Share

CHAPTER 2: Decision Making!

Nasa byahe na sila Grant at Moira papunta sa bahay- amapunan na pinaka-malapit sa condo ni Grant. At parehas na silang kalmado,...  Habang nasa byahe ay pinagmamasdan ni Moira ang baby sa basket na mahimbing na natutulog at nag-smile ang baby, hindi niya maiwasan na mahabag. Pero paano naman ang sarili niyang pangarap. Pero para na din niya  pamangkin ang baby dahil anak ito ng bestfriend niya. Pwede siya kumuha ng taga alaga habang pumapasok siya sa school, tapos ititigil na muna niya ang pag extra sa pagkanta sa ktv bar. Pero naguguluhan, pa rin siya.... Ang tanging nasa isip niya paano kung mapunta sa masasaman loob o salbahe ang makakaampon sa anak ni Grant. Hindi kaya ng konsensya nya yun. Napabuntong hininga siya ng sobrang lalim.

" Oh, bakit mas parang problemado ka pa skin ahhh..." Tanong ni Grant.

"Grant seryoso ka ba talaga na ipaampon ang anak mo???... Hindi ka ba naawa sa kanya, paano kung mapunta siya sa masasamang tao at pagmalupitan siya...." Seryosong tanong ni Moira.

"Oo..., Seryoso ako at hindi ko nga sigurado kung anak ko ba talaga yang bata na yan eh. At alam mo naman na ako ang tagapag-mana ng pamilya namin... Pag may nakaalam sa mga mali kong hakbang, ibibigay ni Daddy ang parte ko sa bastardong anak niya sa labas na si Brylle. " Mahabang sagot ni Grant kay Moira.

"Pero paano kung anak mo talaga siya Grant, siguro naman matatanggap na siya nila Tito Gregor at Tita Minerva. Kasi apo naman nila ang bata." Pagkumbinsi pa rin ni Moira.

" Buo na  ang desisyon ko Moi, kung hindi kita mapapayag na mag-alaga sa batang yan. Ipapaamppon ko na lang siya para wala na makakaalam pa nitong sikreto ko. Kasi ikaw lang maasahan ko na magtago ng sikreto ko. " Seryosong sabi ni Grant kay Moira.

"Gregory Grant, wag na tayo tumuloy sa bahay- ampunan. Hindi kaya ng konsensya ko, para ko ng pamangkin ang batang yan kasi anak mo siya." Seryosong sabi ni Moira. Na naluluha kasi , hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya. Kasi malaking responsibilidad ang aakuin nya.

"Moi... Hindi mo naman kailangan magsakripisyo eh. Pwede ko naman ipaampon ang bata, tapos ang problema ko." Mariing sabi ni Grant.

"Ikaw kaya mo, pero ako hindi... Kaya ko itago ang sekreto niyo ni Beverly... Pero hindi ko kaya makita na-iiwan natin ang anak mo sa bahay-ampunan. " Sagot ni Moira.

Na-touch ng sobra si Grant sa desisyon ni Moira. Kaya niyakap niya ito ng mahigpit at h******n niya ito sa noo.

"Sorry kung lagi ka nadadamay sa mga problema ko Moi... Promise last na ito at aayusin ko na pag-aaral ko at pipilitin ko na makuha ang kumpanya ng Daddy ko. Para matulungan din kita pati na din sila nanay at tatay mo." Bulong niya kay Moira.

"Ayusin mo ang buhay mo para sa anak mo, tatay ka na at may responsibilidad ka na. Alam mo naman na lagi lang ako nasa likod mo" Seryoso na paalala ni Moira kay Grant.

"Kakayanin mo ba??? Pwede naman pag may pasok ka kukuha tayo ng taga alaga na mag-stay sa apartment mo... Sabihin mo lang kung ano mga kailangan  mo, ako na bahala mag provide." Suggestion ni Grant. 

"Siyempre kakayanin ko, kesa habang buhay ako makonsensiya...." Sagot na lang Moira.

