.
"Kayo din mamiss ko kayo... mag- iingat kayo palagi." Naiiyak na sabi ni Moira.
"Ihahatid ko na kayo pauwe..." Singit na saad ni Grant.
"Huwag na Grant... Magtataxi na lang kami." Pagtanggi ni Moira at nagpaalam na sa mga kaklase niya at mabilis na naglakad palabas ng gate.
Ayaw niya na mag- usap pa sila ni Grant, gusto na niya itong iwasan. Dahil nakakaramdam siya nang lungkot at sama ng loob. Pero nasundan pa rin siya ni Grant at hinila ng binata ang kanyang braso.
"Moi... Let's talk??? And i want to hug my son for the last time. Please...?" Pagsusumamo ni Grant at tumitig sa mga mata ni Moira.
"Okey sige... nasaan ba ang kotse mo???" Sagot ni Moira.
"Nasa parking lot.... tara na, ako na ang kakarga kay baby Prince." Ani ni Grant at kinuha na si baby Prince kay Moira.
Kahit pa matagal na silang walang komunikasyon ni Moira. Ang dalaga pa rin ang tinitibok ng kanyang puso. Ayaw niyang magpakasal kay Kate, pero wala siyang magawa dahil ito ang utos ng kanyang ama. Tatanggalan siya nito ng mana at itatakwil siya bilang anak nito, wala pa siyang lakas ng loob para magtayo ng sarili niya negosyo kakailanganin pa niya ang tulong ng kanyang ama. Malungkot na pinag- masdan niya ang lugar na iyon. Hindi niya akalain na magiging matatag ang dalaga sa kabila ng mga pagsubok sa kanyang buhay. Napatitig siya sa dalagang- ina na abala sa paghahanda ng kanilang almusal, nang lumapit rito ang gwapong bata na si King Garret. " Nanay Moi... kapag nag- grade one na po ba ako.. ah pwede na po ako mag- play ng basketball with tatay. Ipapakilala niyo na po ba kami sa totoo po namin na daddy???" Inosenteng tanong ng bata sa kanyang ina.Napa- titig naman si Moira sa kanyang anak, nagiging matanong na talaga ang kanyang mga anak tungkol sa totoong ama ng mga ito. P
Dahil hapon na nang unang pumunta at dumalaw sina Brylle at Grant sa farm ni Moira. Hindi na sila nakapag- ikot at nakapili ng mga bulaklak dahil padilim na kaya naman umuwe na muna sila sa hotel kung saan ay nakacheck- in sila. Babalik na lamang sila kinabukasn ng umaga at doon na lamang nila hihintayin si Kate para personal na makita ang mga bulalak na gagamitin sa kanilang kasal ni Grant. Kinabukasan ay maaga sila gumising ni Brylle dahil gusto nilang makita ang sunrise sa farm ni Moira. Kya maaga na silang gumayak.Dumating sina Brylle at Grant sa trasient house at farm ni Moira. Mag- uumaga ng alas- otso, sinalubong sila ng mga katiwala ng dalaga. Malaki ang farm nito at maraming pananim, malaki din ang trasient house nito at malinis. Gising na din ang dalawang anak nito at tumutulong sa pag- harvest ng mga pananim. "Good morning po sir Grant at Brylle." Nakangiting pagbati ng magkapatid sa mga panauhin at binuksan ang pinto nang kanilang tahanan."Good morning boys... what a b
Nakatitig lamang si Grant kay Moira habang sila ay nagmi -meeting, sobra niyang namiss ang kanyang bestfriend at minamahal. Sobrang palaisipan din sa kanya kung anak niya ba ang batang si Garrett na pangalawang anak nito. Kung titigan ang abta ay kamukha niya talag ito. Pero mahirap din ang mag- assumed dahil may asawa na ito at nasa ibang bansa lamang at doon nagtatrabaho. Malaki na rin ang pinag- bago nito, lalo pang gumanda at nakkatakam ang katawan nito. "Nasa benguet ang flower farm ko, pwede kayong pumasyal doon kung gusto niyo. Mag- sabi lamang kayo sa akin pag pupunta na kayo para masamahan at ma- schedule ko." saad ni Moira. "Mas okey yan Moira para makadalaw din kami sa farm mo, mas maganda din kung isasama mo ang fiance mo Grant." Suhestiyon ni Brylle. "Oo.. tama nga yun Mr. Grant, para makilala din namin siya. May maliit na transient house sila Moira doon at talagang mag- eenjoy kayo at makakapag- relax." Suhestiyon ni Janessa sa kanilang mga kliyente. "Wow! Very n
