CHAPTER 29
THIRD PERSON’S POV
“MAGANDANG gabi, mahal na prinsesa. Ipinag-utos po sa akin na ako ang mag-asikaso ng susuotin mo sa pagsasalo mayamaya,” magalang na bati ni Celeste pagkapasok pa lamang sa silid ni Takumi. Dahan-dahang ibinaba ni Takumi ang tasa ng tsaa habang nakaharap sa salamin. Blanko ang ekspresyon na tumingin ito kay Celeste na hanggang ngayon ay naka
CHAPTER 30THIRD PERSON’S POVNAGULAT ang binatang si Tsuyu sa biglaang pagyakap sa kanya ni Celeste. Mayamaya ay nakarinig na siya ng hikbi mula rito.“U-umiiyak ka ba?” Nag-aalangan niyang hinawakan ang tuktok ng ulo nito at sinipat-sipat ang mukha kung umiiyak nga.Hindi siya magaling sa ganito. Sa pagpapatahan ng umiiyak na babae ay wala siyang ideya kung ano ang gagawin.“Huwag mo akong iyakan. Hindi pa ako patay. Nakabalik ako!” natatawang sambit niya kaya kumawala sa yakap si Celeste at pinunasan ang basang-basa nang pagmumukha.“Pambihira, ang pangit mo umiyak,” nakangiwi niyang biro rito kaya halos masapak siya ng dalaga.“Siraulo ka! Masama bang umiyak kasi buhay ka! Na-miss kitang mokong ka!” bulalas ni Celeste habang natatawa kahit umiiyak pa rin. Hindi niya
CHAPTER 31“HERA...”“Hera?”“Hera Ether Yakagami!”Pupungas-pungas na naiangat niya ang ulo matapos ang ilang minuto ng pagtulog sa gitna ng klase. Nabalik siya sa reyalidad nang makitang sa kanyang harapan ang professor niya sa History. Magkasalubong na ang kilay nito habang masama ang titig sa kanya.“Hindi ka na naman nakikinig. Ang lakas pa ng loob mo na matulog sa gitna ng diskusyon ko,” ani ng matandang guro na may pagkadismaya sa boses nito. Nakarinig siya ng hagikhikan mula sa mga kaklaseng halos lahat ay nakatingin na sa kanya.“Answer my question if you really are into my class,” masungit nitong wika.“Nababaliw na ba ang matandang ‘to? Paano ko naman sasagutin ang tanong gayong hindi nga ako nakinig at natulog lang? Ni hindi ko nga
CHAPTER 32THIRD PERSON’S POVNAGMAMADALING pumasok sa silid ng mahal na reyna si Takumi. Hindi na nito pinansin ang ilang katiwala na nagbabantay sa labas nang magbigay-galang ito sa kanya.Napalingon si Seina sa biglaang pagbukas ng pintuan at iniluwa nito si Takumi na gusto siyang makausap. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na tasa ng tsaa at napangiti nang makahulugan sa prinsesa.“Nais mo raw ako makausap. Halika at pag-usapan natin iyan,” mahinahon niyang sambit ngunit may ibig sabihin kaya lumawak ang ngisi ng dalaga at dinaluhan ang reyna sa pagkakaupo.CELESTE’S POVPAGOD na pagod akong napaupo sa malaking bato malapit rito sa may lawa. Hingal man dahil sa walang pahinga na pag-iigib ng tubig ay napangiti pa rin ako habang tinatanaw ang papalubog na a
CHAPTER 33CELESTE’S POVHUMUGOT muna ako ako ng lakas ng loob bago maglakad patungo sa silid ng reyna. Medyo malayo ito sa mismong silid kung saan naroroon kami.“Ano kaya ang dahilan at bakit ako gustong makita ng reyna?” sambit ko sa sarili habang dahan-dahan ang ginawang paglalakad. Maya’t maya kong itinataas ang laylayan ng mahaba kong damit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay sa ganitong kasuotan. Napakahaba, ang hirap maglakad!“Fudge!” Muntikan na ako matisod. Mabuti na lamang at may mabuting kamay ang biglaang napahawak sa braso ko kaya napatungo lamang ako. Agad kong iniangat ang tingin ko. Nakita ko ang unang prinsipe na seryosong nakatitig sa akin. Si Jin.“Napakalampa talaga,” naiiling nitong sambit kaya napaayos ako ng tayo.“S-salamat,” naiilang ak
