My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal

My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal

last updateLast Updated : 2026-10-22
By:  KeithWritesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Limang Milyon BFF, pumayag ka na please. Mas malaki yan kumpara sa mga nakaraan offer sa'yo. Makakapagbagong buhay ka na at mapapagamot mo pa ang iyong ama.” Malambing na pakiusap ni Selena sa kaibigan niyang si Nicole. Tatlong taon nang kasal si Selena kay Christopher, isang mayaman at kilalalang negosyante sa bansa. Buong akala ng lahat ay perpekto na ang kanilang pagsasama subalit may bagay na sumisira sa kanilang kaligayahan. Hindi mabigyan ng anak ni Selena si Christopher. Kaya naman nagpasya si Selena humingi ng tulong sa kanyang matalik na kaibigan, si Nicole Sevilla. Dating surrogate si Nicole. Kailangan niya ng pera upang maipagamot ang kanyang ama sa ibang bansa at makaahon sa mga problemang pinansiyal ng kanyang pamilya. Pumayag si Nicole sa kasunduan ngunit hindi alam ni Selena na matagal ng may gusto si Nicole at lihim na pag-ibig sa kanyang asawa. Sinimulan nila ang proseso kaya naman ilang beses nilang sinubukan sa pamamagitan ng natural conception, ngunit palaging nabibigo dahil palihim na umiinom ng contraceptive pills si Nicole. Ayaw pa niyang mabuntis dahil may isang dahilan pa siya na hindi alam ni Selena. Hindi nagtagal, unti-unting naging mas malapit sina Christopher at Nicole. Tuluyan nang nahulog si Christopher sa bitag nito, hanggang sa ang dapat sana’y simpleng pagtatangka para sa natural conception ay nauwi sa lihim na pagtatalik na ilang beses nilang inulit. Hindi alam ni Selena na ang babaeng pinagkatiwalaan niyang magdala ng kanyang pangarap ang siyang unti-unting magnanakaw ng kanyang asawa. At kapag nabunyag ang katotohanan, maaaring hindi lamang ang kanilang kasal ang tuluyang masira. Dahil may mga lihim ang pamilya Martinez na matagal nang nakatago kaysa sa kanilang ilang taong pagsasama. May mga pangakong binali. May mga katotohanang binili ng pera. At may isang babaeng matagal naghihintay sa pagkakataong baguhin ang kapalaran ng lahat.

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Mrs. Martinez, kinalulungkot ko po, based on your results, mababa po ang posibilidad na mabuntis kayo.”

Tahimik na nakatingin si Selena sa doktor.

“Wala na po bang ibang paraan para mabuntis ako?” mangiyak ngiyak na tanong niya.

“Mayroon mga fertility treatment na pwedeng subukan pero based sa lab results mo maliit talaga ang chances.  Pero may ibang paraan naman kung gusto niyo talaga maagkaanak.  If you are aware about Surrogacy”

Napayuko si Serena.

“Surrogacy, Dra.?”

Nadidinig niya na ang tungkol dito at may kilala din siya na gumagawa nun, subalit ayaw sana niya na ibang babae ang magdadala ng anak na pinapangarap niya.

Ngunit tatlong taon na silang kasal ni Christopher at tatlong taon na rin silang naghihintay.

Sa unang taon pa lang nilang pagsasama, nag-iisip na sila ng magiging pangalan ng kanilang magiging anak.  Sa ikalawang taon naman nagsimula silang bumili ng maliliit na gamit para sa magiging nursery Hanggang sa tumigil na sila sa pagbili ng mga iyon.

Sa mga bawat negatibong pregnancy test ay naging isang sugat na pilit niyang itinatago sa likod ng kanyang ngiti.  Hindi naman siya sinisisi ni Christopher at iyon ang lalong nagpapahirap sa kanya.  Mas gusto niya na sigawan siya, iparamdam sa kanya na wala siyang silbi dahil mas marahil ay mas madali niyang maiintindihan ang sakit.

Ngunit sa tuwing nakikita siya ng kanyang asawa na umiyak, mahigpit siyang niyayakap nito. Sa tuwing sinasabi niyang baka hindi sila magkaroon ng anak, ang asawa niya ang unang nagpapaalala na maaari pa rin silang maging masaya.

