Share

CHAPTER 4: UMPISA NG PAGSUBOK

Tinapos na ni Moira ang kanyang mga projects at reports. Last sem na nila ngayon at gagraduate na sila, habang lumilipas ang mga araw nahihirapan na din siya sa set-up nila baby Prince. Dahil bukod sa lumalaki na ang baby nila at mas malaki na din ang obligasyon nya. Isa pa sa iniisip niya na pabinyagan ito. Pero paano walang birth certificate ang bata, at kung lalakarin naman niya sino ang ilalagay niya na mga magulang. Bukas mag iisang buwan na si baby Prince balak nga nya itong handaan at konting selebrasyon. Pero itatanong niya muna kay Grant kasi ito pa rin ang tatay.  Papunta na siya sa kanilang unibersidad ng makasalubong niya si Grant at hinila siya nito papunta sa library, mukhang inumaga na ito sa pag-iinom kasama ang mga barkada nito.

"Moi... pasensiya hndi ako nakapunta sa inyo kahapon ni baby. Birthday kasi Frank at nalasing ako ng sobra" Mahabang paliwanag  ni Grant.

"Okey lang naman Gregory Grant, normal na talaga yan sayo. Hindi na ako naninibago diyan at sanay na ako sayo" Pagsusungit na sagot ni Moira.

"Ang sungit naman nito, meron ka ba Beshy..." Pagbibiro ni Grant habang nakatawa kay Moira.

"Totoo naman ang sinasabi ko, oh nga pala may itatanong ako sayo. 1 month na bukas si Prince ano balak mo o may balak ka ba na handaan ang 1 month niya?" Seryosong tanong ni Moira. 

"Bahala ka na mag- desisyon Moi... Di ba ikaw na ang mommy niya ngayun..." Pilosopong sagot ni Grant.

"Ganon ba, parang ganon lang kadali mawalan nang paki sa sariling anak ahh,..???" Inis na sabi ni Moira kay Grant.

"Hindi naman sa ganon Moi, alam mo naman na hindi ko ginusto ang batang yan eh..."  Iritableng sagot ni Grant.

" Hindi rin ginusto ng sanggol na yan na maging magulang niy kayo...! Mahiya ka naman sa mga sinasabi mo Grant hindi kayo pinilit ng baby na yan na gawin niyo siya." Inis na sagot ni Moira sa kanyang bestfriend na si Grant.

"Pwede ba pakihinaan yang boses mo di ba sekreto lang natin dapat yun... Masyado naman yata mainitin ang ulo mo Moi...?" Paasar na sabi ni Grant.

"Hmm,... huwag mo akong pinagloloko Grant wala akong maayos na tulog kagabi." Sagot ni Moira at tinalikuran na si Grant.

"Moira... Huyy... masyado naman tong mainit, pasensiya na..." Ani ni Grant habang hinahabol ang dalaga.

Patakbo nang sinundan ni Grant si Moira dahil may ipapagawa siyang project sa dalaga. Lalambingin na lamang ni Grant ang kanyang bestfriend, mukhang wala ngang maayos na tulog at napuyat sa pag-aalaga ng kanyang anak.

"Moi... Sorry na,makinig ka muna sa akin."  Pakiusap ni Grant at pigil sa braso ni Moira.

"Puro lang naman kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin Grant, hanggang ngayon ba hindi ka pa rin kumbinsido na ikaw ang ama ni baby Prince ahh.??? Asar vna muling tanong ni Moira at tinitigan nang maigi ang mga mata ng matalik na kaibigan.

"Oo hind ko pa rin tanggap pero kailangan kong tanggapin." Nakayukong sagot ni Grant .

"Kaya pasensiya ka na, huwag ka nang magalit masyado na akong  problema, Paano pa kung magagalit ka pa sa akin.???" Malungkot na sabi ni Grant at niyakap niya ang kanyang bestfriend para mabawasan ang lungkot na kanyang nararamdaman.

"Okey na... nauunawaan na kita, pero huwag mo naman siya bitawan. Pakiusap ko sayo Grant kahit na anong mangyari." Pakiusap ni Moira at naluha na lamang dahil nadala siya sa awa para kay baby Prince.

"Oo naman, kaya maraming salamat kasi nandyan ka na palaging nasa tabi ko para tulungan ako sa mga problema ko." Saad ni Grant at hnawakan ang mga kamay ni Moira.

"Sige na tama na tong kadramahan natin. Masyado akong pagod para pagiging pabebe mo, at may bago na akong baby..." Nakangiting selos ni Grant at umakbay na kay Moira.

"Sige tara na ... Libre na kita sa milktea house Matcha flavor lang katapat mo para lumamig yang ulo mo." Paglalambing na sabi ni Grant at naglakad na sila palabas ng university.

"Gusto kop din ng cheese cake, para mapawi naman ang antok at puyat ko." Paglalambing din na sagot ni Moira at nagtawanan silang dalawa. Pinisil naman ni Grant ang tungki ng ilong ni moira.

"Nang makarating na sa milktea house ay agad umorder si Grant ng kanilang pagkain at pinauna na niyang pinaupo si Moira sa kanilang lamesa. 

Habang umuorder ang binata ay may bigla nagsisigawan na kababaihan at banda yun sa pwesto ni Moira. Paglingon niya ay ang kanyang bestfriend ang nagsasalita. Nagbayad muna siya ng kanyang mga naorder at agad na tumakbo papunta sa gawi ni Moira.

"Ang kapal ng mukha mo makati ka... may girlfriend na nilalandi mo pa si Grant...!" Galit na sigaw ng babaeng kaharap ni Moira.

"Ano bang pinag- sasabi mo ahh...baka ikaw ang babaeng hitad...!" Galit na sigaw ni Moira.

"Nag-mamaangan ka pa ba huh... Oo boyfriend ko si Grant, may payakap-yakap at halik ka pa sa kanya ahh." Pagselos na sigaw ng babae kay Moira at aktong sasabunutan siya.

 " Bahala ka na sa gusto mong isipin huwag mo lang ako sasabihan na malandi dahil wala ako ginagawa sa inyo ni Grant." Mahinahon na sabi ni Moira.

Hindi na sumagot ang babae sa harap niya pero sinampal ng malakas si Moira, sa gulat ni Moira ay natumba siya. Kaya nang makatayo ay agad niya din ginantihan ng malakas na sampal at hinila ang buhok nang babae na nang-amok sa kanya.

Nagsabunutan pa sila, nang mawalan ng balanse ang babae ay agad pumaibabaw si Moira at sinapak ang babaeng kaaway niya.  Dumugo ang labi nito, kaya umawat na ang gwardiya. Nang makalapit din si Grant ay agad nilapitan si Moira at hinila niya ang kanyang bestfriend. Inawat niya ito para matulungandin na makatayo ang kanyang girlfriend.

"Tama na yan Moi..." Pakiusap ni Grant kay Moira para tumigil na sa pagkalmot sa mukha ng kanyang nobya. 

Naawat naman niya ang mga ito at tumigil na din sa pag-aaway, pero hinarap si Grant ng kanyang nobya at malakas na sinampal ang kanyang pisngi.

"Anong problema mo ahh...???" Inis tanong ni Grant.

"Kapal ng mukha mo... harap-harapan mo akong niloloko ahh Grant...???" Galit na tanong ng dalaga. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rowena Taan
Wala na tong kadugtong?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status