CHAPTER 34THIRD PERSON’S POVNAGMAMADALING naglakad palabas si Tsuyu bitbit ang sama ng loob sa kamahalan. Habol naman siya ni Takumi. Agad nitong hinawakan ng mahigpit ang braso ng binata at pinilit iniharap sa kanya. Ngunit wala itong emosyon nang titigan siya.“Hindi kita pakakasalan. Kung iyan ang iniisip mo,” determinadong saad ng prinsipe. Kumirot ang puso ni Takumi at napahigpit ang hawak sa pulso ng binata.“Bakit? Si Hera ba ang gusto mong pakasalan?” sarkastikong tanong nito at hindi makapaniwalang tinitigan ang prinsipeng matagal na niyang gusto.“Hindi kayo pwede. Ako ‘to, Tsuyu! Ako ‘yung nandito pero bakit ang ilap mo? Tsuyu, ako ang pakasalan mo.” Tila nagsusumamo ang prinsesa. Kitang-kita ang kagustuhang makaisang-dibdib ang binata pero hindi natinag si Tsu
CHAPTER 35CELESTE’S POVBAKIT ako umiiyak? Bakit may luha?Pinahid ko ito at bumangon habang nakatitig sa pintong nakasarado. Mayamaya ay bumukas ito at nakita ko ang nag-aalalang si Mira.“Mira---” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sunggaban niya ako ng isang napakahigpit na yakap. Pagkaraa’y narinig ko ang pag-iyak niya.“Akala ko tuluyan ka nang mawawala. Nakakainis ka, Hera!” aniya sa pagitan ng pag-iyak kaya hinagod ko na lamang ang likod niya at napangiti. The thought of how sweet is this lady infront of me, reminds me of someone from the other world. It’s none other than, Patrice. My one and only girl bestfriend.“Hindi ako mawawala. Bakit naman kita iiwan?” sambit ko na lamang matapos siyang kumawala sa yakap.“May lason ang tsaa na ipinainom sa&rs
CHAPTER 36THIRD PERSON’S POV“TSUYU!” halos takpan na ng binata ang tenga dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa kanya ni Hera. Naiirita niya itong nilingon at sinamaan ng titig. Hindi gaya ng iba, ni hindi man lang ito natinag at nakipagtitigan pa sa kanya.Kakaiba talaga ang babaeng ito.“Bakit mo ba ako iniiwasan? Ikaw rin, hahanapin mo ako araw-araw kapag nawala ako,” nangongonsensyang sambit pa ni Hera kaya napaiwas ng tingin si Tsuyu.&ldq
CHAPTER 37NAPAHIGPIT ang yakap ko kay Kaisei habang nakasakay kami sa kabayo. Tinatahak namin ngayon ang daan paakyat ng Hida, ang pinakamataas na kabundukan rito sa Gokayama. Gustuhin ko mang lingunin ang hitsura ng kaharian, ay natatakot ako.Napapikit na lamang ako at yumuko.“S-sa tingin mo ayos lang sila roon?” tanong ko sa tahimik na si Kaisei.“Naroon si Jin at Itsoru para protektahan ang kaharian maging ang hari at reyna. Matitibay ang pader na humaharang sa buong palasyo. Hindi basta-basta makakapasok ang mga armadong iyon,” sagot niya na walang lingon-lingon. Napabuntong-hininga na lamang ako.Gusto ko pang magtanong nang magtanong. Kung nasaan si Tsuyu sa mga panahong ito. Kung ayos lang rin ba siya? Alam ba niyang wala na ako sa palasyo?Sa hindi inaasahan ay agad humalinghing ang kabayong sinasakyan namin. Wala kaming nagawa kundi mapaatras