Nakipag- meeting si Moira sa kanyang business partner na flowershop dahil may malaking event daw ang susuplayan nito ng mga bulaklak at nais daw sia makausap ng personal ng assistant ng kumpanyang iyon. Sa coffee shop lang niya ang meeting place nila kaya hindi na siya nag- abala pang mag - ayos. Naka- suot pa siya ng apron ng dumating ang mga ito, dahil maraming customer ang kanyang coffee shop at nakaday- off din ang iba niyang staff. Nakita niyang pumasok si Janessa na naging kaibigan at business partner niya. Florist at event coordinator ang dalaga, siya ang nag- susupply ng mga bulaklak sa mga events nito kaya sila nagkakilala. Sinalubong niya ito at binati..." Janessa... ang aga mo naman yata dumating." Pabiro niyang sabi sa kaibigan."Gusto ko kasi makita ang mga anak ko noh... na- miss ko na kasi sila." Pabiro ding sagot nito sa kanya."Tita Janessa!...." Sigaw ng dalawang cute na mga bata, sila Prince at Garret. "Hayyy... naku! Sobra ka nilang na- miss, alam mo ba na kinuli
GRANT'S POVAgad na bumiyahe pauwe si Grant pabalik ng pilipinas. Dahil utos ng kanyang daddy, hindi niya alam kung ano ang plano nito. Kaya naiinis man siya rito ay kailangan niya itong sundin, at heto na siya ngayon nasa eroplano na. Naalala niya ang kanyang bestfriend na si Moira, kamusta na kaya ito at kanyang anak na si baby Prince. Nag- asawa na kaya ito at may sarili nang pamilya... Pitong taon na rin ang nakaklipas, pero hindi na siya nagkaroon pa ng pag- kakataon na ipahanap ito dahil nasa ibang bansa siya. Nasa mansiyon na siya at sinalubong siya ng kanyang mommy at daddy."Grant anak ko... sobrang namiss ka ni mommy." Pag- lalambing na salubong ng kanyang mommy at niyakap siya ng mahigpit nito."I miss you too, mommy!" Sabik niyang sagot sa ina at yumakap rin ng mahigpit rito."Parang pumayat ka anak ko... Nakaka- kain ka ba ng maayos doon ahh, di bale nandito an si mommy. lagi kitang ipag- luluto ng mga paborito mo baby ko." Saad ng kanyang mommy at hanggang ngayo ay bab
GRANT'S POVNasa ibang bansa na si Grant at wala na din siyang naging balita pa kay Moira at sa aknyang anak na si baby Prince. Pinanindigan an siguro nito ang pagtatago sa kanyang anak. Nag- aral siyang mabuti para matapos ang kurso na pinakuha ng kanyang ama at kung gugustuhin niya ng babae ay hindi problema sa kanya, dahil kahit sa ibang bansa ay mga babae pa rin ang kusang lumalapit sa kanya. Tulad ngayon ay may kumakatok sa kanyang condo. Kaya agad niya itong pinag- buksan."Hi Grant... do you remember me." Malanding tanong ng babae sa kanya, pero hindi niya ito maalala at kilala."Hmmm... i forgot your name and can you please introduce yourself to me." Malakong sabi niya sa babae. Kaya agad naman siyang hinalikan ng babae at hinubad nito ang kanyang suot na sando. Hinalikan nito kanyang labi pababa sa kanyang leeg at nang hindi ioto nakuntento ay tinulak siya nito sa kanyang kama at pumaibabaw sa kanya at doon ito naghubad ng kanyang damit. Hinayaan lamang ni Grant na ito ang