Napatitig si Grant sa kanyang bestfriend at napangiti... Hindi talaga siya nagkamali sa pagpili ng totoong kaibigan at maasahan. Napangiti siya ng matamis kay Moira... 

"Maraming salamat at may mabait na Mommy si Baby." Masayang sagot ni Grant.

"Ano pala ipapangalan mo sa anak mo...?" Tanong ni Moira.

"Anak na natin, Remember ikaw na ang Mommy" Nang-aasar na sabi ni Grant na kumindat pa kay Moira.

"Sige na anak na natin, tayo lang naman ang nakakaalam..." Sagot ni Moira na kinilig pero hindi siya nagpahalata. Pero isa din talaga sa  dahilan na hindi niya kaya na ipaampon ang baby kasi anak ito ng taong nag-papatibok ng puso niya. Pero kaibigan lang ang turing sa kanya.

" Ikaw baka may naiisip ka na pangalan, bahala ka na... ikaw ang mommy eh" Naka-ngiti na sabi ni Grant.

"Hmmm... Prince Greg na lang, dahil siya na ang prinsepe ko mula ngayon." Masayang sabi ni Moira.

"Hayyy... Nakakaselos naman yan baby na yan..." Kunwari at inis na sabi ni Grant.

    Sabay naman silang nagtawanan, kaya umiyak ng malakas si baby.....

                               Huminto muna  sa  isang parke ang kotse ni Grant at dun muna sila ni Moira nagpahangin kasama ang kanilang baby. Natutuwa na pagmasdan si Moira habang karga nito ang kanyang anak at pinapadede nito ang sanggol. Ngayon lang nya napagmasdan nang matagal ang bestfriend nya, malaki na ang naging improvement nito mula sa pagiging probinsyanang dalaga. Maganda at maamo ang mukha nito, makurba ang katawan, morena ang kulay ng balat. Maraming nagbabalak mangligaw sa kanya, pero hinaharangan agad ni Grant. Kaya walang lumalapit kay Moira, gusto niya ang dalaga pero hindi sila pwede dahil wala pa siyang maipagmamalaki. Siguradong hahadlang ang kanyang Daddy , dahil mahirap lang pamilya nila Moira. 

                            Kaya lagi lang siya nasa tabi ng dalaga, para protektahan ito, kasama na ang pasakitin ang ulo ng kanyang bestfriend. 

"Hmm... Ano na magiging sunod natin na plano kay Baby Prince?" Seryosong tanong ni Moira kay Grant.

"Mamili tayo ng mga gamit at kung ano pa mga kailangan niya..." Sagot ni Grant.

"Sige... aabsent na lang ako ngayon araw sa klase ko para mapamili natin mga kailangan ni baby Prince."  Sang-ayon naman ni Moira.

                                         Pumunta sila sa mall na malayo sa condo ni Grant, para walang makakilala sa kanila.  Namili sila ng mga gamit ni baby Prince, at pinamilhan din siya ng mga bagong appliances ni Grant. Tulad ng aircon,refrigerator at t.v., tutal siya naman na daw ang magbabayad ng kuryente at tubig nya sa  apartment. Good for 1 month na din ang mga needs ni baby Prince.

" Magastos pala talaga magkapamilya..., hayyy ubos ang ipon  ko." Naiiling na sabi ni Grant.

"Kasalanan mo yan nag-anak ka eh." Ngiting sabi ni Moira.

"At wala na ako magagwa dun, basta para sa inyo ni baby masaya ako na mabigay ang mga pangangailangan nyo." Nakangiting sabi ni Grant kay Moira.

"Wow na wow... Daddy na Daddy... hahha..." Natatawang sabi ni Moira na may halong pang-aasar.

"Weh kinilig ka, kasi feeling Mommy ka din naman...hahah.." Pang-aaasar din ni Grant at natawa din.