Kaya mas lalo siyang natatakot. Paano kung dumating ang araw na mapagod na si  Christopher sa paghihintay? Paano kung sa likod ng mga yakap at pangakong iyon ay mayroon din itong pangarap na hindi niya kayang tuparin?

“Pag-uusapan po muna namin ng asawa ko, Dra.,” sabi niya sa doktor.

“Of course, Selena. Hindi niyo kailangan magmadali dahil ang mahalaga ay pareho kayong handa.”

Tumango si Selena at kinuha ang kanyang handbag. Habang palabas ng klinika ay tumunog ang kanyang cellphone.  Isang mensahe mula kay Christopher.

[Love, kumusta ang checkup? Tawagan mo ako kapag tapos ka na so I can pick you up.]

Napangiti siya sa kabila ng bigat ng kanyang dibdib.

[No worries, Love.  Huwag mo na akong sunduin, pauwi nadin ako. Usap na lang tayo mamaya.]

Mabilis naman nagreply ang kanyang asawa.

[Is everything okay?]

Matagal na nakatitig si Selena sa screen bago ito nakasagot.

[Let’s talk when you get home. I love you.]

[I love you more.]

Napapikit siya.

Sana, sapat na ang pagmamahal at sana hindi niya kailangang mag-alala sa mga bagay na wala sa kanyang kontrol.

Ngunit sa araw na iyon, naisip niya ang taong kilala niya na alam niyang gumagawa ng surrogacy at dito nagsimulang mabuo sa kanyang isipan.

Ang tanging taong maaari niyang lapitan ay ang babaeng pinagkakatiwalaan niya nang higit kaninuman.

Si Nicole Sevilla.  Ang kanyang matalik na kaibigan.

“Limang Milyon, pumayag ka lang please.  Sabihin mo lang kung kulang pa, dadagdagan ko.”

Muntik nang mabitawan ni Nicole ang kanyang tasa ng kape.

Magkatapat silang nakaupo sa isang restaurant sa Makati. Dati, madalas silang magkita roon upang magkuwentuhan tungkol sa trabaho, pag-ibig, at mga simpleng problema sa buhay.

Ngunit ngayon, ibang usapan ang kanilang haharapin.

“Gusto kong mag-surrogacy,” iyon na lang naiisip kong paraan.

Huminga nang malalim si Selena.

“Gusto kong ikaw ang maging surrogate ko, Nicole.”

Tuluyan nang ibinaba ni Nicole ang tasa. Ilang segundo siyang nakatitig sa kaibigan, para bang naghihintay na matawa ito at sabihing biro lamang ang lahat.

“Nagpapatawa ka ba, Selena?”

“Hindi ako nagbibiro, seryoso ako.”

“Alam kong nakagawa ka na nito noon at alam kong naiintindihan mo kung gaano kaseryoso ang proseso. At higit sa lahat, ikaw lang ang taong pwede ko na pagkatiwalaan.”

Napayuko si Nicole.

Hindi alam ni Selena na sa sandaling iyon, may ibang naiisip na si Nicole. Isang p***o na pilit niyang sinara ng ilang taon. Dahil sa loob ng ilang taon, may isang pangalan siyang hindi kailanman nagawang burahin sa kanyang isip.

Si Christopher Martinez. Ang asawa ng kanyang matalik na kaibigan. Ang lalaking unang nagparamdam sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng magmahal nang tahimik.

Naalala pa niya ang una nilang pagkikita. Nasa isang restaurant sila noon, at ipinakilala siya ni Selena sa lalaking ilang buwan nang nililigawan nito.

“Chris, meet Nicole, my best friend.”

Ngumiti si Christopher at iniabot ang kamay.

“Nice to meet you, Nicole.”

Isang simpleng pagbati lamang iyon ngunit hindi niya alam kung bakit nanatili sa kanyang alaala ang tunog ng boses nito. Hindi niya alam kung bakit sa bawat pagkakataong nagkikita sila, mas lalo niyang gustong mapalapit dito.

Nung araw ng kasal nila Selena at Christopher, habang nakatayo siya bilang bridesmaid, pinigilan niya ang mapaluha, hindi dahil hindi siya masaya para sa kaibigan kundi dahil sa araw na iyon, tuluyan niyang tinanggap na may isang lalaking hindi niya kailanman maaaring angkinin.

At ngayon, ang kaibigan niya mismo ang kusang nag-aalok sa kanya ng pagkakataong maging bahagi ng buhay ng lalaki. Hindi bilang kaibigan at hindi din bilang bisita kundi bilang babaeng magdadala sa anak nito.

“Nicole?” tawag ni Selena.

Napakurap siya.

“Sorry. Napaisip lang ako.”

“I know this is a big decision. Hindi kita pipilitin, pero sana matulungan mo ako.”

“Bakit ako?”

Napaluha nang bahagya si Selena.

“Dahil hindi ka na iba sa akin, pamilya na ang turing namin sa’yo. Dahil kung may ibang babaeng gagawa nito, baka palagi akong mag-alala. Pero kung ikaw, alam kong iingatan mo ang magiging anak namin at Hindi mo kami lolokohin.”

Pamilya.

Ang salitang iyon ang lalong nagpabigat sa kanyang dibdib. Dahil ang babaeng tumatawag sa kanya ng pamilya ay ang babaeng maaaring niyang masaktan.

“Okay, magkano nga ulit ang offer mo?” tanong ni Nicole.

Kailangan niya din talaga ng pera dahil may mga obligasyon ang pamilya niya na hindi na niya kayang akuin nang mag-isa. Matagal na siyang nagsisikap na makabangon, ngunit bawat pagkakataong umaangat siya ay may panibagong problemang dumarating at iyon ay ang pagkakasakit naman ng kanyang ama.

“Five million pesos, pero kung kulang pa sabihin mo lang” sagot ni Selena. “Bukod pa sa lahat ng gastusin sa medical procedures, pagkain, checkups, at iba pang pangangailangan mo hanggang sa panganganak.”

Nanlaki ang mga mata ni Selena.

Limang milyon.

Sapat na upang mabayaran ang mga obligasyon ng kanyang pamilya at magkaroon ng bagong simula, mapapagamot na din niya ang kanyang ama. Ngunit ang tunay na dahilan kung bakit bumilis ang tibok ng kanyang puso ay hindi ang halaga. Kundi ang pagkakataong mapalapit kay Christopher.

“Ano naman ang mga kondisyon?” tanong niya.

Tumango si Selena.

“Pagkatapos mong manganak, siyempre ibibigay mo sa amin ang bata at lalayo ka na. Hindi kita gustong saktan, Nicole. Pero gusto kong malinaw ang lahat. Gusto kong lumaki ang anak namin na walang komplikasyon sa relasyon natin.”

Hindi agad nakasagot si Nicole.

Pagkatapos ng siyam na buwan, mawawala na naman siya sa buhay ni Christopher. Ngunit paano kung sa siyam na buwang iyon ay may magbago? Paano kung sa bawat araw na kasama niya ang lalaki ay unti-unti nitong makita ang mga bagay na hindi nito nakikita sa sarili nitong asawa?

Hindi niya dapat iniisip iyon. Ngunit hindi rin niya kayang pigilan ang pag-asang matagal nang nakatago sa kanyang puso.

“Pag-iisipan ko,” sabi niya.

Tumango si Selena.

“Take your time. Hindi kita mamadaliin, ayokong din naman magsisi ka sa desisyon mo.”

Pero nang gabing iyon, hindi na kailangang mag-isip nang matagal ni Nicole.  Alam na niya ang sagot.

Habang nakaupo siya sa kanyang silid, pinagmamasdan niya ang nakatagong picture ni Christopher sa kanyang cellphone. 

Tatanggapin na niya ang alok.  Hindi lamang dahil sa pera kundi dahil sa unang pagkakataon, magkakaroon siya ng dahilan upang manatili sa tabi ng lalaking matagal na niyang minamahal.

Hindi niya kailangang agawin si Christopher. Kailangan lamang niyang maging bahagi ng buhay nito. At kung may mangyaring hindi inaasahan, marahil ay magkakaroon din siya ng pagkakataong mahalin.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status