                       Pagkatapos nila namili,hinatid na ni Grant sila Moira at Baby Prince sa apartment . Nag drive-tru nalang sila ng kanilang pagkain. Tinulungan niya si Moira na ayusin ang mga gamit ni Baby Prince. Inassemble nya lahat ng mga stroller, walker at crib, inayos naman ni Moira ang mga damit, feeding bottles at gamit pangligo ni Baby Prince. Mabuti na lang may extrang kwarto sa apartment niya kaya dun na nila nilagay ang mga gamit ni baby. 

                         Inayos na ni Moira ang sapin ng crib para maihiga na ng maayos si Baby Prince.Binihisan na din niya ito pra kumportable na ito sa pagtulog para makakain at makapagpahinga na din sila ni Grant.

"Ang gwapo ng anak  mo Grant, mistiso at may dimple din... walang duda ikaw nga ang tatay. Lips naman ni Beverly ang nakuha niya sa mommy niya." Sabi ni Moira habang pinagmamamasdan ang sanggol.

"Oo nga at napakamabait matulog, diba sabi mo mabait ako pag-tulog... hahha" Pagbibirong sabi ni Grant.

"Haha, baliw ka... tara na kain na tayo, para makauwe ka na din at makapagpahinga." Pag-aya ni Moira habang inaayos ang kanilang pagkain. 

"Dito na lang muna ako matutulog Moi,Pwede ba...Please... Napagod talaga ako ngayon araw. Sasamahan na din muna kita sa pag-aalaga kay Baby Prince." Pakiusap ni Grant.

"Ok sige, para tatapusin ko din muna ang mga napending ko na projects at reports ng mga kaklase natin. Alam mo naman ito ang hanap-buhay ko." Naka-ngiting sabi ni Moira kay Grant.

"Hindi ka ba napapagod Moi...? " Seryosong tanong ni Grant.

"Hindi ako pwedeng mapagod dahil may mga pangarap ako... Lalo na ngayon kasi nagkaroon ako bigla ng anak, na hindi naman ako nakatikim ng luto ng Diyos diba." Pilyang sagot ni Moira.

" Pwede bang luto na lng ng Diyos yung ibayad ko sa serbisyo mo..." Pilyong sabi din ni Grant at sabay tawa ng malakas....

" Hindi.. alam mo naman na nakalaan ang aking pinakaiingatan sa aking true love at makakasama ko habang-buhay..." Nakataas ang kilay na sagot ni Moira kay Grant at sabay ang irap.

" Hayyy... naku wala nang ganon Moi... hahahhahh, lahat ng lalaki yun ang habol sa mga babae... " Paliwanag ni Grant.

" Hindi lahat ng lalaki katulad mo Grant... At yung na lang papakaingatan ko na maibigay sa magiging future boyfriend ko. Kahit hindi ko siya makatuluyan na  asawa atlease alam ko na mahal ko. " Paliwanag din ni Moira...

"Eh paano pag naloko ka lang din, eh di wala din yang iningatan mo..." Pang-aasar ni Grant...

"Okay lang atleast mahal ko siya, bahala na siya kung iiwan niya ako. Yun na ang una at huli na susubok ako sa pag-ibig tutal naman may anak na ako di ba. Hindi na ako maghahangad ng lalaki sa buhay ko. Sakit lang sa ulo, tulad mo..." Inis at simpleng banat ni Moira kay Grant.    

" Aww... grabre naman siya oh... ang harsh mo sakin ahhh" Nakangiting sabi ni Grant.

               Tahimik na silang kumain, si Grant na ang nagligpit sa kanilang pinagkainan... Tinapos naman ni Moira ang mga napending niyang gawain. 

Para na silang magkapatid ni Grant, at mula pagkabata niya ay ito lang ang minahal niya. Pero lagi niya sinasabi na si Brylle ang kanyang ultimate crush, at half brother ito ni Grant. Pero lahat yun ay kasinungalingan. Kasi ayaw niya ng umasa pa kay Grant. Kaya hanggang ngayon hindi pa siya nagkaka-nobyo. Mas gugustuhin na Lang nya na tumandang dalaga kesa magmahal pa ng iba. Masaya na siya na palihim niya itong iibigin habang buhay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status